NoSleep Series : Ang katotohanan sa likod ng coronavirus. (Parts 1-3)

139 3 1
                                    

NoSleep Series : Ang katotohanan sa likod ng coronavirus. (Parts 1-3)

Part 1

Isa akong beteranong opisyal at alam ko ang katotohanan sa likod ng coronavirus.

Isa akong mamamayan ng Wuhan at isa ring myembro — o sa mas tamang sabihin, 'naging' myembro, ng isang mataas na posisyon sa Military Intelligence. Miyembro rin ako ng Chinese Communist Party. Bilang isang beteranong opisyal at isa sa matataas na posisyon ng Communist Party, mayroon akong access sa mga maraming classified information at napasama na rin ako sa mga top secret government projects. Mayroon akong doctorate sa isa sa mga malalaking unibersidad sa isang bansa sa kanluran, kaya naman marunong akong magsalita ng ingles.

At mayroon akong impormasyon na maaring magresulta sa pagbagsak ng aking gobyerno. May kinalaman din ito sa bilyun-bilyong tao sa labas ng Tsina, na ngayon nga ay nasa isang malaking panganib.

Alam kong hindi ninyo ikagugulat kung sasabihin kong lubhang mapanganib para sa akin kung mabubunyag ang aking pagkatao, pati na rin ang asawa at anak ko. Kaya hangad kong irespeto ninyo na inalis ko dito ang lahat ng mga bagay na maaring makakilala sa akin.

Pamilyar kayo sa kamakailang pagkalat ng 2019-nCoV, kilala rin bilang NCP, o simpleng coronavirus. Narinig ninyong ito ay nagsimula sa Wuhan City sa China, na nanggaling ito sa hayop — sa isang paniki o sa pangolin, na ito ay nabili sa isang palengke. Narinig din ninyong tila isa itong flu o trangkaso na maaring magdulot ng malalang klase ng pneumonia, respiratory failure, at pagkamatay. Higit pa rito, narinig na rin ninyo marahil na bagamat ito ay labis na nakakahawa, ito ay mapanganib lamang sa mga matatanda at mga taong may mahinang resistensya. Na ang lethality rate nito ay nasa humigit kumulang 2% lamang.

Ang lahat ng 'yan ay kasinungalingan lamang na ginawa ng estado ng tsina, sa tulong ng tahimik na pagsuporta ng Amerika, kasama ng kanilang mga kaibigan sa European Union, Russia at Australia. Na ipinakalat naman ng mga sunud-sunurang media ng mga bansang 'yan.

Hayaan nyo akong umpisahan ang lahat sa paglilinaw ng isang bagay: ang mundo ay hindi tumatakbo sa paraang alam nating lahat. Bagamat ang mga bansang tulad ng China at US ay nakikipaglaban upang mangibabaw at maging pinaka makapangyarihan sa mundo, ang kompetisyong 'yon ay limitado sa ilang bahagi o aspeto. Ang dalawang bansang ito ay mas interesado sa kooperasyon — pagtutulungan upang ang iba pang mga bansa naman ay mawalan ng kakayanan na magkaron pa ng mas mataas na kapangyarihan. Meron din silang parehong interes na itago ang tunay na kapangyarihan mula sa kanilang ordinaryong mga mamamayan. At hanggang ngayon, marami pa silang mga iba't ibang mekanismo na kung saan kontrolado nito ang malaking bahagi ng media. Ang mga amerikano ay talagang magaling sa mga gawa-gawang dibisyon sa pagitan ng kanilang dalawang partido upang maitago ang katotohang iisa lamang ito ng pinaglilingkuran.

Ang mga bansang ito rin ay nagtataglay ng isang teknolohiya na sobrang advanced, higit pa sa inaakala ninyo at itinatago mula sa publiko. Kasama rito ang isang tinatawag na 'advanced artificial intelligence' na may kakayahang mag undermining at may kakayahanang mag desisyon hinggil sa eleksyon sa buong mundo, mga biological at chemical agents na may kakayahang manipulahin at kontrolin ang paraan ng pag iisip ng isang tao sa talaga namang kahindik hindik na paraan, labis na sopistikadong paraan ng manipulasyon gamit ang mga hipnotismo na sya ring inililihim sa publiko; at ilan pang mga bagay na hindi ko na idedetalye pa sa ngayon. Ang punto ko ay ang mga bansang ito ay hindi lamang nakikipag kompitensya kundi nagta-trabaho din ng magkasama. Ang kanilang layunin ay itago ang totoong nangyayari sa mundo mula sa publikong walang kamalay malay.

Upang bigyan kayo ng isang halimbawa, sa totoo lamang ay wala talagang tinatawag na 'nuclear weapons' sa buong mundo. Taong 1970's pa ng tanggalin ito ng US at Soviet Union, gayon din ng iba pa nilang mga kliyenteng bansa. Naisip nilang ang mga weapon na 'yon ay hindi magagamit nang hindi masisira ang buong mundo, kung kaya't hindi na kakailanganin ang mga ito; ngunit sa pamamagitan ng pagkukunwari na mayroon pa rin ng mga ito, ang mga namumuno sa likod ng lahat ay may kakayahang maitago naman ang mga non-nuclear weapons.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now