Sa dilim, may nakaabang na patalim

14 1 0
                                    


•Starting Voice Record•

Itago nyo nalang po ako sa pangalang Jake. 23 years old at kasalukuyang nag-aaral sa isang malaking unibersidad dito sa Visayas. Ibabahagi ko ang istoryang hinding-hindi ko malilimutan dalawang taon ang nakalipas. Gabi nun, around 8PM Galing ako sa bahay ng kaklase ko dahil may ginawa kaming Performance Task. Nag online ako sa Messenger para tignan kung may nag m'message ba sakin. Ngunit nakita ko sa "MyDay" ng kaklase ko na si Ann na nasa Robinson's sila kasama pa nang iba kong mga kaklase. Naisip ko, masyadong boring kasi sa bahay kung uuwi ako nang maaga. Kaya naman nakapag desisyon ako na puntahan ko sila't wag munang umuwi. Nag antay ako nang masasakyang Taxi mula sa kanto na kinatatayuan ko. Ngunit masyadong Traffic dahil gabi na kaya naisipan ko na lakarin nalang ito dahil ilang metro lang naman ang layo't may mga shortcut naman akong nalalaman para mabilis na maka punta roon. Habang papasok ako sa isang maliit at madilim na eskinita may narinig ako na parang may nag sasalita sa madilim na sulok. Kaya nag dahan-dahan ako sa pag lalakad at sumilip ng konti para tignan kung ano ang nagyayari. May nakita akong apat na di kilalalang lalake at mga nasa 30-40 ang edad na pilit inaagaw ang mga kagamitan nang kawawang lalake. Kinuha sa kanya ang laptop nya, wallet at ngayon naman ang cellphone nya. "Wag kanang mag matigas kase. Akin na ang cellphone mo." Sabi nang lalakeng naka suot nang pulang cap. "Manong maawa po kayo, kailangan ko po ito dahil may mga importanteng bagay na nakalagay sa cellphone ko po manong. Para po ito sa pag aaral ko." Pagmamakaawa nang isang lalake. "Pre palampasin nalang natin yan, nakuha na natin ang pera nya't laptop nya." Sabi naman nung lalakeng kasama nya. Nag talo sila, pagkatapos ay pilit parin na inaagaw ang cellphone nito sa lalake. Kaya naman sa pikon nang lalakeng naka pula ang cap binitawan nya ito at tumalikod. "Matigas ka ah." Pagkatapos ay bumunot nang kutsilyo mula sa jacket nya at pinag sasaksak ito. Hinawakan ang biktima nang dalawang lalake sa magkabilang braso. Habang ang isa naman ay nagsisilbing look-out nila kung may paparating. Tancha ko mga sampung saksak ang itinamo nang biktima habang pinatakpan ang bibig nito upang hindi maka sigaw. Nakakapanindig balahibo talaga lalo na't naririnig mo bawat saksak nang mama sa lalake. Tumalikod ako at pagkatapos ay pumikit. Nanginginig ang tuhod ko at kinakabahan nang husto. Sa sobrang kaba halos hindi ako maka galaw at nagsitayuan ang mga balahibo ko. "Ayokong tumuloy, baka mapag tripan nila ako't masaksak rin ako." Ani ko sa sarili ko kaya nag simula akong mag lakad pabalik sa dinaanan ko. Ilang hakbang palang may sumisitsit na sakin. "Pssssssst." Sabi nang isa sa mga holdaper. Hindi ako tumingin sa likuran at nag patuloy lang ako sa pag lalakad. Nakita ko sa side mirror nang nakaparadang sasakyan sa gilid na nakasunod lang silang apat sa akin. Kaya naman binilisan ko pa ang pag lalakad ko. Sa kanto na may poste, may dalawang naka tayo doon. Narinig ko na sumipol ang isa sa mga holdaper kaya naman nag lakad ito papunta sa deriksyon ko. Kumaliwa ako at pagkatapos ay kumaripas agad ako nang takbo. Ipinasok ko ang cellphone at wallet ko sa bulsa ko pagkatapos ay itinapon ko ang sling bag ko para isipin nilang nandoon ang gamit ko. Lumingon ako't hindi nga ako nagkakamali, pinulot nga nila ngunit patuloy sa pag hahabol sa akin ang apat na lalake. Komportable ako sa suot ko lalo na't naka shorts, at running shoes ako kaya hindi nila ako mahahabol. Ang problema nga lang, madali akong hingalin. Napadaan ako sa isang supermarket na may baggage counter sa gilid at may nakatayong Guard. "Guard tulong, may humahabol sakin. Pakiusap tulungan nyo po ako!" Sabi ko sa isang Guard. "Dito bilis pasok ka." Sabi nung lalakeng na assign sa isang baggage counter. Nang makapag tago ako doon pinilit kong takpan ang bibig ko at makinig sa paligid. "Bilis bilis!" Ani nang mga holdaper na naka daan na sa pinagtataguan ko. Sumenyas ako sa isang lalake na nasa baggage counter at tinanong kung nandyan paba sila. "Sabi nya lumagpas na. Kaya naman dahan-dahan din akong sumilip sa maliit na pintuan at akmang lalabas na sana nang biglang bumalik ito. "Guard, alam kong may nakita kang lalake na tumatakbo at dito dumaan. Sabihin mo na kung ayaw mong madamay." Sabi nung lalakeng holdaper. Bumulong nang "Patay tayo.." yung lalakeng nasa baggage counter habang panay ang pag patak nang pawis ko. Sobrang lakas nang kabog sa dibdib ko. Nadagdagan pa ito nang biglang nag tanong yung Guard na. "Bakit ano bang kasalanan nun?" Pagktapos ay sinagot naman ito nang lalake at sinabi na "Binuntis nya anak ko at hindi pinanindigan." Nang marinig ko yun biglang napadilat ang mata ko at bumulong na "Tnginang holdaper ginawan mo pa ako nang storya." At tumingin sakin yung lalake sa baggage. "Nandun sa counter nag tago, puntahan nyo don." Sabi nang Guard. Nang marinig ko iyon agad na lumabas ako sa pinagtataguan ko at tumakbo agad. Kaya naman hinabol nila ako nang hinabol. Lumapag ako sa kabilang kanto at pagkatapos ay pumasok sa isang Mall. Nagtataka ang Guard sa harap ng Mall dahil hinihingal ako at pawis na pawis. "Napano ka Sir?" Tanong nito sakin. Ngunit hindi ako sumagot dahil baka ilalaglag na naman ako. Pag pasok ko nakita ko sila sa labas. Sumenyas yung leader nila nag mag hiwa-hiwalay. Tapos hinubad nila ang jacket nila at mukhang susundan nila ako sa loob. Namumukhaan ko sila kaya naman alam ko na dadaan yung iba sa exit, at sa entrance nang parking lot sa baba ng Mall. Pumasok ako doon sa may mga groceries at umastang kunwaring may binibili. Napansin ko ang isa sa kanila na papunta sakin kaya naman tumalikod ako. May nakapansin sakin na isang babae. Siguro napansin nya na pasilip-silip ako at parang takot na takot. Kaya tinanong nya kung anong nangyari sa akin. Ayokong sumagot sa kanya. Kaya siguro tinignan nya kung saan ako pasilip-silip. Napansin nya siguro yung isa sa mga lalake na humahabol sakin dahil sa kakaibang kilos nito't parang may hinahanap. Kaya naman binitawan nya ang pinamili nya at hinatak ako. "Halika sundan moko. Umasta ka na parang Jowa kita." Sabi nya sakin at pagkatapos ay inakbayan ko sya. Pawis na pawis ako kaya pinunasan nya at nag kunwaring mag jowa talaga kami. Pagkatapos ay pumasok kami sa isang clothing store at kumuha sya ng damit at cap tsaka isunukat sakin, pagkatapos ay binayaran nya agad sa counter sabay sabi na "Oh ayan mag bihis ka. Akin na number mo." Sabi nya at nag taka ako. "Bakit anong gagawin mo?" Tanong ko sa kanya. "Sge na wag na matigas ang ulo akin na." Sabi nya ulit sakin kaya naman ibinigay ko ito at pagkatapos ay may ibinigay syang headphone sakin. Nang pumasok ako sa dressing room isinoot ko agad ito. Pagkatapos ay may tumawag sa cellphone ko na unknown number. Nang sinagot ko ito yung babae pala. "Nasa labas ako. Tsaka, ano bang atraso mo sa kanila? Bat hinahanap ka nila?" Tanong nya sakin. "Mga holdaper sila, may nasaksak sila kani-kanina lang sa madilim na eskinita papuntang Robinson's Mall. Nakita kase nila akong papaalis kaya sinundan ako." Tanging naisagot ko sa babae. "Bilisan mong mag bihis dahil mukhang marami sila. Pupunta ako sa parking lot para paandarin ang sasakyan ko. Kulay blue na Picanto V****** yung plate number. Hihintayin kita roon." Sabi naman nang babae. "Eh kung sabay nalang kaya tayo!?" Sagot ko sa babae. "Wag na, mas mabuti nang mauna ako dahil baka mamukhaan nila ako't ako ang isusunod nang mga yan. Naging maingat lang ako sa sarili ko't ito lang ang maitutulong ko sayo." Sabi nang babae pagkatapos ay binaba nya ang cellphone nya. Kinakabahan na ako sa susunod na mangyayari. Ayokong mag chat sa Mama't Papa ko pati na sa mga tropa ko dahil baka mataranta sila at ayokong mag alala sila sakin. Pagkatapos kong mag bihis lumabas agad ako sa dressing room while naka headphone parin. Dere-deretcho lang ako papunta sa parking lot. Tumawag uli yung babae at sinabi na pinaandar na nya at mag s'signal lang sya ng up-down-up na ilaw. Pag labas ko naaninag ko na ang signal nang babae. Deretcho lang ako sa paglalakad nang biglang may humatak sa akin. "Wag kang sumigaw pare. Akala mo makaka takbo ka sa amin ah." Bulong ng lalake. Pagkatapos ay hinila ako sa gilid ng madilim na poste at sinaksak ako sa gilid nang dalawang beses. Tinangay ang cellphone at ang wallet ko. Nakaramdam na ako nang panghihina't unti-unti nang bumabagsak ang katawan ko. Unti-unti na ring lumalabo ang paningin ko't nabibingi na. Umalis ang lalake na para bang walang nangyari. Di nag tagal lumapit ang babae at tinignan kung okay kang ako. Ngunit sobrang rami ng dugo ang tumatagas sa gilid ko. Kaya naman hinila nya ako at isinakay sa kotse nya at pinaharurot ito. Halos wala na akong marinig sa mga pinagsasabi nya. Bumibigat na ang mga pilikmata ko. Nang maka rating kami sa isang ospital ipinasok agad ako sa emergency room at may sumalubong agad saking mga nurse at nawalan ako nang malay. Ilang araw din ang lumipas, pag gising ko nasa gilid ko ang babae at mukhang nakatulog. Malaki ang utang na loob ko sa kanya. Nang magising ang babae tinanong nya kung okay na ba ang pakiramdam ko. Tinawagan nya ang pamilya ko at agad naman itong nag punta sa ospital at kinamusta ako kung okay lang ba ako. Bumisita rin ang pamilya ng babae at nagpasalamat kami sa kanilang tulong. Makalipas ang ilang linggo nag punta kami sa presinto at inereport ito. Marami na palang naging kaso nang pang hoholdap, pananaksak at sangkot ang mga taong humahabol sakin. Simula noon, hindi na ako naglalakad nang mag isa, at hindi na ako nagpapagabi ng uwi't nag dodoble ingat na ako. Nagpapasalamat ako sa panginoon dahil hindi ko ako pinabayaan. Ang swerte ko dahil binigyan nya ako nang pangalawang pagkakataon. At higit sa lahat, binigyan nya ako ng napakabait, maalaga, maganda't napaka ma-unawaing babae na ngayo'y inaalagaan, iningatan at minahal ko ng buong-buo. Salamat din K****.

•End of Voice Record•

Sa lahat po nang readers dito sa page na to. Mag-ingat po tayong lahat lalo na't sa gabi. Dahil hindi po natin alam kung ano ang mangyayari sa atin lalo na't maraming tao na gumagawa nang kasakiman. Kung tutuusin, mas matakot tayo sa buhay keysa sa patay. Salamat sa pagbabasa.

-Hybrid

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now