My Half Sister's Abilities (Parts 1-3)

86 7 0
                                    


Part 1

Hi, Tawagin nyo nalang ako sa nickname kong Lira. Gusto ko lang ishare yung mga kakaibang abilidad ng Half sister ko. Actually sa Province sya lumaki kasama ng Papa ko, kasi yung mama nya namatay nung ipanganak sya. Bale silang dalawa nlang ni Papa ang magkasama, habang ako naman ay sa Manila lumaki kasama ang Mommy ko. When i was 17 dinala ako ni Mommy sa province para daw matuto ako ng buhay probinsya at para maging close nadin kami ng Half sister kong si Mira (not her real name) kaya napilitan akong tumira sa Province kasama ang Half sister ko at si Papa. Mabait naman si Papa dahil nakakausap ko na sya sa cellphone noon dahil hindi pa naman uso ang videocall nung panahon nayun at wala pang magagarang gadgets, pero ni minsan ay hindi ko pa nakausap si Mira kaya naman nung makita ko sya ay medyo nagulat ako. Dahil sa isip ko pag sinabing promdi ay maitim at manang manamit, pero iba sya dahil sobrang ganda nya. Maputi, matangkad, payat at mahaba ang itim at tuwid nyang buhok na mukhang malusog, samantalang yung buhok ko ay halos naluto na sa kakakulay. She was 14years old that time 2ndyear Highschool at ako naman ay 4thyear Highschool. Nagtransfer ako sa school na pinapasukan nya kaya sabay kming pumapasok. Nakakailang syang kasama dahil agaw pansin sya, may itsura naman ako pero mas maganda sya at hindi ko ipagkakaila yun. Palagi pa syang nakangiti at mukhang mahinhin samantalang ako ay laging nakasimangot at bara bara kumilos. Palakaibigan sya at ako naman ay hindi. Pero sa kabila ng mga ngiti at pagkamahinhin nyang iyon ay may itinatago syang kakaibang abilidad. Minsan inutusan ako ni Papa na kunin yung mga kahoy na panggatong sa harap ng bahay namin at dalhin sa likod ng bahay kung nasaan ang kusina namin dahil dun din yun sinisibak ni Papa nagulat ako ng makita yung mga kahoy dahil malalaki at mahhirapan akong buhatin yun kaya naman paisa isa lang ang kaya ko at kinakaladkad ko nalang sa lupa. Nakakatatlong balik nako ng dumating si Mira bitbit ang isang malaking basket na may lamang mga manggang hinog. Nang makita nya ako ay tinulungan nya akong buhatin ang mga kahoy at laking gulat ko na tatlo tatlo ang binubuhat nya at ipinapasan nya pa sa balikat nya na para bang napakagaan lang nito. Kung tutuusin ay mas malaman ako kay Mira kaya nagtaka ako sa lakas nya pero inisip ko nalang na baka dahil sa probinsya sya lumaki kaya ganun nalang ka-easy sa kanya yun. Makalipas ang ilang araw ay inutusan nman ni Papa si Mira na manguha ng buko dahil gagawa daw si Papa ng Buko Salad kaya naman sa pagkaexcite ko ay nagprisinta akong sumama kay Mira pero nagkatinginan sila ni Papa na tila ba nag-uusap gamit ang mga mata. Tumango si Papa kay Mira bilang pagsang-ayon na pasamahin ako kaya pumasok ako sa bahay para kumuha ng sako na paglalagyan. Pagkalabas ko naabutan kong nag-uusap si Papa at Mira ng seryoso pero hindi ko nadin narinig dahil umistop din sila ng makita ako ni Mira at ngumiti sya sakin. Sa bukid sila Papa nakatira kaya medyo malayo ang mga kapitbhay, may dalawang palapag na yari lamang sa matibay na kahoy ang bahay nila papa, may tatlong silid pero mgkasama kami ni Mira sa iisang silid at magkahiwalay ng kama na pinapagitnaan lang ng bedside table, malawak din ang natatamnan nila Papa ng mga iba't ibang uri ng puno at gulay, kaya malaya kaming kumuha ng kahit ano. Masasabi kong hindi naghhrap sila Papa dahil may mga appliances din sila tulad ng ref at tv dahil may kuryente naman doon sa Baryo nila. Nang mkarating kami sa mga puno ng niyog ay nlapag ni Mira ang sako mga ilang metro lang ang layo mula sa punong aakyatin nya, ako naman ay sumunod sa knya. Nang makarating kami sa puno ay nakisuyo sya sakin na kunin ang sako, medyo nabadtrip ako kase bat kailangan nya pa iiwan sa malayo tapos ngayon ay ipapakuha din naman nya. Habang naglalakad ako pabalik sa puno ay hindi ko na makita si Mira. "Mira nasan ka?" Sigaw ko. "Andito ako Ate!" Sigaw naman nya pabalik, pagkatingala ko ay nakita kong nasa ibabaw nasya ng puno ng Niyog at pumipitas na ng buko. "Pano ka nakaakyat jan? Ang taas taas nyan ang bilis mo naman makarating jan!" Sigaw ko na naman. "Mabagal kalang talaga maglakad Ate kaya di mo naabutan ang pag-akyat ko!" Sigaw na naman nya pabalik, ipinagkibit balikat ko na lamang iyon dahil baka normal nga naman yun sa mga taga probinsya, pero kase kung titingnan ang kapatid ko ay hindi mo maiimagine na magagawa nya yung mga bagay na ginagawa nya ngayon. Pagkauwi ay sya rin ang nagbuhat ng sako at tanging dalawang buko lang ang bitbit ko. Lumipas pa ang mga araw at nagsimula na ang pasukan sa paaralan. Maraming kaibigan si Mira sa eskwela kaya maraming bumabati sa knya sa twing may madadaanan kaming kakilala nya, nagbibisekleta lang kami sa pagpasok at pag-uwi. Binilhan kami ni Mommy ng tig-isa para hindi nadaw kami mapagod sa paglalakad dahil medyo malayo.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now