Part 1
Palala! Medyo mahaba dahil sa napaka detalyado, kaya sana mahaba rin pasensya ninyo.*Voice record
2016 bago ma upo si President Duterte, maraming nag sara na mga pribadong area na pag mamay-ari ng mga makapangyarihang tao sa Pinas. Sa 7,642 na pulo sa pilipinas, correct mo ako iho ha, pero ni isa sa inyo walang may alam kung ano ang iba pang nangyayari sa mundo. Hindi ninyo alam kung sino at ano ang naka tago sa isang lugar kung saan ay kung ano-ano ang nangyayari.
Ang pangalan ko ay Alfred. Way back 2014 ako ay dating ARMY na AWOL dahil sa hindi nila tinigan kung ano ang naging serbisyo ko sa tatlong taon. Isang pagkakamali ko lang, wala na agad lahat. Na AWOL ako dahil hindi agad nakapag report dahil sa nanganak itong si misis sa Cebu at kailangan ko puntahan. Lumagpas ng isang araw ang excused date ko kaya tinawagan ako ng ka baro ko na hinahanap na ako ng Commanding Officer. Ngunit di ko kelangan iwanan ang asawa ko dahil sa walang ibang mag babantay at mag aalaga dahil wala nang magulang si misis. At nasa malayo pa ang mga kamag-anak niya. Malungkot dahil nawalan ng trabaho, pero masaya dahil sa nasilayan ko rin at nahawakan ang mag-ina ko. Ngunit mahirap lumaki ang bata na kapos ang magulang sa pangangailangan. Kaya naisipan ko na lumapit sa mga kakilala ko. Hindi para mag hanap ng trabaho, kundi para mag hanap tao. Isa ako sa mga "Gun for Hire" na karaniwang ginagawa rin ng ibang mga kawal ng gobyerno at tinatawag naming "Part time, big time". Kase hindi lang libo-libo kundi million din ang mga nakapatong sa ulo ng mga taong target mo, lalo na kapag ito ay wanted. Malaki ang kasalanan ko, dahil diko na kilala at mabilang kung sino napatay ko. Iba talaga ang nagagawa ng pera. Kayang kumitil ng buhay, pero hindi kayang bumili ng oras at pagkakataon para mabuhay. Nakaraan ang ilang buwan, may tumawag sakin na unknown number. "Costumer na naman ba?" tanong ni misis sakin. "Ahh ano mahal haha, ahh bibili ng panabong na manok. Yung sinabi ko sayo na nakausap ko sa may sabongan?" sagot ko naman sa kanya. Dumistansya ako konti at sinagot ko ang tawag. "Caliber4 on call" sagot ko. Yun kase ang pangalan na kailangan ko banggitin. Sumagot sa akin ay isang babae na tancha ko nasa mga 24-28 ang edad at mukhang maganda at parang teller ng banko base sa boses niya. "Sir, this is Copycat1. Bukas at exact 4:30 A.M may susundo po sa inyo na itim na NV30 na van. Wag na po kayo mag dala ng issued gun na binigay sa inyo. Formal attire lang, if you wish to bring essential items it is not prohibited po as long as no fire arms included." sabi nung babae sa akin. "Okay po, kaninong utos po ito?" tanong ko naman sa kanya. "Sir sorry kase limited ang tawag and I cannot answer you furthermore. Be on time nalang po and will send you the location 30mins before the said time as this is confidential. Thank you." sagot ng babae sa telepono at binaba niya ito. Nag impake agad ako ng mga gamit at at pagkatapos ay ipinaalam ko kay misis na may lakad ako bukas. Ibinilin ko na sa kanya na baka isang linggo ako mawawala. Sinabihan ko na rin siya kung saan nakatago ang pera at baril kung sakaling may mapapansin siyang ka hina-hinalang tao sa paligid. Syempre mawawala ako ng isang linggo, alam mo na, naligo agad si misis habang nag iimpake ako tapos pinatulog ng maaga si Junjun.
3:50 pa lang ng madaling araw naka alis na ako ng bahay. Eksaktong 4:00 AM nag text mag nag text sakin. Nalagay kung saan ako mag aantay at pagkatapos ay nag lakad na ako patungo sa site kung saan ang sinasabing lugar na kanilang tinutukoy. Mga limang minuto late yung susundo sakin. Hanggang sa nakrating ito at sumakay agad ako sa front seat ng van. "On call ka no? Pano kase palpak yung nakaraan." sabi nung driver sakin. "Oo tinawagan ako kagabi, san punta natin?" tanong ko naman sa kanya. "Medyo may kalayuan din, tsaka bigay mo kay Totong yung Cellphone mo i-coconfiscate lang natin tsaka tatangalin yung sim. Nagpaalam ka naman siguro bago umalis?" sagot agad ng diver. "Ahh, haha oo baka pag uwi ko si kumpare na kasa-kasama nun yari ako." pa biro kong sagot sa driver at nag tawanan kami. Inabot ko kay Totong yung cellphone ko sa likod. Habang naka lingon ako sa likod may limang taong tulog. Hindi ko masyadong maaninag dahil madilim at diko rin naman sila kilala. Mukhang ka edad ko lang din na nasa 23-28 na ata. Pagkatapos ko i-abot yung Cellphone ko inabutan ako ng tubig at isang tabletas. Iniisip ko baka droga to at masyado na akong nag iisip ng kung ano-ano na baka set up to. "Inumin mo yan, pampatulog. Mahaba byahe natin, isa pa di pwedeng malaman mo kung san punta natin. Marami kasing checkpoint na daraanan natin kaya kahina-hinala naman kung tatakpan namin mga mukha nyo." sabi nung driver sa akin. "Kaninong utos ba to?" tanong ko sa kanya. "Inumin mo nalang, trabaho lang to pasensya kana diko pwede sagutin yan." sagot niya naman sakin habang naka titig sa rear mirror ang lalaking nag-ngangalang Totong. Kinakabahan ako, ngunit diko nalang pinansin kung ano man ang negatibong pumapasok sa isip ko kaya ininom ko ito at ilang minuto habang naka tingin sa highway ay nakatulog ako. Pinaka ayaw ko sa lahat ay yung naka pikit ang mata ko. Dahil sa tuwing nananaginip ako, nagpapakita lahat ng bungo ng taong mga pinatay ko. Kung pano ko sila binaril sa ulo, kung pano namin sila hinatak sa damuhan at duguan, kung pano namin pinag tataga at hiniwalay ang mga parte ng kanilang katawan at inilibing sa iba't-ibang lugar. Kung pano namin narinig ang mga iyak ng namatayan, kung pano sila mag-makaawa na wag patayin, kung pano nila kami isumpa kung sila'y makawala. Lahat ng iyon ay paulit-ulit na dumadalaw saking pag tulog. Ginigising lang nila kami para kumain, pagkatapos ay sabay-sabay na naman kaming iinom ng gamot pampatulog. Sa tancha ko umaabot ng tatlong dalawang araw ang byahe namin. Pag dating namin sa mismong lugar binalot na ng itim na tela ang ulo namin pero hindi naman naka posas o kung anong tali man sa kamay namin. Pinapa tayo lang kami tapos naka hawak kami sa likod ng balikat na tila ba naka fall-in-line. Pinasok kami sa isang malaking kwarto. Pagkatapos ay naka harap kami sa isang malaking glass na bintana. "Magpakilala kayo." salitang narinig namin sa loob ng kwarto na mayroong speaker sa bawat sulok. Isa-isa silang nagpakilala, dalawang babae, apat na lalaki kabilang na ako. Lahat sila ay pawang mga studyante at puro graduating. Dalawang lalaki Criminology, isang IT, yung isang babae Busines Ad tapos yung isa naman Civil Engineer. Nagpakilala ako bilang isang 3rd year student at Educ naman ang kursong binangit ko. Bumukas ang pintuan at may pumasok na apat na lalake na naka itim na blazer o tuxedo, at may hawak silang bagay na kagaya lang ng itsura ng thermogun. Kinakabahan na ako, akala ko nasa assasination assignment ngunit parang iba na ang pangyayari. Pina harap kami sa pader at isa-isang lumalapit ang mga naka tuxedo na lalaki. Lahat ay taranta at di mapakali kaya medyo uminit ang tensyon. Hinatak ako ng isa sa kanila papunta sa may sulok. Bumulong sakin yung lalake, tapos parang may tinira siya sa may batok ko. "Pare, tao ako ni Boss Jeremy. Bibigyan ka namin ng tabletas pero simpleng tabletas lang itong ibibigay ko. Payo ko sayo, umuwi ka ng buhay." pagkatapos nag kunwari siyang galit sakin. Sinipa niya ako at sinuntok sa tyan at nagsisigaw keyso makulit daw ako. Pagkatapos ay itinayo ako at lahat kami ay pina inom ng tabletas. Tumitig sakin yung lalaking bumulong sakin habang sinunod naman namin lahat yung pinapagawa.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...