The Tricycle Chronicles (Parts 5-8)

66 1 0
                                    

Part 5

KALUSKOS at yabag ang mga naririnig nila sa labas, sobrang kabog ng mga dibdib nila. Nakabantay sila sa pintuan habang pinapakiramdaman lang ang mga yabag sa labas. Sumenyas si Lee sa kasamahan na ihanda ang mga armas at patayin ang mga flashlight.
Matapos ang napakatagal na limang minuto ay nawala na ang mga kaluskos at mga yabag. Papalayo na ito ayon sa pandinig nila.
"Hangga't maari Lee ay wag muna tayong lumabas." Ani pa ni Allan na halatang balisa pa.
'Okay pero sisilipin ko lang kung nasaan ang mga yabag na 'yon. Duda ako na hindi sa mga halimaw ang mga yabag na 'yon.' Mahinang sabi pa ni Lee.
Dahan- dahan nang tinahawak ni Lee ang pinto at marahang itinulak.
Napaka tahimik ng paligid habang pa-masid masid lang ito.
Samantalang si Mang Magno at Allan ay abala sa pagtingin- tingin sa loob ng PALIKURAN baka sakaling may mahalagang kagamitan na makukuha. Hindi nga sila nagkamali dahil nakita nilang buo pa ang mga salamin, bagamat maalikabok ay mapapa- kinabangan pa nila ito.
Binuksan nila ang flashlight sa mahinang lebel upang hindi sila mapansin nang kung anu mang nilalang sa labas.
Bahagyang napaatras si Mang Magno ng may napansin sa salamin, parang may malabong pigura ng tao. Agad niyang pinunasan ang salamin.
Napa atras sila bigla ng makita ang malinaw na pigura ng tao. Animo'y may sinisipat sipat ito, parang nakatingin sa kanila. Pero mali ang akala nila, sapagkat hindi sila nakikia nito. Nilakasan pang muli ang lebel ng flashlight upang makasiguradong hindi sila namamalik- mata. Tila hindi makapaniwala ang dalawa sa nakikita, isa itong normal na tao at naka uniporme pa.
Tuwa ang naramdaman ng dalawa, sa isip nila ay may namumuong PAG- ASA na makalabas sa impyernong kinalalagyan nila.
Pinatay sindi nila ang flashlight para sumignal. Pero tila hindi sila napapansin at tuloy lang ito sa ginagawa, pasuklay suklay pa ito habang nakatingin sa direksiyon nila.
NANG biglang may sumulpot sa likuran nila at pinagha- hampas ang salamin.
Si Lee ang taong iyon. Nabasag ang mga salamin, nawala ang taong pigura at higit sa lahat nawala ang pag asa nilang makahingi ng tulong sa inaakalang nilang makakatulong.
"Anu ba'ng problema mo Lee.! na akmang uundayan ni Allan ng suntok. Pero buti't naawat siya ni Mang Magno.
"Nasisiraan na ba kayo ng Ulo?!. Mag isip nga kayo ha!. Namamalik- mata lang kayo at muntik na kayong mapahamak.! Giit pang sabi ni Lee.
Natahimik bahagya si Allan nag iisip at nagdududa.
'Hayaan mo na 'lan, maaaring tama nga si Lee. Magtiwala tayo sa kanya at siya ang may higit na karanasan dito.
Ginagalang ni Allan si Mang Magno kaya nag pasakop siya rito.
"Pasensiya na Lee." At nakipagkamay pa nga ito.
'Naiintindihan ko ang mga hinaing niyo, kaya nga natin 'to ginagawa ay para mabuo ang makinaryang makakapag labas sa atin dito. Hinihingi ko lang ang kooperasyon niyo." Mahinahon niyang sabi.
NAGPATULOY na sila sa paghahanap ng mga materyales. Hanggang sa makakita sila ng makinaryang pang tunaw sa iba't ibang mineral gaya ng ginto, pilak, tanso, at metal.
Kasin- laki lang ito ng xerox machine, pero sadyang napaka bigat.
Pinagtulungan na nila itong buhatin patungo sa traysikel. Akma na nila itong isasakay ng sumigaw bigla si Allan.

"Halimaw..! Halimaw..!" Sigaw pa nito.

Nanindig ang mga balahibo nila Lee at Mang Magno nang makita ang taong walang mukha na may mga tahi sa ulo. Hila- hila si Allan nito.
Mabilis naman ang kamay ni Lee sa pagbunot ng baril at mabilis ding pinaputokan ang halimaw. Agad na nakawala si Allan at nagmistulang nagkaroon ng epilepsi ang halimaw ng matumba ito.
Agad na ini-start ni Mang Magno ang sasakyan. Ngunit dahil sa malakas na putok ay nagsilabasan ang napakaraming kauri ng napatay nilang halimaw.
Sobrang rigodon ng mga puso nila. Sapagkat papalapit na ang mga ito.
"Bilis kuya paandarin mo na!" Pagmamadaling sabi pa ni Lee. Bagama't nanginginig na si Mang Magno ay pinilit niyang paandarin ng mabilis ito. Agad niya itong iniliko, pero huli na nang mapansin ang kumpulan ng mga halimaw sa harap nila. Pinagbabaril nila ito at pinag sasak-sak. Upang makadaan sila.
"Lee, akala ko ba hindi makaka lapit sa atin ang mga halimaw." Sabi pa ni Mang Magno na tensyon na rin habang pinipilit na makausad. Hindi na nakasagot pa si Lee, dahil muntik na rin itong mahulog sa traysikel habang abala sa pagsupil. Gumawa na din ng paraan Mang Magno, pinag babangga niya ang mga halimaw. Hanggang sa maka alpas sila. SALAMAT sa traysikel niyang purong stainless.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now