St. Elmo's Fire and Company (Parts 1-3)

56 5 0
                                    



Part 1

Hi sa mga avid readers ng spookify jan! KillerNurse ulet to, thank you po pala sa mga sumusuporta sa mga stories ko at napabilang pa sa Spookify Best of May 2020 pati po kay Admin Chai, maraming-maraming salamat po sainyong lahat.

Nandito po ako ulit, para ikwento sainyo yung nangyari sa asawa ng pinsan ko.Umuwi kami ulit sa mindanao para doon mag pasko, kaya pagkatapos na pagkatapos ng christmas party namin sa school ay, pumunta na kami agad doon. Ito ay siyam na buwan lamang ang lumipas, matapos mamatay ni ate Lucy (naikwento ko na po yung nangyari sakanya doon sa "Sino ang mangkukulam?"). Ngunit, may isang trahedya nanaman ang nangyari. That year, was the toughest year for us but, it made our family bond stronger.Mahaba po ulit ito, kaya kung tamad ka magbasa, mag next story kana lang.Si Kuya Efren, ay asawa ng pinsan kong si ate Maila. Kapatid ni mommy yung nanay niyang si Mama Anita. Sampu lahat sila mommy at siya yung bunsong babae sakanila, kaya halos lahat ng pinsan ko ay, may asawa na dahil nasa tamang idad na sila.Si Kuya Efren ay isang security guard sa isang bangko. Graveyard shift siya at madaling araw nang nakakauwi.Usually, 12am ang out niya pero nalate raw yung papalit sakanya, kaya kinailangan niya munang hintayin yun bago siya makaalis dahil, hindi pwedeng iwan yung bangko na walang bantay.Alauna na ng madaling araw, ngunit wala parin yung kasunod niyang security guard na magbabantay. Hinintay niya yon hanggang sa dumating ito. Tawag na raw ng tawag si Ate Maila (asawa niya) sakanya, dahil nag aalala na ito. Mag aalas tres na kasi at hindi pa nakakauwi si Kuya Efren.2:30 ng madaling araw, nung dumating yung papalit sakanyang magbabantay. Hindi raw kasi siya nakapag alarm, kaya nalate siya ng gising. -Pagpapaliwanag kay Kuya nung dumating na security guard.Kaso umuulan ng gabing iyon kaya naghintay muna siya ng ilang sandali, para patilain ang ulan. Nang medyo humina na ito ay, agad nang pumunta si Kuya Efren sa may parking, para kunin ang kanyang motor at kahit umaambon parin ay, mariin nitong tinahak ang daan para makauwi na, kasi kanina pa tunog ng tunog ang cellphone niya, dahil sa tawag ng nag aalala niyang asawa, na si ate Maila. Sinuot niya na ang helmet at pinaandar ang motor.Nasa kalagitnaan palang siya ng biyahe, ng makita niya ang oras sa suot niyang relo, alas tres na ng madaling araw, kaya mas binilisan pa niya ang pagpapatakbo. Dahil biglang pumasok sa isip niya, yung mga kwento kwento na maraming nadidisgrasya sa daan na yun ng ganong oras, kasi sabi nila ay may nangunguha daw don o dikaya ay, hahabulin nung bolang apoy.Hindi naman daw naniniwala si Kuya Efren doon, dahil para sakanya ay isa lamang yung haka haka at panakot ng mga matanda, until siya yung naka experience. Nakita niya sa side mirror niya na may liwanag, kaya gumilid siya dahil akala niya ay may malaking sasakyan na nakasunod sakanya. Ngunit, mukhang nasa malayo pa raw yung naririnig niyang tunog ng sasakyang nakasunod sa kanya, pero yung liwanag sa side mirror niya ay, parang nasa mismong likuran niya lang ito.Nagsimula na raw siyang kilabutan at makaramdam ng takot, binilisan niya lalo ang pagmamaneho para makauwi na agad. Naramdaman din niyang, parang bumigat at para bang may nakaangkas sa likuran niya, unti unti rin daw uminit ang paligid, kaya nagtaka raw siya kung bakit mainit, dahil umaambon naman. Lalo pa siyang nabahala, nang makita niya ang isang bolang apoy na lumilipad sa tabi niya.Nanlaki raw ang mata niya, nang makita niya yun dahil akala niya, ay hindi yun totoo at panakot lamang ng mga matatanda para wala ng lumabas, kapag gabi. Pinihit niya ng pinihit ang manobela para mas bumilis ang takbo ng kanyang motor, pero kahit anong bilis niya ay nasusundan parin siya nito. Habang tumatagal, ay unti unting lumalaki ang apoy na humahabol sakanya at nagiging hugis katawan ng tao.Nawala raw sa balanse si Kuya Efren dahil, nakatuon ang kanyang atensyon doon sa bolang apoy. Umuulan pa naman ng panahong iyon, kaya madulas ang kalsada. Bumangga siya sa isang napakalaking puno ng akasya, doon sa tabi ng bukid. Kung saan, doon laging may naaaksidente, dahil sabi nga nila ay may nangunguha raw talaga doon.May tumawag kay Ate Maila na isang unknown number, hindi niya raw ugali ang sumagot ng mga number na hindi nakasave sa phone niya, pero nung oras na yun, ay walang pakundangan niyang sinagot ang tawag."Hello Maam, kayo po ang contact person na nakalagay sa ID ni Mr. Efren ***** pwede ho bang puntahan niyo siya dito sa hospital?" Sabi ng babae sa kabilang linya. Kinabahan si Ate Maila sa sinabi ng babae, pero 50% ay nagdadoubt siya rito at naisip niyang baka budol budol lang yun.Tinanong niya kung sino ang kausap niya."Sino po sila?""Maam, nurse ho ako dito sa ** General Hospital, kaano ano niyo po si Sir?" Tanong ng babae sa kabilang linya."Asawa niya po ako. Bakit ho? Ano pong nangyari sakanya?" Nag aalalang tanong ni Ate Maila sa babae."May mga lalaki pong nagdala sakanya rito sa hospital, natagpuan raw po nila ang asawa niyo sa tabi ng puno ng akasya, na walang malay" pagpapaliwanag ng babae.Nanlaki ang mata ni Ate Maila at naiyak sa sinabi ng babae. Agad niya kaming tinawagan lahat, para makahingi siya ng tulong sa kung sino pa ang mga gising saamin. Nagising kami at naalarma sa tawag niya, at dahil nasa kabilang kanto lang naman ang layo ng bahay nila Nanay (mama nila mommy) sakanila, kung saan kami tumutuloy kaya, agad na kaming naglakad papunta sakanila.Tinawagan niya rin si Papa Noli (nakatatandang kapatid nila Mommy) dahil may sasakyan ito, para mas mabilis kaming makarating sa hospital.Pagdating sa hospital, agad naming hinanap ang kwarto ni Kuya Efren. Sabi ng nurse ay, comatose na raw ito. Kaya agad na tumakbo si ate Maila para makita si Kuya Efren. Nakita namin itong nakahiga sa kama, habang naka-oxygen at may mga galos sa katawan, may mga machine rin na nakakabit sakanya, upang makita ang tibok ng puso niya. Nakabalot din ng benda ang ulo nito."Maam, bakit po nagkaganito ang asawa ko? Hindi po yan nagmamaneho ng hindi naghehelmet" nag aalalang tanong ni ate Maila sa nurse."Ay misis, sabi ho kasi ng mga lalaking nagdala sakanya rito ay, malakas daw ho talaga ang pagkakabangga ng asawa ninyo at natanggal ang suot niyang helmet, kaya nasugatan parin ang ulo niya" pagpapaliwanag ng nurse.Niyakap ni ate Maila si Kuya Efren habang humahagulgol sa pag iyak."Pangga, diba sabi ko naman sayo na, wag kang magpapaabot ng alas tres ng madaling araw sa daan, dahil maraming sabi sabi na may nangunguha talaga sa lugar na yun" umiiyak na sermon pa nito, kahit wala ng malay si Kuya Efren.Paglabas namin sa kwarto ni Kuya Efren. Nakita namin ang tatlong lalaking nakaupo, sa labas ng kwarto niya at tinanong sila ni ate Maila.Itatranslate ko nalang po ulit from bisaya to tagalog, para mas maintindihan niyo."Kayo ho ba ang nagdala rito sa asawa ko?" Tanong ni ate Maila sakanila."Opo Maam, magandang umaga po" bati ng isang lalaki."Ano pong nangyari?" Naiiyak na tanong ni ate Maila."Kagagaling po namin sa minahan, dahil doon po kami nagtatrabaho at kahit nakakatakot sa kalsada na yun, ay wala kaming magagawa dahil doon talaga ang daan namin pauwi. Nasundan ho namin sila at hindi po namin alam kung ano ang bagay na yun, pero parang may bolang apoy po ang humahabol sakanila. Nilingon ho yun nung asawa niyo, kaya nawalan sila ng balanse, madulas pa naman ho yung daan dahil sa ulan. Nakita namin silang bumangga sa puno ng akasya" pagpapaliwanag nung lalaki."Sila? Bakit po sila? Sino po bang kasama ng asawa ko?" Nagtatakang tanong ni ate Maila."May babaeng nakaputi po kasing nakaangkas sa likuran niya. Pero, nagtaka kami nung lapitan namin sila, ay wala na yung babae at pati narin yung bolang apoy ay bigla nalamang naglaho. Mag isa nalang ho ang asawa niyong nakahandusay sa tabi ng puno. Kaya agad namin siyang dinala rito sa hospital. Yung motor naman ho niya ay, wasak wasak na kaya tumawag kami sa pulis at sila na ho ang kumuha doon" kwento nung isa sa mga lalaki.Naisip ko na baka white lady ang umangkas kay Kuya Efren. Kasi halos lahat ng nadidisgrasya ay ganon ang deskripsyon. Maliban nalang doon sa sinabi niyang bolang apoy, ngayon ko lang narinig ang tungkol doon at wala akong idea kung ano yon."Ganon ho ba? Napakabuti niyo po, maraming salamat at hindi niyo hinayaan doon ang asawa ko" umiiyak na pagpapasalamat ni Ate Maila sakanila."Wala ho yun, lahat naman po siguro ng makakakita sa asawa niyo, ay ganon ang gagawin" pahumble na sagot nito."Ako nga po pala si Maila" pakilala ni ate Maila at iniabot ang kamay sa mga lalaki, tsaka sila nagkamayan. Ipinakilala rin kami ni ate Maila sakanila at tsaka rin nakipagkamay.Matapos namin makipagkilala sakanila ay, nagpaalam na sila upang umalis."Sige ho, mauna na po kami. Kailangan narin po naming umuwi, dahil may pasok pa kami mamayang alas syete ng umaga" paalam nila."Osige, maraming salamat ulit sainyo ha" paalam ni Ate Maila sakanila.Pumasok kami ulit sa kwarto at bumuhos nanaman ang luha ni ate Maila. Nagdasal kami, na sana magising na siya at hindi na lumala pa ang kalagayan niya."Ate? Ano yung lumilipad na bolang apoy?" Tanong ko kay ate Maila.Tumingin siya saakin atsaka pinunasan ang mga luha bago magsalita."Sabi nila, dugo raw yun na namuo tapos, pag naulanan ay magiging bolang apoy. Santelmo ang tawag nila doon" paliwanag ni ate Maila saakin."Ibig sabihin ba nun ate, dugo yun nung taong nadisgrasya rin doon?" Tanong ko ulit sakanya."Siguro, hindi ko alam. Pero baka gusto rin niya maghiganti, dahil isa rin siya sa nabiktima nung white lady na nakatira dun sa may puno ng akasya" sagot naman ni ate Maila.Pangatlong araw na, pero tulog parin si Kuya Efren at hindi gumagalaw. Malungkot kami dahil Christmas Eve na mamaya at hindi parin gising si kuya Efren. Ayaw sabihin ni ate Maila sa mga anak niya, ang nangyari sa Papa nila, dahil hindi pa nila ito maiintindihan.Dahil si Janine ay mag 4 yrs old palang, at 2 yrs old naman si Julius. Naiwan muna sila kay Mama Anita (Mama ni ate Maila na kapatid naman ni Mommy ko), dahil ayaw niyang malungkot ang mga bata, pag nakita nila na ganito ang kalagayan ng Papa nila.Nakaupo lang ako sa gilid, habang pinapanood si ate Maila na nakatitig kay kuya Efren, habang patuloy na umiiyak. Nakakalungkot, dahil saksi nanaman ako sa mga ganitong pangyayari, tulad nang kay ate Lucy. Dahil sila Mommy ay umuwi na sa bahay ni Nanay, kaya ako nalang ang naiwang kasama ni ate Maila. Si Papa Noli naman ay lumabas, para bumili ng makakain namin.Sobrang tahimik ng kwarto, mga paghikbi ni ate Maila at tunog ng machine na nakakabit kay Kuya Efren lang, ang bukod tanging ingay na maririnig mo.Hanggang sa, nakatulog na si ate Maila sa tabi ni Kuya Efren sa kakaiyak. Binabantayan ko lang sila, habang hinihintay na dumating si Papa Noli.Nagulat nalang ako, nang marinig kong may biglang nagflush sa CR. Nagtaka ako, dahil wala namang ibang tao rito, maliban saaming tatlo. Tumayo ako at dahan dahan na lumapit sa pinto ng CR, naghalong takot, kaba at kyuryosidad ang nararamdaman ko ng mga oras na yun. Hawak ko na ang doorknob at iikot nalang ito para buksan ang pinto, pero nung bubuksan ko na ito, ay biglang bumukas yung pinto ng kwarto at pumasok si Papa Noli, dala dala ang aming mga pagkain.Nagulat ako nung pumasok siya, nabitawan ko tuloy yung doorknob at napasigaw sa sobrang gulat. Kabang kaba ako at napahawak sa dibdib, medyo natawa pako nung makita kong, pati siya ay mukhang nagulat rin. Nanlaki ang mata naming dalawa at nagkatinginan, hindi kami nakagalaw at parang nastun ng ilang segundo. Nagising tuloy si ate Maila at tinanong kami, kung anong nangyayari.Sana nga ay, nagising at nagulat rin si Kuya Efren ng mga oras na yun.Ang bilis ng tibok ng puso ko, dahil akala ko kung sino o ano na yung pumasok sa kwarto. Kinakabahan pa naman ako, habang nagtatangkang buksan ang pinto ng CR, kaya naaning ako agad nung tumunog yung pinto ng kwarto, dahil dumating si Papa Noli."Anong nangyari?" Tanong ni ate Maila habang pinupunasan yung mga natuyong luha, na naging muta sa mga mata niya."Ano ka ba Blake! Ginulat mo ako! Muntik ko pang mabitawan itong mga pagkain natin" nagagalit na sabi ni Papa Noli saakin, na parang natatawa sa nangyari saamin."Eh kasi Papa Noli, may narinig akong nagflush dito sa CR kaya lumapit ako dito, titignan ko sana kung anong meron sa loob. Kaso sa sobrang kaba ko, nagulat ako nung pumasok ka. Akala ko kung ano na" pagpapaliwanag ko habang nakahawak padin sa dibdib ko, dahil sobrang bilis padin ng tibok ng puso ko.Tinawanan lang kami ni ate Maila, kaya pati kami ay natawa rin. Binuksan ko yung CR at wala naman akong nakitang kung ano sa loob. Kaya sinara ko nalang ulit at tinulungan nalang si Papa Noli na buksan yung mga nakaplastic na ulam.Lumapit rin si ate Maila saamin, para tumulong na magbukas ng mga ulam. Sisig, bopis at adobo yung binili ni Papa Noli, mga paborito ko kaya mukhang mapapasarap ang kain ko nito. Pero habang nagbubukas kami ng mga ulam, ay narinig naming uma-alingawngaw yung Heart Rate Monitor na nakakabit kay Kuya Efren. Nagpanic kami, dahil hindi pa ako Nursing Student non, kaya hindi ko pa alam ang ibig sabihin ng mga nangyayari. Nilapitan nila si kuya Efren at ako naman ay lumabas para tumawag ng Nurse.Pumasok yung mga nurse at doctor sa kwarto, na may mga dalang kung ano anong mga aparato. Iyak ng iyak si ate Maila habang pinapanood na nirerevive ang kanyang asawa na, nasa bingit ng kamatayan.Wala akong naiintindihan sa mga nangyayari, natatakot ako at naguguluhan pero, isa lang ang alam ko. Hindi na maayos ang kalagayan ni Kuya Efren."1.. 2.. 3.. Clear!!" Sigaw ng doctor, habang idinidikit ang hawak niyang aparato sa dibdib ni Kuya Efren.Tuloy tuloy padin sa pag alingawngaw yung machine at nakakarindi ang tunog nito, na "TIIIIIT" at nakita kong deretso na yung guhit dito, na kanina ay nakataas baba.Pinalabas muna kami ng mga nurse at umupo sa mga upuan doon sa may hallway, sa tabi ng pinto ng kwarto ni kuya Efren. Walang tigil ang pagbuhos ng luha ni ate Maila at humahagulgol na ito sa pag iyak. Niyakap namin siya ni Papa Noli at sinabing magiging okay rin si Kuya Efren at mabubuhay siya.Pinalakas namin ang loob niya, kahit kami mismo ay pinanghihinaan na. Dahil walang ibang masasandalan ngayon si ate Maila, kundi kami.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now