Internet Security Company

53 3 0
                                    


Hi Spookify! It's been a while! High School pa lang ako nagbabasa na ako dito. Anyways, enough of me. Here it goes.Disclaimer: Sobrang haba na post ahead. Feel free to prepare a tea, popcorn, coffee, etccc...May story ako.Ako lang ang nag-iisang babae sa pinagtatrabahuhan kong kumpanya at alam ko na kung bakit.Isa akong fresh graduate sa kolehiyo at gusto ko na talagang makapagsimula ng career agad-agad na walang kinalaman sa pagse-serve ng pagkain, pagpupunas ng mga gamit, o pagdadala o timpla ng kape sa isang matandang negosyante. Sa naka-sanayan nag-aapply ako sa trabaho na may anim na araw na trabaho at marami-rami na rin akong interview na napagdaanan. Alam ko na ang tinapos kong HRM na kurso ay hindi gaanong makaka-kuha ng magandang oportunidad, pero naniniwala pa rin ako na may mas maganda pang trabaho na naghihintay sa akin. Kaya naman nanatili akong positibo, matyaga, at nag-aapply lang sa mga office jobs na may magandang benipisyo. Kahit halos wala na akong mapagkunan ng makakain dahil sa magastos na mga interview, at least mapapagtibay naman nito ang kakaunting pride na natitira sa akin.Halos tatlong linggo na rin ang nakalipas, may isa akong phone interview sa isang internet security company. Ang kumpanyang iyon ay maraming offices sa amin at naghahanap sila ng bagong customer support specialist para sa kanilang international department. Ang mga requirements ay maganda o mahinahon na boses, good spoken and written grammar, kakaunting tech-knowledge, at may kakayahang mag-trabaho sa umaga at gabi. Ang office ay dalawang sakay lang sa mula sa amin, at mayroon silang magandang offer sa health insurance. Nag-aapply ako kahit limitado lang din ang alam ko sa computer science. Naging maayos naman ang phone interview at matapos ang dalawang meetings sa HR at sa Management, binigyan nila ako ng isang napaka-gandang offer (kahit na wala pa talaga akong experience sa kahit anong trabaho).Sa loob ng unang linggo ko, kailangan kong magtrabaho nang regular shift na 9am-5pm para maging online ako kasabay ng manager ko, na nagtatrabaho naman sa ibang branch ng kumpanya. Pagkatapos noon ay kailangan kong magtrabaho para sa regular na schedule ko bilang support - ang schedule ko ay 6 na araw na pasok (9am-5pm) at may isang araw na night shift (9pm-5am) respectively.Sa unang araw ko, ang suot ko ay isang loose na sweater at mahabang skirt. Bilang sa kaalaman ko ay sa ganitong uri ng trabaho ay karamihan mga lalaki ang empleyado, ayaw ko naman mag-cause ng unnecessary attention dahil sa provocatively o inappropriately pagsusuot ng hindi naayon na attire. Ang lalaki sa front desk ay mukha namang maayos na tao. Pinakilala n'ya ang sarili n'ya bilang si Andrew bago n'ya ako tulungang mag-fill out ng mga paperwork at sinamahan n'ya na ako sa aking mesa at sa isang open space na workspace. Nakatitig lang ako sa tila walang katapusang mga desks habang naglalakad kami, napansin ko na halos hindi mo makikita ang mga mukha ng bawat taong nagtatrabaho na nakaupo sa bawat desks. Wala man lang akong nakita o napansin na babae habang naglalakad kami sa tila baga'y walang katapusang workspace na iyon, na talaga namang hindi normal at nakakabahala. Kahit ang kalmadong presensya ni Andrew ay hindi kayang maiwaglit ang waring kakaibang pakiramdam na nakatuon sa akin. Halos maubusan ako ng hininga ng maramdaman ko ang mga presensya ng bago kong co-workers na tila nagsasabi na "Hindi ka nababagay dito". Nagulat ako ng biglang huminto si Andrew sa isang desk na napuno ng mga printed memes, floral stickers, at isang lumang keychain na naka-patong sa harap ng monitor. Bukod pa doon ay natatakpan na rin ng makapal na alikabok ang keyboard, monitor at ang natitirang ispasyo ng desk.'Ahhh... Anong nangyari...' Sabi ni Andrew sa medyo upset na boses. 'Pasensya ka na.' sabi nito habang nakatingin sa aking mga papeles. 'Ah... Aya. Dapat matagal na 'tong nalinis. Kailangan kong makausap ang custodian.''Ok lang 'yun,' sagot ko. 'Puwede ko namang punasan na lang 'yan, wala namang problema.'Medyo asiwa na noon si Andrew, pero habang ginagala ko ang aking paningin ay malinaw na wala ng ibang bakanteng desk maliban doon. Mabilis na natapos ang araw na iyon. Natutunan ko na ang mga dapat kung gawin na sumagot sa support related phone calls at gumawa ng bagong ticket para sa system. Kailangan ko ring i-monitor ang lahat ng pumapasok na chats at written tickets at isaayos ito base sa level ng urgency at type nito. Hindi naman ako required magbigay ng technical advice, pero dapat maging pamilyar ako sa aming product software. Bilang wala pa namang mga tawag ay pinakialaman ko muna ang manual. Halos wala akong maintindihan sa mga naroon kaya naman ginogle ko na lang ang karamihan na nasa manual. Kinumusta ako noon ng manager ko at mukhang hindi s'ya masaya sa mga lapses ko sa mga materials. Dahil pakiramdam ko wala akong matinong nagawa at gagawin sa mga oras na iyon ay panandalian akong nag-break para linisin ang mesa ko. Tumayo ako para tanungin si Andrew kung saan makakakuha ng basahan para sa mesa ko.Agad-agad kong pinagsisihan ang desisyon kong iyon. Ang bawat mata sa kwarto ay tila napako sa pagtayo ko sa aking kinauupuan. Hindi ako sigurado pero maraming mga bulungan akong narinig habang papalayo ako sa aking mesa. Ang kaninang maingay na mga keyboard ay pahina nang pahina na halos kainin na ako ng lupa sa sobrang hindi ko pagiging kumportable at self-conscious na rin at the same time. Napansin ko na lang na halos halikan ko na ang dibdib ko sa pagyuko para lang hindi ako mapansin. Bago ako makarating sa isang palikong daan patungo sa front desk ay buong-lakas kong tinignan ang isang tila walang hiyang lalaki na nakatitig sa akin. Hindi ko alam kung ano ang inaasahan ko, pero 'yung overall appearance ng lalaking naka-hooding pang-asar na 'yun ay nagbigay ng matinding kilabot sa buong katawan ko. Siguro mga kaedad ko s'ya pero hindi man lang s'ya nahiya o natinag sa pagkakatitig n'ya sa akin sa kabila ng pagtitig ko sa kanya na may halong pagkabwisit at inis. Isang kakila-kilabot na ngiti ang sumilaw sa mga labi nito habang nakatitig sa parteng bukong-bukong ng aking mga paa at dahan-dahan itong bumalik sa kanyang monitor. Inisip ko kung anong magiging reaksyon n'ya kapag tinitigan ko rin ng kaparehong paraan ng pagtitig n'ya sa akin ang tinitigyawat n'yang leeg. Parehong reaksyon pa rin ang nakuha ko habang naglalakad ako pabalik sa aking mesa kasama ang box ng computer wipes sa mga kamay ko.May maganda ring nangyari sa araw na iyon. Habang nililinis ko ang mga drawer ng mesa ko ay may nakita akong half-used notebook mula sa nakaraang nagtatrabaho sa mesa ko. Hindi n'ya nilagay ang first name n'ya, kundi initial lang at last name: J. Espiritu. Pero, base sa dekorasyon ng notebook, sigurado ako na babae rin s'ya kagaya ko. Ang mga naiwan n'yang gamit ay nagbigay ng kapanatagan sa akin, pero 'yung notebook ang talagang pumukaw ng atensyon ko. Doon ay sinabi nito ang pinaikli at simpleng manual gamit ang easy-to-undertand terms at mga explenasyon sa nakakalitong terminolohiya at komplikadong panuto sa manual. Sa tulong n'ya ay nasurpresa ko ang aking manager sa aking product knowledge pagkatapos ng shift ko.Matapos ang isang magandang araw ay buong tapang akong gumala sa office at nag-explore sa pantry. Binenta ni Andrew sa akin ang top-notch coffee machine at snacks sa nasabing pantry, tutal nagugutom na rin naman ako matapos ang isang emotionally, intellectually and productive na araw na 'yun. (Ansabe). Tsaka, medyo butas na rin 'yung bulsa at namumula na ang mga credit cards ko, kaya naman ayos na ako sa ilang pirasong masasarap na cookies. Habang papalapit ako ay may narinig akong malakas na usapan at tawanan sa pantry. Sa katangahan ko ay inisip ko na baka naman mas mainit, friendly o kahit makatao na sila sa akin. Subalit ang maliit na pantry ay napuno ng katahimikan the moment na pumasok ako sa pantry. May limang lalaki doon na magkakaiba ang edad at lalaki na nakaupo sa palibot ng isang maliit na lamesa, at lahat sila ay nakatitig na direkta sa akin."Panget na araw?"Tugon ng isang pang-asar na boses. Agad kong itinaas ang ulo ko mula sa pagkakatitig sa sahig para hanapin ang pinagmulan ng boses. Hindi naging mahirap sa aking hanapin at malaman na mula iyon sa naka-hoodie na walanghiyang tumitig sa akin nung nakaraan lang. "Siguro marami ka ng experience?" Sambit pa nito sa nakakaasar na tono at may unting pagtaas ng kilay. "Para makakuha ng komportableng trabaho. Siguro sikat ka?""Ano 'to, high school?" Sagot ko sa malakas na boses. Hindi ko hilig kumompronta ng tao, pero sobra na 'to. Hostility is one thing, social awkwardness is another, pero pakiramdam ko isa 'tong 80's na high school drama na mga trenta anyos ang mga bida bilang mga teenagers."Nandito lang ako para kumuha kape at kung may problema ka sa trabaho ko, puwede mong dalhin sa HR kung ano man ang issue mo". Nagpatuloy ako habang ine-enjoy ang namumutla at pahiyang mukha ng mga taong 'yun. Mabuti naman, gusto kong maramdaman nila ang katiting na discomfort na buong araw kung kinakaharap. Pinili kong lumayo sa aking mga co-workers, naglakad ako ng taas noo pabalik sa mesa ko na may hawak-hawak na tasa ng kape. Bago pa ako makaupo at enjoyin ang masarap na kape, napansin kong may isang mensahe galing sa hindi kilalang number:"You have quite an attitude, don't you?"Nanigas ako habang hawak ang cell phone sa isa kong kamay at kape sa kabila. Habang prinoproseso ko ang tila breach sa personal security ko, nakatanggap ulit ako ng dalawa pang mensahe. Isa ay ang hubo't hubad kong katawan na sinend ko sa una kong serious college boyfriend. Ang pangalawa: "Bakit hindi mo ngayon ibigay 'yang picture sa HR?"Sa totoo lang, sobrang naapektuhan ako sa invasion ng privacy ko. Pumasok ang kahihiyan sa akin at sobrang naiinis ako for drawing so much unwanted attention sa sarili ko. Kasalanan ko lahat 'to. Pumasok ako sa isang office na puno ng ethical hackers na may pare-parehong pangalan ng aso bilang password. Walang duda na ang litratong iyon ay umiikot na sa buong office at lahat ng iyon ay salamat sa walang hiyang katrabaho ko, at isa na akong kakatuwang tao sa loob ng office. Hindi ko na ginalaw ang kape ko at umuwi na lang, habang pinipigilan ko ang bawat emosyon na bumuhos hanggang makarating ako sa safety ng bahay.Halos hindi ako matigil sa kaiiyak nung gabing 'yun, iniisip ko na ang mga mukha ng mga katrabaho ko habang tigang na tigang na nakatitig sa hubad kong katawan. Mga alas tres na ng madaling araw, doon ko lang na-realize na wala ng kwenta para pa magpakalunod ako sa kahihiyan. Kailangan kong gumawa ng plano para makasurvive sa ganitong uri ng workplace. Quitting is not an option kasi masyadong malaki ang pasweldo nila para tumigil ako. Tsaka, halos tinapay na lang ang kaya kong bilhin sa araw-araw. Ang pangalawa kong option ay pumunta sa HR, but there's no way I was going to open that can of worms. Hindi ko mapapatunayan kong sino talaga ang nag-send ng mga mensahe na iyon. Last option? Stick with it, keep my head down, gawin ang trabaho na pinasukan ko at 'wag pansinin ang iba pang mga harassment na gagawin nila.'Yun nga ang ginawa ko. Sa kabuuan ng isang linggong training ko ay pumapasok ako on time, hindi ako umaalis sa desk ko liban na lang kung pupunta sa palikuran. Iniwasan ko rin ang kahit anong contact kanino man at pinanatili ko lang ang aking mga mata sa mga inanimate objects. Salamat kay J. Espiritu, palagi akong on top ng training ko. Sa bawat bagong task na galing sa manager ko, laging may katumbas na entry sa kanyang notebook. Wala ng nakakagagong texts at face-to-face na kumprontasyon, pero mayroong kakatuwang pakiramdam na panibagong sisira sa kalagayan ko. Sa darating na biyernes na ang huling training ko, na nagdala sa akin sa huling entry sa notebook.Night Shift Survival Guide: - Matulog sa buong umaga bago ang shift at 'wag na 'wag kang matutulog.- Walang sino man ang dapat makapasok.- Panatilihing may pepper spray na dala (sa kahit na anong sitwasyon).- I-check ang bawat aisle, meeting rooms. Huwag kalimutang i-check ang ilalim ng lamesa, balkonahe, kitchen tables at kahit likod ng cooler.- Laging mag-open ng Skype na naka-ready sa emergency in case na hindi gumana ang mobile services.- Panatilihing updated sa kaibigan/pamilya/lover kada oras.Ang nasabing listahan ay medyo may kahulugan. Una, sabi ng HR puwede naman akong matulog sa pagitan ng 2am-5am, basta malapit palagi sa akin ang office smartphone. Mayroon nga silang pull out couch sa isang conference room para lang talaga sa ganitong sitwasyon. Pangalawa, ang buong shift ay phone calls, kaya palaging may paraan para makatawag mula sa office phone, tama? Lastly, ang mga naka-outlined sa "Guide" ay parang O.A at paranoid. Siguro 'yung listahan ay satirical? (Ewan ko). Siguro si Espiritu parehas kami ng pakiramdam tungkol sa mga tila patay gutom na mga asong cold blooded na co-workers? Pero 'yung isip ko nagtatrabaho ng sobra-sobra para makita ang logic sa likod ng mga pag-iingat na ito. May kakatuwa akong pakiramdam na may importanteng impormasyon akong hindi nalalaman. Lahat 'yun iniisip ko habang paalis ako ng bahay nung biyernes na 'yun, last day ng training ko."Andrew", Dahan-dahan akong lumapit sa kanya. "Puwede bang magtanong?""Sure thing", Sagot n'ya na may maaliwalas na ngiti sa kanyang mga labi. "Nagtataka lang ako, bakit wala akong nakikitang ibang support agents. I mean, 'di ba dapat merong at least lima pang tao para ma-cover 'yung 6-day rotation cycle?""Kailangan mong tanungin ang manager mo tungkol d'yan. Most likely nakakalat sila sa iba pang branch sa syudad. Normal lang naman 'yun sa ganoong kaso", sagot n'ya. Pakiramdam ko tapos na kami sa diskusyon na 'yun matapos s'yang bumalik sa final tasks n'ya para sa linggong iyon."Meron bang ibang agent na nagtrabaho dito liban sa akin?" Pagpapatuloy ko, dahil ganun na lamang ang kagustuhan kong malaman ang iba pang detalye sa babaeng nag-fill out ng notebook na s'ya namang ginagamit ko sa buong linggong iyon."Oo, may isang babae na humawak sa posisyon mo ng panandalian", ani ni Andrew, habang nakatitig pa rin sa screen ng kanyang screen. Pero napansin kong tumigil na s'ya sa pagta-type o paggalaw ng mouse. Wari ko ay nakatitig lang s'ya sa iisang spot sa monitor n'ya."Andrew", Nagsalubong ang mga kilay ko."Sino 'yung nagtrabaho malapit sa main working space na talagang nakakainis? Maputla, medyo payat, maitim at kulot na buhok?" Tanong ko, habang nagpapaikot ng daliri sa bandang ulunan ko para i-describe ang pagkakakulot ng nasabing lalake."Ah... Si Michael", Sagot nito, napansin nito ang pagiging iritable ng boses ko."May problema ba? Ginugulo ka ba n'ya?""Hindi" Sagot ko, pero sa isip-isip ko ay nagtatalo na ang emosyon at sarili ko."Have a good weekend, Andrew""Ikaw din", Sagot nito, halata na may pagtataka sa boses nito habang papaalis ako.Sa buong weekend na 'yun ay binabalik-balikan ko ang mga nangyari sa akin sa unang linggo ko. Pakiramdam ko may hindi sinasabi si Andrew sa akin na importante. Wala namang rason para maging iretable s'ya nung nabanggit ko 'yung babaeng nagtrabaho bago ako. May nagreklamo na kaya kay Michael dati? Pupuwede kayang si J. Espiritu? Si Michael ba ang dahilan ng survival guide sa notebook? Bakit s'ya umalis? Napakaraming teorya ang bumagabag sa buong weekend ko. Bago ko pa nalaman, oras na para bumalik sa trabaho.Ito ang araw na talagang sobrang daming trabaho. Kahapon ay Lunes, ang unang regular day shift. Mabilis lang dumaan ang nasabing araw, habang aligaga ako sa pagsagot ng tawag, recording, sorting at assigning ng dose-dosenang customer complaints sa system namin. Hindi sapat ang salitang nasanay na ako at pagkatapos ng araw na 'yun ay sobrang pagod at ubos na ako. Saktong maglo-logout na ako, naka-tanggap na naman ako ng mensahe mula sa hindi kilalang number."Ang sipag mo naman. Hindi na ako makapaghintay na mag-night shift ka"Seryoso?! Ito ang kauna-unahang mensahe na bumalot sa buong pagkatao ko ng takot. Agad-agad kong ginala ang paningin ko kung nasa paligid ba si Michael para kumprontahin ko s'ya sa pagse-send ng mensahe, pero kanina pa pala s'ya umalis. Matapos kong pakalmahin ang sarili ko, umuwi na ako at sinusubukan kong hanapin si J. Espiritu online. Ang pinaka best bet ko noon ay sa LinkedIn, at doon nga ay sinusubukan kong galugarin ang buong listahan ng mga babae na may kinalaman sa Proficient Technologies na nakalagay sa profile nila (halos kakaunti lang talaga sila). Nung wala akong makita ay pumunta ako kay Andrew at doon nga sa friend list n'ya ay sa wakas nakita ko na ang hinahanap ko. May babae na pangalan ay Jennah Espiritu at unemployed ang status. Nag-send ako ng friend request na may mensahe na nagpapakilala at tinanong ko s'ya kung hinarass ba s'ya ng isa n'yang katrabaho. Sa wakas, pakiramdam ko may patutunguhan na ako, natulog ako at inihanda ang sarili para sa bukas na event.Naisip ko na baka may kakaibang mangyayari dahil sa pagbabago ng schedule nung natulog ako ng Miyerkules. Nag-check ako ng LinkedIn halos pagkagising ko mga ala una. Walang kahit anong sign kay Jennah, kaya naman natulog ulit ako para makapaghanda sa night shift. Medyo kinakabahan ako at excited at the same time kasi puwede ko ng mas malibot ang buong place of work ko intimately. Dahil walang day crowd, malaya akong makakagala at ma-eenjoy ang cookies, dumura sa baso ni Michael, KAHIT ANO!May mga iilan pa ring mga nagtatrabaho nung dumating ako para sa shift ko, pero hindi ko naman iyon pinansin at dahil sa nag-uumapaw na mga tawag at chats na aasikasuhin. Makalipas ang dalawang oras, ang bugso ng mga tawag at chats pati mga tickets ay unti-unting bumagal hanggang tuluyan na nga itong tumigil ng sabay-sabay halos alas onse na ng gabi noon. Sumandal ako sa kinauupuan ko at ginala-gala ang mga paningin sa aking workspace. Wala ng tao noon sa office at least sa nakikita ko. Nakabukas ang lahat ng ilaw pero nung tinanggal ko ang headphones ko, may narinig akong mahinang jingling melody sa hindi kalayuan. Para s'yang Christmas carol, pero hirap akong tukuyin kong saan ito nanggagaling. Wala namang dahilan para matakot ako sa pangyayari, pero pakiramdam ko ang mga nagtayuang balahibo sa mga kamay ko ay nagsilbing alarm. Nang tumayo ako sa aking kinauupuan, nawala 'yung melody.Well, naging paranoid na ako dati. Minsan ko ng inisip na na may lalaking sumusunod sa akin isang gabi hanggang nilagpasan n'ya ako at nagtungo sa kalapit na tindahan sa 'di kalayuan. Kahit mag-isa lang ako, lagi kong dino-double at triple check ang mga lock ng bahay bago matulog. Aaminin ko na ang mga takot ko ay wala naman talagang basehan. Mayroong naka-iwan ng headphones na konektado pa rin sa computer nito at naka-on ang music. O siguro may office party sa ibang kumpanya sa baba ng building. Ang makarinig ng kanta ay nakakatakot lamang sa mga kakatuwang horror movies, 'di ba? 'DI BA?!Para makasiguro, hinalughog ko ang office para makasiguro na mag-isa na nga lang ako. Habang naglalakad sa gitna ng mga magkakadikit na desks, naisip ko kung gaano ako kaswerte na mayroon akong sariling corner spot. Hindi ko siguro kakayanin na mapalapit sa kahit sinong mga hindi kaayaaya kong mga co-workers. Matapos ko ma-check ang bawat rows ay dumiretcho ako sa front desk area at nagmamasid sa mga kagamitan ni Andrew sa paghahanap ng clues. Nung wala akong makitang clues ay bumalik ako sa main room ng pantry. Unti-unti ng mas nagiging relaxed ang mga senses ko at tsaka ko lang napagtanto na napasarap ata ang taste-testing ko sa mga cookies sa halip na maghanap ng mga kahina-hinalang mga bagay. Kailangan ko ng tumigil sa kakakain ng cookies, pero dahil bumalik na naman ang kaninang tunog na naririnig ko, mas malakas s'ya ngayon. At the same time, ang work smartphone ko (na kinakailangan dala-dala namin kung aalis kami sa aming work station) tumunog at may mensahe mula sa hindi na namang kilalang number. Final part baka next week na lang. Medyo aligaga kasi ako sa schedule. Hahaha! Salamat!!

- Xavier Castro.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now