Merville Park

29 3 0
                                    


This story happened 25 years ago and this really happened in the places I will mention.

First year college kami back then, 1997. We were studying in an exclusive girl's college sa Makati.

That day, sobrang lakas ng bagyo and classes were suspended na even sa tertiary levels so since late na sinuspend (palagi naman diba?) most of us were scrambling for a ride home.

Walang available na car pool, walang available na colurum vans (hindi pa uso UVExpress noon), walang taxi, and walang susundo kasi lahat stranded noon.

Hapon na rin kasi.

So, nakisabay kami sa isang classmate namin. Nagsiksikan kaming 8 sa kotse niya.

Taga South kami, sa mga magkakatabing villages and subdivision. So kahit di kami magkakabarkada, nagsama sama kami para lang makauwi.

Sa mga taga south na nakakaalam, may Merville Access Road na dadaanan mo papuntang Moonwalk, Multinational, and Better Living. Taga dyan kasi kami 8 magkakaklase.

Kaso ang problema bahang baha na sa access road. Ang only chance namin ay makiraan sa Merville mismo. Hindi kami taga roon so wala kaming sticker. Pero we tried, emergency naman at passing through lang naman kami.

Pumunta kami sa 2nd gate ng Merville and nagpaalam ko sa guard and nakiusap na makikiraan kami.

Naawa siya so pinapasok niya kami.

Pasensya na, in dire situation lang talaga, in normal circumstances kahit umiyak ka pa di ka papapasukin sa Merville without leaving your license na hindi ginawa ng classmate ko noon kasi makiki-pass through lang naman.

Noong nasa loob na kami ng village, akala namin wala ng hassle. Kaso ang pagdating sa gitna ng village sobra din ang baha lampas bewang sa Washington St. na isang major thoroughfare.Marami ding stranded na sasakyan and mga school buses. So wala na kaming choice kundi magpalipas ng oras until bumaba ang baha.

At least naisip namin nasa loob naman kami ng isang exclusive and upscale neighborhood gaya ng Merville, so safe kami.

Or so we thought.

Gabi na mga 9PM na. Dumating kami dun mga 5PM. Medyo bored na kami sa loob ng kotse. Saka tumila na ang ulan. Gusto na rin namin makasagap ng hangin kasi nakaka suffocate na sa loob ng kotse.

Sarado ang bintana, patay ang engine, dami pa namin sa loob.

Higit sa lahat gutom na kami. 

Since tumila ang ulan, lumabas kami lahat.

Yung isang bahay namimigay ng sandwiches sa mga bata na nasa school bus. Yung iba naman namigay ng soup. Eh ang layo namin kaya di kami naabutan.

Bigla ko naalala na may classmate ako noong High School na medyo medyo malapit ang bahay sa kung saan kami nakapark.

Siguro mga 10 minutes walking time yun and in terms of directions, Washington St lakad pataas, right turn sa next street, pataas uli ng konti sa next street , right turn uli sa ibang street, then last right uli pero technically pababa siya (South direction) pababa sa bahay ng classmate ko.

Dumating kami, wala ang HS classmate ko, nastranded din daw sa Manila sabi ng mom niya. She welcomed us warmly, 5 kami noon.

Naiwan yung 3 sa sasakyan, inaantok na kasi sila saka tinatamad maglakad.

Pinakain kami and pinashower kasi basa damit namin, half way through habang naglalakad kami ay umulan ulit kasi. Pinadaan sa dryer yung uniforms namin para matuyo naman. 

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now