BPO Stories #4

57 3 0
                                    


Si Kuya

Matagal na din akong nag babasa dito sa page ng spookify , and now lang ako nagkaron ng lakas ng loob na mag send ng story ko. haha Di ko alam kung pano sasabihin eh. So here it goes,

Isa akong call center agent somewhere in Makati. Isa sa malalaking bpo company ang employer ko. I started working nung 18 yrs old ako , I'm from Bulacan naisipan lang pumunta ng manila para mas malaki sahod. (Alam Naman natin na maliit talaga sahod sa probinsya) and that time dun din malakas ang third eye ko. Not to mention, isang witch lola ko. So ayun na nga, first night of duty ko. 11 pm pasok ko. 9:30pm : Nag lalakad ako papuntang sakayan ng bus malapit sa tollgate ng may madaanan akong lalaki. Siguro mga 30+ na edad nya. Matalim mga mata at mahaba ang buhok. Maputla din kutis nya. Yung kahit madilim eh kitang kita. deadma lang ako na naglakad padaan sa harap nya, nag mamadali na ako eh Makati pa trabaho ko. Pag daan ko sa harap nya ay napansin ko na nakatitig sya sakin. Tahimik lang sya pero nanlamig bigla pakiramdam ko. Pakiramdam ko sasabog puso ko sa kaba. naisip ko Kasi what if hablutin nya ako bigla. Siguro mga ilang hakbang lang layo ko sa kanya ng maramdaman ko na nag lalakad na sya pasunod sakin. At yumuyugyog balikat nya. Napabilis Lalo pag lalakad ko. Napapamura nako kasi I'm not feeling good anymore. Kung gano kabilis lakad ko yun namang palapit ng palapit sa likod ko ang mama. Hanggang marinig ko yung tawa nya. Tawa nya na Parang nasisiraan ng ulo. Siguro iisipin nyo na baliw Ang nadaan ko. Pero Sana nga baliw Lang. Pag kalampas ko sa tindahan ng mga paputok ay may nararamdaman akong malamig na kamay na humawak sa balikat ko at may bumulong sa tenga ko. "bakit ka tumatakbo?" Nanigas katawan ko because of shock. Di ako makapag salita. Kahit gustuhin ko tumakbo di ako makatakbo. Dahan dahan along lumingon sa taong nasa likod ko at nakita ko ang isang di ko makakalimutan na itsura sa buhay ko. Si kuya nakangiti habang nakalabas ang pangil nito at pulang pula ang Mata. Sobrang baho ng amoy nito, Parang nabubulok na patay na daga. at may malaking sugat sya sa leeg. parang tinamaan ng matalas na bagay. Dahan dahan syang ngumanga at napapikit ako. Naisip ko agad ang lola ko. Tinawag ko sya sa isip ko. Akmang sasakmalin na ako ni kuya ng bigla itong mapamura. "t**g ina may istorbo" sabi nito sabay salya sakin dahilan para masubsob ako sa kalsada at nag mamadali itong tumakbo palayo. Natauhan ako ng tumunog ang cellphone ko at nakita ko na tumatawag si Lola. Tinatanong Kung nasan na daw ako. Hindi ako nakapasok that time. Nagpasundo ako sa Lola ko sa tollgate at nag send ako ng text sa office na may emergency. buti tinanggap ng supervisor ko. Sky

Ayos lang yan!

Hi spookifiers! Silent reader po ako at first time ko magshashare ng experience dito. Hope you understand. Itago nyo nalang po ako sa pangalang "Carlisle".Isa po kong call center agent sa may makati. That time 3 am pasok ko eh galing pa kong cavite kaya umaalis ako nga bahay ng mga 9:30 tas makakarating ako sa company ng mga 11:30.Nangyare lang to this year, medyo stressful ako that time due to family problems tas pressure sa work. Sobrang toxic kasi ng account na napasukan ko kaya kelangan mong imaintain ang mga good metrics and numbers para tumagal ka. Halos lagi ako umiiyak at ayaw ko na pumasok pero due to financial needs, dahil bread winner ako sa family, kelangan kong kayanin.So eto na nga, nakarating ako sa office ng 11:30, dumiretso agad ako sa sleeping quarters. Lagi ko ginagawa un since 3:00 am pa naman start ng shift ko. Double deck ang mga beds sa loob ng quarters. Usually occupied na lahat ng bandang baba so no choice ako kundi pumwesto sa taas.Kanan part ko is wall na tas ung left ko is hagdaan para makababa. After ko mahiga kinuha ko muna cp ko at nagbasa ng bible. Two chapters lang ako every night tapos nun umiyak nanaman ako at nagpray. Sabi ko " Lord hirap na hirap na po ako gusto ko na sumuko pero still, let your will be done paden po" tapos tumawag na ko sa boyfriend ko para sabihing nakahiga na ko at sabay na kami matulog. Hindi kasi sya natutulog hanggat di sya sure na safe akong nakarating sa company. Mga after 10 minutes nakatulog na ko.Sa panaginip ko, parang nasa children's park daw ako kasi sa harap ko may mga bata na nakaupo sa duyan at meron namang ibang bata sa may slides. Masayang masaya sila at nagtatawanan pa yung iba. Natuwa akong tignan yung mga bata kasi parang mga wala silang problema at sobrang 'stress free' sila. Hanggang sa nabaling yung atensyon ko sa may bandang kanan nang may marinig akong mga bata na parang nagtutuksuhan. Pagtingin ko sa may bandang kanan (maniwala man kayo o hindi) nakita ko si Jesus na nakapako sa krus. Duguan at puro sugat sugat yung katawan nya. Halos yukong yuko na yung ulo nya sa pagod at saket. Syempre pako ang gamit sa both right and left palms nya saka pako sa paa nya wala tali na nagsusupport manlang sa bewang nya. Try to imagine it guys. Nakatingin si Jesus sa mga bata habang yung mga bata binabato sya ng mga bato habang pinagtatawanan na parang tuwang tuwa pa sa ginagawa nila. Si Jesus naman walang halong galit sa mukha nya habang nakatingin sya sa mga bata. Mukha lang talaga syang ngalay at pagod na parang mawawalan na sya ng hininga. Napasigaw ako "waaaag!!" tas iyak na ko nang iyak that time parang gusto ko makalapit pero parang di ko magalaw paa ko. Napatingin si Jesus sa kinatatayuan ko. Mukhang pagod at hirap na syang makagalaw. Nakatingin lang sya saken hindi bumubuka yung bibig nya. Kung paano nya tignan yung mga bata ganun din nya ko tinignan. Yung kahit ganun na yung sitwasyon nya walang halong hatred sa puso nya at di sya nagrereklamo. Then i heard a voice from nowhere habang nakatingin paden ako sa kanya. Sabi nung voice, "ayos lang yan, ayos lang yan." paulit ulit. Di ko alam pero kahit di bumubuka yung bibig ni Jesus parang lakas ng feeling ko na sa kanya galing yung boses na yun. Nakatingin paden sya saken kahit pinagbabato paren sya ng mga bata. Umiiyak paden ako that time habang naririnig ko paden yung voice saying the same words. Hanggang sa bigla akong nagising kumot lang nakikita ko sa harapan ko (nagtatakip kasi ako ng buong katawan pag natutulog ako sa quarters) huminga ako saglit naisip ko buti nalang panaginip lang. Pero bes, nagulat ako kasi narinig ko nanaman yung boses sa mau bandang kaliwa ng tenga ko parang bumulong at muling sinabi yung "ayos lang yan." Di ko alam kung ano dapat ko maramdaman that time. Ni hindi ko maigalaw katawan ko as in. Dati nababasa ko lang yun about sa sleep paralysis pero i wasn't expecting na maeexperience ko yun. Pinikit ko nalang yung mata ko at muli akong nagdasal. Hanggang sa nakatulog na ko at nag iba na yung panaginip ko. Nagising nalang ako sa alarm ng cellphone ko at napabuntong hininga nalang nang marealize kong papasok na naman ako at magtatake ng call. Hanggang sa naalala ko yung panaginip ko na may nagsabing "ayos lang yan" kaya parang tinatak ko sa isip ko yun.Hanggang ngayon palaisipan paden saken kung ano ibig sabihin ng panaginip na yun. Sana matulungan ako ng mga magagaling dyan about sa meaning ng panaginip. Curious lang po ako. Thank you din po sa mga nagbasa kahit di sya nakakatakot. To God be the Glory po! Godbless!Carlisle21Cavite

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now