Maristella (Parts 1-4)

165 8 0
                                    

Maristella (Parts 1-4)

Part 1

Tawagin nyo ako sa pangalang Giann. 21 years old at nakatira somewhere in Visayas. Nakapagtapos ng Señior High School at nakapag decision na tumigil muna at subukan ang pagtratrabaho. Hindi namn kami mayaman, di rin mahirap, kumbaga sakto lang. Hindi naman siguro paligsahan ang pag angat sa buhay, naka depende naman yun sa kung anong diskarte mo. May Tito ako na isang Canine (K-9) Instructor na nag enganyo sakin na pumasok at mag schooling sa companya nila. Sakto naman na dog at pet lover kaya pumayag ako sa offer nya na mag K-9 Student Handler. Gabi palang nag impake na ako mg mga gamit ko para sa mga gagamitin ko kapag training na. Kinabukasan, medyo kinakabahan at iniisip kong ano kaya ang itsura ng training camp namin. Pagkarating namin doon sa camp na pag t'trainingan namin napansin ko medyo bukirin at medyo malayo sa highway papuntang syudad. "Tito Ben dito na ba talaga? Ba't puro bundok at mga puno kaharap natin dito?" Tanong ko kay Tito. "Nako naman Gian, walang training camp na malapit sa mall at park, pag isip ka rin naman minsan." Sagot nya sakin. May point sya dun pero nakakapanibago lang talaga lalo na't hindi ka sanay. Pumunta kami sa Dog Cages kung saan mamimili kami ng asong gagamitin ko sa training. Bukod sa attractive looking, hindi rin common ang color, at mukhang malambing naman, pinili ko nalang yung Belgian Shepperd na babae at ang pangalan nya ay Aubrey. Matapos kami pumili ng aso ko sabi ni tito mag masid nalang muna ako sa paligid ng camp dahil may pag uusapan daw muna sila ng Boss nya. Inayos ko ang mga gamit ko sa Barracs namin at nag bihis muna. Maganda naman ang training camp namin, bukod sa nasa ibabaw ng bundok ang training camp, may canteen, searching area para sa bomb and narcotics, office, malawak na ground para paglaruan ng aso, malamig din ang hangin, tahimik, at maaliwalas kapag gabi. Sa pag mamasid ko may napansin akong lumang bahay sa likod ng training camp namin. Kakaiba ang bahay dahil makaluma talaga lalo na ang disenyo. Nakakapanibago sakin at mukhang kakaiba kaya pumasok at nag masid ako. Pag pasok mo palang talaga sa bahay kakaiba na ang aura. Maalikabok, at mukhang paglalagyan nalang nila ng gamit na sira na, kumbaga ginawang bodega. Sa tapat ng pintuan makikita mo agad ang sarili mo, bakit? Dahil may malaking salamin na naka harap sayo pag bukas mo ng pintuan. Sa pagkaka alam ko bawal yata yung ganyan eh. Lumapit ako sa salamin, nagpapacute at nag a'arange ng ayos ng buhok ko. Sa gilid may sofa ngunit hindi naman sira, may lamesa, at may naka lagay na maliit na teddybear. Tinitigan kong mabuti ang teddybear. Kapansin-pansin ang teddybear dahil nawawala ang kanang mata nya at isa pa, amoy pabangong parang pambabae. Ng hinawakan ko ang teddybear tapos inamoy, biglang nag close ang pintuan ng malakas at may pumasok na hangin mula sa labas papunta sa loob at napaka bango. Kumalabog ng malakas ang bubong at ang mga ibang gamit ay natumba bigla. Biglang nag sara lahat ng bintana at may mga nakakatakot na ingay at sigaw. Binato ko yung teddybear tapos pilit kong buksan ang pintuan tapos katok ng katok. "Putaaaaaa palabasin nyoko ditoooo!!" Sigaw ko. Nakarinig ako ng tawa ng isang babae, sa isipan ko minulto na ako kaya panay ang pag patak ng pawis ko. Pag lingon ko sa likuran ko, ang maalikabok na salamin ay may marka na ang gamit ay parang lipstick na may katagang ."Magsisisi ka!" ang nakalagay. Sa totoo lang takot na takot ako dahil biglang pumasok sa isipan ko ang Movie na "Anabelle" nun. Napansin ko parang may kung ano sa mukha ko kaya lumapit ako ng dahan-dahan sa salamin. Napansin ko parang may markang linya na pula sa kaliwang pisngi ko. Pinunas ko at inamoy, tila ba amoy lipstick nga na cherry. Alam ko yan dahil ganyan ang lipstick ni mama noon na ginagamit nya. "Langyang pangyayari to, akala ko training camp to eh parang bahay to ng may mga baklang multo." Sabi ko sa sarili ko para kunwari hindi ako natatakot. "Sobrang judgemental mo namang lalake ka.." Biglang napadilat ang mata ko sa narinig kong mahinhin at mysteryosong boses. Habang nakaharap ako sa salamin nakikita ko sa likuran ko na nakalutang yung teddybear na binato ko kanina lang. Nanginginig ang mga tuhod ko sa takot at halos hindi ako makagalaw. Nakarinig ako ng babaeng nakakatakot kung tumawa at isang malamig na hangin ang dumampi sa batok ko. Habang nakatitig ako sa salamin, may unti-unting lumilitaw na imahe sa likuran ko. Ang lahat ng takot ko ay napalitan ng pagtataka at mabilis na pag kabog sa aking dibdib. May nagpakitang isang babae na hawak-hawak nya ang teddybear. Tawa sya ng tawa at mapapansin mong kakaiba ang itchura nya. Isang babaeng walang damit na tumatawa sa likuran ko. May mahaba syang buhok na nakatakip lang sa harapan nya at may soot na napaka ikling palda na may usok na nakapalibot sa katawan nya at sya si Stella. "Oh? Akala ko ba takot ka? Hihi titig na titig ka ah." Sabi nya sakin. "Ahhhh nako h-h-hindi ahh! Ako matatakot sa ganung bagay, sus." Sagot ko sa kanya. "Hmmm ganun ba, hays kung ano-ano nalang ang pinag gagawa ko lahat nang nandito hindi talaga natatakot." Sagot nya rin sakin at tila ba nadismaya. "Ahh ano miss ah eheheheee joke lang yon medyo natakot ako ng konti dun gulat nga ako ehh ehehe." Sagot ko rin sa kanya. Nagtawanan nalang kami na para bang nawalan ako ng takot sa kanya. Nagpalitan kami ng tanong at sagot tungkol sa aming mga pangalan. Sa isang kurap mo lang bigla na lang syang lilipat ng pwesto. Magsasalita sa likuran ko, sa gilid, sa harap, at minsan bigla nalang lalabas sa kabinet habang panay ang pag uusap namin. Mapapansin mong madaldal sya at mukhang may pagka isip bata. Kapansin-pansin talaga ang itsura nya, makurbang katawan, maputi, medyo malaki ang hinaharap, attractive looking, makapal ang kilay, at syempre may ngiting hindi makabasag pinggan. Bigla akong nag tanong sa kanya. "Ahh Stella ano ka ba? Diwata kaba oh ano?" At bigla syang napatigil sa pag sasalita nya. Bigla akong napa upo sa maalikabok na sofa na para bang may humihila sakin. Nag lakad sya sa harapan ko at umupo. "Sa totoo lang Giann, hindi ko alam kung ano ako. Maharil isa lang akong ligaw na ispiritu na nananatili sa lugar na to ng Isangdaan at dalawang taon (102yrs) na kasama ang teddybear na to." Di ko inakala, ang tanda at ang tagal na nyang namamalagi dito. "Palaboylaboy lang ako sa campo na to, naghahanap ng katanungan at kasagutan, tanging pangalan ko lang ang naalala ko." Sambit nya sa akin. Malungkot ako para sa kanya dahil may malalim na kabuhulan ang mga sinasabi nya, ngunit nakangiti pa rin sya kahit sobrang lungkot na ang nakikita ko sa mga mata nya. "Ganun ba Stella, pasensya ka na." Sabi ko sa kanya. "Okay lang yun, wala namang problema sakin yun eh." Sagot nya sakin. "Ahh nga pala Stella itatanong ko sana bakit.." sabi ko sa kanya. "Bakit? Ano?" Sagot nya sakin. Tatanungin ko sana bakit ganya ang kasuotan nya kaso baka sabihin nyang manyak ako kaya tinanong ko nalang na "Bakit nakikita kita at nararamdaman bawat kilos mo?". "Nahawakan mo kase si Jackie (teddybear)." Sagot nya sakin. "Ganun ba? Ibig sabihin ba nun kung may makakahawak kay sa kanya makikita kana ng iilan?" Tanong ko ulit sa kanya. "Hindi. Kase ilang beses ko nang nilagay si Jackie sa Barracks nyo at sa canteen tapos may humahawak hindi parin nila ako nakikita eh." Sagot nya uli sakin. Naisip ko na baka sa lahi na talaga namin to na nakakakita ng hindi pangkaraniwan dahil ako, si Mama, Lola at dalawa kong Tita na nasa abroad ay nakakakita din. Habang nagsasalita ako na "Ang weird nun so ako lang.." sa isang kurap lang biglang sumulpot si Stella sa likuran ko at bumulong na "Kaya nga ang saya ko eh ehehehe." Habang pababa ng pababa ang kamay nya mula sa balikat ko hanggang sa tyan ko. Naninigas ang lalamunan ko dahil baka kung ano ang gawin nya kaya pumikit nalang ako sabay lunok ng laway mula sa lalamunan ko. Nang biglang may tumawag sakin. "Giann! Anjan kaba? Tara na't kailangan mo pang mag fill-up at mag pass ng requirements pagkatos kakain na tayo." Si Tito Ben pala. "Opo Tito lalabas na ako saglit lang." Sagot ko sa kanya. Biglang bumukas ang pintuan at makikita mong naka harap at naka abang lang si Stella sa pintuan habang nakangiti. Pag labas ko niyakap nya agad ang braso ko ng mahigpit. "P*%#@ jusko!" Sabi ko sa sarili ko habang namumula. "Oh bakit anong nangyari?!" Tanong ni Tito Ben sakin. "Ahh ehh hahaha wala Tito ngayon ko lang naalala na nakalimutan ko pala Toothbrush ko." Alibi ko naman kay Tito. "Ahh wag kang mag alala may extra ako dun sa bag ibibigay ko nalang sayo yun." Sabi ni Tito Ben sakin. Totoong hindi nakikita ni Tito Ben si Stella, at hindi nya rin naririnig. "Kunwari kasintahan moko ngayon Giann hihihi tagal ko na di naka yakap ng ganto." Sabi naman ni Stella sakin. Hindi ako mapakali sa ginagawa nya lalo na't nakakaramdam ako ng malambot sa kaliwang braso ko. "Nga pala Giann, next 2days aalis ako at may aasikasuhin pa akong mga papel sa atin. Ingatan mo sarili mo, lalo na't matatakutin kapa naman." Anya ni Tito Ben sakin. Tumango lang ako at hindi makapag salita. Pag dating namin sa harap ng office biglang huminto si Stella at napahinto rin ako. "Oh anong problema Giann?" Tanong ni Tito sakin. "Teka lang tito i'ihi muna ako saglit dito." Sabi ko sa kanya. "Oh sya sge iho pasok ka agad ahh at kakausapin kapa ng Boss natin." Anya ni Tito sakin. Pagpasok ni Tito sa opisina nag usap kami ni Stella. Sabi nya di na muna sya tutuloy at babalik nalang muna sya sa lumang bahay. Tinanong ko sya kung bakit. Lumapit sya sakin ng malapitan at bumulong ng "Basta, ang maipapayo ko huwag na nalang hahawak ng bagay na mysteryoso at hindi pangkaraniwan. Aalis na ako ah, bukas nalang ulit. Yung bilin ko sayo Giann." Sabi nya sakin. "Eh bakit ngaaaaaa?" Sa isang kurap ko lang bigla na namang lumipat sya sa likuran at bumulong na "May nakatingin sa atin, hindi lang dalawa kundi tatlo."

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now