Online Business : Kakaibang Buyer

62 4 0
                                    


Hello spookifiers! Heather again fresh pa story ko about aling tess.Madami po bang naguluhan?Di ko po kasi napaliwanag ang full details sa story kong "Bantay Salakay" pinaikli ko nalang po dahil mahaba talaga ang kuwento ni ate tess sakin about don.Question#1:Kung takot si aling tess bakit pa sya bumalik?Answer:Isa yan sa hindi ko napaliwanag ng maayos.Pero sa story ko na "Bantay salakay" ay nabanggit ko doon ang sinabi ni aling tess na natutunton sya ni greg at ang hindi ko naisama sa story is yung binabalaan daw po sya about sa sarili nya at sa fam nya.Sinabihan nga raw din sya ni greg na if makakapag bigay ng isang biktima si ate tess ay hindi na sya guguluhin ni kuya greg pero di nya ginawa (kung nabasa nyo yung bantay salakay nag mamakaawa si greg na pumasok pero pinapaalis sya ni aling tess).So mas pinili na nyang bumalik sa batangas para wala syang madamay pero bumalik sya na may tapang.Iba kasi si greg.Pabalik sana sya sa karenderya na pinasukan nya noon para doon nalang uli mamasukan at kung guguluhin sya ni greg ay hindi madadamay ang pamilya nya pero napadaan sya sa bahay na iyon.Nakita nya na nag uusap si jigs at greg.Nalaman din daw po nya na preggy ako that time so nag presinta na sya na sya ang magiging yaya.Need din namin kasi ng yaya.Hindi rin tunay na si kuya greg ang nag offer kay aling tess samin.Hinde kasi si ate tess ang inooffer nya kundi dapat si liz yung asawa nya dahil buntis ako kumbaga para ako naman mabiktima.Kaya nang marinig ni ate tess yon sya na ang nag presinta samin at nang tanungin siya ni jigs kung sya ang sinasabi ni greg ay umoo sya para balaan at maging safe kami.Question#2:Bakit hindi sinakmal ni greg si aling tess?Answer:Kasi nung nasa kwarto ako at si ate tess nasalabas nilagyan na pala daw nya ang labas ng may binaliktad na walis at malaking kawayan na matulis ang dulo which is takot ang aswang.Nasa may pintuan lang sya nakatayo noon pero nasa loob parin while si kuya greg nasa labas ng bahay at di makapasok.Nasabihan narin daw po ni greg si liz na si aling tess na ang naging katulong namin kaya hindi na pumunta si liz dahil napakadaming pangontra ni ate tess.Sana po naliwanagan kayo at ako na nagsasabi napakatapang ni ate tess.Iniisip nya ang safety ng iba.Pero ang balita ko sa kanya now ay hindi na siya ginagambala ni kuya greg.Wala rin pong sapilitan dito kung maniniwala kayo o hinde dahil kwento ito ni ate tess sakin na shinare ko lang sainyo. Pero thanks sa mga sumubaybay dito.So eto na ang story ko about sa isang buyer ko.Isa akong manager sa isang restaurant.Pero dahil sa pandemya ay nawalan ng trabaho dahil sa pansamantalang pagsasara.Mag wa one month na akong online seller.Patok na patok ang sesame balls or butchi na binebenta ko.So madami na rin akong customer at dahil pandemya kailangan kumita sige ako ng sige.Masaya naman ako at si jigs sa naging resulta ng aming business.Mahirap sa una pero habang tumatagal at nakakabenta ka sumasaya.Minsan may makakasalamuha kang buyer na hindi mo gusto ugali pero meron naman nakakatuwa.Minsan may bogus den na sobrang kinaiinisan ng maraming nag bubusiness.Pero lahat ng klaseng buyer na ganyan ay wala lang sakin kumbaga normal na.Pero may isa akong buyer na hindi ko nagustuhan.Gabi na noon alas syete sa pagkakatanda ko.Marami akong kausap sa messenger na nagpapadeliver sakin kinabukasan.Kaya naman nilista ko na lahat sila pati mga orders nila."Jigs madami uli tayong gagawin mamayang madaling araw ha madaming orders"sabi ko dito "Oo sige mag alarm ka ng 4 para makapag prepare na tayo"sagot nito habang nag e-ML(ml is layp).Kaya dahil madaling araw ang gising namin need naming matulog ng maaga.Bago ako matulog nakaugalian ko nang mag lagay ng kung ako ano sa mukha skin care kumbaga.Bandang 8pm ako tumungo sa lababo.Habang nag hihilamos ako nag vibrate ang cp ko.Dali dali kong pinunasan ng tissue ang mukha ko tsaka naupo at kinuha ang cp ko sa bulsa ko.May notification ako kaya inopen ko ito. May nag comment sa isa kong post."Hm?"comment nito.Tanging miller lang ang pangalan nito sa fb na may black na dp. "Pm sent maam/sir"reply ko. Hinde pa ito nagrereply kaya nag apply na ako ng cream sa mukha ko.Mga dalwang minuto nagreply na ito. "Location nyo?"reply nito "******* batangas po" sagot ko "Ah ok kuha ako ng 100 tubs free delivery ba?"reply nito "Opo free delivery location nyo po?"tanong ko dito "Parehas lang tayo ng lugar (***********) yan address ko"reply nito.Nang masure kong sure buyer ito ay kaagad kong sinabi ito kay jigs. Dali dali akong pumunta sa kwarto"Jigs jigs"tawag ko dito habang nakatingin parin ako sa cp dahil inistalk ko ito if may picture ba sya ng face nya para makilala sya kapag idedeliver na pero wala akong makita at mukhang dummy ito."Oy jigs may umorder na uli na pede natin isabay bukas mamaya kana mag ml"sabi ko dito."Oh talaga ilan daw at tagasaan"tanong nito sakin sya kasi ang delivery boy. "100 tubs of butchi then taga dito ren sa lugar natin ito o ang address"sabay pinakita ko ang convo namin ng buyer.So nag nag 9pm na natulog na kami dahil 4pm kailangan nanamin gumising.Saktong 4pm nagising kami ni jigs hinde sa alarm kundi sa baby boy naming nauna pang gumising sa amin.Pinauna ko na si jigs sa kusina habang ako naman ay inaayos ko pa ang buhok ko at kinarga ang bata at isinama sa kusina.Nang mailagay ko na ito sa stroller nya ay nag umpisa na kami ni jigs gumawa.Mag aalasais na ng umaga kaya chinat kona uli yung buyer ko."Hello maam/sir ready to deliver na po ang order nyo so husband ko po ang mag dedeliver dyan labas nalang po kayo ng bahay nyo para makita kayo kaagad salamat"chat ko dito na kaagad naman nitong nireplyan "Ok hintayin ko nalang dito akala ko ikaw ang mag dedeliver kaya ako umorder asawa mo pala"reply nito "Ay ano pong connect if asawa ko po mag dedeliver hehe" reply ko dito "Ah wala nagandahan kasi ako sayo kaya akala ko ikaw mag dedeliver sayang naman pero deliver nyo parin sakin yan"reply nito.Naguguluhan at nababastusan man ako sa sinabi nito ay ipinatuloy ko parin kay jigs ang pag dedeliver. Mag aalasotso na ng maayos nanamin ang idedeliver"Ingat kaha wag mo alisin mask mo"sabi ko kay jigs bago ito sumakay ng kotse.Nang makaalis na itong si jigs ay kaagad ko namang chinat ang buyer "Otw na po ano pong color ng damit nila?"chat ko dito "Ah otw na?Nice naka yellow ako at lalaki nga pala ako"reply nito.Kaagad ko naman itong pinasa kay jigs."Ah ok sir wait nyo nalang"reply ko dito.Hindi na ito nag reply kaya naman tumungo ako sa kusina para linisin lahat ng ginamit namin sa pagluluto.Bandang 10 am ako natapos at pinuntahan ko na si baby na umiiyak sa salas.Habang inaalo ko ito ay may kumatok sa pinto "Nandyan na agad si jigs"sabi ko sa sarili ko.Pero hindi si jigs ang nakita ko kung hindi isang lalaki na hindi pamilyar sa akin."Ano pong kailangan nila?"tanong ko dito."Ako nga pala yung buyer ng 100 tubs na buchi."sabi nito "Ha diba sir idedeliver nalang nandon na ah.Ibinaba ko ang bata at nakipagusap uli ako. "Ayoko kasing asawa mo mag deliver gusto ko ikaw"sagot nito na may nakaktakot na boses.Bastos man ang ginawa ko pero pinag sarhan ko kaagad ito ng pinto dahil mas nababastusan ako sa sinabi nito. "Buksan mo ito miss yung butchi na inorder ko kung wala kang maibigay edi ikaw nalang"natatawa nitong sabi.Hindi ako umiimik at pinapakinggan ko lang ito na nasa labas.Tinxt ko kaagad si jigs "Jigs may nang gugulo dito sa labas ng bahay sabi sya daw yung buyer nyang idedeliver mo ang bastos pa ng mga sinasabi"txt ko kay jigs."Ha kaya pala wala pa akong nakikitang nakayellow dito eh sige babalik ako dyan wag kayong lalabas ng bahay ilock mo ang pintuan at magtago kayo sa kwarto"reply ni jigs.Kinakabahan ako ng oras na iyon hindi rin ako makakahingi ng tulong sa kalapit bahay namin dahil umalis ang mga ito.Inisip ko ng inisip na sana dumating na agad si jigs.Inalala ko den kung nasarhan ko lahat ng pintuan at binta ng bahay pero naalala kong hindi ko nalock ang pintuan sa may kusina.Nag uunahan na sa pagpatak ang mga pawis ko.Nilock ko ang pintuan ng kwarto at hinarangan ito ng kuna ni baby at durabox."Jigs nasan kana"tanging banggit ko sa sarili ko.Pinakinggan ko ang lalaki sa labas pero hindi ko ito narinig.Maya maya pa ay may narinig akong nag kakalansingan sa kusina.Mas lalo akong kinabahan ng mapagtanto kong nakapasok na ito."Miss yohoo pakiss lang"sabi nito na nasa labas ng kwarto.Tinignan ko ang bata na hinde alam ang nangyayari.Pinagdarasal ko na sana hindi umiyak ito para hindi kami marinig.Pero ilang minuto ay kumalabog ang pintuan na syang pag iyak ng bata."Ipapahuli kita sa pulis bastos ka"sigaw ko "Kung mahuhuli nila sige na kasi akin na yung orders ko"sabi nito "Diba dineliver na nga bakit may pag punta kapa dito"sabi ko dito pero hindi na ito sumasagot.Maya maya pa ay may malakas na tunog ang dumali sa pintuan ng kwarto.Kumukuha pala ito ng balanse para mabuksan ang pintuan.Buti nalamang at matibay ang pag kakagawa ng pintuan.Nang oras na iyon ay naaalala ko yung nangyari sakin noon na pinagkalaman ko pang aswang si aling tess.Maya maya pa ay narinig kong pinag tataga ng lalaki ang pintuan na syang ikinagulat ko.Nakita ko kaagad ang bintana sa kwarto na kasya ako at pwede akong makalabas ng bahay.Binuksan ko kaagad ito at kinuha si baby medyo nahirapan ako sa pagbaba dahil bitbit ko ang bata.Medyo nagalusan ako pero hindi ko na yun ininda basta ok ang anak ko.Kaagad naman akong pumunta sa kalsada at pumunta sa bahay ng isa sa kakilala ko dito sa subdivision na medyo malayo dito sa bahay namin.Nang maikwento ko dito ang nangyayari sa bahay ay tinawagan ko si jigs "Jigs nandito kami kina Layla wag kakaagad pumasok sa bahay nandon yung lalak"sabi ko dito "May kasama akong brgy nandito na kami sa labas papasok na kami ng subdivision.Pinaiwanan ko muna ang bata kay layla at kaagad akong lumabas ng bahay nito.Nakita ko na ang kotse ni jigs at mga taga brgy.Kaagad akong tumakbo kay jigs.Sinabi ko dito pati narin sa mga taunan ng brgy ang nangyari.Kaagad naman nilang nakuha ang lalaki sa loob ng bahay habang nag mamasturbate ito sa sala.Tumawag rin ng pulis ang mga taga barangay nang makuha na nila ang lalaki.Tinignan ko ang lalaki at sa tingin ko ay wala na ito sa katinuan.Napag alaman ko ring ang lalaking ito ay nakawala sa kulungan at naka drugs ito ng araw na nagpunta ito sa bahay.Traumang trauma na ako una doon sa dating bahay nina kuya greg sumunod naman itong nagpanggap na buyer na pumasok pa sa bahay namin na muntik pa kaming pamahamak.Gusto ko lang ipaalam na sana mag ingat po tayo lalo na sa katulad kong sellerThankyou all sa pag babasa at sa admin.Mas lalo akong ginaganahan dahil sa mga positive comment nyo.Sa susunod uling kwento ko ng karanasan ko salamat.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now