Hi Admin and Spookify Town si Ediwow Caluag na naman.Mejo iba yung title ko ngayon no ! Dahil di ito kasama sa mga past expirience ko sa tropa namin nila Big Boss and Co. kasi mejo mahaba pag yun ang naging topic ko. Kasi di ko akalain sa iba ako makakapick up ng kwentong katatakutan dito pa mismo sa pinagtratrabahuan ko. Nasa roadwidining ako saktong lang at mixer ang gamit pang masa kaya di ganong pagod pero sunog oo grabe init eh. Kwento ito saken ng Engineer namin dito na 4th degree cousin ko pala karansan nya ito nung panahong nag OJT sya sa Tacloban. Saktong kasing umulan at pinasilong nya muna kami dahil galing kami sa initan kaya nag karoon kami ng time para mag chikahan. Di ko alam kung bakit sya nag open nung kwento nya noon sa Tacloban pero magiliw ko pa rin syang pinakinggan, kaya eto may sharing nanaman ako sa inyo.
2013 of November pamilyar no? Oo ito kasi yung time nung nanalasa si Super Duper Typhoon Yolanda ang pinalakas na bagyo sa kasaysayan ng buong mundo (in terms of Trophical Cyclone). Kaya nga kahit yung CNN at BBC ay pumunta pa dito sa Pinas para masaksihan ito. 5thyr Civil Engineering student sya at sa isang kilalang Construction Firm sila sa Tacloban nakahanap ng mapag oOJThan na nirekomenda na rin ng school. Lima silang taga dito sa probinsya namin at magkakaklase silang lahat, 2 babae at 3 lalaki bali halos mag wa 1month pa lang sila sa OJT nila kaya di pa nila masyadong kabisado sa lugar ng Tacloban dahil nga iilang beses pa lang silang nakarating dito. Limitado ang kaalaman nila sa lugar lalo nat syudad na ito at maraming pasikot sikot, kung di nga daw silala hahatid nung service car nila ay maliligaw sila dito. 2 araw bago ang nakatakdang pag tama sa kalupaan ni Yolanda (Nov. 6) ay inadvicesan na sila ng kompanya kung san sila nag OJT na maaari muna silang umuwi sa kani-kanilang mga probinsya dahil nga sa nakaakmang piligro ng bagyo. 3 sa kasamahan nila na taga dito rin samin ang nag desisyong umuwi yung pinsan ko at isa nyang classmate na lalaki nag desisyon na dun lang muna sila sa apartment na nirerentahan nila, dahil nga baka mahirapan na sila makabalik at baka exagerrated lang yung balita na ganun ka lakas ang bagyo. Kinabukasan na ang nakatakdang pag landfall ni Yolanda (bali Nov. 7) ay relax lang sila sa apartment kahit nga daw yung mga kapitbahay nila dun ay parang wala lang kaya naman mejo kampante din sila, dahil malayo din sila sa dagat ay di nila inaalala ang daluyong (storm serge). Nag charge na rin sila ng kanilang CP at Flashlight incase ano mang mangyari kinabukasan. Natulog na sila pinsan at classmate nya (sa 2nd floor ang kwarto nila) 4:40am (Nov. ramdam na daw ang malakas na hangin at may pabugso bugsong pag ulan dahil eto na ang unang pagtama ni Yolanda sa parteng Eastern Samar, syempre dahil malamig ang panahon ay mas lalo pa silang ginanahan matulog, hindi sila sure sa saktong oras pero mejo maliwanag na daw yun ay ginising sila ng isang napalakas na pagbayo ng hangin. Yung parang isang bagsakan lang dahilan para liparin ang bubong ng kanilang apartment kasabay ng pagkasira din ng kanilang kisame. Sa puntong iyon ay dali dali silang bumaba sa salas at dinala ang kanilang mga gamit para di mabasa. Hindi sila ganong nabasa sa baba dahil sementado ang sahig sa 2nd floor kaya naging mainam itong silungan, ang maliwanag lang sa kanila nagngangalit ang ihip ng hangin rinig na rinig mo ang malakas na pag hampas nito, siguradong lahat ng madadaanan nito ay liliparin. Hindi na rin nila alam kung ano ng nangyayari sa labas dahil mas pinili nilang sumiksik sa isang ligtas na sulok ng bahay. Nag iisip tuloy sila na sana ay umuwi na lang din sila para di sila naipit sa ganong sitwasyon, pero huli na ang magagawa na lang nila ay mag dasal na sana ay matapos na ang malaimpyernong bangungot na yon. Ilang oras pa ang dumaan dahan dahan ng humihina ang pag ihip ng hangin mejo kumakalma na, di na rin nila alam kung anong oras? o ilang oras? ang tinagal ng bagyo. Basta ang importante mukhang papalayo na ito at humihina na.Ng makompirma nilang okei na ay sumilip muna sila sa bintana ng kanilang apartment at laking gulat nila na maliban sa mga kalat na iniwan ng bagyo gaya ng yero natumbang poste ng kuryente ilang sign boards sa kilalang establisimento ay meron ding di pang karaniwang nakakalat sa kalsada. Mga bangkay ng mga tao, yung iba ay baka inanod lang daw siguro yung iba naman baka tinamaan ng lumilipad na bagay sa kasagsagan ng bagyo. Tulala si pinsan noon sa kanyang nasaksihan kinalabit sya ng kanyang classmate at sinabing mukhang kailangan nilang umalis dahil pag nag tagal ay mangangamoy na ang mga namatay at di ito maganda sa kalusugan at baka mahirapan sila humingi ng tulong dahil di rin sila taga doon. Kahit lutang ay pinilit nilang mag impake may iilan silang basang gamit pero wala silang mapagpipilian. Pag labas sa apartment ay dito mas tumambad sa kanila ang napakalaking pinasala ng bagyo, higit pa dito ay ang mga buhay na kinitil ni Yolanda, nasabi nila sa kanilang sarili na ito na ba ang Tacloban na pinuntahan nila halos isang buwan pa lang ang nakakalipas? Nasan na yung masagana, maunlad at magsiglang syudad ? Ang nakikita nila ay isang malawak na lugar ng mga patay mapa tao man o hayop ay kadalasang wala ng mga buhay, yung mga taong kailan lang ay sobrang saya ay wala na. Dahil rinig sa buong lugar ang pagtangis at pag dadalamhati ng mga namatayan, para sa mga nakasurvive para na rin silang namatay dahil kalong kalong nila sa kanilang mga kamay ang labi ng mga mahal nila sa buhay na sinawing palad. Nag simula na silang maglakad halos mahigit kumulang 2 oras na silang nag lalakad, nadaanan na rin nila yung lugar kung san napunta sa gitna ng kalsada ang isang barko pati dun sa Super Dome kung san sumilong ang libo libong taga Tacloban pero sa kasamaang palad ay dun din sila binawian ng buhay dahil sa sobrang lakas na Storm Serge napumasok sa nasabing lugar dahilan para ikalunod nila. Pagod na sila pinsan dahil sa ilang oras ng paglalakad di nila alam kung san sila papunta dahil wala kang makikitang sasakyan dahil di rin naman ito makadadaan sa kalsada dahil sa land slide sa ibang parte nito at karamihan dito nasira (mga sasakyan) dahil tinangay na rin ng baha. Kaya kahit merong pera ay parang wala din itong silbi, di rin sila makatawag dito sa probinsya namin dahil patay ang linya ng komunikasyon dahil nag tumbahan pati mga cell sites noon,Ilang oras ng naglalakad at di alam kung san pupunta, kinakausap na nga nila ang kanilang sarili san ba ang daan papuntang Natl' Highway ? Nasa bandang kalagitnaan sila ng town proper ay may napansin silang nakaupo sa gilid ng kalsada. Tingin nila isa itong batang lalaki mga nasa 11 or 12yrs old na ito, nakabrown na short at green na damit, mejo nanlilimahid na ito at marungis (sa bagay after ba naman ng bagyo talagang manlilimahid ka). Kahit mejo nag aalangan dahil magkaiba kami kasi ng lengwaheng gamit ang taga Tacloban ay Waray kami naman ay Bisaya (Cebuano) ay nilapitan nila ito at tinanong. Dong (tawag namin sa batang lalaki) anong ginagawa mo dito? Di ka ba hinahanap ng nanay mo? Tsaka kakatapos lang ng bagyo nahiwalay ka ba sa kanila? Mabuti na lang at marunong ito mag tagalog kaya yun ang kanilang ginamit para mag kaintindihan. Sumagot ito na uuwi na nga po sana ako kaso natatakot ako mag isa maglakad, tanong naman ni pinsan taga san ka ba? Sumagot ito na taga dun po sa last na baranggay na sakop ng Tacloban. At sabi ni pinsan na bali papunta yung Natl' Highway diba, sumagot naman ito ng opo, tanong naman ni Dong na bakit di po ba kayo taga dito? Hindi nyo po alam ang papuntang Natl' Highway? Sinagot naman ito ni pinsan na 'oo taga ibang probinsya kasi kami at bago lang dito sa Tacloban, sinabi ni pinsan kay Dong kung san. At sinabi nito na napakalayo pala ng pinanggalingan nyo. Sabi ni Dong sakto po pala iisa lang tayo ng patutunguhan kaya '' Tara uwi na tayo'' Magiliw si Dong para sa isang bata na di kilala ang kanyang kausap, di ito nagdadalawang isip. Inalok nila ng biskwit at tubig si Dong na baon pa nila galing sa kanilang apartment ngunit tumagi ito, bagkos ay sinabi nito na mas kailangan nila pinsan at classmate nya iyon dahil halos 1hr pa ang lalakarin nila, inisip nila baka nahihiya lang pero di talaga tinanggap. Habang nag lalakad ay tahimik lang si Dong tuwang tuwa naman ang classmate ni pinsan dahil sa wakas makararating na sila sa Natl' Highway at malaki na ang chance na makauwi na. Madami daw silang nilikuan na daanan nasa isip nila kung si pinsan lang at classmate nya ang maglalakad ay tyak di sila makakarating sa Natl' Highway, halos 1hr na silang nag lalakad diresto na ang daan kaya kita na nila ang Natl' Highway dahil may sign pa ito na mejo natupi na pero kitang may nakasulat to na Palo and Jaro (Leyte) kaya naman tuwang tuwa sila. Sa di kalayuan ay may mga kabahayan malamang taga dito si Dong at di pa rin nawawala ang eksena ng nag iiyakan.Lumingon si pinsan at napansin wala na si Dong kaya naman nag tanong ito sa kanyang classmate kung napansin nya yung batang kasama nila kanina. Sumagot naman ito na baka umuwi na dahil malamang taga dito na si Dong ayon na rin sa kwento nya, lumakad pa sila bahagya napansin nila ang isang ginang na umiiyak may kasama itong 2 pang bata ang isa batang lalaki mga 9yrs old na, yung isa naman babae mga nasa 5yrs old naman. May batang nakahiga dun sa umiiyak na ginang pero napapalibutan kasi nila ito kasama yung 2 pang bata kaya di nila masyadong makita at hinala nila na patay na yung batang nakahiga, Sinubukan pa rin ni pinsan mag pagala gala ng tingin dahil gusto nya sanang mag pasalamat kay Dong. Ng bigla syang kalabitin ng kanyang classmate na para bang nakakita ng nabuhay na patay. Sa inis nya ay tinanong nya ito kung bakit? Tinuro nito ang batang lalaking nakahiga't patay na at pinapalibutan ng mag iina kanina, nang makita ito ay panandaliang bumagal ang takbo ng mundo di sya pwedeng mag kamali. Naka brown na short at naka green na damit unti unti silang lumapit at dun nakompirma na nila si Dong yung bata patay, kung ganon sino yung kasama nilang naglakad galing sa town proper hanggang sa Natl' Highway? Nanglamig ang buo nilang katawan kasabay ng pag tayo ng kanilang mga balahibo, ano kasama namin nag lakad ang isang patay? Kahit punong puno ng pag tataka at takot ay pinili pa rin ni pinsan na labanan ito. Muli nyang inikot ang paningin ng may makita syang halaman at may bulaklak pinitas ito, kasabay nito ay kumuha sya ng pera sa kanyang wallet. Dahan dahang lumapit sa mag iina na nooy sige pa rin ang pag iyak, ng makatapat na si pinsan at classmate nya sa wala ng buhay na katawan ni Dong ay inisip nya na (sa wakas makapagpapasalamat nako sayo Dong dahil sa pag hatid mo samin sa Natl' Highway). Lumuhod si pinsan inipit ang bulaklak sa malamig ng kamay ni Dong tanda na kanina pa nga ito patay,titanong nya sa ginang kung sya ba ang Ina ni Dong at sumagot naman ito na oo. Iniabot ni pinsan ang pera na sya naman pag tataka ng Ina ni Dong.Dito nag simula si pinsan mag sabi na siguro nung buhay pa po ang anak nyo mabait itong bata? Tumingin naman sa kanya ang ginang at nag sabi oo sya si (Confidential eh stick to Dong na lang tayo) graduating sana sya ngayon sa elementarya, napaisip si pinsan (what a coincindents graduating din sya) panganay ko syang anak at itong dalwang batang kasama ko ay kapatid nya. Pag papatuloy pa ng Ina ni (Dong) patay na ang kanyang asawa mga 3 taon na ang nakakaraan kaya si Dong na ang tumutulong sa kanya. Dun ay humanga si pinsan kay Dong, dugtong pa ng Ina ni Dong ay nagtitinda sya ng gulay sa town proper at kasama ang 2 nakababatang anak nya. Si Dong naman pag tapos ng klase ay dumidiretso sa pwesto nya sa palengke. Pag napapansin na ni Dong na di mauubos ang panindang gulay ng kanyang Ina ay kumukuha ito ng iilan at nilalako sa buong Tacloban nag papaikot ikot ito hanggang sa maubos. Nauunang umuwi ang kanyang ina't kapatid para maghanda ng hapunan, nabalitaan din daw ng kanyang Ina na imbes mamasahe si Dong pauwi ay pinipili nitong maglakad na lang pauwi sa kanila upang di mabawasan ang kinikita nito, kaya sobrang kabisado nito ang daan sa town proper papunta sa kanila. Maya maya pa ay may lumapit na ibang tao mga kapitbahay nila Dong at nakiramay sa kanila, dahil maswerte ang mga ito at walang nasawi sa kanilang pamilya. Doon ay nag bahagi din sila ng masasayang alaala nila kay Dong nung nabubuhay pa ito, madalas itong tumulong sa kanila ng kahit ano at pag babayaran na sana nila ito ay tumatakbo ito at sasabihing sa susunod na lang sya bayaran. Likas daw na matulungin si Dong, matapos marinig ni pinsan ang lahat ay nawala lahat ng takot na kanina ay nararamdaman nya, napalitan ito ng kirot sa puso alam mo yung parang sinasak ka ng patalim sa puso. Dito nabanggit ni pinsan na tunay nga matulungin si Dong kasi kahit kaluluwa na lang ito ay nagawa pa rin nito silang tulungan at malamang na rinig ni Dong ang kanilang hinaing at tinulungan sila. Nagulat ang lahat sa sinabi ni pinsan at dito na sya nag kwento kaya nakinig ang lahat.Ng mailahad ni pinsan ang lahat ay gulat na gulat pa rin ang mga taong nakarinig pero sa kabilang banda ay nabilib pa rin sila kay Dong. Napansin ni pinsan na bahagyang napangiti ang Ina ni Dong na parang proud sa ginawa ng kanyang anak. Saktong may dumaang patrol car malapit sa lugar kung nasan sila pinsan, nakiusap sila kung pwedeng sumabay dahil sinabi nila na taga ibang probinsya sila at nangangailangan marescue. Sakto din naman na sa Regional ang mga pulis na nakaduty ngunit ihahatid lang sila sa Palo regional office at dun ay tratransfer na lang sila sa rescue vehicle. Nag paalam na si pinsan sa pamilya ni Dong at bago pa sila sumakay ay tumingin muna sya kay Dong at malumanay na binigkas na ''Nakauwi ka na Dong at makakauwi na rin kami Salamat'' inabot din daw sila pinsan ng isang araw sa Regional Office ng PNP ngunit inasikaso sila dun at ng sumunod na araw ay sinundo na sila ng rescue vehicle ng probinsya namin. Habang nasa RO ng PNP ay napaisip si pinsan sa madalas ikwento sa kanya ni Apo Buboy (Lolo namin) nung buhay pa ito, Ang kaluluwa daw ng isang namayapang tao ay kadalasang gagawin ang mga nakasanayan nito nung buhay pa sya bago lisanin ang mundo. Sa kaso ni Dong malamang daw na nag ikot pa ito sa Tacloban dahil lagi nya itong ginagawa nung buhay pa sya at malamang ay patawid na rin ito sa kabilang buhay. Kaya nga daw lagi nyang sinasama sa mga dasal nya si Dong maaring 8yrs na ang nakakalipas pero di nya makakalimutan ang lahat lalo na daw yung katagang "Tara uwi na tayo" End of storyNote: wala akong masyadong emojing ginamit dahil hango ito sa kwento ni pinsang Engineer. At ako lamang ang naglahad dito. Nung makabalik si pinsan sa Tacloban 3rd week ng January para ituloy ang kanilang OJT ay dumalaw ito kila Dong pero wala na ang pamilya nito don dahil lumipat na ito sa Ormoc dahil may kapatid ito doon (bali Tita ni Dong). Pero nakausap ni pinsan yung isa sa mga kapitbahay nila Dong at dun ito nilibing sa lupa na pag mamay ari nila, kaya nakapag tirik ng kandila at nakapag alay ng bulaklak at dasal si pinsan sa puntod ni Dong. Tinanong ko rin kung anong kinamatay ni Dong pero tinignan lang ako ng masama ni pinsan. Bakit mo pa daw tatanung yung ganung bagay sa ganong sitwasyon baka makadagdag lang ng sama ng loob nila.PS: habang kinukwento nya sakin to ay muntik muntikan nakong maiyak buti nalang mas unang tumulo ang SIPON ko kesa sa Luha ko.
yours truly, Ediwow Caluag
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...