Hello Anne

85 3 0
                                    

"HELLO ANNE"

Hello Anne,
Kumusta ka? Sana ok ka lang, alas singko ng hapon nung una kitang nakilala dito, mahilig ka pala sa soda no? Wag masyado ha, Alam mo ba nung una kitang nakita, parang tumigil yung mundo ko, kakaiba nga eh, di ko alam kung bakit, pero sa ngayon naisipan kong sumulat para sayo. Di ko rin makakalimutan nung kinausap mo ako, tinanong mo kung magkano ba yung pinamili mo, at dun ko rin nalaman ang pangalan mo, Mary Anne pala, pero mas gusto mong tawaging Anne, Hi anne, sana maalala mo ako, at hoping ako na babalik kang muli dito.
-Love J
-----

Hello Anne,
Sobrang boring ng araw na ito, puro trabaho araw araw puro customers kaharap, trabaho uwi tulog palagi. Hay nako, pero nung ikaw na yung pumasok, nabuhayan ako, sabi ko na nga bang babalik ka eh, wala pa ring nagbago, pero mas lalo kang gumaganda. Di ko maiwasang di mapatingin sayo. Sana maalala mo ako, maitsura naman ako diba? kaso teka bakit parang di mo ako maalala? umalis ka na lang bigla, akala ko pa nama kakausapin mo ako, Di siguro sapat yung unang sulat ko sayo, alam mo ba sa sobrang lungkot ko di ko naiwasang tignan yung cctv dito, dun lang din pala ako magkakaroon ng pagkakataong titigan ka ng matagal, kaya kinuha ko ang kopya na to, wala akong pakialam kung matanggal ako sa trabaho, basta't nakikita kita.
-Love J
----

Hello Anne,
Kaninang umaga pinatawag kami ng aming boss, may magnanakaw daw na nakalusot at ang tanging bagay lang na makakapagturo kung anong naganap ay yung kopya na nakuha ko, galing dba? kaya tinatanong kung sino yung huling naka assign.. eh ako yun, kaya walang dalawang isip na sinabihan akong "Wag ka na pumasok bukas, dahil tanggal ka na ang tanga mo". Ok lang yun anne, dahil sa wakas!!! may oras na rin ako para makita ka palagi, dapat matuwa ka anne, marami na akong free time para sayo, at teka may ibibigay nga pala ako sayo pero pinag hahandaan ko pa, sa ngayon busy pa akong ayusin tong camera ko para may picture na tayong dalawa, Mahal na kita anne, sana mapansin mo ito sulat ka rin naman minsan.
- J
----

Hello Anne,
Pinuntahan kita sa trabaho mo hinihintay kong lumabas ka, ang tagal pero ok lang basta makikita naman kita, nung bigla kitang nakitang papunta sa kotse mo at nung umalis ka na lumapit ako sa kasama mo tinatanong ko sakanya kung anong room number mo, natuwa ako kasi dali dali rin naman nyang binigay sakin, Sino ba namang tatanggi sakin habang nakatutok sakanya yung kutsilyong hawak ko diba, malapit ko nang maibigay yung regalo ko, Mahal na mahal kita Anne.
- J
----

Hello Anne,
Lumipas ang araw wala pa rin akong natatanggap na sulat mo, pero may good news ako! Lilipat na ako malapit sayo! Oh diba?! ang saya diba? Araw araw na kitang makikita, di na ako kuntento sa bawat stolen shots ko anne, Ay oo nga pala mamaya ko na ibibigay yung regalo ko sayo kapag umalis ka na sa kwarto mo.
- J
----

Hello Anne,
Ang ganda pala ng kwarto mo? Ang linis, maayos, grabe, sorry kung trespassing di ko maiwasan, wala naman akong nanakawin dito, tsaka dun lang naman ako sa vent nakadaan, nakita ko mga makeup kits mo, di mo na kailangan ng ganyan, maganda ka na sa panloob at panlabas kaya tinapon ko, sorry, tsaka yung suklay mo ang cute at may mga naiwang hibla ng buhok pa, di ako interesado sa suklay kundi sa buhok mo, memorabilia lang naman.
Hawak ko na yung regalo ko sayo itinago ko sa closet mo.

Nandyan ka na pala, nandito pa rin ako nagmamasid sayo, sana makita mo yung sulat na pinatong ko dyan sa table mo, Nung pinatay mo na yung ilaw bumaba ako ulit, Gusto kasi kitang lapitan habang natutulog ka, Ang ganda mo talaga, ang ganda ng mukha mo, ng katawan mo kaya di ko maiwasang malibugan sayo, pero nagulat ako nung gumalaw ka kaya naisipan kong magtago muna sa ilalim ng kama mo.
- J
----

Hello Anne,
Nakita kitang umiiyak bakit Anne? May nanakit ba sayo? Sabihin mo papatayin ko! Pero nakita ko ring hawak hawak mo yung regalo ko, na touch ka ba? Simpleng scrapbook lang un, Puro ikaw, kung anong ginagawa mo araw araw, pero bakit natataranta ka? Di mo ba nagustuhan? Teka bakit parang may dala dala kang maleta? San ka pupunta? Iiwan mo ako???!!! Hindi Pwedeeee!!!!

Di ko akalaing ganun ka pala kalakas sumigaw, nataranta tuloy ako kaya nasuntok kita pero atleast katabi na kita ngayon, Mahal kita Anne, wag mo akong iiwan, marami pa tayong bagay na gagawin, Tayong dalawa lang.
- J
----

Anne,
MASAYA KA NA??!!! SOBRANG SAYA MO NA BA????!!! Pagkatapos mong makita't mahawakan ang kutsilyo sa kwarto ko, sinaksak mo sakin??!! Nakita kitang nanginginig at umiiyak.
Shhhh... wag ka na umiyak nandito lang ako, magmamasid palagi sayo, Di kita iiwan kahit san ka man magpunta, ganun kita kamahal Anne, Mahal na mahal,
lumalabo na ang paningin ko marami na rin palang dugo ang nawawala sa katawan ko, Nakakatawa diba???
Bago ko itigil ang sulat na ito gusto ko lang malaman mo..

Babalikan kita Anne,
Dahil akin ka lang.

-------
This story was one of the most creepiest story ever posted on the internet.

Original Version: "DEAR ABBY" by: Kyle Mangione-Smith.

tagalized and revised by : Crucidoll ☠

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now