Part 1
Hi admin and spookify nation Ediwow Caluag again yung sender ng Paranormal Inv. Old house sa Laguna dahil after more than 1 week ay nacontact ko na si Big Boss (nasa Australia) at approve na sya! may maishashare nanaman ako sainyo. Mahigpit nya lang binilin ang privacy ng client at group in full extent which i agree (may magagawa ba ko) At sakanya pa mismo galing tong story na to (via chat) sorry in advance dahil malamang bitin di kaya ni space and time eh kaya proceed to story na tayo.2009 last week of March ng nangyari to (Note wala pa akong kinalaman dito inosente pako) dahil bago pa ang group at inexpirience pa sina Kuya K,M at Ate Ann,Jin kaya nag decide si Big Boss na di sila isama dahil disturbing masyado yung case (BTW ang client ay isang Principal sa HS). Kahit malabo ay pinilit nyang macontact yung 2 sa founding member ng group sina Ate Shai at Kuya I, sila ang Big 3 since 2003 pa sila magkasamang tatlo sa dati nilang group of paranormal inv. Explain ko ability nila si Big Boss walang syang specialty bali general knowledge sya, yung literal na madaming alam sa paranormal, si Kuya I inaaral nya yung Ars Notoria/Book of Occult or Lesser key of Solomon pero di lahat focus sya sa mga Sealing Ritual para defense againts any entity (Demonic or Elemental) si Ate Shai naman sobrang taas ng Psychic ability nya sobrang sensitive biro pa ni Big Boss kasi dahil babae pero yung pag hinawakan nya yung kahit ano na relative or may connect sa entity ay matutukoy na nya ito. Ng macontact na ni Big Boss sila ay nakaset magkita after 2days and thats it.Pag tapos ng maikling kamustahan at kainan nag decide na silang tumungo sa location somewhere in Zambales. Almost 3pm na ng makarating sila sa location na sinadya nila, tinawagan na ni Big Boss si Client(Principal HS) at sinundo sila nito sa gate diretso sa Pricipal's office. Matapos mag snacks ay nag interview na ang Big 3 kay client sabi nya bago lang sya sa school morethan a year pa lang sya (kasi every 2-3 yrs ay narereshuffle ang Principle) pero masyado ng maraming disturbing stories about sa Girls CR ang nakarating sakanya (yun ang area of concern). Nung una ay sinubakan nya ipacify ang situation sabi nya na baka guni-guni lang para maiwasan ang panic at wala din syang idea sa history ng area dahil nagawa yung Girls CR 2 Principal before her. Pero nito lang 2nd-3rd week ng March ay talagang napukaw ang atensyon ni Client sa mga last na pagpaparamdam at talagang makapanindig balahibo. Napansin ng Big 3 na sumenyas si Client sa isang Teacher na nandun na parang may pinapatawag maya maya lang ay may pumasok ng 3 Girl Student sabi ni Client na mas mabuti kung sakanila mismo manggaling ang story dahil sila mismo yung naka expirience ng pag paparamdam. Yung 2 Girl student Student 1& 2 ay parehong 3rd yr at yung isa Student 3 ay 4th yr grad student. Nag simula ng mag kwento si Student 1 ng kanyang expirience sa CR, nangyari to 2nd week of March umihi sya sa isa sa mga cubicle ng pag labas nya ay diretso sya sa malaking Salamain sa loob syempre umAwra ang loka possing possing sideview nakapamewang pa. Ng humarap sya sa Salamin ay laking gulat nya ng makita nya ang kanyang reflection na nakasideview pa rin at nakapamewang sa pagtataka ay tinutukan nya ito and SHOCKS biglang kumindat yung reflection nya at sabay labas ng dila, yung dila sobra isang dangkal ang haba at pointed na yung dulo Bechabaygaliwaw sa takot ay nagtatakabo sya sa labas. A few days later si Student2 naman ay Galing sa P.E. class at dumiretso ng CR para magpalit ng School uniform from P.E. uniform humarap sya sa salamin at nag susuklay, huminto na sya sa pagsusuklay ng makita nya na sige parin sa pagsusuklay yung reflection ang nakapanidig ng balahibo nya ay pabilis ng pabilis ang pag susuklay ng reflection nya to the point na nabubuhol na yung buhok sa sukay at nahahatak or natutuklap na yung balat ng ulo nya (Anit) at dumudugo na ito sabay titig sakanya ng reflection nya at biglang ngumiti ng di kaaya-aya (Sinester Smile) syempre ano pa ba gagawin mo Attack-Bo na.Eto ang pinaka worse sa lahat si Student3 ngyari to 3rd week na, galing sa practice para Graduation ng bigyan sila ng short break pumunta sya ng CR para umihi din tumapat sya sa Salamin kasi may lababo dun at nag hilamos nakaramdam sya ng something Weird kaya inangat nya bahagya yung ulo nya sa vision nya ay parang may tao or something pag titig sa salamin eh reflection nya lang pala, bumalik sya sa pag hihilamos ng pag tingin nya ulit sa salamin ay nakita nya pa rin ang kanyang reflection pero ShooooooSHOCKSsss iba na itsura nito may mapupulang ugat na sa mukha nito yung ngipin is parang 1yr di nag toothbrush brown dahil sa tartar at ang mata puro itim na at pula yung sa gitna (Eyeball) (Imaginin nyo yung itsura). Sa takot napaatras si Student3 habang ang lakas ng tawa ng reflection sa salamin dumadagubgdong sa buong CR tapos yung tunog is parang galing sa ilalim ng lupa, nag dasal si Student3 ng Our Father ngunit sa kalagitnaan nito ay biglang sumabay yung reflection at mas binilisan pa ito (yung feeling na di ka pa tapos sa isang dasal samantalang yung entity eh nakatatlo na) habang tumatagal ay pabilis pa ng pabilis ang pag sasalita nito at iba ibang lengwahe na ang gamit kaya sa sobrang takot ni Student3 ay tumakbo na sya palabas pero nung malapit na sya sa pinto ay bigla itong sumara at di nya mabuksan. Dahil sa hindi na nya kinaya ang takot ay hinimatay na sya, sa pagtataka ng mga classmate nya na bakit ito natagalan, sumunod na ito sa Girls CR at nakita syang wala ng malay.Itutuloy.... sensya na di talaga kaya ng powers space and time promise iaupdate ko agad yung kasunod patawarin nyo po ako.
Part 2
Hi admin and spookifiers bilisan na natin Ediwow Caluag po ulit.Matapos maglahad ng kani-kanilang story ang 3 Girl Student na maluhaluha pa ang mga ito, ay nagpasalamat na si Big Boss at sinabihang bumalik na sila sa kanilang ginagawa. Nag brain storming ang Big 3 at they came up with same idea isa itong kaso ng Doppleganger. Trivia tayo guys ang Doppleganger ay derive from German words na Dopple (Double) Ganger (Goer) merong 3 origin ito, 1 spirits ng namayapa nating mahal sa buhay para mag bigay ng warning ng kapahamakan, 2 Elemetal entity na nananakot upang paalisin ang sinuman na tumapak sa kanilang teritoryo or pag mamay ari at 3 isa itong tanda ng Demonic activity na pwedeng mauwi sa Demonic Possesion. Di pa tukoy ng Big 3 ang origin dahil kulang sila sa history ng location saktong 4pm na at pauwi na rin ang mga istudyante may extended practice pa sana ang mga 4th yr para graduation ay sinabihan ni Big Boss si Client na icancel muna for safety na rin incase mag retaliate yung entity isama na rin ang mga faculty members kaya naman sinunod ito ng Principal dahil nakita nya na yung mga maamong mukha ng Big 3 ay biglang nagbago at parang pupunta ng tondo at makikipagsutukan kay Asyong Salongga. Ng clear na ang lahat ay pumunta na sila sa location at inabot ni Client yung susi sa CR dahil pinadlock nila yun, mga 5 steps away sa CR ay pinahinto muna sila ni Kuya I for some reason nag drawing ito ng 2 circle kung san nasa loob sila di ganong sure si Big Boss pero alam nya na klase ito ng Protection Seal na natutunan ni Kuya I sa Book of Solomon after non parang nag vandals si Kuya I sa mga pader ng CR malamang sealing ritual ulit yun sinuot na nilang 3 ang kani-kanilang medallion of Patron Saints na bet nila for protection again. Nag wisik naman ng holy water si Big Boss sa pinto mismo ng CR sabay tanggal ng podlock. Nasa tapat silang 3 ng CR ng sabihin ni Big Boss its show time ! Pag bukas agad ng pinto ay sumalubong sakanila ang isang hangin as in charging forward sa kanila parang ayaw mag papasok, (itsura ng CR mga 3 steps from door may pader na parang harang para di makita directly sa loob, 5 steps away the door nandun yung Big Mirror at Lababo abante bahagya, left side yung pwedeng ihian ng girls then rigth side katapat lang nung menention ko may 3 cubicle). Open yung lights sa loob non at nagpagalagala ng tingin si Big Boss at Kuya I sabay sabi ang Galing magtago di nila makita yung entity nag stay si Big Boss sa pinto para sumadal at di ito mag sara incase, pumasok bahagya sila Ate Shai at Kuya I sabay kantyaw ni Ate Shai kayo di nyo makita ako kitang kita ko sya! Sambit naman ni Kuya I buti na lang malakas Sensitivity mo sabay tanong si Kuya I san banda? dun sa last cubicle sa labas nakasandal sa pader sabi ni Ate Shai sabay turo! dahil dito ay nag retaliate na nga yung entity dahil nalaman nya na may nakakakita sakanya while hiding. Nag simula ng magbukas sara ang mga pinto sa cubicle at pati mga gripo, nag blink na rin pati ilaw kaya naman nag usal na ng prayer silang 3, pero napansin ni Ate Shai napapalapit yung entity ngunit bahagyang mabagal dahil na rin na imobelize nila ito by prayer. Pero papalapit pa rin ito nararamdaman ni Big Boss na bumibigat at umiinit yung pinto kaya sinabitan nya ng rosary ang doorknob pero naputol ito ng biglang lumakas ang tinig ni Kuya I at mejo out of this world na yung sinasabi, ayun kay Big Boss di sya sure pero malamang isa itong Sealing Prayer for Protection na galing sa libro ni Solomon. Nag labas ng asin si Kuya I at parang gumawa sya ng straight line boundery seal daw ito para di makatawid yung entity kaya naman napansin ni Ate Shai na dahan dahang bumabalik yung entity hanggang sa nakabalik na ito sa pwesto nya kanina. Ng okei na ay sinabihan ni Big Boss sila Kuya I at Ate Shai na retreat na sila okei na daw muli nilang sinara ang pinto at pinadlock ito sabay vandals nanaman si Kuya I sa pinto for sealing purpose, bumalik sila sa Principals office at nandun pa sila (Principal at ibang faculty member na makikiCheesCurls ata). Ng mapatingin sila sa oras sa loob ng Principals office ay what the WTF 1hr pa la silang nasaloob ng CR (pumasok sila 4:45pm nakalabas sila 5:45pm) pero keme lang kinuwento na nila ang kanilang assesment kay Client sa kanilang investigation, saktong nandun ang isa sa veteran teacher dun at kinuwento ang history nung area. Dati daw may malaking puno ng narra dun sa sobrang laki di daw kaya mayakap yung katawan nito sobra isang dipa, di sya sure kung ilan taon na yung puno. Pinutol ito 6yrs ago para tayuan ng bagong CR dun nga sa Area ng Girls CR, kaya mas tumibay yung evidence na isa nga itong Elemental entity mejo naging demonic ito dahil malamang nagalit ito sa pag putol ng puno at ng lumipat ito sa CR ay baka naiingayan ito sa mga babaeng nagsi-CR dito (in due respect mga Girls pag nasa CR kasi walang chimisan sorr na). Ng masettle na lahat ay pinayuan ni Big Boss si Principal na pa blessing yung area for safety na rin, sakto na that week is mag kakaroon din ng Baccalaureate Mass para mga graduating students at isasabay na nila ito at nag paalam na ang Big 3 End of the Investigation.Sa mga nakakalahata na bakit madalas mag retreat yung group nila Big Boss after makakuha ng evidence? Kasi po paranormal investigator lang po sila at di sila authorize para mag perform ng expaulsion/exocrsim/cleansing may mga authorize person para jan at sila Big Boss ang trabaho lang is mag imbestiga Salamat see you till next story.
Yours truly,
Ediwow Caluag
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
TerrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...