Ang Sundo

114 3 0
                                    


Siguro hindi na bagong bagay sa inyo na kapag sinabing "sundo" ay tumutukoy ito sa mga nakikita ng mga taong malapit nang mamatay. Hindi ko maintindihan na halos lahat ng mga taong talagang nalalapit nang mamatay ay nakakakita sila ng mga bagay na kakaiba. At hindi natural. Yung mga taong namatay na (karaniwan ay kamag anak nila) ay nagpapakita daw sa kanila bago o ilang araw bago sila tuluyang malagutan ng hininga. Hindi dahil sa imahinasyon o nag hahalusinasyon lang ang isang taong malapit ng mamatay kundi talagang may nagpapakita sa kanila na hindi mawari na elemento na para bang literal na sinusundo na sila para isama sa ibang dako na kanilang patutunguhan.

Ang mga tao naman na wala namang sakit at biglang namatay sa aksidente o binangungot ay nag bibigay ng ibat ibang senyales o 'premonition' para magpaalam sa kanilang mahal sa buhay. Ito yung mga 'unusual thing' na pagpapaalam.

Kung tayo na mga normal na taong buhay pa ay tiyak na matatakot at tatakbo kung tayo ay makakita o pagpakitaan ng kamag anak nating namatay na. Subalit, sa kanila ( mga taong malapit ng mamatay ) napansin ko sa aking marami ng karanasang sa ganitong tagpo at pag-iimbestiga ay hindi na sila natatakot. Karaniwan na tinuturo nila o sinasabi na nagpapakita na sa kanila ang mga ito. Pero hindi na sila gaano/ o nakakaramdam man ng takot. Ito ang isa sa hahanapan natin ng kasagutan.

Karaniwan daw na nagpapakita sa mga taong malapit nang mamatay ay mga kamag anak rin nilang namayapa na at may dala-dala daw itong munting pagkain na ibinibigay sa kanila o ipinakakain sa kanila. Sa paniniwala ng mga katagalugan. Sa sandaling kumuha daw o kumain ng pagkain ang taong malapit ng mamatay na ibinibigay nang nagpapakita sa kanilang elemento, ilang sandali na lamang daw ay babawian na rin ito ng buhay.

***

Bawat Relihiyon ay may kanikaniyang paniniwala patungkol sa mga bagay na ito. May kanikaniya din silang mga paniniwala at mga pamahiin sa mga taong malapit ng mamatay. Subalit kung pag babatayan ang Aklat ng Diyos (Biblia) ay walang binabanggit ito patungkol sa mga espiritu o mga elementong sumusundo sa mga taong malapit ng mamatay. Kung pagbabatayan ang Biblia, May mga anghel na kasama ang bawat tao na siyang nagsusulat ng mga ginagawa ng bawat tao. Mabuti man o masama ang ating ginawa/nagawa. Ang tawag dito ay Aklat ng mga gawa. Sila ang inutusan ng Dios na magsulat patungkol sa mga ginawa natin habang tayo ay nabubuhay pa. Pagkatapos mamatay ng tao. Umaalis na din ang anghel at bumabalik na sa langit.

Sa mas malalim pa na pagsasaliksik ko sa Biblia nakita kong pinaghiwalay ng Dios ang daigdig ng mga taong namatay na at sa mga taong buhay pa. Marahil ay magtatanung kayo patungkol sa bagay na ito dahil lahat tayo ay may sariling pinaniniwalaan. Subalit Nakasulat sa aklat ng Eclesiastes 9:5-6 na:

Sapagka't nalalaman ng mga buhay, na sila'y mangamamatay: nguni't hindi nalalaman ng patay ang anomang bagay ni mayroon pa man silang kagantihan;
sapagka't ang alaala sa kanila ay nakalimutan. Maging ang kanilang pagibig, gaya ng kanilang pagtatanim at ng kanilang pananaghili ay nawala ngayon; na wala man silang anomang bahagi pa na magpakailan man sa anomang bagay na nagawa sa ilalim ng araw.

Walang pagtatalo, Malinaw naman siguro ang nilalaman ng salita ng Dios na hindi maaring pakialamanan ng taong namatay na ang taong buhay pa (kahit pa malapit ng mamatay ang isang tao) kaya siguro ipinagbabawal din ng Dios sa mga tunay na nananalig sa kaniya na kausapin o sumangguni tayong mga nabubuhay pa sa mga taong namatay na. Dahil nga sa pinaghiwalay ng Dios ang daigdig o dimensyon natin sa kanila. Kaya't nararapat na wag tayong makipag usap sa kanila. Batay sa ito sa aklat ng Deuteronomio 18:10- 13 na ang nakasulat ay:

Huwag makakasumpong sa iyo ng sinomang nagpaparaan sa apoy ng kaniyang anak na lalake o babae, o nanghuhula o nagmamasid ng mga pamahiin o enkantador, o manggagaway o enkantador ng mga ahas, o nakikipagsanggunian sa mga masamang espiritu, o mahiko, o sumasangguni sa mga patay.
Sapagka't sinomang gumagawa ng mga bagay na ito ay karumaldumal sa Panginoon: at dahil sa mga karumaldumal na ito ay pinalalayas sila ng Panginoon mong Dios sa harap mo.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now