Receiving Area
Hello, this is my first time sharing my story. Just call me with my nickname Leng. Kasama ko ang dalawa kong friends noon, nasa hallway kami tumatambay kasi examination days yon namin. Kumain kami ng lunch tapos bumili ng mga chips and such. Hindi namin namalayan ang oras at umabot kami ng alas dos sa tinatambayan namin tuwing lunch, katabi ng faculty room at receiving area. Ang ibang barkada namin ay nakauwi na at kami nalang ang nag-iingay sa hallway kasi may meeting din ang teachers non.
Hindi kami nakampante non kasi marami pa kaming estudyanteng naririnig na naglalaro sa volleyball court katabi ng field. Tumayo ako at sinubukang silipin ang volleyball court, nagulat ako dahil wala na palang naglalaro, bago pa ako tumingin sa court may naririnig pa akong tunog ng bola pero sa pagtingin ko wala na pala. Tumayo na kami pero iniwan pa rin namin ang bags namin sa mesa. Ang isang kaibigan ko ay may dalang cap tawagin natin siya sa pangalang May, isinuot niya iyon habang nananalamin sa square shaped na glass ng pinto ng vacant room katabi ng receiving area. Habang nag uusap sila ng isa ko pang kaibigan na si Joy ay sinubukan kong sumilip sa glass din ng pintuan ng receiving area. Hindi ko pa kita deritso ang naa sa loob kasi parang may blurry kaya sumilip pa ako lalo doon. Hindi ko alam kung sisigaw ba ako o kung ano basta natulala na lang ako pagkakita ko sa loob. Napakagulo ng mga chairs at medyo natabingi ang table. Sa bandang kaliwang bahagi ay may nakaupo, medyo naka sideview sa gawi namin pero sakto lang para maaninag ko ang babaeng inakala kong naka uniform na pang teacher at nakadungo habang nakatingin sa laptop. Unti-unting naging itim ang suot at ang buhok niya'y hanggang balikat ang haba. Agad akong napalayo, tulala, at ang paghawak nalang sa braso ni May ang nagawa ko. Sumilip din si Joy at ayon nga ang nakita niya, pero mas nakakatakot dahil nakatingin na ito sa kanya, mapupula ang mga mata. Dahil sa takot ay mabilis naming nakuha ang bags at tumakbo papuntang parent's area at doon kami nag-rosary. My story will end here and I hope you all are having a good day!
Aiko
Good day everyone. I'm Rj, an avid reader here since 2014. I am not good with story telling at mahaba haba po ito but please do bear with me as I share to you the story of a girl, let us just name her as ate Aiko. This is my 3rd attempt to share this story and I hope this time maipopost na. Wala ng paligoy ligoy pa. This story happened when I was in grade 5.There was this girl who named Aiko and she is a graduating student and running for valedictorian. She is my schoolmate at dahil na rin sa kapwa niya ako consistent honor student ay nakakasama ko siya every review weeks at mga araw ng paligsahan sa loob at labas ng aming eskwelahan. To describe her, she is a beautiful, intelligent and a kind hearted girl. Lahat ay natutuwa sa angkin niyang kagandahan at katalinuhan kaya't lahat ay nabigla na lamang sa biglaan niyang pagkawala dahil wala naman itong iniindang karamdaman at siya ay malusog kung amin man titignan.Around November siya nawala. I was in the other section nung nabalitaan naming wala na siya. It was around before lunch. Bilang ate atehan ko siya, nakaramdam ako ng lungkot at pagkadismaya dahil na rin sa ang bata pa niya para mawala. Ang sabi raw ng doktor ay complications ang nangyari sa kanya. Nariyan ang tonsilitis, mumps, kidney failure at iba pa kaya bumigay ang katawan niya.Aside from the gossips in our barangay, mga chismismosa atchismosa ay siya namang pag confessed naman ng kaniyang nanay tungkol sa karumaldumal na nangyari bago ang pagkawala ng kaniyang anak.Isang araw daw ay may nagtungo sa kanilang tahanan na isang matandang babae upang mangutang. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay ng pamilya ni ate Aiko at sila ay kapos rin ay hindi ito pumayag sa nais ng babae. Tila ba ay nainis at nagalit daw ang babae at umalis sa kanilang bahay. An sabi-sabi ay kilala ang matandang babae bilang mangkukulam o nagpapakulam.Pagkalipas ng ilang araw napansin na naming hindi pumapasok sa eskwelahan si ate Aiko. Yun pala ay biglaan siyang nagkasakit. Nung una ay simpleng lagnat lang daw hanggang sa lumala ng lumala. Kinagigiliwan kasi siya nga mga tao. Isa siyang karangalan sa pamilya at ng aming skwelahan kayat siya siguro ang naisipang kunin nung babaeng nangulam o nagpakulam sa kanya.At ang nakakagulat pa ay after namin nalaman na namatay siya (before lunch) kinahapunan mayroon akong kaklase na nagsabi na nabuhay pa raw siya. Pagkalaan ulit ng ilang oras noong patungo sana kami malapit sa kanilang bahay upang bisitahin ang co-worker ng aking tita ay nakasalubong na naman kami ng estudyante at ang ibinungad nila sa amin ay wala na raw si ate Aiko nung alas sais ng gabi.Ang pinaniniwalaan dito sa amin ay every 6 ng umaga o gabi, ito ang mga oras na nangkikitil talaga ang mga mangkukulam ng buhay ng tao. Kaya doon na talaga namin nakompirma na wala na talaga siya.Walang araw sa lamay niya na ako ay lumiban. Habang tinititigan ko siya sa kabaong niya suot suot ang puting bestida ay tila ba may nagsasabi sa akin na buhay pa siya. Ang ganda niya at ang fresh pa niya tignan, para nga siyang natutulog lang. Siya lang yung taong yumao na titig na titig ako, nakaka akit kumbaga. Na hanggang ngayon ay tandang tanda ko pa ang kaniyang mukha at mga naiwany ala ala kasama siya.Hanggang dito nalang muna po. Sa susunod po ako magkwekwento uli ng kanyang pagpaparamdam sa akin ng makailang beses. To ate Aiko, you will forever be remembered and missed. Ikaw na bahala sa nanay mo ate kasi kahit hanggang ngayon ay may nakatanim pang poot at galit sa kaniyang puso sa kung sino man ang gumawa nito sayo. Matahimik na sana ay iong kaluluwa at maghari ang kapayaan sa ating puso at isipan.Ang iyong nagmamahal na ading, RJ.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...