si Ashley, Shane, Joana, James, Angel at Steve, syempre pati ako, lahat kami. bale 7 kaming lahat.
We decided to have a vacation together since classmates kami nung highschool at gusto nga naming magpahinga, matagal narin kasi kaming hindi nakakauwi sa probinsya namin, lahat kasi kami sa manila nag college except kay vince na hindi na nakapag-aral at nangisda nalang. isa rin siya sa mga dahilan kung bakit uuwi kami, para mabuo muli ang tropa, pinangakuan din kasi namin ang isa't-isa na sama-sama hanggang kamatayan.
Sa probinsya namin ay uso ang kulam. sinasabi ngang ito ang kulam capital of the philippines, at lahat naman kaming magkakaibigan ay naniniwala doon.
Sinabihan namin si vince na dadating kami kaya sinundo niya kami sa airport. sa probinsya namin, halos pangingisda lang ang ikinabubuhay ng mga tao, pinagbawal kasi ng gobyerno ang pangangaso dahil nauubos na nga yung ibang hayop sa gubat, btw, hindi dagat ang nakapalibot samin kundi ilog na may malakas na agos. napapalibutan din ng kagubatan, kaya nga limang oras pa ang byahe namin papunta galing airport dahil malayo pa kami sa syudad. ang mga bahay namin noon, kailangan pa namin ng bangka na nirerentahan para makauwi, ang itsura kasi ng lugar namin ay gubat na nakalubog sa ilog. at sa mga elevated na lupa nakatirik ang mga bahay namin. ang bahay nalang nila vince kasama ang kanyang tita ang natitira sa lugar namin, halos wala silang kalapit na bahay. giniba nadin kasi yung mga bahay ng iba kong kaibigan dahil lumipat nga sa maynila.
Agad kaming sumakay ng bangka pagdating namin sa paradahan nito. walo kaming nakasakay; kasama si vince kaya't siksikan kami sa bangka, nakapagtataka nga na pagkasakay namin ng bangka ay nabalisa si james. oo niyaya niya kaming umuwi pero wala namang pumayag lalo na't wala siyang masabing dahilan. masaya at mahaba ang usapan namin habang inaanod ng ilog. maingay kami oo, kaya siguro kanina pa kami tinitingan nung manong na nago-operate ng bangka.
Pagkatapos ng mahabang byahe, nakarating na kami kila vince, ganoon padin ang itsura nito. naalala ko tuloy na kailangan pa naming tumawid ng bundok para maiwasan ang ilog para makapunta sa eskwelahan.
Pagtungtong namin sa isang lumulutang na kahoy sa tubig (ito ang nagsisilbing balkonahe nila vince) ay agad kaming pumasok. pagkapasok namin ay tinitingnan padin kami ni manong pero hinayaan nalamang namin yon, baka kasi naninibago lang siya sa amin. nakapagbayad nadin ng pera para sa pag-arkila ng bangka si shane. p30 isang tao ang bayad, hindi 'yon nagbago mula noon kaya't ang pinagtataka ni shane ay bakit daw ang sabi ni manong na nago-operate ng bangka ay sobra ng isa ang aming binayad. pero hinyaan na lamang 'yon ni shane at kinuha ang di umano'y sobrang bayad.
Natutuwa ang lahat sa pagkabuo naming muli. pero ang pinaka inaasahan kong matutuwa sa lahat ay si james. matagal niya na kasing pinapantasya ang tita ni james na tinatawag nga naming 'tita', nasa 30's na si tita pero nasa kanya padin ang ganda noong tinuturuan niya pa kami (naging adviser kasi namin siya, tama. isa nga siyang teacher.) pero tumigil siya magturo pagka graduate namin pero nagkamali ako sa inasahan ko, nakita ko si james na yumuko at parang takot na takot na makita si tita pero naiintindihan ko naman siya. naging masungit si tita, ang sabi naman ni vince ay naging ganon na ito simula ng tumigil sa pagtu-turo.
Nagpatuloy ang kasayahan namin hanggang gabi.
Nagmumuni-muni ako sa mga oras na 'yon. maaliwalas ang gabi, tulog na ang mga kasama ko dahil sa kalasingan, -ngunit mabilis nawala ang pagiging maaliwalas ng gabing iyon.
Sa balkonahe kung saan kami bumaba galing sa bangka ay may narinig akong iyak, hindi pangkaraniwang iyak-parang nagpipigil ito, ako nalang ang nasa sala, may tatlong dibisyon kasi ang bahay na'to, isa kung saan natutulog si tita at ang isa pa ay kung saan natutulog ang iba ko pang kasama.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...