Cora

23 1 0
                                    

Hello, Spookify. It's me again, Clara. Gusto kong pagbigyan ang ibang request about sa biological mother ni Celes. Baka ito na ang huling confession ko for now. Nagiging busy na rin kasi ako, idagdag pa na need ni Celes ng full attention. Kaya need ko talaga magbalance sa buhay.

–––––

Second year highschool ako nang mag-transfer ako sa isang pribadong paaralan. Lumipat ako ng paaralan sa kadahilanang medyo nalihis ang landas ko that time. Nakakahiya nga naman kung ang isa sa mga anak mo ay pariwara habang ang iba ay nasa tuwid na landas. Hindi ko itatangging hindi ako naging mabuting bata nung kapanahunan kong iyon, typical na estudyanteng walang hilig sa pag-aaral. Unang araw ko sa bagong eskwelahang pinaglipatan ko, nasa kalagitnaan na ng second grading. The moment I entered the room, automatic lahat ng atensyon napunta sa akin. Syempre, kalagitnaan ng second grading biglang may transferee? Mapapatingin ka talaga. Okay naman silang lahat, mukhang mababait ang mga estudyante. Pinaupo ako ng advicer ko sa first row, bakanteng upuan bago ang upuan na malapit sa bintana. Feeling ko matalino na ako that time, first row eh. Nag-start na ang klase, kampante ako kasi medyo knows ko yung subject.

Akala ko wala akong makakasundo sa mga kaklase ko, pero hindi ko akalaing magiging kaibigan ko si Cora (not her real name). Mabait siya tulad ng inaasahan ko, sa unang tingin ay mukha talaga siyang masungit na akala mo hindi mo makakasundo. Seryoso lang kasi ang mukha niya, kung ngingiti naman saktohan lang. Mas naging malapit kami sa isa't isa, lalo na at seatmate pa kami. We shared the same emotions. We shared the same secrets and everything, except sa boyfriend. Halos bestfriend at kapatid na rin ang turingan namin. Ganon pala yon minsan, kapag sumama ka sa matalino, magiging matalino ka rin. Ewan ko, or baka naimpluwensyahan lang ako ni Cora sa pag-aaral. Habang tumatagal ang pagkakaibigan namin, mas nakikilala ko pa siya. Unti-unti, nalalaman ko pa ang mga bagay na tungkol sa kanya.

Cora is only child. Iisang anak. Walang kapatid. Lahat na. Galing siya sa religious family. May kaya sa buhay at talagang maipagmamalaki ng kahit sino ang pamilyang meron siya. One time, she asked me if naniniwala ba ako sa mga ibang nilalang. "What do you mean ibang nilalang? Alien? Yung tipong makikita mo na lang si Spongebob umaahon mula sa Bikini Bottom?" Then we laughed, hindi naman kasi talaga ako paniwalain sa mga kung ano-ano. "Kaya ka tinatransfer eh, marami kang kalokohan." Biro niya sakin, palagi niya akong sinasabihan ng ganyan. Kumbaga, naging expression na lang niya.

"Yung totoo nga, naniniwala ka ba na may mga diwata?"

"Ahh, yung mga sabi-sabi na may engkanto, duwende mga ganon? Narinig ko na yung mga ganyang kwento. Meron pa nga daw dinadala sa kaharian nila." Kwento ko na akala mo talaga may alam.

"Alam na alam mo, ah. Hindi ka naniniwala sa lagay na yan?"

"Eh sabi lang naman yon."

"Paano kung sabihin kong totoo nga yon? Halimbawa sabihin ko sayo na nakakita na ako ng mga ganong nilalang. Maniniwala ka?"

"Hindi ko alam kung maniniwala ako sayo, parang wala naman sa vocabulary mo ang magbiro. Tsaka, diba, relihiyoso kayo?"

"Sabagay, minsan rin sinasabihan ako nila Mama na kulang lang daw ako sa dasal."

Hindi ko na sinundan pa yung usapan namin. Meron sa loob ko na gusto kong maniwala kay Cora, meron namang part na parang nagbibiro lang siguro siya.Bandang hapon, tapos na ang klase namin. Pag lalabas ng school, lagi kami magkasama ni Cora. Pero madalas talaga simula magtransfer ako sinusundo na ako ni Daddy. Nung araw na yon, susunduin ako ng parents ko. Tapos si Cora talaga nagcocommute lang. Medyo natagalan dumating ang sundo ko, kaya sinamahan muna ako ni Cora na maghintay. Nakaupo lang kami sa gilid ng gate. Tapos may mga sasakyan na dumadaan, syempre tabing kalsada eh. Nag uusap lang kaming dalawa, natatandaan ko na habang nag uusap kami bigla siyang tumigil. Nagulat ako nung bigla niyang pinapara yung tricycle na paparating.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now