POPULAR island in South Luzon

87 1 0
                                    

POPULAR island in South Luzon.

I would like to share my experience about aswang. Just call me G.

That was summer of 2002 or 2003 I just forgot the exact year. Me and my family and some of the agents of my father, visited an island in Batangas, this island is a very popular tourist destination nowadays. I won't mention the name of the island. Most of my close friends knows it. So before you get to that island you have to travel by ferry boat, for about 1 hour and 30 minutes i guess. Beside that island is another, beautiful island which is also a popular destination before. So back in my story.

We arrived on that island around 2 or 3 in the afternoon. So dun kami dumaong sa likod na part, kung san mabato and hindi maganda ang shore. I remember may mga katapat yun na palaisdaan. So dun kami nagstay sa isang bahay na gawa sa sawali, literal na bahay kubo. Sa part na yun ng island, dalawa lang silang kubo na nakatayo dun, pero medyo magkatabi naman sila halos. Before ka makarating sa pinag-stay-an namin. Meron dun sa daungan na parang kubo din yung parang sa mga resort, walang dingding, kainan lang talaga siya or pangtambayan. Dun sa lugar na yun hindi pa dati uso kuryente, naalala ko generator lang gamit nila, tapos mag-start paganahin yun ng 5pm or 6pm hanggang 10pm lang ata siya. Pagpasok mo sa bahay kubo na pinag-stay-an namin, makikita mo na may mga nakasabit na halaman na parang ugat, tawag dun ay makabuhay. Tapos sa loob may tatlong tuko na malalaki, actually mas dun ako natakot. Hahaha anyway. Meron din silang buntot pagi, 1st time ko makakita ng ganon, usually kasi sa tv ko lang nun napapanood yung mga ganon. So ako may something na akong napi-feel nun, na parang curious ako. By the way HS ako that time 13 or 14 years old ako nun.

Yung tita ko din kasi, pareho kami na nakakaramdam, even yung father ko ganon din. So 1st night namin dun daw kami mag-stay sa magandang shoreline, yung white yung sand. So nag-prepare na kami, dala mga tent and banig. Gulat kami pinadala sa amin nung may-ari ng bahay yung buntot pagi. Bago kami makarating dun sa white sand, dumaan kami sa tuyong sapa ata yun or lawa, tapos may mga tuyong mga puno or halaman yun. Makikita mo na may dalawang burol sa side. Pagkatapos namin dumaan dun may madadaanan kang malaking puting bahay. Akalain mong may ganong kagandang bahay dun sa ganong kaliblib na lugar.

May mga alaga din silang baboy ata yun. Ang ganda ng beach as in white. Virgin island talaga siya, hindi pa kasi that time masyado napupuntahan ng mga turista. First time ko din makakita ng uwak. Nagtayo na kami ng tent, dalawa yun. Ang kasama ko sa tent is yung tita ko na may dalawang batang anak and buntis din siya ata nun. Dun sa kabila yung mga tito ko at yung dalawa kong kapatid. Yung tita ko naglagay ng rosary dun sa may zipper sa tent sinabit niya dun tapos yung buntot pagi nilagay din namin sa ibaba ng tent namin ni tita. Si papa ko that time mga 5pm ata yun. Nagpaputok siya ng baril sa may parang side na may malapit na kubo na pahingahan. Syempre parang sa amin wala lang, parang nagturo lang siya sa mga kapatid ko kung pano gumamit at magpaputok ng baril.
Mga gabi na nun, nagbonfire kami and all. Natulog na kami ng mga tita ko. Sina mama ko at mga kapatid ng mama ko nandun sa bonfire nagkukwentuhan lang sila. Hindi ko alam kasi kung anong oras na nun. Medyo parang nagkagulo sina mama and mga tito ko. Nagising kami ng mga tita ko. Kasi may 3 daw na malalaking aso na nakapaligid sa may tent namin. Yung isa pa nga nasa likod daw mismo ng tent namin ng tita ko. Hindi nga daw agad umalis, binato lang ng tito ko. So medyo nabulabog tulog namin. Bilang bata pa ako nun parang medyo deadma pa ko kunwari. Umalis din naman yung tatlong aso na malaki daw at nawala nalang bigla.

Sina papa kasi at yung mga tauhan niya dun natulog sa kubo na sinasabi ko na pinagdaungan ng ferry na sinakyan namin. Mind you guys, wala pong aso nung dumating kami sa place na yun, kasi wala naman nagkakakahol nung dumaan kami dun.

Naging okay naman yung unang gabi namin, kahit papaano. Maganda talaga yung lugar. May mga nakita din kami nung before lunch kinabukasan na mga island hopper. Tapos nakita namin yung ale na dun nakatira sa bahay na puti. Na nag-entertain sa amin. Maitim siya na hindi katangkaran. Pero napansin ko wala siyang kanal sa ibabaw ng bibig.

Mga hapon na yun, napagdesisyunan na dun nalang daw kami lahat matulog sa bahay kubo dun sa hindi magandang shoreline.

So dun na kami matutulog sa bahay kubo. Nung nagliligpit na kami at isa-isa na namin nililipat yung mga gamit pabalik sa kubo. Nauna iba kong mga tito tapos ang halos kasabay ko nalang bumalik dun sa bahay kubo ay yung agent ni papa at yung gf na kasama niya. Eh medyo naiwan nila ako ng konti lang naman. Naglalakad nako dun sa gilid nung malaking bahay dun sa malapit sa kural. Biglang may nakita ako sa terrace nila na nakaupong babae at may isa pa itong kasama. Pagdaan ko naman dun sa kural, biglang nagulat ako dun sa isang aleng sumulpot sa may gilid nung kural. Lahat sila nakatingin sa akin, syempre nagulat ako, medyo parang 5pm na yun eh. Sabay tinawag ko talaga ng malakas yung tao ni papa. Sabi ko hintay, tumakbo na ko agad. Diba bago pa kami makarating dun sa bahay kubo. Dadaan pa kami dun sa tuyong sapa or lawa ata yun. Pagdating namin dun sa bahay kubo, naisip namin muna mamasyal. Ang ginawa ng mga tito ko nagbangka sila papunta dun sa barangay. Sa kabilang side kung saan kami tumutuloy. Kami naman ng kapatid ko imbes na magbangka. Naglakad nalang kami sa side ng burol na medyo malapit sa dagat. Ang daming tao dun, yung hindi ka matatakot, kasi dikit-dikit ang bahay pero kubo-kubo din. Bumili lang kami ng mamemeryenda dun. After nun bumalik na din kami sa bahay kubo. So eto, gabi na ulit, ay hindi ko pala nabanggit no, nung unang araw palang namin pagdating, diba sabi ko curious ako sa mga nakasabit-sabit sa bahay kubo. Tinanong ko yung lalaking batang nakatira dun nun. Sabi ko bakit kako ang dami niyo nakasabit diyan. Sabi niya pangontra daw sa aswang. Edi ako, nakumpirma ko nga na tama kutob ko. Nga pala, pagbago kayo sa isang lugar. Huwag niyo kakalimutan na humalik sa lupa na yun. Sign kasi yun na nirerespeto mo sila.

Okay back sa topic ko, gabi na nun, si papa, tapos yung sumunod sa akin na kapatid ko at ibang tauhan ni papa dun natulog ulit sa kubo na andun sa shore na mabato. Kasi from dun mga 5mins pa na lakaran eh from dun sa bahay kubo na pinagstayan namin. Ang nasa bahay kubo ako, mama ko,yung bunso kong kapatid,tita ko,mga anak niya, dalawa kong tito,tapos yung asawa, nanay at anak nung isa pang agent ni papa, tapos yung pamilya na may ari ng bahay. Yung nanay nung agent ni papa nasa duyan sa labas, tita ko andun din kasama dalawa niyang anak, and yung isa kong tito. Ako, mama ko, at yung bunso kong kapatid naman ay andun sa kwarto sa medyo taas lang ng kubo. Yung asawa at mga anak naman nung agent andun sa may sala sa medyo baba kasama yung may ari ng bahay. Dun sa pwesto namin may dalawang malaking bintana na bukas, as in bukas talaga siya kurtina lang meron. Nung madaling araw nagising si mama at yung bunso kong kapatid, kasi naiihi daw si mama pati yung kapatid ko. And para din kasing medyo nagkaron ingay. Tapos nagtataka kami kasi sobrang init talaga, yung parang huminto yung hangin sa paligid. Alam mo yung parang may umaaligid sa buong bahay na hindi mo alam kung ano. Alam ko na halos marami kaming nagising nun eh, parang nagpapakiramdaman lang. Tapos nagulat din kami yung tita ko pumasok bigla sa loob ng bahay na nagmamadali, kasama mga pinsan ko na bata. Wala naman totally masamang nangyare samin nung gabi na yun. Hindi din naman kami halos lahat nakatulog ng maayos sa sobrang init nung paligid tapos may 3 na malalaking tuko pa sa loob diba.
Umaga na nun, siguro mga 9 or 10, nagising na lahat. Nagkikwentuhan dun sa may kusina. Yun na nga, yung tita ko na may dalawang anak diba pumasok bigla sa bahay galing sila kasi sa labas at dun natulog. Nagising daw kasi siya bigla at parang lumalaki daw kasi ulo niya, may bumubulong daw sa kanya na pumasok kayo sa loob, bakit andito kayo sa labas, delikado dito, ipasok mo yung nga bata, pasok na. Agad agad daw talaga siya tumayo sa pagkakahiga, at tinry niya gisingin yung tito ko na kasama din niya sa labas. Eh hindi daw nagising kaya iniwan na niya, pati yung nanay nung agent na andun din. Tapos ayun na nga si mama nagsabi na sobrang init daw bakit ganon. Dun naman daw kasi sa kubo na tinulugan nila papa, dun sa malapit sa panget na shore eh napaka hangin naman daw. Hindi naman daw maalinsangan. Edi syempre nagdecide na kami na uuwi na din kami ng araw na yun. Dapat kasi may isa pa kaming gabi eh kaso sa mga nangyare ayaw na nila mama. Nagkwento na yung may ari. Yung babae daw kasi na napangasawa ng pinsan nila ata yun, na nakatira dun sa malaking bahay na puti. Ay aswang, galing daw sa may aklan. Nakaalitan daw nila, kaya daw gabi gabi talaga yung aswang umaaligid sa bahay nila. Tinatakot talaga daw sila, kaya naman daw pinalibutan nila ng makabuhay yung bahay nila at kung bakit kaya din sila may buntot pagi. After nun, sinabihan din ni mama si papa. Alam pala ni papa, kaya daw nga siya nagpaputok ng baril nung unang araw palang para daw malaman nung aswang na huwag kami gagalawin. Kaya ayun mga before lunch umalis na kami sa lugar na yun. Kaya eversince and until now kahit na inaaya ako ng mga kakilala ko, na punta daw dun , ay talagang ayoko. Hello malay ko ba kung andun pa din yung aswang na yun at pamilya niya.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now