Part 1
Hi, andami ko po nabasa rito na stories and medyo nakakarelate ako sa iba. So try ko naman po magshare ng experience ko here. Unforgettable to kasi this triggers my ability sa gantong field.
Nangyari to way back 2010, I was 16, medyo bago bago pa ko sa gantong experience kaya for me nakakatakot po ito matatakutin kasi ako talaga dati. Medyo mahaba to kaya part 1 muna.Member ako ng isang ministry sa church and every year nagreretreat kami. Kapag nag undergo ka na ng retreat, by next year, staff ka na. So isa ako sa naging staffs, documentary. Lahat ng sessions, camera ang hawak ko. Nasa loob ako ng session hall taking pictures ng mapansin ko may mga orbs sa mga picture na kinunan ko. pero nakakuha ng pansin ko yung picture ng speaker. Imagine nyo ung pwesto ng speaker sa pic, may board sa left side nya and he's standing right next to the board. May tatlong orbs sa pic yung isa nakapwesto sa itaas ng board, isang nasa uluhan ng speaker and yung isa nasa maselang part nya then merong apparition sa board ng matandang babae na nakaharap sa speaker. Pinakita ko yun sa mga staffs na kasama ko sa loob. One of them said, dumi lang sa cam yan. Since most of them ignored it, I brushed it off. After ko magtake ng pictures, lumabas ako ng hall, nakita ko ung mga batchmates ko na nakaupo sa hagdan sa stage, malapit sila sa dirty kitchen nakaupo and nakatingin sila don. Maya maya lumapit sakin si Tita Nelly, di nya real name. Tinanong nya ko agad if may nakita na ba kong kakaiba dun. Nun ko lang napansin na yung mga kasama nyang nakaupo e yung mga members na may third eye. Sabi ko wala. kasi nga hindi naman ako talaga nakakakita ng mga ganon. So kinwento nya agad sakin yung nakita nya, meron daw syang nakitang bata. Nakaupo daw sya dun kanina mag isa sa stage, dumaan daw yung bata sa harap nya and lumusot dun sa ilalim ng lababo. tiningnan nya daw ulit maigi, nilabas daw nung bata ung kamay nya at kinawayan sya, pinapalapit daw sya. Sabi nya, sanay naman daw sya sa ganun kaya sinabihan nya daw yung bata na kung may gusto kang sabihin, kausapin mo ko. Pero nawala daw yung bata. Tinanong ko sya kung mag stay ba sya for the night pero sabi nya hindi kasi may work sya.after nung first session na un, nag dinner na lahat and nag prep na for next session. Bawal ang phone and watch sa loob ng retreat kaya hindi alam ng members kung anong oras na. kaming mga staffs lang nakakaalam. Almost midnight na nung natapos kami, so lahat nagprepare na para matulog. Sa double deck kami ng bestfriend ko non. Ako sa taas sya sa baba. Fast forward sa next night since walang kakaibang naganap nung maghapon. Dumating ulit si tita Nelly and nagdecide na dun mag spend ng gabi. Wala na available bed sa boys dorm kaya nagdecide kami na sa Vigil room kami lahat matulog. Iniwan ko muna ung bestfriend ko sa girls dorm kasi gusto nila ko isama dun at ipakita nga kay Tita ung picture nung matanda. Sabi nya pagdating nya sinalubong daw sya nung bata na nakita nya tas tinanong nya kung kakausapin na daw ba sya nun. kaya inipon nya kami don sa Vigil para makita namin. Pito kami sa loob, Ako, Tita Nelly, kuya Nyor, ate Cel, te Jash, Bhags, Kuya Chad, di nila real name. So yung itsura ng Vigil room same ng Altar ng simbahan, may mini stage, may mesa sa gitna, may malaking cross, may 2 doors, left and right. sa right door dun ung room kung san natutulog yung heads ng staffs, and sa left another spare room parang lounge lang ganun. After ikwento ni Tita ung bata nagkwentuhan muna sila about experiences nila sa mga katatakutan, pero si Ate Cel nagdecide na matulog kasi si kuya Chad parang kwentong barbero nga lang. so pinatay nya na yung ilaw and nagsihiga na kami. Katabi ko sa left side si Bhags, then katabi nya si kuya Chad, nasa altar sina ate Jash, ate Cel at Tita Nelly sa right side ko si kuya Nyor. since hati kami sa unan. Alam nyo ba yung tulog ka pero gising diwa mo? ganun ako, may nakikita akong palakad lakad sa paanan namin, pero dko alam kung sino sa kanila. Hindi ko alam kung oras na ba nakalipas or minuto palang. Pero maya maya may naaninag akong liwanag, from cellphone, tinutok sa mukha ko tas tinawag name ko, isa isa na kami ginising. Naririnig ko si Tita Nelly nagsasalita sabi nya Nyor! Nyor! yung bata nasa gilid.. after a few sec sabi nya naman Nyorrr yung bata katabi mo na!! tas pinipilit nya gisingin si kuya Nyor. narinig ko si kuya Nyor sumagot na Stop it Nel. tas binuksan ni Tita Nelly yung ilaw kaya nagsibangon kami.Nagform kami ng circle non, saka nya lang kinuwento ung nangyari, sabi nya yung bata nagpakita na sa kanya kinausap na sya. 11 years old daw ung bata nung pinatay sya year 1963 and dun sa mismong retreat house tinapon yung katawan nya. His parents never found his body daw kaya hindi na sya nakaalis dun. Tinanong sya ni Tita Nelly kung ano gusto nya from us, he answered "Prayers" and he wants Ate Jash to lead the prayer daw. Nagulat si Ate Jash, bat daw sya, sabi ni Tita hindi nya rin daw alam kung bakit, then kaya daw nagpanic si Tita kasi gusto daw kami lahat kausapin nung bata and he wants to use kuya Nyor's body. Sasanib daw sya kay kuya Nyor. Ayaw ni Tita sumanib yung bata kasi bago daw nya kami gisingin lahat lumingon daw muna sya sa cross, yung bata raw ung nakapako dun hindi na si JC. Duda sya sa intention nung bata, though hindi nya alam kung ano gagawun nya para pinigilan yung bata, tiningnan nya daw yung mukha namin isa isa, that explains the light from tita's cp, kasi saming lahat si kuya Nyor lang daw yung walang mukha. sabi pa daw ng bata, sasanib na kooo yung tono na nanganagntyaw ganern. pinakiusapan nya daw yung bata na huwag. kaya binuksan nya daw agad ung ilaw tas ayon umalis ung bata. Then sabi ni kuya Nyor kaya daw pala ganun yung pakiramdam nya, ang gaan, feeling nya daw lumulutang sya kanina, napansin namin si kuya Nyor amputla nung labi nya akala mo may sakit, hinawakan ko pa kamay nya jusko apakalamig kala mo yelo. kaya sabi ni tita Nelly, Oo nga kasi katabi mo na yung bata kanina, pumagitna si tita Nelly samin kanina habang kinakausap nya si kuya Nyor kasi yung higa nya, may space sa unan kaya gustong gusto tumabi nung bata sa kanya. That also explains bakit siksik na siksik si kuya Nyor sakin non e malaki ung space sa kanya. After nya ikwento un, tumayo si Kuya Chad, tas bigla din syang bumagsak, nakadapa, nagpanic kami, tumakbo agad ate Cel sa right door kinatok nya ung mga heads. Lumabas si Kuya Ambo, and tiningnan ano nangyayari, kinuwento namin kay kuya Ambo ung about sa bata and sabi nya ganyan daw talaga kuya Chad pag may ganun, akala namin sinasaniban nya, pero sabi nya lang, hindi sya makahinga. In short, act lang. habang nakatingin kami kay kuya Chad, inaantay sya tapusin ung act nya, naramdaman ko na may mabilis na dumaan sa gitna namin ni kuya Nyor, and pagtingin ko kay Kuya, um-okay na yung kulay ng mukha nya yung labi nya bumabalik na sa dati, ung lamig ng kamay nya nagiging warm na rin. kaya nasabi ko sa kanya, umalis na. tas tumango sya.Hindi ko rin alam kung ano nangyari sakin that time, bigla na lang may vision sakin na yung bata un and hawak yung kamay ni kuya Nyor, pero binitawan nya rin at umalis.. kaya nasabi ko un kay kuya. Dito na lang po munaSa Part 2 na yung iba
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...