847 Community (Parts 6-10)
Written by Julius Bergado
Part 6
Iniikot nina Hamid ang buong komunidad. Di sila makapaniwala na nasa probinsya sila dahil para silang nasa isang parte ng Metro Manila. Habang naglalakad sila napapansin nila na pinagtitinginan sila ng mga taong nakatambay sa tabi ng kalsada. Ang iba'y nagbubulungan. Hindi sila kumikibo dire diretso lang sila sa paglalakad. Maya maya ay nakita nila ang isang KTV Bar. Maingay sa loob nito. Matao. Pumasok sila.
May pitong lamesa na naroon. Sa pitong lamesa na iyon lima ang may mga kostumer na nakaupo. May kumakanta sa videoke.
"Anong gagawin natin dito, Hamid?" Usisa ni Alexxandria kay Hamid. Tinitingnan nito ang buong paligid. Lasing na ang ilan sa mga kalalakihan na naroon. Hindi umimik si Hamid. Ginala lang nito ang paningin sa loob ng ktv bar. Saka tinawag ang waitress na nagsisilbi roon. Umorder ito ng alak. Niyayang umupo ang mga kasama.
"Makinig kayo sakin," pabulong na sabi ni Hamid sa mga kasama. "Kailangan nating mahanap si Cristine. Kaya tayo pumasok dito baka sakaling dito natin siya mahanap. O baka may mga tao dito na makakapagturo sa atin kung nasaan siya."
Ginala muli ni Hamid ang paningin sa buong paligid. Mga lasing na ang mga nag iinom. May nabasag ng bote ng red horse sa isang lamesa. Deadma lang sila pero nakikiramdam. Kailangan nilang maging alerto dahil baka biglang tumunog ng sirena ng Barangay.
"Hamid, paano yung sobreng hawak natin susundin ba natin ang nakalagay roon?" tanong ni Sanya.
Nagulat si Sanya ng biglang may humawak sa balikat niya. Sabay sabay silang napalingon. Isang lasing ng lalaki ang lumapit sa kanila. Type yata si Sanya.
"Sino ka? Wag mo ngang hawakan yung balikat ko." mataray na utos ni Sanya. Nagmamasid lang sina Hamid at Jeck pero naka ready ang mga ito para sa kung ano man ang gagawin ng lalaki kay Sanya. Kung babastusin ito ay babanatan ito ng dalawa.
"Makikipagkilala lang naman, Hihi." parang tangang sabi ng lalaki kay Sanya. Inilahad nito ang kanang kamay para makipaf shakehands. Hindi agad iyon tinanggap ni Sanya. Tumingin muna ito kina Hamid. Hindi umimik si Hamid. Tumango lang ito na tila sinasabi sige kamayan mo na.
Tinanggap ni Sanya ang kamay ng lalaki at nakipag shakehands. Laking gulat na lang ni Sanya nang bigla siyang yakapin ng lalaki. Doon na siya pumalag. Bigla niyang sinampal ng lalaki. Nagalit ito. Sasampalin sana nito si Sanya pero mabilis na napigilan ito ni Hamid. Binigwasan ito ni Hamid. Tumalsik ang lalaki sa kabilang lamesa. Natabig nito ang mga bote na naroon kung kaya nagtalsikan sa sahig at nagkabasag basag. Nagtayuan ang mga kalalakihan na naroon.
Nagsimula ang gulo.
Mabilis na hinila nina Hamid at Jeck sina Sanya at Alexxandria para iiwas sa gulo. Lumusob kina Jeck ang grupo ng lalaking binigwasan ni Hamid. Nagkakagulo na. Hampasan ng bote. Suntukan. Balibagan ng upuan. Tumakbo sina Sanya at Alexxandria palabas ng ktv bar. Pero hinarang ito ng tatlong lalaki. Doon na nanlaban ang dalawang dalaga na may mga alam sa Martial Arts. Pinagtatadyakan ng dalawa ang mga lalaki. Talsik ang mga ito sa pintuan ng ktv bar.
"Sanya, Alex lumabas na kayo!" sigaw ni Hamid sa dalawang dalaga. Nakikipagbunuan ito sa mga kalalakihan. Ganoon din si Jeck. Nang magkaroon sila ng pagkakataon para makalabas ng ktv bar ay agad silang tumakbo palabas. Hinabol sila ng mga kalalakihan. Nagliliparan ang mga bote sa gitna ng kalye. Nagsitakbuhan ang mga taong naroon sa tabi ng kalsada.
"Jeck, nasaan sina Sanya?!" tanong ni Hamid. Wala doon sa kalsada ang dalawang dalaga. Di nila alam kung saan tumakbo ang mga iyon. Hinahanap nila sa buong paligid ang mga iyon pero di nila makita.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...