Online Class (Parts 1-4)

65 6 0
                                    



Part 1

Hello mga ka-Spookify! Si KillerNurse po ito, nagbabalik. Ewan ko lang kung may nakaka-alala pa sa'akin pero kung meron man, salamat po sa suporta! Pasensya na po at matagal akong nawala dahil sobrang naging busy ako magmula nung naging online class na. Anyway, tulad parin po ng dati, mahaba parin ang kwentong ito kaya kung reklamador at tamad kang mag-basa, ibang story nalang ang basahin mo.

Nangyari 'to nung may recitation kami sa isa naming major subject, lahat kami ay required na mag open ng cam at mic sa google meet kaya rinig na rinig mo lahat ng ingay sa background ng bawat isa.Tuesday 'non kaya wala akong kasama sa bahay dahil may mga trabaho ang mga tao dito sa bahay. Normal naman ang lahat, as usual nanginginig 'yung pagkatao ko sa nerbyos dahil baka hindi ako makasagot pag ako na 'yung tatawagin.Ayan na nga at random ng nagtatawag si Ma'am. Sumasagot na rin 'yung mga kaklase kong natatawag tapos nung ako na, syempre inopen ko na 'yung cam at mic ko, bago ako tanungin sabi ni Ma'am"Luna Blake, paki-mute muna 'yung mic mo kasi nakakarindi yung iyak ng kapatid mo" sabi niya habang bahagyang inilalayo 'yung suot niyang headphones sa tenga niya. Kaya nag-taka ako dahil wala naman akong kapatid, wala rin 'yung mga pinsan at pamangkin ko dito kaya walang mga bata and higit sa lahat ay mag-isa lang ako ngayon dito sa bahay."Hala Ma'am, wala po akong kapatid tsaka mag-isa ko lang po dito sa bahay ngayon. Baka hindi po sa'akin nang-gagaling yung ingay na 'yun Ma'am" paliwanag ko sakanya habang siya ay bahagya paring inilalayo 'yung headphones sa tenga niya at mukhang naririndi na."Sige, i-off niyo muna lahat ng mic niyo" utos ni Ma'am at mukhang tumigil narin 'yung ingay na naririnig ni maam dahil inayos niya na ulit ang pagkakalagay ng headphones sa tenga niya. Kaya nagsimula na ulit siyang tanungin ako."Okay, it is a severe form of malnutrition. It's most common in some developing regions where babies and children do not get enough protein or other essential nutrients in their diet. What disease is this Ms. Luna Blake?" nakakatakot na tanong ni Ma'am at halos himatayin ako sa nerbyos kahit alam ko naman 'yung sagot. Kaya inopen ko na 'yung mic ko para sumagot."Kwashiorkor Disease po, Ma'am" nanginginig pang sagot ko sakanya. Ngunit napansin kong bahagya nanaman niyang inilalayo 'yung headphones sa tenga niya."Pasensya na Ms. Blake, hindi ko ga'anong narinig dahil maingay talaga yung bata jan sainyo" iritableng sagot sa'akin ni Ma'am habang ako ay patuloy paring nagtataka kung saan nang-gagaling ang ingay na 'yun gayung wala naman akong naririnig na kahit anong ingay dito sa'amin."Hala Ma'am, wala po talagang maingay dito sa'amin. Baka hindi po sa'akin galing yung ingay Ma'am" paliwanag ko ulit sakanya."Ikaw lang ang naka-open ang mic kanina nang marinig ko 'yung ingay ng bata. Class, kayo ba narinig niyo rin ba 'yung iyak ng bata?" tanong ni Ma'am sa buong klase."Yes ma'am, narinig ko po""Ako rin po Ma'am""Narinig ko din po Ma'am" sunod-sunod na sagot ng mga kaklase ko mula sa kabilang linya. Hindi na ako umimik dahil nag-sisimula narin akong makaramdam ng takot."Baka glitch lang siguro ito, diba may mga kumakalat na gano'ng issue na may nasasaling ibang sound sa call?" sagot naman ni Ma'am upang hindi matakot ang klase at sumang-ayon naman ang iba kong mga kaklase."Sige, bukas nalang natin ituloy ang recitation. Magpahinga muna kayo. Good day everyone and Godbless!" pag didismiss ni Ma'am sa klase namin. Hindi ko masyadong inisip na may kakaibang nilalang nanaman ang involve sa pangyayari at mas pinili kong paniwalaan ang sinabi ni Ma'am tungkol sa iyak na narinig niya kanina.Tapos naman na 'yung klase kaya napag-desisyunan kong gawin nalang 'yung mga nakatambak na activity. Inuna ko 'yung video reporting kasi siguradong aabutin ako ng madaling sa dami ng take. Dagdag mo pa yung tahol ng mga aso ng kapitbahay na umiistorbo. Kaya nag set-up na'ko ng tripod para ma-umpisahan ko nang mag-video.Habang nag re-report ako, biglang kumalabog 'yung pinto sa bodega. Alam mo 'yung tipong nag-coconcentrate ka sa ginagawa mo tapos biglang may malakas na ingay kang maririnig. Para talagang humiwalay 'yung kaluluwa ko sa gulat. Edi sinilip ko sa bodega kung anong nangyayari pero wala namang kakaiba kaya naisip kong baka hangin lang tutal medyo mahangin rin naman sa labas.Tinuloy ko na 'yung pag-vivideo ko para matapos kona habang may araw pa para maliwanag. Nagtaka na ako kasi bigla nanamang kumalabog ng malakas 'yung pinto sa bodega, kasi kahit sabihin mong malakas yung hangin pero nakasarado na 'yun kanina e, bakit kumalabog pa ulit. Hindi rin naman sira yung lock, as in nakasarado talaga siya.Ini-stop ko muna 'yung pag re-record ng phone ko at dahan-dahan akong nag-lakad patungo sa bodega para tignan kung anong meron. Hinawakan ko 'yung doorknob at bahagyang pinit upang buksan ang pinto. Nagulat ako nang makita kong nakasarado yung sliding window sa bodega, kaya kahit malakas yung hangin sa labas ay hindi sana kakalabog 'yung pinto dahil walang hangin na makakapasok.Nagsimula nang mag-sitayuan ang mga balahibo ko sa katawan at unti-unti nang lumalamig ang paligid. Tila ba naka aircon sa loob ng bodega kahit nakasarado naman ang mga bintana. Agad ko nang sinarado ang pintuan at dali-dali nang naglakad papunta sa sala kung saan ako nag-vivideo.Pag tingin ko sa phone ko ay nag-rerecord padin ito. Kaya medyo nalito ako kung na-stop ko ba 'to kanina bago o pumunta sa bodega o hindi. Siguro nga naunahan lang ako ng nerbyos kaya nakalimutan ko siyang i-stop kanina. Kinuha ko 'yung phone ko at hininto ko muna ang pag-vivideo.Huminga-hinga muna ako ng malalim at kinompose ang sarili. Ayaw kong masyado magpadala sa takot lalo na't mag-isa lang ako dito sa bahay. Kaya pumunta muna ako sa kwarto para mag bihis dahil naka uniform ako kanina nung nag-video.Habang nag-bibihis ay narinig ko nanamang kumalabog 'yung pinto sa bodega."Hoy! Eka masigla ha!! (wag kang maingay)" sigaw ko habang nag-bibihis. Nakakairita na kasi 'yung tunog.Pag-katapos mag-bihis ay pumunta na ako sa kusina para mag meryenda muna. Hindi ko pinapahalatang natatakot na ako dahil baka lalo niya lang akong takutin kahit deep inside ay nanginginig na ang buong pagkatao ko sa takot at konti nalang ay maiiyak na ako.Nag-painit ako ng tubig dahil balak kong magtimpla ng kape. Habang hinihintay kong kumulo 'yung tubig ay biglang nag ring yung phone ko. Agad kong nilapitan yung cellphone ko na nakalagay sa lamesa para tignan kung sino ang tumatawag. Ngunit hindi pa ako nakakalapit ay huminto na ito sa pag-ring.Kinuha ko 'yung phone para tignan kung sino 'yung tumawag ngunit walang nakalagay na missed call kahit isa. Kaya naisip ko na baka sa kapitbahay lang yung narinig ko o baka napa-praning lang ako. Kaya tinuloy ko na ang pag-titimpla ng kape dahil walang makakapigil saken pag dating sa kape HAHAHHA. Ayon tamang higop lang ako ng kape sabay sawsaw ng tinapay, ugh! Lami kaayo mga dzai!Habang kumakain ay may napansin akong reflection ng anino sa tiles. Medyo malinis kasi 'yung bahay namin ngayon kaya medyo nakikita 'yung reflection dahil doon sa kintab. Habang kumakain ay nag-focus lang ako ng tingin doon sa tiles, may anino akong nakita na parang tumatakbo-takbo sa bandang computer table.Mag-kalapit kasi 'yung kainan namin doon sa computer table. Bale nakaupo ako dito sa kainan tapos nasa bandang kanan ko yung ref and katabi ng ref 'yung computer table.Sa sobrang curious ko, hindi ko talaga inalis 'yung paningin ko doon sa napapansin ko. Hanggang sa huminto nalang 'yung reflection ng anino doon sa tiles malapit saakin. Pero wala naman akong nakikitang nakatabi sa'akin.Napatigil ako sa pagkain at unti-unti ng kumakalat ang takot sa buo kong sistema habang nakakaramdam nako ng lamig na siyang dahilan na lalo akong kilabutan.Agad akong tumayo at tumakbo palabas sa terrace. Pero syempre 'diko iniwan 'yung kape at phone ko kasi kape izlayp mga dzai! Sa sobrang taranta ko e nabulabog ko pa yung mga piling señorita naming pusa na natutulog sa upuan sa may terrace namin.Hindi ko na alam gagawin ko, feeling ko mababaliw na ako or nabaliw na talaga ako. Alam mo yung sobrang lakas na ng kabog ng dibdib ko sa takot tapos sinabayan ko pa ng kape. Para akong mag-papalpitate ng wala sa oras. Jusko wala pa naman akong kasama incase na may mangyari sa'akin.Nagising 'yung mga pusa namin at napansin kong nakatingin lang sila sa may bandang pinto papasok sa bahay at nag-simula na silang mag-ingay. Meow sila ng meow habang para bang may tinitignan sila sa pinto.Kahit wala naman akong nakikita ay hindi ko maiwasang hindi matakot lalo na't unti-unting pumipihit papunta sa'akin ang tingin ng mga pusa. Like ano na mga ming ming? Kumandong na ba siya sa'akin? Ano naAaaAaaA~Nai-stress ako ng malala lalo na't unti-unti ng lumulubog yung araw. Good thing is malapit ng umuwi ang mga tao dito sa bahay pero wala na akong lakas ng loob para pumasok sa bahay at buksan pa 'yung ilaw dahil medyo dumidilim na.Grabe 'yung kilabot ko habang patuloy parin sa pag meow 'yung mga pusang nakatingin sa gilid ko. Kahit anong suway ko sakanila ay hindi sila nag-papatinag. Kaya sinubukan kong tumayo at nag-lakad lakad sa mga halaman ni Mommy ko. Hindi naman nila ako sinundan ng tingin pero tuloy parin sila sa pag meow habang nakatingin doon sa inu-upuan ko kanina.Nag-alala pa ako baka pag balik ko doon ay ubos na 'yung kape pero bahala na. Hindi ko na kayang umupo pa ulit jan lalo na't parang may nakikita 'yung mga pusa. Umupo nalang ako dito sa motor habang hinihintay sila Mommy. Okay lang na papakin ako ng lamok dito, kesa naman yakapin ako ng multo sa loob ng bahay.Madilim na nung nakauwi sila Mommy kaya halos buong hapong hindi nawala 'yung takot sa kalamnan ko. Wala akong kwinento sakanila about sa nangyari kanina dahil alam kong pagod sila and ayaw kong matakot sila dito sa bahay.Kinagabihan, tapos na'kong mag-shower at handa na para matulog. Agad kong chineck 'yung phone ko para tignan kung may matino ba akong na-ivideo kanina para sana kahit pa-pa'ano ay konti nalang 'yung ivivideo ko bukas, pero nagulat ako sa nakita ko.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now