NBI Classified Files: Habas (Parts 1 & 2)

45 2 0
                                    



Part 1


Hi guys. Namiss nyo ba ako? Ako miss ko kayo. Itong kwentong ito ay hindi ko karanasan, inuulit ko, hindi ko ito karanasan. Ako lang ang mag sasalaysay sa mga nangyari. Gayun pa man, ito ay kwento ng isang NBI Field Agent, na itago nalang natin sa pangalang Mike. At ang POV nya ang aking gagamitin upang mas maintindihan at mahatid ko kayo sa pinaka kwento. Simulan na natin ang istorya.Mike's POV: Ako nga pala si MICHAEL TRINIDAD ANGELES, isa akong field agent sa NBI maituturing na bagito. Ang naging takbo ng trabaho ko ay kada may krimen o pangyayari ay ako agad at ang aking team ang pinapadala kung saan saang sulok ng bansa. At dumating ang panibagong kaso na pinahawakan sa grupo ko. "Mate? Kayanin kaya natin to? Masyado na atang malayo ang pinag tatapunan satin. Kabundukan na tong bago nating assignment ah? At take note! Liblib na yung lugar na yun." sabi sakin ng kagrupo kong si Dann. "Kaya yan mate, nakaya nga natin nung pinaka una nating assignment sa Tondo. Dun pa kaya sa probinsya eh tahimik at safe tayo dun." sagot ko sa kanya. Lumipas pa ang mga araw, dumating na ang araw ng pag punta ng aming grupo sa isang malayong probinsya. Habang nasa byahe kami napag pasyahan kong matulog muna, "hindi na kayo makakalabas ng buhay dito! Itutulad ko kayo sa pamilyang mangmang! Mamamatay kayo!" sigaw sakin ng isang lalakeng may hawak na itak sa kanang kamay at isang ulo sa kaliwa nitong kamay. Akmang tatakbo at pasugod na ito sakin nang bigla akong magising sa sigaw ng kalapit ko sa sasakyan. Panaginip lang ang lahat, nakapangingilabot na tagpo at di na mawala sa isip ko buong byahe.Ang kasong iimbestigahan namin ay ang pag paslang sa isang pamilya sa isang probinsya, malagim ang sinapit ng pamilyang ito sa pagkat walang sino mang nabuhay sa mga ito. Hindi pa nadadakip ang salarin sa krimen at wala ding makapag sabi sa dahilan ng pag paslang. Nakadating kami sa lugar, mapapansin mo dito ang katahimikan at ganda ng mga tanawin. Nakakakalma ang lugar, na animoy walang krimen na naganap. "Mga Sir. mag iingat kayo, di dapat pag katiwalaan ang ganda ng lugar na ito." sabi samin ng isang lokal na kasama naming maninirahan dun ng ilang bwan. Malalayo ang kabahayan sa bawat isa, di nakakapag takang wala kaagad tulong na darating sayo kung may masamang mangyayari sa isa sa mga tahanan. Lumipas pa ang mga araw, patuloy pa din ang imbestigasyon na ginagawa namin. Ngunit kahit anong mangyari ay wala pa din kaming malinaw na dahilan kung bakit nangyari ang krimen na yun. Isa lang ang isinampal saming katotohanan ng mga panahon na yun. Hindi ito ang kauna unahang may nangyaring ganung krimen sa lugar na ito. Isa, dalawa, tatlo at higit pa sa mabibilang ng daliri sa kamay. At dito ko na narinig ang kwento ng "HABAS", kinakatakutan ang Habas sa kadahilanang wala itong pinipiling biktima. Aakalain mo itong normal na magsasaka lang sa palayan, ngunit pag natipuhan ka nitong sundan ay susunod ito hanggang sa bahay nyo. At pag sapit o pag kagat ng dilim ay tsaka nito gagawin ang pag patay o pag pugot ng ulo ng bawat tao sa loob ng bahay na yun gamit lamang ang lagi nitong dalang pang habas ng palay. Dagdag pa ang nakatatakot nitong itsura pag kagat ng dilim, puronf itim na mga mata, halos naaagnas na mukha at napaka habang dila na aabot sa kanyang dibdib. Napag alaman ko din nanamumuhay ang anyo nitong tao sa umaga sa paanan ng isang bundok malapit sa lugar na yun. "Mate, samahan mo ako bukas ng umaga sa paanan ng bundok may kakausapin tayo." pag aaya ko kay Dann. "Kilala kita mate, di lang usap ang gagawin mo. Sige sasamahan kita." pag sang ayon nito sakin. Kinaumagahan pag patak ng alas syete ng umaga ay nag tungo kami sa bahay ng sinasabing habas, naiwan naman sa tinutuluyan namin ang dalawa pa sa kasamahan namin na naka toka sa research. Pag dating namin sa lugar, nakita namin ang isang kubo. Napaka baho sa lugar na yun, tila ba ay may sinusunog na bulok na karne. Napaka lansa at tila napaka daming uwak sa paligid, "Ako ba ang hinahanap nyo mga ginoo?" sabi ng isang lalaki na bigla na lamang sumulpot sa likuran namin. Nagulat kaming dalawa ni Dann sa pag litaw ng lalaki. "Ikaw ba ang pumatay sa napakaraming inusenteng buhay sa lugar na ito?" pagalit kong tanong sa kanya."HINDI MO KILALA ANG SINISIGAWAN MO GINOO, HINDI NYO ALAM ANG IMPYERNONG PINASOK NYO."Itutuloy..

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now