Part 8
I know, some of you will be confuse kung ano bang nilalaman ng story na ito, lalo na sa mga hindi pa talaga nababasa ang kwento ko. I know, some of you ay malilito o nakalimutan na ang previous confession ko. Ngayon pa lang ay humihingi na ako ng paumanhin kung masyadong matagal na ang huling pagkwekwento ko. Busy lang ako sa trabaho ko at syempre, wala akong kakayahan na magkwento araw-araw kung anong nangyayari sa amin. At ngayon pa lang ay hihingi na ako ng paumanhin kung may ilan na maling detalye ang naikwento ko. Kahit ako ay nagulat at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko.Celes and I was fine. Was... Siguro nga kung papipiliin ako, mas pipiliin ko ang buhay namin noong wala talagang nakakaalam ng kahit na anong tungkol sa kanya. Kung papipiliin ako ay mas pipiliin kong ibalik ang mga panahong hindi niya alam kung anong meron siya. Mas pipiliin kong turuan at mamuhay siya na parang normal na tao kagaya ko.10 o'clock in the evening, Celes was already asleep that night then suddenly I heard my phone. I received a message from Cora and saying na she was waiting for me outside the house. I'm used to it na bigla na lang siyang lilitaw out of the blue, kaya wala naman akong ibang naisip na dahilan kung bakit bigla na naman siyang dumating. I saw her standing and literal na sa labas nga ng bahay, as in sa labas ng gate namin. Wala na rin naman taong dumaraan dahil nga gabi na at may curfew sa lugar namin. I invited her inside my house but she refused. My eyes landed to the car behind her."Buti marunong ka pa magdrive? Akala ko hindi na yan uso sayo.""How is she?" "Sleeping, doing great."She suddenly cut me off, "How about her abilities?""Ganoon pa rin naman, madalas lang na hindi niya kayang kontrolin lalo na kung nakakahawak siya ng bagay o ibang tao."The whole time we were talking alam kong may malalim na dahilan kung bakit siya nandito noong gabing iyon. Hindi naman ako manhid kaya ramdam ko iyon sa mga kilos niya. Pinagmamasdan ko siya habang nakatingin siya sa malayo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako nasasanay sa naging mga pagbabago sa pisikal niyang anyo. Tho, she's still Cora that I used to know but ofcourse, sobrang daming nagbago sa kanya. Kung noon ay maganda na talaga siya, ngayon ay parang paganda siya nang paganda.She handed me a brown envelop without saying any single word. Binuksan ko naman agad iyon at nakita ko ang isang litrato. Actually not literal na picture, I guess drawing siya gamit ang computer or whatsoever, I don't know. Lalaking may mahabang brown na buhok. His jaw is so perfect! In other words, magandang lalake. Marami namang magagandang lalake sa mundo natin, pero this man is different."That's her father." Gusto kong magulat sa sinabi niya pero parang pakiramdam ko ay inaasahan ko na yon."What about him? Akala ko ba ayaw mong ipaalam sa kanya?""Kung ako ang masusunod, ayoko talaga, Clara. Pero sino ba ako para pigilan silang dalawa na makilala ang isa't isa? Lalong lalo na si Celes, hindi ko na maitatanggi sa kanya ang tungkol sa ama niya kung mismong siya na ang nakakakita."I asked her kung anong meron at bakit niya naisipang ireveal sa akin ang itsura ng ama ni Celes. Sino ba ang hindi magugulat, parang noon ay ayaw na ayaw niyang pag-uusapan ang tungkol sa lalaking ito."Just incase na pumunta siya rito, at least you know his face. Actually, hindi naman talaga niya yan itsura, pero dito, yan ang ginagamit niya.""So? What's the point?""Listen to me carefully, mabait siya and I know na tumutupad siya sa usapan namin. I feel it! Gusto ko lang na wag na wag kang malilito. Here..." Tinuro niya sa akin ang mata nito, "As you can see hindi sila pantay. Yan, yan ang magiging palatandaan mo. Wag na wag mong hahayaan o may ibang makahawak kay Celes, Clara. Kahit sino!"I remembered when Celes told me that she saw her father at hindi lang isang beses na nangyari iyon. Madalas ay paulit ulit niyang nakikita sa panaginip niya ang tatay niya. Wala naman akong magagawa tungkol doon, wala naman akong ibang nakikitang paraan para pigilan sila kahit sa panaginip."My parents, hanggang ngayon ay pinahahanap nila si Celes. Hindi ko kayang mabuhay araw-araw at isiping mapupunta sa kanila ang bata. Hindi ko sila kayang pagkatiwalaan. Hindi ko kaya na iparanas nila sa anak ko kung ano ang pinaranas nila sa akin."Magmula ng gabing iyon, paulit ulit kong naiisip ang huling sinabi ni Cora. Hindi ko alam kung anong ibig niyang sabihin, ang alam ko naman ay maayos ang pagpapalaki sa kanya ng mga magulang niya. Lalo na at alam kong nag-iisa siyang anak ng mga iyon.Tulad ng nakagawian, halos sabay kaming nagigising ni Flor na kasambahay ko. Kaya habang naghahanda siya ng umagahan, ako naman ay nagsisimula na sa trabaho. Hanggang ngayon naman ay work from home ako, kaya marami pa rin akong oras para bantayan si Celes."Ay, ate, maalala ko pala, ito po oh nakita ko sa terrace kanina paglabas ko."Kinuha ko naman agad ang papel na binibigay sa akin ni Flor, nakatupi iyon pahaba at halatang hindi pa niya binubuksan dahil may sealed pa iyon. Walang kahit na anong nakasulat sa labas ng papel, kaya bago ko mabuksan ay wala talaga akong idea kung kanino galing ang papel. Inaasahan ko na isang liham iyon o kung ano, pero, pagbukas ko I was very confused nang makita ko ang isang espadang nakadrawing. Naisip ko na baka kay Celes iyon, pero hindi naman magaling magdrawing ang anak ko. Wala rin kulay ang espada na nakadrawing so wala talaga akong maisip kung sino ang pwedeng magpadala nito sa amin."There's someone came here po, Mom?"Sabik sa ibang tao ang anak ko, kaya tuwing may ibang tao siya na nakikitang pumupunta rito sa bahay, napakapolite niya. I answered her na hindi ko alam not mentioning about the paper."Someone came here, eh, last night po?"Napapatingin na rin sa amin sila Flor at ang kapatid kong si Au, pero wala talaga akong alam kung sino ang sinasabi ni Celes na pumunta raw dito. Naisip ko na posibleng yun ang nag-iwan ng papel sa terrace. Maghapon kong kaharap ang computer ko at syempre, maghapon ko rin tinititigan yung papel na may nakadrawing na espada. Ilang araw na rin noon na hindi pa ako nakakatanggap ulit ng tawag o text mula kay Cora. Kaya kahit anong message ko sa kanya ay wala rin naman akong matanggap na reply. Kahit na sabihin kong sanay na ako sa mga kakaibang bagay tungkol kay Celes, minsan ay hindi ko pa rin maiwasan ang magulat. Tanghaling tapat nang dumating ang College friend ko kasama niya ang asawa niya. She moved here in Cebu after their wedding. First time ko rin makita ang husband niya, so syempre medyo awkward pa dahil hindi naman kami close. Based on her kwento, tubong Cebu na talaga ang husband niya. May sariling resort at pansamantalang limited ang pagtanggap ng guests because pandemic nga. Maraming kwento since ngayon na lang ulit kami nagkita."Oh, anyway, where's your daughter? Sa mga pictures ko lang siya nakikita, sobrang gandang bata ng anak mo."Pinatawag ko kaagad kay Flor si Celes na kasalukuyan noong naglalaro sa kwarto. Pababa pa lang ay nag-hi na agad ang anak ko kahit na iyon ang unang beses na makilala niya ang kaibigan ko at asawa nito. Ngiting ngiti naman ang kaibigan ko at paulit ulit talaga niyang sinasabi na ang ganda-ganda ng bata. Nagpatuloy kami sa pagkukwentuhan, naghanda ng pagkain si Flor at sabay-sabay kaming kumain ng lunch. Hindi ko pinahalatang napapansin ko ang palagiang pagsulyap ng husband niya sa anak ko. Kaya aaminin ko nung time na yon ay medyo naiilang ako. Hanggang sa nagyaya na umuwi ang kaibigan ko. Buong oras na nandito sila ay hindi ko manlang narinig na magsalita ang asawa niya. Puro pagtango pero mas lamang ang hindi pag imik nito.The next morning, dumating si Cora. Tamang tama ang dating niya dahil gising na si Celes at kakain na kami ng umagahan. I let the two na magkaroon ng time sa isa't isa. Then Cora approached me nang magsimula na ang online class ni Celes. Nakaupo lang siya sa tabi ng table ko habang ako naman nagtatrabaho pa rin. Bigla siyang nagsalita kaya naman tumigil ako."Nasan na yung papel?"Pagkatanong niya nun ay agad kong naalala yung dapat na sasabihin ko sa kanya. Pinakita ko kaagad yung papel na binigay sakin ni Flor, pagbuklat niya ay biglang nag iba ang timpla ng mukha niya. Para siyang nagulat, pero yung gulat niya halatang may halong inis."Muntik ko na makalimutan, itatanong ko nga pala yung tungkol dyan.""Pwede bang wag ka muna tumanggap ng bisita? Kahit sino. Kahit sinong mga kilala mo."Nagtataka ako sa kanya, kaya muntik pa kaming mag away dahil minsan lang rin naman ako tumanggap ng bisita. Kung maaari lang ay ayoko ng bisita dahil may bata kaming kasama. Lalo at pandemic nga."Ano bang meron sa espada na yan?" She looked away, parang ayaw niya sabihin ang tungkol sa espada. Nung babalik na ako sa trabaho bigla naman siyang nagsalita."This one is mine.""Tapos? Hindi ko maintindihan, bakit kailangan ipadala dito?""Alam ko kung sino nagpadala nito. Kaya ayoko talaga na bigla na lang nila gustong makita ang anak ko!""Ibig mong sabihin parents mo ang nagpadala niyan?""I'm not sure, pero sila lang ang hinihinala ko."Kinagabihan, tahimik na kaming lahat. Tulog na rin sila Flor at Au. Si Celes ay tahimik na rin na natutulog sa kama. Gising na gising pa rin ako, hindi mawala sa isip ko ang mga sinabi ni Cora sa akin. Halos hindi ko lubos na maisip kung ano ba talaga ang gustong mangyari ng mga magulang niya. Nagdesisyon akong matulog na, pahiga na ako nang makarinig ako ng ingay na galing sa labas. Imagine, malaki ang bahay na ito. Kung totoosin hindi mo talaga maririnig ang ingay sa labas ng ganon ganon lang. Palakas nang palakas yung ingay, parang may malakas na hangin. Nakaramdam ako ng takot nang marinig kong may mga ingay naman galing mismo sa loob ng bahay. Parang may mga naglalakad, malalakas ang yabag. Rinig na rinig iyon lalo na at gawa sa kahoy ang sahig sa second floor. Agad akong napatingin kay Celes nang magulat akong bigla siyang nangisay. Takot na takot ako na tipong kahit ako ay nanginginig na at hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Takot na takot akong nakikitang tumitirik ang mga mata ng anak ko habang nangingisay kahit anong pigil ko. Nagsisigaw na ako, pero alam ko nung gabing yon na hindi pa rin nawawala yung mga ingay. Tinawag ko sila Flor at kapatid kong si Au, pero parang hindi nila ako naririnig. Malakas yung ingay sobrang lakas na tipong kahit sarili kong boses hindi ko na rin marinig. Paulit ulit kong ginigising si Celes. Umabot pa sa point na sinampal ko talaga siya para magising lang siya. Saktong pagkasampal ko biglang nawala rin ang ingay at tumigil ang pangingisay niya. Then I realized na umiiyak na pala ako. Hindi ko alam kung bakit, siguro sa sobrang takot ko. Bumalik na lang ako sa wisyo ko nang gumalaw si Celes na parang walang nangyari at tahimik pa rin na natutulog. Tumayo ako at lumapit ako sa bintana, tinignan ko ang mga kapitbahay ko. Lumabas rin ako ng kwarto at tahimik ang buong bahay, walang mga gamit na nakakalat o walang sign na may gulo na nangyari. I realized na walang nakakarinig sa nangyaring ingay, wala rin nakarinig sa mga sigaw ko.Sa sumunod na araw, nakakita naman ng kahon si Flor na nakalagay lang sa terrace. Plain lang yung kahon wala rin ribbon or anything. Nung kukunin ko na yung kahon hindi ko alam na nasa tabi ko si Celes at naunahan ako nito. Agad niyang nabuksan ang kahon at isang stuffed toy ang laman."A man?" Sabi ng anak ko ng mahawakan niya ang stuffed toy. "Walang letter?" Binalikan niya yung kahon at naghanap ng letter.Kinuha ko sa kanya yung stuffed toy at sinabi kong hindi sa amin iyon. Baka may nagkamali lang na doon nilagay, ganito ganyan. Kinukumbinsi ko siya kasi natatakot ako na baka kung kanino galing yung laruan. Basta, parang palagi na lang akong may takot."No, Mom, this one is for me po." Sinabi niya na parang siguradong sigurado talaga siya. Hindi ko na mabawi sa kanya yung laruan, kaya hinayaan ko na lang iyon na hanggang ngayon ay dala niya at katabi pa niya sa pagtulog. Kwinento ko kay Cora ang mga nangyari noong gabing iyon at yung tungkol sa laruan. Wala siyang ibang komento tungkol sa laruan. Ang tanging naging concern niya ay yung nangyari noong gabi."Gustong gusto talaga nila makuha si Celes!""Ano ba kasing nangyayari? Bakit gusto makuha ng mga magulang mo? Akala ko ba ayaw nila sa bata?""Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, Clara. Noon ayaw nila dahil ayaw nila sa ama ni Celes.""Bakit ayaw nila? Dahil ba nabuntis ka noon ng hindi nila inaasahan? Diba yun ang sabi mo noon? Tinakwil ka dahil ayaw nilang nabuntis kang hindi naikakasal?"Inilingan ako ni Cora, halata sa mukha niya ang frustration. "Hindi talaga yon ang totoong dahilan, Clara. Hindi ko kasi alam kung paano ko ieexplain sayo noon ang tungkol sa akin, sa pamilya ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan mo ako noon, kaya napili kong magsinungaling na lang."I was shock. Gusto ko mainis sa kanya at magalit. Pero wala akong time para sa galit. Mas gusto kong isipin yung kaligtasan ng bata kesa makipag away kay Cora."Then tell me the truth." "Hindi kami mga tao. Hindi ako isang tao na basta may kakayahan lang. Hindi totoong tao ang mga magulang ko. Tulad ko, tulad ng ama ni Celes, hindi kami kagaya ninyo."Hindi ko alam kung anong dapat kong maging reaksyon. Hindi ko alam na yung batang matagal kong inalagaan ay galing sa mga nilalang na katulad nila. Kaya pala, kaya pala sa bawat paglipas ng panahon ay napapansin ko ang unti unting pagbabago kay Celes. Kaya pala noong pinakilala ko na sila sa isa't isa ay may napansin akong kakaiba sa pisikal na anyo ng anak ko. Buong akala ko ay tao si Cora na may abilidad lang, na may kakaibang kakayahan. Buong akala ko ay normal na tao rin ang pamilya niya, ang mga magulang niya. Buong akala ko ay sila yung tipikal na pamilyang nakasanayan natin. Pero mali pala ako. Hindi ko alam nung araw na yon kung paano ko ihhandle ang sarili ko para hindi magalit. Paulit ulit ko na lang kinukumbinsi ang sarili ko na kahit naman ako, minsan na rin akong nagsinungaling kay Celes. Kahit ako ay nagawa ko rin ang bagay na yon para sa alam kong ikabubuti niya. Baka ganoon rin si Cora, baka iyon rin ang unang pumasok sa isip niya. Baka wala na siyang ibang maisip na paraan kundi ang magsinungaling. Katulad ko, yun rin ang naging paraan ko."Her father is belong to the clan na matagal nang kaalitan ng angkan namin." She added.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...