Part 1
[Warning: "adult" content. Long post ahead].
Pasado alas-siete ng gabi, kumakain kaming dalawa ni papa. Walang nagsasalita at hindi kami nagkikibuan. Alam ko namang noon pa ay hindi talaga kami close ni papa, pero iba ang sitwasyon ngayon. Tila nakisabay pa ang malamlam na ilaw ng dining area sa nakabibinging katahimikan ng atmospera sa paligid. Sinulyapan ko si papa na nakatulala habang patuloy sa pagkain. Tuloy-tuloy lang sya sa pagsubo kahit mabulunan dahil hindi nya na halos nginunguya ang pagkain. "pa!" pagsaway ko sakanya pero tila walang s'yang narinig."kasalanan kong lahat ng 'to. Kasalanan ko, kasalanan ko" balisang sambit ni papa."tama na yan! Wala kang kasalanan. 'Di mo kelangan magsisi sa nangyare" malamig na sagot ko. Akmang bubuka ulit ang bibig ko para sana sa isa pang salita na bibitawan ko, ngunit hindi ko na ito naituloy. Napatingin ako kay sa gawing likod ni papa. May babaeng lumalakad papalapit sa likuran nya. Hindi makita ang kanyang mukha dahil natatabunan ito ng mahaba at basa nyang buhok. Basa rin ang kanyang damit kaya pumapatak mula roon ang tubig sa sahig namin. Dahan-dahan ang bawat nyang paghakbang papalapit, at nang magawi ang aking mata sa kanyang paanan ay hindi ito lumalapat sa sahig. Hindi ito ang unang beses na nakita ko ang babaeng yun. "Reign?" pagtawag ni papa sa akin nang mapansin ang pagtitig ko sa likuran nya. Tumitig sakin si papa, pagkatapos ay mabilis na lumingon sakanyang likuran, sabay baling ulit sa akin na tila hindi nakita ang nakikita ko. Biglang napatayo si papa na parang gulat na gulat kaya napatingin ako sakanya. At sa isang iglap ay nawala sa paningin ko ang babae.Dahan-dahang umatras si papa na parang takot na takot."TUMIGIL KANA!" pagalit nyang sigaw sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit ganoon ang turan nya sa akin. Takot na takot si papa na umalis sa harap ko at iniwan akong mag-isa sa mesa. Pumasok sya sa kwarto at nagmamadaling isinara ang pinto. Mag-iisang linggo na mula nang may maganap sa bahay na ito, at ilang araw naring nagpaparamdam sa akin ang babae na yun. Habang si papa ay nagiging balisa sa bawat paglipas ng araw.—Pasado alas onse na ng gabi, hindi ako makatulog dahil nag-ooverthinking nanaman ako as usual. Nakahiga ako ng tuwid habang nakatabon ang kanang braso sa aking mukha. Dinadama ko ang malakas na tugtog mula sa nakapasak na earphone sa aking tenga. Wala akong ibang naririnig sa paligid kundi musika, hanggang sa maramdaman kong unti-unting humina ang volume ng aking pinakikinggan. Sa una'y binalewala ko lang ito at nilakasan ulit ang volume. Ngunit sa pangalwang pagkakataon ay namatay na ng tuluyan ang tugtog. Dali-dali kong binuksan ang phone ko, hindi naman ito low-batt at lalong hindi naman sira ang earphone ko. Naging abala ako sa pagkalikot ng phone, at maya-maya pa'y naramdaman ko nanamang hindi ako nag-iisa sa aking kwarto. Lumubog ang kutson sa bandang paanan ko, palatandaan na may mabigat na bagay o may taong umupo roon. Nakapatay ang ilaw sa kwarto ko dahil dito ako nasanay. Nakiramdam akong mabuti, ayokong gumalaw sa aking pwesto pero gusto kong tingnan ang nasa paanan ko. Gamit ang liwanag ng phone ay itinapat ko ito sa gawing yun, agad nagtayuan ang balahibo ko. Hindi ako nagkamali, naroon sya. Nakaupo ang babaeng yun habang nakatalikod sa akin. Naririnig ko ang kanyang malalim na paghinga. Maya-maya'y mas naging mas mabilis ang paghahabol nya rito, hanggang sa humarap ito sa akin at sinunggaban ako. Sinakal nya ako.Ramdam na ramdam ko ang higpit ng pagkakahawak nya sa aking leeg kaya halos mapatid ang aking hininga. Bumukas ang pinto kasabay ng pagbukas ng ilaw, laking gulat ko nang bumungad roon ang mga nakaunipormeng tao at nakatutok sa gawi ko ang hawak nilang baril. Naging mahirap para sa akin na paniwalaan ang mga nangyare. Dahan-dahang lumuwag ang pagkakasakal sa leeg ko, itinaas ni papa ang dalawa nyang kamay na agad pinosasan ng mga pulis. Si papa. Paanong si papa ang sumasakal sa akin? —Nandito kami ngayon sa presinto, dinakip at ikinulong nila si papa dahil sa mga nakalap na ebidensya. Ako nama'y ini-interview ng mga pulis tungkol sa nangyare, pati narin ang naganap kanina na kahit ako'y naguluhan rin kung paano nakapasok si papa sa kwarto ko at bakit nya ako sinasakal. —Matapos ang imbestigasyon ay nahatulan ng habang-buhay na pagkakabilanggo ang papa ko, dahil inako at inamin nyang kasalanan nya ang lahat.—Matapos noon ay natuto akong tumayo sa sarili kong mga paa dahil kinalimutan na ako ng aking ina at nakapiit na sa kulungan ang aking ama. Mag-isa nalang ako sa buhay, pero hindi ako nag-iisa sa aming bahay. Kasama ko parin ang multo ng babaeng yun. Hindi sya matatahimik aniya, ngunit hindi ako natatakot. I've struggled for many years hanggang makatapos at makahanap ako ng trabaho sa ibang bansa. I will not mention my job and the exact place kung saan ako nagtatrabaho ngayon, but it is somewhere in Europe.Naguguluhan na ba kayo? Hayaan nyo'ng ipaliwanag ko. Years ago bago makulong ang papa ko, here's the flashback of what happened.I was 16 nang maghiwalay sina mama at papa. May ibang family ang mama ko. Galit ako kay papa pero mas kinamumuhian ko si mama. Kaya kahit alam kong mahihirapan ako'y pinili kong kay papa sumama. Tumira kami sa iisang bubong kasama ng bago nyang asawa na si Ferida.35 years old na ang papa ko, samantalang ang babaeng ito'y nasa 25 pa lamang. Maganda ang kanyang mukha pati narin ang hubog ng kanyang katawang tila isang sikat na modelo. Madalas kaming pagkamalang magkapatid dahil sa totoo lang ay mas dalaga pa syang tingnan kaysa sa akin. To be honest, I really hate her. Hindi ko sya tinatawag na "mama". For almost 1 year magkakasama kaming tatlo nila papa sa bahay, but I never and will never find my home sa pamilyang ito. Hindi ako masaya, dahil malayo naman talaga ang loob ko kay papa. Nakikisama lang ako.We eat together sa iisang hapag pero pakiramdam ko'y ang layo-layo ko sakanila. Around 6pm, umuwi ako from school. Medyo basa ang aking uniporme dahil malakas ang ulan. Nagmadali akong lumakad papuntang kwarto para magbihis pero natigilan ako nang matapat sa kwarto nila papa. Nakaramdam ako ng inis dahil sa narinig kong mga halinghing. "Hindi ba nila magawang gawin yun ng tahimik lang?" Asar na sabi ko nalang sa isip ko. Dumerecho na ako sa aking kwarto na kalapit lang din ng silid na yun. At dahil nga iisa lamang ang pader ng dalawang kwarto ay rinig ko parin ang mga ingay na sa iba ay tila musika, ngunit para sa aki'y nakaririmarim.Hindi pa ako tapos magbihis ay mas naging maingay sa silid na tila ba wala ng katapusan ang ligayang kanilang pinagsasaluhan. Gusto ko ng sumigaw para sawayin ang kanilang kababuyan ngunit pinipili kong manahimik nalamang. Nakasusuklam pakinggan ang matinis na boses ni Ferida na tila sarap na sarap dahil may melodiya ang bawat ingay na binibitawan nya. Nakadidiring pakinggan ang mga tunog ng kanilang pagpapalitang laway na animo'y humihigop ng mainit na sabaw. Matapos ko magbihis ay humiga ako para umidlip, ikinabit ko ang aking earphone at inilagay sa full volume ang music. Nang hindi ko na marinig ang ginagawa nilang ritwal na tila mga hayok na hayok sa kamunduhan. Nagising ako bandang 7pm at lumabas ng kwarto, nakita kong nagluluto si Ferida at nanlaki ang mga mata nya nang makita ako. "nakauwi kana pala?" tila kinakabahan nyang tanong. "kanina pa" maikli kong sagot. Biglang may kumatok sa pinto at sabay kaming napalingon. Nagtungo ako roon at laking gulat ko nang makita si papa. "kauuwi mo lang ba?" tanong ko kay papa na ikinakunot ng noo nya, bigla kong naalala na ito pala ang talagang oras ng uwi nya mula sa trabaho.Natigilan ako sa pinto, pumasok si papa at sinalubong si Ferida ng yakap at halik. Nilingon ako ni Ferida na tila nang-aasar pa, dahil alam nyang kung sakali mang magsumbong ako kay papa ay 'di rin ito sa akin maniniwala. Nabuo ang patong-patong na pagkasuklam ko sa babaeng yun. Niloloko nya ang papa ko.—Nanatiling sarado ang bibig ko kahit malinaw na sa aking nagtataksil si Ferida kay papa. Ngunit talagang sisingaw ang anumang baho, kahit pilit pa itong itago. Si papa na mismo ang nakaalam sa mga panloloko sakanya ni Ferida. —Sa ngayon ay wala na si papa, dahil bago pa ako makagraduate ay namatay na ito sa kulungan, inatake raw sa puso. Pero hindi rito nagtatapos ang kwento. Dahil may isang tao pa akong hinahanap, may isang bagay pa akong gustong maganap. I will never stop haunting you, that guy na kasamang nagtaksil ni Ferida sa papa ko. I was once a murderer so I knew it, magagawa ko rin yun sa'yo.Dahil hindi si papa ang tunay na pumatay kay Ferida, kundi ako.—THIS STORY WAS ONLY SHARED TO MEBY A PERSON THAT IS NEITHER MY FRIEND NOR MY ENEMY.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...