My Untold Story (Parts 1 & 2)

108 4 0
                                    

My Untold Story (Parts 1 & 2)

Part 1

Medyo mahaba ito pero sana pagtyagaan niyo pong basahin, ikekwento ko ng maayos sa abot ng makakaya ko. Tungkol po ito sa pag lagi namin sa bahay ng lolo ni Jan, tropa ko. Lima kaming magnakakasama nun, patrick, alex, Jodel, Jan at ako. Malayo - layo rin yung bahay ng lolo niya sumakay pa kami ng bus tapos sakay ulit ng habal-habal papasok sa pupuntahan naming lugar.

hindi pa natotounang pansin ng gobyerno kasi yung sementong kalsada putol tapos puro mabato na yung daan. Puro palayan yung makikita mo sa paligid. Nung dumating na kami sa baryo nila, sinabi ni jan na bumuli na daw kami ng mga kakailanganin kasi sa bukid pa yung bahay ng lolo niya. Alak, yosi, de-lata tapos checherya. 20 minutes na paglalakad at dumating narin kami sa bahay ng lolo nya, si lolo seper.

Gawa sa kawayan yung bahay niya at pawid lang yung bobong tapos may silong siya kasi dun niya nilalagay yung mga panggatong niya. Alas 2 palang ng hapon nun kaya napag pasyahan namin ni alex na manguha lang muna ng buko. Habang yung tatlo nanghuhuli ng mga manok ni lolo kasi magiihaw kami ulam at pulutan. Ang saya namin nun, mahangin dun kasi napapaligiran ng mga puno yung bahay ni lolo seper.

Pag patak ng alas sais, kinakailangan na naming maghaponan kasi nga walang kuryente si lolo at gasera lamang ang gamit niya. Matapos maghaponan ey pahinga kunti tapos inom na ng empe. Walang ice tsaka juice, kalamansi at asin lang yung cheaser laban na.
Nung lagpas na sa kalahati yung empe, biglang umuga yung bahay saglit lang naman kaya naisip namin na lumndol lang saglit. Tuloy lang sa inoman, kwentohan ng kung ano-ano, nakikisabay naman si lolo samin. Maya maya pay umuga ulit yung bahay ng malakas at kanya kanya agad kaming hawak sa mga gamit namin at handa na para lumabas ng bahay.

Pero huminto agad ito ay may narinig kaming tunog ng baboy, paikot ikot sa bahay ni lolo kaya hinipan niya yung gasera at sinabi niya ng mahina na "wag kayong sasandal, manatili sa gitna" napuno ng tension sa loob ng bahay ni lolo.

Kumuha siya ng kutsilyo at nilagay sa tagiliran niya. Sisilip na sana siya sa siwang ng pintoan ng may kumatok ng dalawang beses. Nakatingin kami lahat sa pinto. Kumatok ulit ng malakas ng apat na beses. Kumuha kagad kami nag kanya-kanyang gamit pang self defense. Yung feeling na ang lalim ng paghinga niyong lahat.

Lolo seper: sino yan?
Unknown: ako to per, si cris
Lolo seper: umalis kana. Matutulog na kami.
Unknown: papasokin moko per, si cris nga ito.
Biglang hinampas ni lolo seper ang pintoan niyang plywood at lahat kami nagulat sa kalabog.
Lolo seper: wag mokong linlangin mapagbalat kayo. Patay na si cris isang buwan nang nakakaraan.

Nagsitayoan lahat ng balahibo ko nun sa narinig ko at nagdasal ako ng pabulong, at sumabay din sila.

Unknown: buhay pa ako, buksan mo ang pinto at papasok ako!. Galit na tono ang narinig namin. At hinahampas niya yung pintoan, eh gawa lang sa plywood at mukhang masisira na.
Alex: pre, yung empe kunin mo, tsska yung chaeser
Ako: hayop ka may demonyo na nga sa labas inom parin gusto mo
Alex: alcohol yun pre gawin nating holy water tsaka yung kalamansi at asin ihalo natin yun sa empe.
Jodel: kunin mo lex gawin natin yun,

Nawala na yung paghahampas sa pintoan.
Kukunin na sana ni Alex ng biglang sumigaw si lolo, yung bintana sa likod niyo bilis! Sabay kaming lumingon sa bintana, patakbo si jan papuntang bintana ng may lumitaw na ulo at isasara na niya ng hawakan nito ang kamay niya, napasigaw siya nun ng mama at tulong. Dali dali tumakbo si lolo at hiniwa yung kamay gamit yung kutsilyo niyang binabad sa suka at bawang. Nagsisigaw yung lalaki, tapos si Jan umiiyak na nun halos lahat kami nag si iyakan na. At inalog ulit yung bahay ng malakas habang maririnig mo yung hikahos niyang nanggigigil sa galit.

Lolo seper: humanda kayo magtiwala sa panginoon, ano mang oras ay makakapasok na ang aswang na yan.

nagsaboy kami ng asin sa lahat na bahagi ng bahay. Kawawa si lolo seper wala na siyang pang titimpla sa ulam. Ubos isang garapon niyang asin yung lagayan ng stick-o. Nagdikdik din kami ng bawang nun. Wala na yung pagaalog ng bahay. Wala narin yung huni ng aswang at yung wakwak nawala narin.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now