Hi mga ka-spookifyyyy! Ako nanaman to, si KillerNurse. Natutuwa po ako dahil mas marami ang mga nakakaappreciate ng mga stories ko, kesa sa mga basher HAHAHAHAHA. Thank you po sa mga sumusuporta at nag aabang ng mga kwento ko. Thank you rin sa mga basher, kasi nag aksaya kayo ng mga oras niyo para, basahin at magcomment ng di maganda sa story HAHAHAHA. Naappreciate ko den eooon.May nagtatanong padin kung babae ba talaga ako, opo babae po ako. Tsaka wala naman pong masama sa pangalan kong Blake, dahil meron din namang mga lalaki na pang babae ang pangalan at meron ding tulad ko na, babae pero panglalaki ang pangalan.Medyo mahaba nanaman po ulit itong ikukwento ko, syempre lagi naman mahaba kwento ko, hehe. So eto na nga.Last subject na namin yun, 5:40 pm na at dapat hanggang 6pm lang yung klase namin, dahil ber months na non, at mas mabilis ng gumabi. Kahit alas sais palang, ay madilim na at mukhang gabing gabi na. As usual, boring nanaman yung klase, Biochemistry ang subject namin non at wala akong maintindihan, nakakatawa pa tong mga nagrereport. Tapos tinutulungan nalang sila ni Maam, na mag explain. Kaso, ang bilis naman magsalita ni Maam, kaya diko parin maintindihan. Awit Edi nakatingin lang ako sakanya, para kunyare nakikinig. Ang ipinagbabawal na teknik. After niya mag rap, nagbigay siya ng 10minutes break para makapag raw review kami, kasi mag-lolong quiz kami about sa lahat ng mga nireport nila. Wtf! May nagreport ba? Char. Edi ako naman tong antok na antok na, kahit anong basa ko sa hand out, talagang walang pumapasok sa isip ko. "Arooo joskooo" sabay buntong hininga ko. "Karakal darin makamurit! (Ang dami nyan, nakakabaliw! Yan po ang ibig sabihin sa tagalog, nung kapampangan na sinabi niya)" reklamo nung katabi ko atsaka binato yung mga hand outs sa sink, thank God at hindi ako nag iisang babagsak. Sabi ko sa isip ko, at napangiti sakanya.Dahil parehas naman kami ng nararamdaman, edi nagkwentuhan nalang kami, kagaleng debaaaaa. Habang nagkwekwentuhan kami, ay may naririnig akong, alam niyo yung machine sa hospital, heart rate monitor po tawag dun, na pag patay na yung pasyente, tas pag nag straight na yung line, tutunog ng matining na TIIIIIIIIIT, ganon yung naririnig ko. Ang sakit sa tenga, dahil napakatinis ng tunog nito. Tapos parang may dumadaan pa sa likod ko, pero pagtingin ko, wala naman dahil busy ang lahat sa pagrereview, maliban saamin. Kaya di nako nakikinig sa mga kwinekwento niya, at nakatingin nalang ako sakanya, habang nakikita ko yung bibig niya na walang tigil sa pagkukwento. Maya maya, dumating na si Maam at magquiquiz na daw kami, huminto narin yung masakit sa tenga na tunog, na naririnig ko kanina. Inayos ni Maam yung upuan at pinaghiwa-hiwalay yung magkakaibigan, grabe talaga tong prof nato, jusqqqq talagang babagsak ako neto, one seat apart na nga tapos, dimo pa close yung katabi mo hauf! Habang inaayos ni Maam yung upuan, may naririnig nanaman ako, pero hindi na yung maingay na tunog, kundi umiiyak. Tinignan ko lahat ng mga tao sa laboratory (dito kami nagroroom pag major subjects or experiments) kung may umiiyak ba, pero wala naman. Kaya sabi ko, baka sa kabilang laboratory lang yung naririnig ko. Ayun na nga, nagsimula na ang digmaan at tanging stock knowledge, na ayaw ng lumabas ang tangi kong sandata. 5:55 pm na non at mag-oover time ata kami, kasi may mga nagreport pa kanina at tinapos lahat ng reporters, ngayong araw. Tapos, kaming college nalang ang natira sa building, kasi nagsi-uwian na yung mga kinder hanggang senior high. Hindi rin namin nahalatang madilim na, dahil nakasarado lahat ng kurtina sa mga bintana at maliwanag naman ang ilaw sa loob ng laboratory.Tahimik na ang paligid, nung magsimula na si maam basahin yung unang tanong. Kaya rinig na rinig yung pagkakabulol ni Maam, habang nagbabasa at tumawa naman yung mga siraulo kong kaklase, syempre papahuli ba ako, e siraulo din ako. Nagtawanan yung buong klase, pero napansin ko na parang nainis saamin si Maam, dahil sobrang nakasimangot na yung mukha niya. Tinuloy parin ni Maam yung pagbabasa ng questions, kahit mukang naiinis na siya saamin, pati ako non nainis rin, kasi wala akong masagot, actually, meron naman kaso diko sure kung tama. "Sino ba yang nag ha-humming na yan? Kanina pa yan!" Walang umiimik saamin dahil di rin namin alam kung sino yon. "Hindi ka talaga titigil? Dadagdagan ko tong quiz niyo!" Galit na galit, ux2ng manakit na sabi ni maam. Kaya nagtinginan nalang kaming lahat, kung sino ba yung tinutukoy ni Maam, kasi wala naman akong naririnig na nag ha-hum at pati yung mga kaklase ko ay mukang nagtataka sa sinabi ni maam. "Hoy! Kung sino man yon, tumahimik kana, para di tayo lalong bumagsak!" Saway ng president namin. Habang nagsasagot kami, sumigaw nanaman ulit si maam "Hoy! Sino ba yon! Kanina ka pa, ang ingay ingay mo nag quiquiz kayo!" Nagtitinginan parin kaming lahat, dahil hindi lang pala ako yung walang naririnig na nagha-hum kundi, lahat pala kami, maliban kay maam. Gusto kong isipin na nababaliw na si Maam, pero hindi ko naman alam ang dahilan niya. Dahil, kahit ako minsan ay may mga naririnig na, hindi naririnig ng iba."Maam, wala naman pong nagha-humming, wala rin po kaming naririnig" pagpapaliwanag ng president namin. Number 4 na, pautal utal na nagbabasa si Maam, ewan namin kung nabibilaukan ba siya sa sarili niyang laway o ano, ngumisi nalang kami, kasi baka hambalusin na niya kame pag tumawa pa kami ulit ng may sound. "BSN, bilisan nalang natin yung quiz, dahil mag gagabi na, 1-10 nalang muna, bukas na kayo mag long quiz" sabi ni Maam.Ayun! tuwang tuwa ang mga dimunyu, kasi bukod sa wala na kaming masagot e, makakauwi na kami. Nakakatakot kasi tong itsura ng building pag gabi.Number 6 na, ng marinig ko nanaman ulit yung umiiyak. Sobrang lakas nito at masakit sa tenga. Nakakarindi, dahilan para lalo akong hindi makapagfocus, at halos hindi ko na marinig ang sinasabi ni Maam. Tapos, napalingon ako bigla sa likod ko, dahil naramdaman ko nanaman, na parang may dumadaan. Imposibleng may tatayo para lumalakad lakad, dahil nga nagquiquiz kami. Hindi rin naman yun ang bantay ko, dahil iba yung presence niya (naikwento ko na rin po dito sa spookify, yung about sa bantay ko). Bigla ring lumamig ang paligid, pero naisip kong nakabukas kasi yung dalawang aircon at may walong ceiling fan pa na umaandar, baka kaya malamig. (Opo, dalawa po aircon at walo yung ceiling fan, pero mukhang yun pa ata yung gamit nila lola ko, nung nag aaral sila dito, kaya di po sobrang lamig kahit nakasindi lahat, saktong lamig lang)Sabi ko pa sa isip ko "Hay ano ba yan! College na, iyakin paden" diko nalang pinansin yun at pinilit magfocus sa quiz. Number 9 na at buti naman tumigil na yung iyakin sa kabilang lab. Nung matapos yung quiz, mga mukang nakabangon sa pagkakalugi yung mga mukha namen at ang bibilis magsuot ng bag, halatang taeng tae nang umuwi. "BSN bago kayo umuwi, may gusto lang akong sabihin sainyo" sabi ni maam. Kaya agad kaming bumalik sa mga upuan namin. "Alam niyo ba kung bakit ako nabubulol at nauutal kanina?" Tanong ni maam. "Oo nga po Maam, bakit po ba?" Tanong nung isa naming kaklase. "Kasi kanina, habang binabasa ko yung questions. Actually, kanina pa yun habang nagrereport kayo, kaya binibilisan ko nang magsalita, kasi may naririnig akong naghahumming, kaya nga nagalit ako sainyo kanina diba? Kasi akala ko ikaw yon Mac (yung pinakamagulo sa klase) pero sabi niyo walang nagha-humming. Sobrang ingay kasi at ang sakit sa tenga, kaya akala ko nambubwisit lang, tapos tinitignan ko rin naman kayo, wala rin naman ngang nagha-hum. Kaya kinikilabutan nako at diko na masabi ng maayos yung mga tanong, hanggang ngayon nga, kinikilabutan parin ako" pagpapaliwanag ni Maam.After magkwento ni Maam, ay biglang may umalingasaw na mabahong amoy sa buong laboratory. Amoy bulok at napakasangsang nito. Naalala ko tuloy yung napanaginipan ko sa retreat house (nakwento na po dito yun sa spookify), dahil ganito rin yung amoy nung mga bangkay doon sa abandonadong building.Nagbiruan pa yung iba, na umutot raw yung katabi nila. Pero hindi lang ito basta amoy ng utot. Parang 10x baho sa amoy ng patay na daga. Halos maduwal duwal pa kami at madiin na tinatakpan ang aming mga ilong.Sa sobrang baho nito, ay parang nalalasahan mo na din, pag pumapasok yung amoy sa bibig mo. Natakot kaming lahat at nagkagulo na sa lab, gustong gusto ko ng tumakbo palabas at umuwi. Lahat kami sa lab ay nakasiksik na sa mga katabi, dahil natatakot na kami sa kwinento ni Maam at naririnig ko nanaman ulit yung umiiyak, this time, sobrang lakas na ng iyak niya at masakit na sa tenga.Hindi ko na tuloy malaman kung, yung tenga ba o ilong ang tatakpan ko. Dahil sa mabahong nakakasulasok na amoy at yung nakakarinding tunog ng umiiyak. Tapos, nararamdaman ko nanaman ulit, na parang may dumadaan sa likod ko, pero pag nililingon ko ay, wala naman. Dahil nakaupo yung mga kaklase ko at pilit na isinisiksik yung mga sarili, sa mga katabi nila dahil sa takot."Kaya bukas nalang kayo mag lolong quiz kasi habang tumatagal, palakas ng palakas yung hum niya. Hanggang ngayon, naririnig ko siya and nagiging iyak na yung humming niya, feeling ko andito lang siya sa may tenga ko" dagdag ni Maam. Sa isip ko "sht, naririnig din ni Maam yung umiiyak, iisa lang kaya ang naririnig namin? Pero bakit diko naririnig yung nagha-humming?" Kaya lalo kaming natakot at gustong gusto nang umuwi. "Ayusin niyo yung mga upuan, alisin ang mga kalat sa sink, turn off the lights and aircon at paki sarado yung laboratory, Good day" at dali dali ng lumabas si Maam ng lab. Pagkaalis na pagkaalis ni Maam, ay biglang nagpatay sindi ang mga ilaw sa laboratory.Nagsigawan pa yung ibang babae sa klase, tapos tumakbo palabas at hindi na inayos yung inupuan, nagmamadali narin kaming umalis ng mga kaibigan ko.Paglabas ng lab, nakita kong kami nalang pala ang natira sa 3rd floor at naalala kong medtech day nga pala ngayon, kaya wala dito sa kabilang laboratory, yung mga kapitbahay naming medtech, dahil may event sila sa study lounge at ngayon lang nag sink in sa utak ko, na hindi sa kabilang laboratory galing yung iyak na naririnig ko, dahil imposible yun, kasi wala ng ibang tao sa 3rd floor kundi yung section nalang namin. Habang pababa kami ng hagdan, kwinento ko sa mga kaibigan ko yung mga narinig ko at mas lalo silang natakot. Sabi nila, baka daw iisa lang yung naririnig namin ni Maam. "Eh bakit hindi ko naririnig yung nag ha-hum? At bakit kami lang ang nakakarinig nung iyak?" Tanong ko sakanila. "Siguro, dahil kayo lang ang may kakayahan" sagot nila. Nagmamadali na kaming bumaba ng hagdan para makauwi na, dahil naririnig ko nanaman yung iyak, galing doon sa laboratory at nag eecho na siya sa buong building. Nakakarindi at parang puno ng paghihinagpis yung iyak niya.Pagdating namin sa hagdan ng second floor, pababa ng first floor, ay may paniki na sumalubong saamin. Kaya lalo kaming natakot at nagkapit kapit habang pababa ng hagdan. Nakakatakot pa yung ambiance ng hallway, dahil ilan lang ang ilaw na nakasindi, tapos sobrang creepy pa ng itsura, kasi mukha ring hospital itong school namin. Mas nakakatakot pa ngayon, dahil madilim at may mga lumilipad pang paniki.Hindi ko na naririnig yung umiiyak, pagdating namin sa baba. Sobrang tahimik, at mga yapak ng paa at paghinga nalang namin ang naririnig namin. Sobrang kaba ko non, naririnig ko yung kabog ng puso ko, dahil sa sobrang lakas ng pagtibok niya.Paliko na kami sa may accounting office, ng biglang"Aahhhh!!!" Napasigaw kaming tatlo sa gulat, at pati yung mga kaklase naming nakasunod saamin ay nagsigawan rin.Natatakot na medyo natawa pako non, kasi pati si Manong ay, sumigaw rin at mukha ring nagulat saamin. Yung janitor lang pala. "Joskoooo manong!!! Inyakamet!! Akala namin multo na! Aatakihin naman po kami sainyo!" Kabang kaba na sambit ko kay manong. Atsaka nagtawanan yung mga kaklase namin sa likod, kasi pati sila ay natakot kay manong.Nakakatakot kasi siya, ang puti puti pa nung suot niya, na parang nadaanan ng tide. Kaya nagulat kami nung makasalubong namin siya, nung paliko kami sa may accounting office."Ako rin naman nagulat neng. Akala ko ay mga white lady kayo" natatawang sagot ni manong.Ang dilim na kasi, kaya ang bilis namin maaning, kahit hindi PDEA. (Kanta kasi eon, di eon joke)Kapit kapit kami at nagmamadaling lumakad papunta sa guard house. Tinatawanan pa kami nung mga guard, kasi takot na takot daw yung mga itsura ng section namin, habang naglalakad. Nakahinga lang kami ng maluwag, nang makarating kami sa gate.Kinabukasan, mabilis na kumalat yung nangyari sa section namin tapos, kwinento nung isa naming Prof na matagal ng nagtuturo sa school. Matagal na rin daw nilang naririnig yon doon, at hinala nila, dahil yon doon sa cadaver (yung katawan na pinag experimentuhan, bubuksan para ipakita sa mga estudyante ang itsura ng mga organs natin sa loob) na ginawa sa laboratory na'yon, kasi isang pasyente raw yun sa hospital (may sarili kasing hospital itong school namin) na walang nagclaim ng kanyang mga labi, kaya ginamit nalang para sa demo, sa mga students. Tapos magmula non, nakakarinig na sila ng mga kakaibang tunog galing doon, minsan may tumatawa o kumakanta, pero mas madalas daw nilang naririnig na may umiiyak doon. Kaya daw, hindi na sila ulit nag allow na magcadaver ang mga students sa school at doon nalang, sa mismong hospital nila yun tinuturo, after nang ganong pangyayari. Kasi twing may nagcacadaver raw ay, may mga students na nagkakasakit at yung iba ay nahohospital pa ng ilang araw."Swerte naman ng BSN, isang beses lang sa isang taon magparamdam yun. Sainyo pa" natatawang pang aasar ni Maam saamin.
-KillerNurse
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...