The Black Spell of India

56 3 0
                                    

Hindi lang dito sa Pilipinas may itim na mahika. Meron din sa ibang bansa, at 'di hamak na mas malala sakanila.Kwento ito ng isang malapit na kaibigan ng aking pamilya. Si ate Chantal (hindi nya tunay na pangalan). Her POV.Nakilala ko ang taong bumago ng buhay ko. Si Shradha. Indian citizen sya, at ako nama'y obviously isang Pilipina. Nakilala ko sya noong nagtatrabaho pa ako sa Malaysia year 2017. Mayroon sya noong mahalagang pakay sa bansang pinagtatrabahuan ko. At nakakatwang isipin na may koneksyon sila ng aking amo. Unang kita ko palang sakanya'y may naramdaman na akong kakaiba. Naging mabilis ang mga pangyayare, hindi ko na halos maidetalye. Basta ang alam ko, mula noong araw na makausap ko sya ay walang araw na hindi ko hinangad na makita si Shradha. Para akong mababaliw kapag hindi ko sya nakausap. Madalas nya akong puntahan sa bahay ng aking amo at dalahan ng kung anu-anong regalo.Hanggang isang araw ay isinama nya ako sa isang hotel. Espesyal ang trato nya sa akin, para akong nasa isang panaginip ng mga oras na yun. Hindi ko hinangad ang ganitong bagay sa buhay ko, ang itrato akong tila isang prinsesa. Na halos pati ang paglalagay ng iinumin ko ay ibang tao ang gumagawa at nagsisilbi para sa akin.Nagising akong katabi ko si Shradha sa isang malawak na kama. Wala kaming saplot pareho at nababalot ako ng makapal at puting kumot. Nakaramdam ako ng takot dahil tila hindi ko alam ang pinaggagawa ko. Bakit hinayaan kong sumama ako sa isang taong hindi ko naman ganun kakilala. At may nangyare pa sa amin. Hindi lang isa o dalawa, nasundan pa ng maraming beses ang ginawa namin. Hindi ko alam sa sarili ko kung bakit pinapayagan ko syang gawin yun sa akin. Halos pagsawaan nya ang katawan ko at inangkin nya ng buo ang pagkababae ko. Pero ni pagtutol kahit alam kong mali 'yun ay wala akong lakas na gawin. Tila hinahanap-hanap pa ito ng katawan ko. Nagbunga ang lahat ng kapusukan at nagkalaman ang aking sinapupunan. Buntis ako at agad nya yung nalaman. Binigyan ako ng malaking halaga ng pera ni Shradha. Pinauwi nya ako ng Pilipinas at dito ko na isinilang ang aming anak. Pinatayuan nya ako ng magara at malawak na bahay. Samakatuwid ay pinanagutan nya ang bata. Kahit minsanan lang sya pumunta dito sa Pilipinas ng palihim ay hindi nya kami pinababayaan ng anak ko sa pinansyal na paraan.Habang lumalaki ang aming anak ay may kakaiba akong napapansin. Sa edad nyang isang buwan noon ay nagagawa nya ng ibangon ang sarili nyang ulo. Hindi sya umiiyak. Huling beses kong narinig na umiyak ang aking anak ay noong isilang ko ito. Pero ang labis kong ikinakatakot ngayon ay ang mga mata ni Rahid. Itim na itim ang mga ito, kuhang-kuha nya ang mga mata ng kanyang ama. Pero ang kaibahan ay hindi rume-reflect sa mata ni Rahid ang anumang ilaw. Hindi sya kumukurap na nagpapakilabot sa akin. Normal naman sya kapag natutulog. Sa tuwing ibi-breastfeed ko ang anak ko, naiiyak ako sa takot dahil nakatitig lang ito sa akin. Walang kibo.Ang anak ko'y tila isang buhay lamang na manika, nakatulala sa kawalan, hindi nagugulat, hindi nagrereact sa anumang bagay. Nang umedad sya ng isang taon ay palagi akong nagpapanic dahil madalas syang wala sa lugar na paglalapagan ko sakanya. Palagi syang nagsusumiksik sa ilalim ng kama, upuan, mesa, aparador, at likod ng pinto. Ganun parin, hindi parin sya kumukurap at ni isang salita sakanya'y wala akong naririnig. Alam kong may mali sa anak ko, lahat ng ito ay alam ng pamilya ko, at pinipilit nila akong kumunsulta sa espesyalista. Pero mahigpit itong tinututulan ni Shradha. Nagagalit sya, at sa tuwing sinusubukan naming palihim na ipagamot si Rahid ay may nangyayareng kakaiba. Tila may pumipigil sa amin.Sagana kami sa lahat ng materyal na bagay pero kakaiba ang nararamdaman ko. Hindi ko magawang sumaya. Hindi ako masaya.Hanggang sa dumating ang araw na gumising sa akin. Umuwi si Shradha ng Pinas at dalawang araw namin syang makakasama ni Rahid. Natutulog sya noon katabi ang anak. Pinakealaman ko ang gamit nya na noon ko lang ginawa, mahigpit na bilin ni Shradha na wag akong makikialam ng kahit na anong gamit nya. Pero sinuway ko yun ng araw na yon. Nakita ko ang isang itim at maliit na libro sa maleta nya. Dali-dali ko itong binuklat, at sumalubong sa akin ang isang malamig na hangin. Humawi ang aking buhok na nakasampay sa aking balikat. Nagsimula akong kabahan, lalo na nang ilipat ko pa ang sumunod na pahina. May mga nakasulat doong hindi ko mabasa. Sinubukan kong isa-isahin ang bawat salita pero unti-unting sumakit ang ulo ko.Halos mabitawan ko ang libro nang mabasa ko ang aking pangalan kasama ng aking larawan sa sumunod na pahina.Palihim kong kinuha ang libro at itinago. Nang araw na bumalik si Shradha sa kanilang bansa ay hinabilin ko si Rahid kay mama. Pumunta ako ng albularyo dala ang libro. Hindi ko na idedetalye ang buong kwento, pero doon na nabuksan ang isip ko. Ipinaliwanag sa akin ng albularyo kung ano at para saan ang librong yun. May mga ginawa sya sa akin at inusal na latin at doon ay para akong binuhusan ng malamig na tubig. Mangiyak-ngiyak ako nang marealized ko kung anong buhay meron ako ngayon. Kung sino at anong klaseng tao ang ama ng anak ko. Naaalala ko na, nang unang araw na makita ko si Shradha. Ang kakaibang naramdaman ko para sakanya ay hindi paghanga o pag-ibig. Kundi takot at kababalaghan. That day nang makita ko ang mga mata nyang tumama sa akin ay tila nahulog ako sa isang madilim na bangin. Bawat buka ng bibig at salitang binibitawan ni Shradha ay tila bumibingi sa akin gamit ang ibang lengguwahe. Ang bagay na gusto kong gawin noon ay iwasan sya dahil narin sa hindi ko sya kilala, pero wala akong nagawa kundi madala sa kung anong gusto nya. Para akong bangkang papel na nadadala sa agos ng rumaragasang ilog. Hindi ko alam kung anong tamang salita ang pwede kong ilarawan sa ginawa nya sa akin, pero sa madaling salita, tila ako'y naguyma. Kahit alam kong kasalanan sa Diyos ang kahahantungan ng lahat, dahil may pamilya si Shradha sa India.Isa syang sikat at maimpluwensyang tao sa bansa nila, na may mataas na katungkulan sa politika.Alam ko ang tungkol sa mga bagay na ito nung una palang, dahil si Shradha mismo ang nagsabi sa akin. Kabit nya ako samakatuwid, pero tila nakalimutan ko ang mga bagay na ito. Nawala sa isip ko. Ang alam ko lang ay mahal na mahal ko si Shradha at mahal nya rin ako. Pero hindi, binulag lamang ako ng misteryong bumabalot sa mga salitang ginagamit nya para sa akin.Nang araw na maliwanagan ako, wala rin namang nabago. Hindi ko parin magawang makatakas dahil bilanggo na ako sa sumpang ginawa nya sa akin. Hindi ko alam kung anong tunay nyang pakay sa tulad ko. Ginawa nya lang ba ito dahil mahal nya ako? O may iba pang dahilan. Natatakot ako hindi lang para sa sarili ko, kundi para narin sa anak ko. Ayokong dumating ang araw na kunin at ilayo sa akin si Rahid, ng kanyang amang myembro ng isang sikat na kulto dito sa mundo. O marahil ay mas tamang sabihin na isang grupo ng satanismo na gumagawa ng mga bagay na aakalain mong kabutihan, pero may iba palang tunay na pakay. -Higurashi Kira

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now