NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babae... (Parts 1 & 2)

91 5 2
                                    

NoSleep Series : Ang trabaho ay panoorin ang babaeng nakakulong sa isang kwarto (Parts 1 & 2)

Part 1

Tatlong taon na ang nakalilipas noong naghahanap ako ng pwedeng trabaho sa internet ng may isang ad dun na pumukaw ng atensyon ko. Kaunti lang kasi ang nakalagay doon. Sa pagkaka alala ko, ang nakalagay lang sa ad ay "Job available. Good pay. No benefits. Discretion required." tapos may email address. Noong mga panahon na yun ay nagttrabaho ako sa isang music store, pero may mga naririning akong sabi na magsasara na daw ito sa susunod na taon. Naghahanap na ko ng pwedeng pasukan nitong mga nakaraang araw pero ito talaga yung nangibabaw sa lahat. Siguro ay bored lang ako noong mga panahong yun at kakaiba sya sa paningin.

Kaya nag send ako ng email.

Tatlumpong minuto ang lumipas, nakatanggap ako ng sagot na pumunta sa isang office building sa eksaktong oras ng binigay para daw sa aking "screening". Pumunta ako. Matapos ang ilang minuto na paghihintay sa lobby ay dinala ako sa isang office at binigyan ng mga forms at questionnaires na kailangan sagutan. Kinolekta nila yun at sinabing tatawag nalang kapag nakapasa.

Isang buwan na ang lumipas at halos nakalimutan ko na ang tungkol dun sa pag a-apply ko nang makatanggap ako ng tawag at sinabing nakapasa ako sa unang proseso. Binigyan ulit ako ng address at oras, at nung pagdating ko (sa oras na ito ay sa ibang office building ako pinapunta) , Sinalubong ako ng isang lalaki at nagpakilala itong si Mr. Solomon. Sinamahan nya ako sa isang malaking kwarto na merong isang lamesa at upuan. Sa lamesa ay may dalawang malalaki na monitors, keyboard at mouse, at ang bolted down metal box na may dalawang malalaki na buttons. Yung isa red at yung isa ay green.

Sinabi nya sakin na ang kwartong ito ay modelo ng surveillance room na gagamitin ko kung sakali mang tanggapin ko ang trabaho. Ito yung mga trabaho na sinabi nyang gagawin ko:

1. Anim na oras ang trabaho ko at meron akong seven shifts sa isang linggo. Kailangan nandoon na ako sampung minuto bago ang trabaho at papasok ako sa isang locker room na nasa labas. Magkakaroon ako ng personal na locker. Ilalagay ko doon lahat ng gamit ko at magpapalit ng uniform para sa trabaho. Hindi ako pwede magdala ng kahit na anong bagay sa loob ng surveillance room.
2. Sa loob naman ng surveillance room, ang sabi sa akin ay ang monitor sa kaliwa ay magpapakita ng live stream galing sa isang high definition camera sa isang lokasyon. Ang trabaho ko ay ang panoorin lang ang live stream. Kada oras ay gagamitin ko ang monitor sa kanan para gumawa ng brief log kung saan ilalagay ko doon kung meron mang kakaiba na mangyayari. Hindi ako pwede magdala ng lapis o ballpen pati na rin papel.
3. Ang red button ay gagamitin lang kung merong emergency na kakailanganin ang tulong galing sa labas. Ang green button naman ay pipindutin lang kung merong kakaiba o nakakamangha na nangyari. Pinaalala ni Mr. Solomon na pwede ko lang gamitin ang buttons kung importante o kailangan talaga.

Tinuro ni Mr. Solomon ang camera sa ceiling. Ang sabi nya ay ganon din daw sa totoong kwarto na gagamitin ko. Oobserbahan nila ang trabaho ko, at bukod sakin ay may ibang tao din ang nanonood ng live stream. Sabi pa nya ay isa lang akong reserba kung sakali mang may masira sa mga systems nila.

Tumango na lamang ako. Maganda ang sahod dito. Thirty-five dollars ang isang oras. Pero medyo napaisip ako na baka isa itong psych experiment o sekretong trabaho sa gobyerno, na wala namang problema sa akin.

Pero ganoong kalaking halaga para lang umupo at manood sa monitor?. Tinanong ko si Mr. Solomon kung may gagawin ba akong illegal. Tumawa lang sya at sinabing wala. Tinanong ko din kung meron bang masasaktan. Umiling ulit sya. Sinabi nya na kaya malaki ang sahod ay dahil kailangan nila ng empleyado na motivated at professional. Ang trabahong ginagawa nila ay importante at hindi ito pwedeng pag-usapan. Kung tatanggapin ko ang trabaho, kailangan ko pirmahan yung mga papel na may nakalagay na nangangako akong di ko ipagsasabi sa kahit na sino ang aking trabaho, kung hindi ay pwede akong makulong. Hindi ko lang nagawa iyon dahil sa mga nangyari.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now