Paranormal Investigation : I saw myself sleeping and vanished

60 4 0
                                    



Hi Admin and Spookify country si Ediwow Caluag po maghahatid ng kwento!


Note : mejo mahaba, mabusisi at not so nakakatakot ang susunod kong story dahil ayon na rin ito sa kwento saken nila Kuya K at Kuya M. At naguumapaw ang info na rinelay nila sakin about sa story talagang masasagot ang mga katanugan nyo kung nakaka-experience kayo ng ganito ngayon! kaya naman Spookifiers Pasok !


2010 somewhere at June ito nangyari Duo case lang ito ni Kuya K at Kuya M. (Pero may Special participation si King Solomon dito mamaya nyo makikila si Solomon) Nagkaayaan sila gumala along the metro lang din mall hopping site seing etc. Hapon na non at nasa Antipolo sila sa overlooking at tumatagay ng beer (konti lang). Then suddenly tumunog yung CP ni Kuya K pag check nya di nakaregister yung number kaya na curious sya! Nag paalam sya kay Kuya M na sasagutin muna yung call and okei daw pag sagot ni Kuya K ay dati nya palang Classmate sa College na tawagin na lang nating Ate Girl (so Girl sya) for 3 consecutive years ay mag classmate sila (2ndyr-4thyr) kaya mejo close sila at may times na nagiging magkagroup sila sa school activity. Nagtaka din si Kuya K kung pano sya nacontact nito dahil nag change number na sya for some reason sinabi naman ni Ate Girl na nagtanong sya sa isa din nilang classmate noon na may new number ni Kuya K. Kasi last nilang kita ay noon pang Graduation nila at pag tapos non ay diretso sila sa Victory Party nila and thats its so morethan 7yrs na nung last sila magkita. So pabirong tinanong ni Kuya K si Ate Girl kung anong Agenda? Sabi ni Ate Girl na this last 2 weeks ay lagi syang nananaginip ng something weird, dahilan kaya di na sya makatulog ng maayos. Sabi naman ni Kuya K na di naman sya Neurologist kaya di nya alam yan! Pero sabi ni Ate Girl baka may kinalaman ito sa Paranormal dahil alam ni Ate Girl na kahit nung college pa sila ay sumisegway si Kuya K sa isang kilalang University para kumuha ng Paranormal degree. Then nagtanong si Kuya K kung ano ba ang problema? sinagot sya ni Ate Girl na paulit ulit syang nananaginip na nakikita nya ang kanyang sarili habang natutulog. Ngunit bago pa maituloy ni Ate Girl ang kwento nya ay umiksena si Kuya M sabay sigaw Hoy anong petsa na K (mukhang naaburido na) kaya naman hiningi na lang ni Kuya K ang address ni Ate Girl at sinabihang magkita na lang sila personal at tapos ng usapan! Pag balik ni Kuya K ay kinausap nya agad si Kuya M about sa College classmate nya at sa problema nito, sabi naman ni Kuya M ay baka simpleng kaso langt ito ng OBE (Out of Body Experience) (Dito na mag sisimula ang sobrang habang Trivia patawarin nyo ako)Ayon kay Kuya M na may Auntie na Neurologist ang OBE or Out of Body Expirience ay Scientifical Counter part ng Astral Projection sa Paranormal. Same expirience different explanation sa OBE ay isa itong Mental Malfunction while sleeping so mathematically in dream state. Tinatawag din itong Autoscopy or Self Seing kung san naglilikha ng imahe ang ating utak habang natutulog kaya daw nakikita natin ang sarili natin habang natutulog. According din daw sa ibang research nasa state daw tayo nito ng Hallucination while sleeping so di ko na siguro kailangan i elavorate pa mga causes para matrigger ang OBE (traumatic brain injuries, sensory deprivation, near death expiriences,dissociative, psychedelic drugs, dehydration and sleep disorder) so ibang iba sa Paranormal explanationDumako na tayo sa Paranormal explanation ang Astral Projection or also know as Spirit Walking ito ay originally Hindu Belief ayon sa kanila ito ay isang supernatural ability na kaya daw natin palabasin ang ating kaluluwa sating katawan (while sleeping) upang mag lakbay sa kalawakan or kahit san. Meron daw proseso para ma master ito gaya ng meditation, ngunit may pagkakataon na aksidente natin itong magagawa or maybe may iba din factor.After ng discussion ay sinabihan ni Kuya K si Kuya M kung sasama sya dun kela Ate Girl pero sabi ni Kuya M ay patingin na lang daw sya sa doktor. Sabi ni Kuya K na sayang alam mo ba M na sobrang ganda ng Classmate ko na halos icompare nya sa isang foreign artist, kaya ayon nag bago ang ihip ng hangin biglang sabi ni Kuya M ano pang ginagawa natin dito malayo pa byahe bilisan natin (madali din pala kausap to pag chiks na ang pinag uusapan parang ako lang. Umuwi muna sila para kumuha ng equipment like loptop,camera, tripod and wire di naman masyadong marami then proceed to location na sila. Somewhere at Manila lang ang area madali naman nila itong natunton dahil malapit ito sa kilalang land mark dun and along the highway lang din. Nung nasa bahay na sila ni Ate Girl ay kinatok na ito ni Kuya at saktong nag aantay na pala ito sa kanila, pag open ng door ay binati agad ni Ate Girl si Kuya K sabi nya 'Hi K its been a long while sabay smile' sagot naman ni Kuya K ay 'yeah its been 7yrs sabay apir silang dalawa' on the other hand biglang napahawak ng mahigpit si Kuya M kay Kuya K alam mo yung nanggigigil, pano sobrang na Star Struck si Kuya M kay Ate Girl pag lingon ni Kuya K ay tutok na tutok si Kuya M parang nahypnothise. Pero biglang banat si Kuya K kay Ate Girl na pumanget ka ata! Sagot naman ni Ate Girl ganon ba sabay tawa, samantalang si Kuya M ay biglang nagsabi na 'Ang taas naman ng standards mo K alam ko maganda GF mo pero ang ganda kaya ni (Ate Girl) parang Anghel na tumambay sa lupa sabay Thank you si Ate Girl kay Kuya M kaya ayon nag blush daw yung loko matapos ang chikahan ay pinapasok na ni Ate Girl sila Kuya K&M para maghapunan dahil pasado 7pm na non, pag pasok ay nag paalam si Kuya K kung pwede makigamit ng Internet (Note ang Internet non ay di gaya ng wifi ngayon kailangan mo ng wire na nakasaksak sa Modem at isaksak ito sa Loptop para gumana) okei naman daw sabi ni Ate Girl while preparing for dinner eh nag Facebook muna si Kuya K at hinalungkat yung mga old pictures nya at nung makita ang hinahanap nya ay tinapat nya ang loptop kay Kuya M and na shock ito. Ng makita ni Kuya M ang Old pictures nila Kuya K at Ate Girl, college graduation pictures nila to dun din nya nakita na kung maganda si Ate Girl ngayon ay di hamak na mas maganda ito noon as in. Kaya naman naintindihan na ni Kuya M yung point ni Kuya K kung bat nya nasabi na pumapangit si Ate Girl. After nila maghapunan ay nag interview na sila Kuya K&M natanong nila kung bakit solo lang si Ate Girl sa bahay nya? Sabi naman ni Ate Girl na nirerentahan nya lang yung house dahil malapit ito sa pinagtratrabahuan nya dahil hustle masyado kung uuwi pa sya all the way from Paranaque. Supervisor sya sa isang kilalang company kaya naman sinabi ni Kuya M baka haggard lang sya sa work sabi ni Ate Girl di naman dahil matagal na rin sya at keri naman daw ang nakakapahaggard daw sa kanya ay morethan a month na syang walang saktong tulog. Kaya naman abang na sila Kuya K&M sa ikukwento ni Ate Girl, ayon kay Ate Girl nagsimula ito noong May lagi syang nananaginip na nakikita ang sarili then magigising sya bigla keri pa naman daw nya kaya nakakabalik ulit sya matulog pero mejo worried na sya kaya pagising gising sya. Bago matapos ang kwento ay niyaya nila si Ate Girl na pumunta sa kwarto nya na nasa 2nd floor naman kaya naman umakyat sila dito. Nauuna si Ate Girl kasunod sila Kuya K&M ng makapasok na si Ate Girl sa kwarto ay nag sorry ito dahil mejo may kalat kaya naglinis muna ito, pag tapak pa lang ng isang paa nila Kuya K&M ay napasabi si Kuya M ng 'for God sake' na kinagulat ni Ate girl bakit daw ? Sabay bangga ni Kuya K kay Kuya M sensyas ng parang pinapatahimik nya ito. Nag paalam muna sila kay Ate Girl na kukunin yung equipment sa sasakyan kaya bumaba na sila. Sabi ni Kuya K ay wag syang maingay para di na mag worry si Ate Girl para maktulog ito ng mahimbing dahil nga bakas sa mukha ni Ate Girl na pagod na pagod ito dahil kulang palagi sa tulog. Na gets naman ni Kuya M ang point ni Kuya K kaya sumang ayon ito, habang papunta sa car ay nag usap sila about sa room ni Ate Girl tanong ni Kuya M kung nafeel din daw ba ni Kuya K? at sabi nya oo damang dama may something dun sa room di pa nila tukoy kung ano basta may dark presence dun kaya cancel out na ang theory of OBE back to Paranornal ways na sila, kaya inutusan ni Kuya K si Kuya M na pag balik nila ay subukan nitong hanapin ang area of concern samantalang lilituhin nya lang si Ate Girl para di makahalata. Nabalik na sila sa room dala dala ang gamit at sakto tapos na maglinis si Ate Girl. Kaya naman mejo chinika ni Kuya K si Ate Girl samantalang si Kuya M ay pagala gala ng tingin, sumenyas si Kuya K kay Kuya M pero negative ang sagot nito di nya mahanap kung san banda nag pupugad yung presence. Kaya naman pinagpatuloy na nila si Ate Girl sa kwento nito sabi ni Ate Girl ay nitong June lang ay kada gabi na sya nananaginip ng ganon this last 2weeeks ay iba na dahil nakikita nya ang kanyang sarili habang natutulog pero umaangat na sya papunta sa kisame at sa point na para syang nilalamon nito magigising na lang sya after dun sa point ng dream nya block out na sya or tuluyan na syang nilamon ng kisame at pag gising nya ay parang pagod na pagod sya dahil sa takot ay kadalasan di na sya bumabalik sa pag tulog. Dahil dito ay sabay na tumingala si Kuya K&M (sa isip nila Gotcha nanjan ka pala nagtatago) kaya naman napagaya na rin si Ate Girl sabay tanong anong tinitingala nyo jan dalwa ? Sagot naman ni Kuya M na may dumaan daw kasing butiki sabay tawa sabi naman ni Ate Girl praning ka ! Mga 9pm na non at nag paalam si Ate Girl na maliligo dahil matutulog na sya at sabi nila Kuya K&M na sige lang pag baba ni Ate Girl ay nag simula na silang kumilos set up ng Cams nakatutok sa bed ni Ate Girl pero cover din yung kisame dahil yun ang area of concern nila. Ng matapos na maligo si Ate Girl ay bumalik na ito sa kwarto nag paalam sila Kuya K na nag set up sila ng Camera for observation at okei lang ang sagot ni Ate Girl na do your things lang lumabas sila Kuya K&M para dun i set up ang loptop para sa monitoring and good to go na lahat. Kaya naman sabi ni Ate Girl na matutulog na sya at nag goodnight na sinabihan sya ni Kuya K na isara lang ang pinto pero wag ilock kasi incase of something makakapasok sila! Natulog na nga si Ate Girl at focus na sila Kuya K&M sa monitor mukhang mahimbing na ang tulog ni Ate Girl, nag paalam saglit si Kuya K na magtitimpla muna sya ng isang termos na kape dahil mahaba habang puyatan daw ito thumbs up naman si Kuya M. Nakabalik sa si Kuya K at sabay na silang nag observe ni Kuya M, smooth sailing pa naman nong 10pm to 12am pero nang pag sapit ng 1am ay may napansin na sila parang may white mist (puting usok) na lumabas sa katawan ni Ate Girl di nag tagal nag korteng tao na ito nakita nila na spirit ito ni Ate Girl (Note only Psychic can see spirits) may napansin silang mali kasi yung body ni Ate Girl ay standard yung pag higa nakaharap bali sa kisame samantalang yung spirit nya eh nakaharap sakanya bali Face to Face na sila kaya duda na sila Kuya K&M at tutok na sila sa monitor. Dahan dahan na itong umaangat papuntang kisame ng malapit na ito sa kisame ay may biglang lumabas na Shadow sa kisame at di naglaon ay nag korteng humanlike figure, Zinoom nila yung cam and naconfirm nila kung ano ito, parang niyayakap nya yung spirit ni Ate Girl at papunta sila sa kisame kaya naman mejo panic na si Kuya M at gusto ng pumasok sa loob pero pinigilan sya ni Kuya K at sinabing hintayin natin hanggang matapos. Dont worry M magigising din sya after malamon ng kisame yung spirit nya, baka pag pumasok ka ay may iba pang mangyari. Kaya naman kumalma bahagya si Kuya M at umupo.Maya maya lang ay nagising na si Ate Girl hapong hapo ito kaya naman tumakbo na sila papasok at nilapitan si Ate Girl sabay sabi na dun na muna sila sa salas. Bumababa na sila ngunit pinauna na ni Kuya K sina Ate Girl at Kuya M, sinabihan nya na rin si Kuya M na magdala ng unan at kumot while sa taas naiwan si Kuya K para isara yung room them perform a Sealing ritual para di makalabas yung entity then sabay tanong ni Ate Girl kung anong na obserbahan nila? Sabi naman ni Kuya M na bukas na lang nila pag usapan at bumalik na sya sa pag tulog pero ramdam ang takot ni Ate Girl kaya pag baba ni Kuya K ay kumuha ito ng tubig para ipainom kay Ate Girl. Mejo okei na lahat kaya pinakiusapan nilang dalwa si Ate Girl na matulog ulit at ginawa naman nito ng maconfirm nila na nakatulog na si Ate Girl ulit ay alert mode pa rin yung dalwa baka biglang sumulpot ulit yung nakita nila pero hindi naman na. Lumipas ang oras at pag tingin nila sa orasan ay 5am na sa tingin nila na smoke is clear naman kaya natulog na rin sila. Nagulat sila Kuya K&M ng may biglang gumising sakanila si Ate Girl pala at maaliwalas na ang mukha nito sabay tanong nila kung anong oras na? Sagot naman ni Ate Girl na 7am na kaya naman gumising na rin sila sabay tanong kay Ate Girl kamusta tulog nya? sagot naman nito na after of almost a month ay ngayon lang sya nakatulog ng mahimbing na kinasaya naman nila Kuya K&M. Nag tanong si Kuya M kung di ba sya malelate sa work kasi 7am na pero sabi ni Ate Girl na sabado daw ngayon kaya walang work sa office sabay smile, Bumili muna ito ng maaalmusal and pag pagtapos kumain ay nagtanong na ito about sa nangyari kagabi ! Kaya dito nag kwento ang 2 psychic, sinabi nila na nakita nila kung pano lumabas yung spirit ni Ate Girl sa katawan nya pero ang weird is nakareverse ang position nito kaya naman nagtaka din si Ate Girl. Pag patuloy pa nila ay dahan dahan itong umaangat papuntang kisame at ng malapit na ito ay biglang may shadow na lumabas naman sa kisame nag korteng humanlike at niyakap nito ang spirit ni Ate Girl hanggang sa mag Fade na ito na sya namang pag gising nya. Kaya sinabi nila na cancel out na ang OBE tanong ni Ate Girl habang natatakot na ito kung ano iyon? Sabi ni Kuya K na sure sila na isa yong SHADE.Trivia muna tayo guys ang Shade ay isang Demonic entity ayon sa mga chismosang kapitbahay, naattract ito sa negative engery at dun nag pupugad cause of negative energy is Stress,Depression and Anxiety. Ayon naman sa ekspertong totoo Nathaniel (Mang Tani) Cruz na ang Shade daw ay isang Demon Spirit what Demon na Spirit pa pano yun? Kayang palabasin ng Demon ang kanyang spirit para manghunt ng mabibiktima dahil nakakaranas din yung mismong demon na mahirapan tumawid from hell to human world pero yung spirit nya is di hamak na magagawa ito ng mabilis! okei na? kaya naman tanong ni Ate Girl anong pwedeng solusyon dito? Sabi nila Kuya K na malamang bago lang ito at di pa ganon kalakas ang Hold nito sa lugar kaya kung mag papaExorcism sila ay matagal na proseso pa yun. Sabay na nanahimik yung dalawa at nag iisip (ewan kung sinaniban sila ni B1 at B2) dahil sabay nilang nabigkas na ' Ay si King Solomon' sabay tawa ng malakas, samantalang si Ate Girl ay parang naburyong sa dalwa kasi tense na sitwasyon pero nagawa pang tumawa. Sabi ni Kuya K na wait lang may tatawagin lang ako sabay labas, sa loob ay na intriga si Ate Girl sino daw si King Solomon ? Yung nasa bible daw ba? Diba patay na yon? Sabay tawa ulit ng malakas ni Kuya M sabi nya yung tinutukoy nilang si King Solomon ay si Kuya I (remember) kasamahan nilang psychic na may alam sa Lesser key of Solomon kaya baka may magagawa ito at naliwanagan naman si Ate Girl. Pumasok si Kuya K at sabing susuduin na nya si Kuya I dahil approve na ito okei naman daw sila Kuya M at Ate Girl. After a few hours dumating na si Kuya K kasama na nga si King Solomon may mga dalang Scroll at etc. (Yung itsura non is parang red paper yung likod tapos white yung harapan tapos may mga nakasulat dung anik anik ah ewan) sabi ni Kuya I kung nasan yung Shade sagot nila ay nasa kwarto kaya umakyat na sila don, pag check sa lugar ay sinabihan sila ni Kuya I na bumaba na daw silang 3 at sya ng bahala dun dahil tama nga sila Kuya K&M mahina pa yung hold nung shade dahil bago pa at madali nya lang itong maaalis dun yun nga ang ginawa nilang 3. Nasa salas silang 3 habang naghihintay mga 15min lang daw ata yung tinagal at bumaba na si Kuya I sabay sabi okei na pinalayas ko na di nag babayad ng renta sabay tawa pero yung expression ng mukha nilang 3 ay parang di naniniwala kasi parang sumanib lang daw kay Kuya I umakyat silang 3 para icheck kung okei na nga at yun wala na yung heavygat na feeling sa room maaliwalas na rin yung atmosphere. Ayos na ang lahat kaya naman nag paalam na sila Kuya K,M at Kuya I bago umalis eh talagang kinuha pa ni Kuya M yung number ni Ate Girl (Kapal) End of Case

Note: ngayon ko napatunay mas malakas pala talaga ang Aswang kesa Multo. Kasi yung Multo na palayas nila pero yung Aswang nadali si Ate Girl oo tama kayo ng iniisip inaswang ni Kuya M si Ate Girl after a few months ay napasagot nya ito at nung 2016 ay kinasal na sila and nasa abroad na rin! Diba mas malakas yung Aswang.

PS. Baka eto muna yung last story ko dahil pandemic ngayon ay tinanggap ko muna yung alok saking trabaho sa construction dahil malapit lang samin at sayang every peso count. Alam nyo naman mahirap ang trabahong yun kaya after non ay baka wala akong time para makapag kwento ng aming expirience noon dahil need ko na mag pahinga pero itratry ko gumawa kahit pakonti-konti para makabuo ng story siguro mga 2 weeks or more bago ako makabalik kaya hanggang comment lang din muna ko.


Muli maraming salamat Ako ito yung nag mamahal sa inyong lahat! (Admin and Readers) (ala Zanjo Marudo lang)

Ediwow Caluag po mwuahhhhh!!!

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now