Part 5
Tumayo si Aling Nora saka pinunasan ang kanyang mga luha. Takang taka ang muka ni Lea habang nagpilipat lipat ng tingin sa amin."N-namiss ko kasi yung kuya Rey mo. Kaya pinuntahan ko si kuya Mark mo dahil naaalala ko sa kanya si kuya Rey mo" Pagsisinungaling niya sabay tingin sakin.Napatikhim ako. " Oo Lea kinukwento sakin ni Aling Nora yung anak niyang panganay" Sabi ko sabay iwas ng tingin."Ganun po ba, sabagay nakakalungkot talaga ang mawalay sa pamilya. Hug nalang po kita Aling Nora" Niyakap ni Lea si Aling Nora habang tinatapik ng mahina ang likuran nito."Bakit ka pala nagpunta dito Lea?" Tanong nito ng kumalas sa pagkakayakap sa kanya si Lea."Papalabhan ko po sana sa inyo yung P.E uniform ko po kasi may kailangan po akong ivideo na sayaw kailangan po kasi naka P.E uniform Pasensya na po bigla ko lang kasi naalala na bukas na po pala yung deadline muntik ko ng makalimutan""Ah ganun ba sige yun lang pala. Halika ka na" Sabi niya sabay lumabas na silang dalawa. "Mark alis na kami... yung tupperware bukas mo nalang isauli" Tumango ako saka tipid na ngumiti. Tinanaw ko sila papalayo. Lumingon pa ng isang beses si Aling Nora bago lumiko sa kanto.Napaupo ako sa sahig. Sa tingin ko hindi matatahimik ang buhay ko...hindi matatahimik ang pagtira ko dito kung hindi ako gagawa ng aksyon. "Argh! Nakakainis!" Sabi ko sabay tayo.Wala na akong ibang choice kundi ang tulungan si Fiona. Bahala na kung anong mangyari. Gagawin ko lang ang makakaya ko. Pero bago ko gawin yun gusto ko munang malaman mula kay Aling Nora kung sino ba si Fiona at kung ang kaugnayan nilang dalawa."Hello Lea at Leo! Saan punta niyo?" Tanong ko sa kanila ng makarating ako sa kanilang bahay."Dyan lang po sa kabilang kanto birthday po kasi ng kaibigan namin ni Lea. Dadalo kami""Ah ganun ba...yung bayad pala ng pinagbentahan ko ng manok ito oh tabi niyo na" Sabi ko sabay abot ng pera kay Leo."Salamat kuya sige alis na kami""Sige sige ingat uwi din agad ah? Hwag mag iinom!" Sabi ko sabay tawa. Natawa silang dalawa."Hindi po kuya promise!" Sigaw ni Lea habang naglalakad sila papalayo."Mark..." Napalingon ako ng marinig kong tinawag ako ni Aling Nora. Nilapitan ko siya."Aling Nora...pwede po ba tayong mag usap tungkol kay Fiona?""Oo ayun ang pag uusapan natin. Sasabihin ko sayo ang nalalaman ko... Halika sa loob" Sabi niya sakin sabay lakad papasok. Naupo ako sa salas. Magtakapat kami. Huminga siya ng malalim sabay tingin sa akin."Kakasal palang noon ni Maam Alma at Sir Leon ng mamasukan ako sa kanila bilang kasambahay. Mabait na simula palang si Maam Alma, at si Sir Leon naman ay may pag uugali siyang di kaaya - aya. May anak sa pagkadalaga si Maam Alma noong dyesisais siya at iyon ay si Fiona"Labis ang aking pagkabigla ng malaman kong si Fiona pala ay anak ni Tita Alma. Ngunit bakit hindi naman ito nabanggit sa akin ni Tita Maria? Ang sabi niya lang sakin noon ay may tatlong pinsan ako na anak ni Tita Alma. "Nagtataka ka ba kung bakit hindi mo kilala si Fiona na pinsan mo pala?" Nanlaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya."Nung nagkakwentuhan kami ni Maam Alma nuon tungkol sa buhay niya, sinabi niyang pinalayas siya ng mga magulang niya ng malamang nabuntis siya sa murang edad. Si tita Alma mo kasi noon ay mahilig makipagbarkada. Di ba puro sila babaeng magkakapatid? Apat sila na babae?""Opo tama po kayo""Si Tita Alma mo ang panganay, sunod si Maria, Glenda at Rosie. Siguro kahit sinong magulang naman ay talagang magagalit at mapapalayas ang anak niya kapag nalaman niyang nabuntis ito sa murang edad. Sumama sa lalaki si tita Alma mo at pinanindigan ang kanyang anak. Si Martin ang ang lalaking nakabuntis sa kanya na nobyo na pala niya noon. Sobrang higpit din kasi ng mga magulang ng tita mo kaya siguro nahanap niya ang pagkalinga kay Martin. At dahil sa malaking kahihiyan ito sa pamilya ng tita Alma mo ay tinago nila ito sa iba pa nilang kamag anak at pinalabas lamang na nagtrabaho si tita Alma mo sa ibang lugar kaya ito umalis. Pinagsabihan din ang iba mo pang tita na hwag na hwag babanggitin kahit kanino ang nangyari sa tita Alma mo. Naging maayos naman ang kanilang pagsasama ngunit pa sila kinakasal dahil wala ring permamenteng trabaho si Martin. Sa di inaasahan, sampung taon pa lamang si Fiona nun ng maulila siya sa kanyang ama. Nabagsakan ito ng gumuhong gusali sa pinagtatrabahuhan nito"Habang nakikinig ako, di ko maiwasang maawa kay Fiona. Naulila din siya kaagad kagaya ko ngunit mas masakit nga lang ang akin dahil dalawang magulang ko kaagad ang nawala sa akin."Lumipas ang limang taon nakilala ni Maam Alma si Leon. May kaya sa buhay si Leon dahil may mga lupain ang kanyang mga magulang at may sarili rin siyang lupain. Hindi kaagad sinabi ni tita Alma mo ang tungkol kay Fiona kaya naman nabigla si Leon ng malaman niyang may anak na pala siya. Kinse anyos na si Fiona nun. Sa una hindi niya ito natanggap pero dahil sa mahal na niya ang tita mo kaya tinanggap niya nalang at pinakasalan niya ang tita mo"Bumuntong hininga siya saka pinagpatuloy ang pagkukwento. Habang nagkukwento siya ay para bang gusto nang bumagsak ng kanyang mga luha."Hindi din naging maganda ang buhay ni Fiona sa piling ng kanyang ama - amahan na si Leon. Konting kibot, lagi niyang sinisigawan si Fiona at pinapagalitan tuwing wala si Maam Alma dahil naging busy ito sa pag aasikaso ng kanilang negosyo na manukan, babuyan at mga tanim na gulay. Minsan lang kung nasa bahay si Maam Alma. Kapag nauwi si Sir Leon galing trabaho kasi chef siya ng isang restaurant, parang katulong ang turing niya kay Fiona. Ngunit pag nandyan si tita mo ang turing niya dito ay anak""Parang hindi talaga tanggap ni Leon si Fiona na maging anak niya?" Tanong ko kay Aling Nora. Nakaramdam ako ng inis kay Leon. Oo Leon nalang dahil parang di nakakatuwang tawagin siyang tito dahil sa pagtrato niya kay Fiona."Oo ganun na nga. Hindi makapagsumbong si Fiona sa kanyang ina dahil binantaan siya nito siguro sa takot kaya hindi na magawang magsabi sa kanyang ina. Makalipas ang isang taong pagsasama nila nagkaanak sila at iyon ay si Liza. Si Fiona ang nag aalaga kay Liza. Lagi niya itong binabantayan, pag kauwi sa eskwelahan si Liza agad ang hanap niya. Lumipas pa ang mga taon medyo naging marahas na si sir Leon kay Fiona. Pinapapasok niya ito sa kanyang opisina pagkatapos lalabas si Fiona na may mga pasa at sugat. Alam kong sinasaktan niya si Fiona. Upang hindi makita ang kanyang mga pasa ay laging nakatshirt na malalaki si Fiona o di kaya long sleeve""Ang kapal ng mukha ng lalaking yun! Napakawalang puso niya! Wala namang kasalanan sa kanya si Fiona para ganun ang trato niya rito at lalong lalo na ang saktan ito!" Di ko mapigilang bulaslas habang nakakuyom ang aking kamao."Hanggang sa isang araw nakita ko si Fiona na nakatulala. Habang tumutulo ang luha papalabas ng opisina ni sir Leon. Medyo magulo ang buhok nito. Nakita ako ni sir Leon noon at binantaan akong hwag kong sasabihin kay tita Alma mo kung ano mga nakikita ko at nagaganap dito sa bahay na ito dahil kung hindi ay papalayasin niya ako at ipakukulong""Ipakukulong?" Takang tanong ko."Oo dahil nagawa kong magnakaw ng pera noon upang may maipadala ako sa mga magulang ko dahil sa laki ng bayaran nila sa ospital ng magkasakit ang ina ko. Kaya ayun tikom ang aking bibig. Lumipas pa ang mga taon, kaarawan ni Fiona noon. Bente anyos siya noon nagpahanda si tita Alma mo dahil iyon lang ang araw na magkakaroon ng malaking handaan si Fiona sa kaarawan niya. Mababakas sa mukha ni Fiona ang lungkot ngunit pinanatili niya ang kanyang sariling nakangiti buong araw. Suot ang puting bestida na regalo ng kanyang ina ay napakagandang bata ni Fiona. Para siyang diwata sa ganda manang mana sa kanyang ina. Hanggang sa kinabihan..."Di natapos ni Aling Nora ang kanyang sasabihin ng bigla nalang siyang umiyak. Di ko alam ang gagawin ko kaya napatingin lang ako sa kanya."Hanggang sa nangyari ang kagimbal gimbal na pangyayari sa buhay ng tita mo. Yun na pala ang huling ngiti na makikita namin sa kanya. Walang awa siyang ginahasa at pinatay ng hindi pa nakikilalang lalaki na hanggang ngayon hindi pa namin nahuhuli kung sino ang gumawa noon. Natagpuan ang bangkay niya kung saan nakatayo ang bahay na tinitirahan mo ngayon. Dati kay ay puro talahib lang yan nung hindi pa nabibili ng tita mo ang lupaing iyan""Bakit hindi niyo nagawang matulungan si Fiona? Di bat napapaginipan niyo siya?""Wala akong kakayahan na makita siya at makausap siya kagaya mo. Sa panaginip naman ay tanging pag iyak niya lang at paghingi ng tulong ang napapaginipan ko kaya wala akong magawa. Kaya labis ang tuwa ko ng mapaginipan ko siya nakakausap mo siya. Kaya siguro siya nagpaparamdam sa mga tumitira sa bahay na tinitirahan mo ngayon ay umaasa siyang may makakatulong sa kanya ngunit wala. Walang may kakayahan ng kagaya ng sayo. Ang makita ang mga kaluluwang hindi matahimik sa mundong ito"Lumuhod siya sa harapan ko saka hinawakan ako sa kamay ko habang umiiyak."Mark...tulungan mo siya. Tulungan mo si Fiona na makamit ang hustiyang matagal na niyang inaasam. Ikaw lang ang pag asa niya"Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Halos madurog ang puso ko sa mga narinig ko. Hindi ko akalain na ganun ang sinapit niya. Ang walang muwang na si Fiona ay walang awang pinatay! Hindi na nga naging maganda ang buhay niya sa piling ng kanyang ama amahan tapos hindi din naging maayos ang ang naging pagkamatay niya! Bigla akong nanlumo, nakaramdam ng inis sa aking sarili. Halos ipagtabuyan ko si Fiona at sigawan palagi na talagang ayaw ko siyang tulungan tapos ganito pala ang sinapit niya. Napakasama ko sa kanya. Kailangan kong makabawi sa kanya. Tumayo ako saka pinunasan ang mga luha sa aking mga mata."Aalis na po ako" Pagkasabi ko nun ay kumaripas ako ng takbo palabas ng bahay.Kailangan kong makausap si Fiona. Kailangan kong maibigay ang hustiyang nararapat sa kanya!"Fiona! Fiona! Fiona nasan ka magpakita ka sakin!" Sigaw ko sa loob ng bahay ng makarating ako."Fiona magkita ka na sakin ngayon please...kailangan kitang makausap!" Lumabas ako ng bahay saka naglakad patungo sa puno ng mangga. Minsan kasi ay naroon siya nakatayo."Fiona nasaan ka? Magpakita ka sakin ngayon! Ano ba? Nasaan ka na?" Kahit parang tanga akong nagsisigaw at palakad lakad ay ginawa ko pading mag lakad patungo sa manukan upang hanapin siya baka sakaling nandun siya. Napaupo ako sa lupa sabay hawak sa aking ulo. Di ko mapigilang hindi maiyak. Ewan ko ba pero sobrang sakit sa dibdib ng sinapit niya. Hindi ko lubos akalin na ganun. "Napakasama mong tao Mark! Napakasama mo!" Sigaw ko habang pinagsusuntok ko ang lupa. Nagagalit ako sa sarili ko.Alam kong hindi magiging madali ito para sakin ngunit kailangan niyang makamit ang hustisya niya. Siguro ito ang rason ng pagkakaroon ko ng kakayahang makita sila dahil may isang tao pala na aking kamag anak pa ang nangangailangan ng tulong. Tumayo ako saka pinahid ang aking luha. Hihintayin ko si Fiona na magpakita sakin. Naglakad ako patungo sa bahay."Fiona! Fiona nasaan ka na ba magpakita ka sakin! Fiona! Fiona!" Sigaw ko.Nagulat ako ng makita ko si Mang Lito na nakatayo sa pinto ng bahay. Parang namutla ito ng makita niya ako. Naglakad ako palapit sa kanya."Mang Lito...ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko sa kanya. Nanatili siyang nakatitig sa akin na namumutla parin. Bakit ganito ang reaksyon niya?"B-bakit...b-bakit mo hinahanap si F-fiona? P-paano mo siya nakilala?" Nauutal na tanong niya sakin na bigla kong ipinagtaka.Itutuloy...
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...