Oras

49 3 0
                                    


Nangyari ito taong 2009, malinaw na malinaw parin sa akin ang lahat sa alala ko ang nangyare sa akin non. Malamig ang panahon nun at maulan, ilang beses narin akong kinokontak ng Mama ko dahil matatatlong taon na'kong di nag papakita sa kanila gawa nung magkasagutan kami ng Papa ko. Pinalayas niya ko sa bahay at halos lahat ng masasakit na salita nasabi niya sakin at ganun din ako.

Gustong gustong ko na umuwi matagal na. Pero nahihiya at natatakot lang ako dahil sa nasabi ko.

Nung mga oras na yun, habang papasok ako sa trabaho. May natanggap akong text galing sa mama ko at pinipilit akong papuntahin ni Mama sa bahay dahil merong selebrasyon para sa birthday ng papa ko. Diko naman nalilimutan yung kaarawan niya, taon-taon yan. Namimiss ko rin sila.

Pero nung mabasa ko yung text ng mama ko na yung papa ko mismo ang gustong mag pauwi sa akin. Agad akong natuwa at napangiti. Matagal naring nawala yung galit ko.

Sobrang naexcite akong umuwi, sobrang naexcite ako na makita ko ulit yung mama at papa ko. Alas sais ng umaga, umalis ako sa bahay ko. Ngiting ngiti pako sumakay sa sasakyan ko habang nakikipag usap sa boss ko sa cellphone na hindi ako makakapasok at emergency.Tandang tanda ko pa nun, kung gaano ko katuwang nagmamaneho matapos kong makabili ng regalo para sa papa ko. Isang Relo. Na ipinangako kong ibibigay ko sa kanya nung bata ko kapag nagkatrabaho ko.

Hindi rin maalis sa isip ko kung gaano ko nananalangin na sana matuwa din siya, na sana wag siyang magalit sa aking pag-uwi. Habang paandar na yung sasakyan ko nun sa orange light dahil ako ang front sa cross road at liliko nalang sa isang kanto.

Bigla nalang akong napatingin dun sa lalaking nakatayo sa gilid ng kalsada at nagpapaulan habang nakatingin sa akin.

Hindi lang basta tingin yung ginagawa nung lalaki kundi nakatitig, balot na balot ito ng kulay itim na may hoody. Para kong na tanga ng sandali at nagulat nalang ako sa mga busina nung mga nasa likod ko dahil sa mabilis na pala yung andar ko.

Sa gulat ko pa eh may biglang lumabas na nagbibisikletang bata kaya niliko ko agad yung manubela at muntik pakong bumangga sa poste. Muntik rin akong dumerecho sa kabilang kalsada nun mabuti nalang at nailagaan ko kundi aararuhin ko yung mga sasakyan. Alam ko nung mga sandaling yon muntik nako mamatay at makapatay.

Sa sobrang lakas ng kaba nun habang lumiliko nalang sa kanto namin parang aatakihin ako sa puso. Diko maipaliwanag nararamdaman ko.

Pero pagkakita ko naman sa bahay namin, nawala yung kaba ko agad. Para kong binuhasan ng tubig sa tuwa eh. Bumalik yung sigla ko at na eexcite pumasok. Kahit lumakas lalo yung ulan parang wala lang sakin.

Pumarada nalang ako sa harap ng gate at saka pumasok. Madami ng mga lamesa sa labas ng bahay pero yung mga bisita wala pa.

Demerecho nalang akong pumasok sa loob para makausap yung papa ko, pagpasok ko sa bahay.

Bumungad agad yung papa ko nakaupo sa lamesa malapit sa kusina habang nakahawak sa noo. Nakatitig sa kawalan. Tinanaw ko agad yung mama ko pero parang wala siya kaya naman lumakad nako patungo sa kanya. Habang dahan dahan akong nag lalakad at tinitignan yung likod niya. Bigla siyang nagsalita.

"Anak... Pasensya kana. Kung masama ang loob mo sa akin."

Napatigil ako. Malumanay lang yung boses niya at ilang taon ko naring di naririnig na ganto kasigla yung papa ko. Gusto ko siyang sagutin at magpaliwanag pero mukhang malalim talaga ang iniisip niya.

"Dapat hindi nalang kita pinalayas, nagkatampuhan pa tayo. Miss na miss ka namin ng mama mo."

Naluha nalang akong nakikinig sa papa ko. Akala ko galit siya all that years. Na di niya nako kinikilalang anak. Nag-away kase kami dahil sa mababa kong grado sa kolehiyo at sa mga pagbubulakbol ko na halos puro gulo at pauli ulit.

"Kung nakakinig kalang sana akin, at kung sana inintindi kita, baka kasama pa kita ngayon. Hayaan mo... Nak. Di naman na kami galit ng mama mo. Lalo ako. Alam mo namang mahal na mahal kita eh.. at ikaw lang ang ang nag-iisa at nag-iisang anak ko sa mundo. Kaya masayang masaya nako kapag bumalik kana dito sa akin."

Nung mga sandaling iyon, naiyak nako ng sobra at hindi ko na napigilang lumapit sa papa ko.

Sobrang laki ng kasalanan ko. Alam kong kasalanan ko ang lahat ng ito. Yung nangyare samin kung bakit palaging malungkot yung mga nagulang ko.

Binati ko pa siya ng " Pa, Happy Birthday... sorry" pero mukhang hindi niya ko narinig.

Tatapikin ko sana yung balikat niya pero laking pagtataka ko, kung paano niya hawak-hawak yung Relo na dapat eh ireregalo. Sabi ko agad nun "Pa? Ba't mo hawak yan?!"

Nang paulit ulit. Tandang tanda ko kung yung itsura niyang nakangiti lang. Tatlong segundo akong napahinto at saka tinawag siya ulit ng "Papa". Saka siya lumingon.

Pero bago niya pa ko makita at magtama yung mga mata namin.

Wala na. Ibang mukha na yung nasa harapan ko.

Hindi ko alam kung anong yung nangyayare.

Pero may lalaking nakaputi na sa harapan ko. Medyo binatilyo. At nakasoot ng pang nurse. Nung makita niya kong nakadilat agad siyang nagtataktakbo palabas ng kwarto. Laking pagtataka ko dahil alam ko sa sarili ko na hindi ako nababaliw, na nandun talaga tatay ko. Na kasama ko sa bahay.

Tatayo na sana ko pero naramdaman ko agad yung bigat at sakit ng buong katawa ko. Puro bandage pa yung mukha ko lalo yung pisngi ko.

Pagkakita ko sa mama ko na pumasok dun sa kwarto kasunod nung nurse.

Naiyak nako. Humagulgul nako. Kase naalala ko na.

Na matapos kong iliko yung manubela para mailagan ko yung bata. Nasadsad ako sa truck na kasalubong ko sa kabilang linya saka ako bumangga sa poste.

Iyak nalang ako ng iyak na yumayakap sa mama ko habang pinapaliwag sakin na nacomatose ako 7 days.

Hinahanap ko pa yung papa ko.

Pero parang mas ginusto ko nalang mamtay nung araw nayun lalo nung sinabi ng mama ko na namatay siya kinahapunan nung kaarawan niya. Inatake ni hindi man lang kami nagkita. Ni hindi man lang ako nakapag paliwanag at nayakap siya kahit saglit man lang.

Ilang taon narin sakin 'tong pangyayari at matagal ko narin iniisip sa utak ko yung pagkikita namin ng papa ko. Na baka panaginip nga lang talaga at nagpaalam muna siya sakin.

Pero baka hindi rin eh. Na baka talaga dinalaw ko siya nun, dahil sabi ng mama ko nung naabutan nila yung papa kong nasa kusina. Hawak-hawak niya yung regalo ko sa kanyang relo.

Andy, Marikina - Unknown

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now