NoSleep Series : Mga Kwento ni Lolo noong siya ay Detective pa

88 3 0
                                    

NoSleep Series : Mga Kwento ni Lolo noong siya ay Detective pa

Part 1

Ang lolo ko ay isang detective ng 27 years at may mga kaso sya na di nya malutas at tinatawag niya itong "Impossible Ones", habang tumatanda sya ay naalala nya parin ang takot sa mga kasong iyon, sinimulan na ni lolo ang kanyang kwento at nirecord ko ito.

Unang Kaso: Murder/Kidnapping or kung matatawag mo man na ganon yun. May isang pamilya, ang mga Nebels. Si Benjamin ang Ama, Jennifer ang Ina, at Si Katie na 6yrs old na anak nila. Isa sa mga kapitbahay nila ang lumabas para kumuha ng Newspaper 6AM ng umaga at nakita nya bukas ang pinto ng bahay ng pamilyang Nebels. Nang pinuntahan nya ito ay nakita nya ang bangkay ni Jennifer.

Tumawag sya ng 911 at isa kami sa na assign doon, ako at si Olson, partner ko. Nang makita ko ang bangkay ay wala itong sugat or ano man na senyalis na pinatay ito.

Nung papunta palang kami sa bahay ng biktima, ay sinabihan kami ng pulis na nawawala si Benjamin(Ama) at si Katie(Anak), ang mga sasakyan nila ay nandun parin sa paradahan nila, so inisip namin na naglakad ang dalawa, pero walang nakakita sa kanila kahit yung dalawang kapitbahay na nagkakape sa labas ng bahay nila, wala ding narinig na ingay na galing sa bahay ng mga oras na yun.

Ang lumabas sa autopsy ng bangkay ay hindi malaman ang dahilan ng kanyang pagkamatay, sadyang namatay lang sya, wala syang bisyo, di umi.inom, di naninigarilyo, at nag iihersisyo din sya.

Naghanap kami sa bahay para malaman kung ano talaga ang nangyari, basement to attic, wala kaming nakita. Naghanap kami ng ilang oras pero wala talaga. Nagdesisyon kami na bumalik bukas or sa makalawa. Pumunta kami sa tinatrabaho.an ni Benjamin.

Sabi ng mga ka trabaho nya ay pumasok sya ng 5AM. May ginagawa syang bagay at kalahati lang nya ang natapos nito bago sya umalis patungong CR 6:15AM, at yun ang huli na nakita nila si Benjamin.

Habang nandun kami sa pinagtatrabaho.an ni Benjami ay narealize ko na na.iwan ko ang mga gamit ko sa bahay ng biktima. Bumalik kami sa bahay, pagpasok namin sa bahay ay biglang na.amoy namin ang mabahong amoy. Ang amoy ay para bang matagal na itong patay pero bat ngayon lang namin na amoy.

Alam namin hindi galing sa Ina yun. Tinanong namin ang mga officers at forensics na nandun habang wala kami, at ang sabi nila ay bago lang din nila na amoy ito. Naka amoy na ako ng nga bangkay pero itong amoy na ito ay sobrang baho na para bang may patay sa bawat sulok ng bahay.

Di nagtagal ay nahanap namin kung pinakamabahong parte ng bahay at yun ay sa Attic. Alam ko na check na namin yun dun mga limang beses narin pero nung pagbalik namin sa Attic ni Olson ay may nakita kaming kahoy na kahon.

Yung hugis nito ay parang lalagyan ng baril, 3ft ang laki at 2ft ang lapad at hindi aabot ng 1ft ang lalim. Nakatayo ito at may dugong dumadoloy sa gilid nito. Tinawag namin ang mga photographers at ibang police para makuha nila ang kahon at buksan iyon.

Tumambad ang asawa ng biktima si Benjamin(Ama).

Isipin nyo, 5'10 at 64kls si Benjamin at na ipasok sya sa ganung kaliit na kahon na yun. Yung mga buto at laman nya ay pinilit na ipasok dun. Yung balat nya mukha ng 2 weeks na patay sya, at wala narin yung mga mata nya.

Nakatayo lang kami dun at iniisip kung paano at paano nagawa ito, di nagtagal ay may na dinig kaming tunog.

Isang batang babae na nanghihingi ng tulong.

Narinig ng lahat ang tunog pero iba iba ang parte ng bahay kung saan nila ito narinig pati ang mga tao sa labas ng bahay na nasa police tape ay narinig rin ito.

Ako, pagkarinig ko ay tumingin agad ako sa taas. Alam ko wala sya dun pero doon ko narinig ang boses ng bata.

Isa isa namin chineck ang mga lugar kung saan ito narinig namin, cabinet sa kusina, cabinet sa bedroom, sa refrigerator, pati sa lagayan ng tubig ng inidoro. Sabi ng mga tao sa labas nasa ilalim ng sasakyan nila, sa likod ng kahoy, sa gilid ng bahay. Lahat ang nakarinig sa boses ng bata ng dalawang minuto bago ito nawala.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now