Kuya Bing (Parts 1 & 2)

42 2 0
                                    


Part 1

Disclaimer: Names used are not real, just to hide identities.


It was midnight, 12:30AM, I think. Hirap makatulog ang asawa kong si Mon dahil sa init, bumangon siya at binuksan ang electric fan. Nang pabalik na siya sa kama, hindi sinasadyang masilip niya ang kabilang bahay mula sa bintana ng kuwarto namin. Napatingin siya nang ilang segundo dahil sa pagtataka nang makita niyang bukas ang ilaw sa garahe ng kapitbahay... na tatlong taon nang hindi binubuksan. Bumalik sa pagkakahiga ang husband ko, not minding what he saw. Pero ilang minuto lang ang makalipas, biglang lumiwanag ang buong kuwarto namin na para bang tinapatan ng maliwanag na flashlight mula sa labas. Muling sumilip ang asawa ko sa bintana para i-check kung ano o saan nanggagaling ang liwanag. Pero wala siyang ibang nakita bukod pa rin sa bukas na ilaw sa garahe ng kapitbahay. Naalimpungatan na rin ako nang oras na ito dahil may ilang minuto na rin palang nakasilip lang sa binatana ang asawa ko. Verbatim:Husband: Hon, ano'ng oras na? Me: *checks on phone* 12:36 na. Bakit, ano'ng ginagawa mo d'yan?Husband: May nakatayo sa garahe nina Tita (kapitbahay)Me: Sino? Baka si Kuya Bing (anak ng kapitbahay)Husband: Baka nga. Ka-built niya. Pero bakit nakahubad? Saka nakatingin dito sa kuwarto. Me: *nagtataka na* Hindi maghuhubad si Kuya Bing, simula bata ako never ko siya nakitang naghubad kahit sobrang init, baka akala mo lang, tulog na, yaan mo na yan. Husband: *nakatitig pa rin sa labas, pero patago siya na halos mata lang ang isinisilip sa bintana* Nakatitig talaga dito sa bintana ng kuwarto natin, hon. Saka yung mga aso sa harap niya tahulan nang tahulan. Tumayo na ako nang sabihin niya 'yun. Never tatahulan ng mga aso ang Kuya Bing dahil bukod sa kilala nila ito, sobrang lambing sa kaniya ng mga aso. Sumilip ako nang bahagya sa bintana. Nakita ko si Kuya Bing. Tuwid na tuwid ang tayo, walang damit pang-itaas at nakatitig nga sa bintana ng kuwarto namin. Alam namin na hindi kami kita ni Kuya Bing, dahil bukod sa nakayuko lang kaming sumisilip, sobrang dilim din sa loob ng kuwarto namin.Sandali naming inalis ang tingin sa garahe at kay Kuya Bing, wala pang isang minuto, pero sa muli naming pagsilip, patay na ang ilaw sa garahe, wala nang nakatayong Kuya Bing. Tumigil na rin ang maingay na tahulan ng mga aso. Nangyari ito sa loob lang ng ilang segundo. 15-20 seconds, sa tantiya ko. Kinabukasan, agad kong tinanong si Kuya Bing kung binubuksan na ba nila ulit ang ilaw sa lumang garahe. *Verbatim*Kuya Bing: Ano ka ba! Alam mong 3 years nang sira ang linya ng ilaw diyan. Di ko na pinagawa dahil nasisinagan naman ng liwanag ng poste. Bakit mo natanong?Me: Nakita namin ni Mon kagabi, mga 12:30, nakabukas ang ilaw. Nakatayo ka pa nga sa harap ng mga aso saka wala kang damit tapos sumisilip ka sa kuwarto namin. Kuya Bing: G*go! Wag mo kong tinatakot. Alas-4 na ako umuwi kagabi, galing ako sa kabilang bahay, nag-inom kami doon. Walang tao diyan kahapon sa bahay! Sino ang Kuya Bing na nakita namin?


Part 2

Hi Spookify readers!
By the way, totoo po talagang nangyari 'yung sa doppelganger ni Kuya Bing. Wala na po kaming ibang experience ng husband ko in connection to that story kaya wala talaga siyang part 2. But yung sister ko, meron and mas creepy (happened 2 years ago, my sis was just 16yo). And I asked her permission to share this to you (para sa mga naghahanap ng part 2). Kuwento ko po using my sister's POV. Nautusan ako noon ni Mama na maghatid ng ulam sa bahay nina tita na katabi lang din naman ng bahay namin. Dederetso na sana ako sa pagpasok pero nasilip ko sa bintana si Kuya Bing, paakyat siya ng hagdan. Tinawag ko siya, twice. "Kuya Bing! May padala si Mama na ulam." hindi siya lumingon at tuloy ang pag-akyat sa hagdan kaya pasigaw ko na siyang tinawag. "Kuya Bing! Eto 'yung ulam!" Hanggang sa makaakyat si Kuya Bing nang hindi ako pinapansin. Binalewala ko 'yun kaya tinry kong pumasok sa bahay, pero naka-lock pala yung pinto nila. Sinubukan ko namang dumaan sa may kusina nila pero naka-lock din ang pinto. Medyo mababa lang ang bahay nina Kuya Bing at kahoy pa ang sahig sa 2nd floor kaya naririnig ko kung may kumikilos o naglalakad. Rinig na rinig ko ang mga yabag ng paa, narinig ko rin na parang may kinakaladkad na mabigat na gamit sa sahig. Tinawag ko na lang ulit si Kuya Bing mula sa ibaba, sinisigawan ko ang bintana nila sa itaas, baka marinig ako ni Kuya. Nakailang tawag ako, nakailang sigaw. Pero hindi bumaba si Kuya Bing, wala ring humpay ang paglalakad at pangangaladkad ng kung anumang gamit yun. May halos 10 minuto na rin akong naghihintay na bumaba at magbukas ng pinto si Kuya Bing, pero umuwi na lang muna ako. Inisip ko na baka busy lang siya. Pero, hindi pa man ako nakakapasok sa bahay namin, heto't dumarating at pumapasok ng gate si Kuya Bing. Gulat na gulat ako, napatingin ako sa bahay nila at habang nakikita ko si Kuya Bing na papasok, naririnig ko pa rin ang naglalakad sa loob ng bahay nila. "Kuya Bing, may tao yata sa bahay n'yo." sabi ko pa. Inakala pa nga niyang magnanakaw dahil narinig din niya ang mga kaluskos at yabag. Agad niyang binuksan ang pinto, kumuha ng dos-por-dos at dali-daling umakyat sa 2nd floor ng bahay para icheck kung sino o ano ang naririnig niya. Nakitakbo rin ako para usisain. Pero sa oras na naihakbang ni Kuya Bing ang paa niya sa huling baitang ng hagdan, biglang nawala ang yabag at kaluskos. Wala rin kaming nakitang tao o hayop sa loob, imposibleng makatakas kung totoong tao man yun dahil wala siyang ibang dadaanan kundi ang hagdanan. "Kuya Bing, kitang-kita kita kanina, umaakyat ng hagdan. Akala ko ikaw yung naglalakad sa taas." Sabi ko pa, pero nabitawan ko na lang yung hawak kong ulam nang paglingon ko wala pala akong kasama! Nawala si Kuya Bing, hinanap ko siya sa buong bahay, nagsisigaw pa ko, pero wala talaga siya. Nakapasok ako sa naka-lock nilang bahay, pero wala si Kuya Bing. Hindi ko alam ano'ng nangyari, pero simula noon, hindi ko na kinakausap si Kuya Bing kung ako ang unang magsasalita at hindi na rin ako muling pumasok sa bahay nila.

-Ayki

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now