Compiled Stories 9

100 5 0
                                    


People's Park

Nangyari 'to this year lang nung February. Nagkasundo kaming mag-date ng mga highschool girl friends ko sa isang sikat na restaurant sa Tagaytay. Tatlo kami, ako (Rachel), Myka, at Joyce. Tradition na namin ang magkita kita tuwing start of the year para mag-catch up at chikahan dahil hindi kami madalas magkausap at busy sa kanya-kanyang trabaho. Masaya ang naging lakad namin – kwentuhan, tawanan, at syempre 'di mawawala ang photoshoot. Since may pandemic parin, hanggang 10PM lang ang karamihan sa establishments sa Tagaytay. Inabot kami ng pagsasara ng restaurant noon dahil late na rin kami nakarating.

Ako ang driver at si Myka naman ay nasa passenger seat, habang si Joyce ay nasa likod. Pabalik na kami ng Manila, pero pansin na pansin na madilim ang kalsada dahil nga marami na ang sarado. Nagkwkwentuhan kami at nagtatawanan padin habang pababa. Nang malapit na kami sa isang sikat na coffee shop (yung mga mahilig pumunta sa Tagaytay, dito yung palaging cause ng traffic hahaha), bigla akong may nakitang shadow ng paa na tumawid ng kalsada. Dahil nakababa ang ilaw ng sasakyan ko, paa lang ang nakita ko at sa tantya ko ay bata ang tumawid. Nag high beam ako para makita kung saan ito pumunta. Wala naman kasing bahay o kahit ano sa kabilang kalsada kung saan pumunta ang bata. Nagtaka ako pero hindi ako nagsalita. Ayoko kasing matakot ang mga kasama ko lalo na sobrang duwag pa naman ni Joyce haha.

One thing you should know ay tambay ako ng Tagaytay. Hindi pa ako naliligaw sa Tagaytay ever dahil saulo ko ang daan don. I don't know what happened to me, siguro kakaisip sa nakita ko. Hindi ko namalayan na lampas na pala ako sa left turn pa-Manila at dere-derechong nagdrive papunta sa kabilang side. Nagbibiruan pa kami noon at nagtatakutan. Hanggang sa di ako nakatiis at binanggit ko ang nakita ko kanina. Inaasar pa namin si Joyce na baka may katabi na sya sa likod hahaha. Kinakabahan ako noon pero hindi ako sobrang takot. Iniisip ko tatlo naman kami at hindi ako mag-isa. Biglang naiihi na ako non kaya hinahanap ko yung gas station na may tindahan ng buko pie. Nasa isip ko, dapat by that time andun na kami. Bakit parang ang haba ng daan? Bakit ang daming paliko liko?

Bakit parang hindi ito yung daan?

Nagtataka na ako pero hindi parin pumapasok sa isip ko na nalimutan kong mag left turn. It was like I was in a trance. Namamaligno. Nasa katinuan naman ako pero hindi ko talaga alam kung anong nangyari at naligaw kami. Biglang naalala ko yung isang story na nabasa ko dito na naligaw sila ang paikot-ikot lang sila, hindi natatapos yung daan. Kinwento ko yung kay Myka at Joyce at di ko alam bakit biglang nasabi ko "sa People's Park ata 'yon". Natahimik kami pero surprise, di ko padin maisip na yung daan na tinatahak namin papunta na ng People's Park. Takot na takot na si Joyce non pero nagtatawanan pa rin kami. Pinapakalma ang sarili.

Halos wala na kaming nakakasalubong at kasabay na sasakyan. Alam nyo yung sa horror movies na sobrang dilim tas walang bahay sa paligid, walang ibang dumadaan? Ganon. Biglang may nakita ako na old signage. Yung kulay green na nagrereflect. Sabi ko "Ayan may signage, parang wala naman yan dati". Nung nabasa ko yung nakasulat "Tagaytay Highlands. People's Park" dun ako kinilabutan at pinanlamigan ng pawis. Parang dun lanh ako nagising na naligaw kami at dapat nagleft turn ako. Nagpapanic na kami noon pero pinilit kong kumalma. Nag U-Turn ako. Ang nasa isip ko lang noon ay hindi ako pede mag freak out dahil kailangan namin makauwi ng buhay. Magkayakap na si Myka at Joyce sa takot.

Pagka U-Turn ko, biglang nag fog yung windshield ko ng sobra to the point na wala ako halos makita. Nag attempt pa ako mag wiper pero wala. Malabo pa naman ang mata ko. Nagtataka lang kami bakit biglang nag fog nung pabalik na kami kahit wala naman nung paakyat. Sobra ang kaba ko dahil matarik ang daan and kung mawawalan kami ng preno o may makakasalubong na mabilis ay tiyak maaaksidente kami. Dasal ako ng dasal na sana hayaan kaming makarating ng ligtas sa mga bahay namin. Pigil hininga ako at halos di makausap pagddrive pababa. Napalagay lang ako nung nakita ko na yung lilikuan namin pa Manila. Dun palang ako nanginig at nag sink in sakin yung nangyari. Safe naman kami nakauwi pero hindi pa ako bumabalik sa Tagaytay simula nung nangyari yon hahaha.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now