NoSleep One-shot Story : A Package Marked 'Return to Sender'

66 4 0
                                    


Ang kapitbahay ko ay isa sa mga nakakainis na wannabe Youtube personalities. Over the years, nakita ko siyang umubo ng cinnamon, humiga sa hood ng kotse niya habang umaandar ito sa driveway, lumublob sa maligamgam na tubig, at laging sinasabi epic win, epic fail, o epic maintenance of the status quo. Nakakapagod na din siyang panoorin sa mga ginagawa niyang kalokohan para lang sumikat. Kaya nung kinatok niya ako isang araw para sabihin na mawawala siya ng ilang linggo, at ako na muna daw ang bahala sa mga mail niya, ay talaga namang na-relief ako. Hindi ko maipaliwanag ang peace of mind na nararamdaman ko knowing na diko muna siya makikita na gawin ang mga kalokohan niya. Kinatatakutan ko talaga na isang araw ay makaapekto sakin ang isa sa mga stunts niya.

Normal lang ang lahat sa nakalipas na mga araw. Nakatanggap siya ng mga bills, spam at sa tingin ko ay birthday card. Isang gabi pag-uwi ko, nakita ko na may isang cardboard box sa balkonahe niya at may nakalagay na malalaking kulay pulang sulat na "Return to Sender".

Nahirapan akong buhatin ang box sa totoo lang. Sobrang bigat talaga nito. Mas mahirap lalo ang pagbuhat nito patawid sa bahay ko, at narealize ko na di ko kayang iakyat ito sa hagdan papunta sa harap ng bahay ko. Kaya iniwan ko na lang ito sa garahe ko. Hindi ko kasi ginagarahe dun ang kotse ko dahil ang pinto nito ay kailangan pang makipaghilahan at kalampagin bago mo mabuksan o maisara. Mas madali nang iwan ang kotse sa driveway kesa naman makipagbunong braso sa pinto ng garahe tuwing umaga at gabi. Dapat pala ay binaba ko ang box nung nahihirapan akong buksan ang pinto ng garage, pero alam nyo naman yung feeling na kapag maayos na ang pagkakahawak mo sa ang isang bagay ay di mo na gugustuhin pang bitawan (parang love, chos!).

Nabitawan ko ang package sa pangatlong sipa ko sa pinto ng garahe at nahulog ito sa ground. May narinig akong nag-crack sa loob ng package.

"Shit"na lang ang nasabi ko.

Sana ay wala akong mahalaga na nasira. Naisip ko na diko na lang sasabihin sa kanya at hahayaan ko na lang na isipin niya na sa pagdedeliver ito nasira.

Sa wakas ay nabuksan ko na din ang garage door, at gumawa ito ng matinis na tunog habang nagro-roll pataas. Kinaladkad ko ang box papasok sa loob ng corner ng garahe. Lumipas ang mga araw at nakalimutan ko na ito.

Hindi ko alam kung kelan exactly umalingasaw ang mabahong amoy mula sa crack sa pagitan ng garage door at loob ng bahay ko pero alam ko na pabaho ito ng pabaho. Ito ay may sickly sweet odor na parang sa skunk kaya naisip ko na dito nga nanggagaling ang amoy, sa isang skunk na nasagasaan at nag-iwan ng amoy sa bahay ko. Narealize ko na lalong bumabaho ang amoy sa halip na nawawala kaya hinanap ko na ang pinanggagalingan nito. At nang buksan ko na ang pinto ng garahe, isang napakabahong amoy ang sumalubong sakin na nakapagpaatras sakin habang nakatakip sa ilong ko.

Hindi mahirap hanapin ang salarin. Ang package lang naman ng kapitbahay ko na nasa corner ang tanging nadagdag sa laman ng garahe ko. Meat-of-the-month siguro ang laman ng package nay un. Nabulok na siguro ang karne dahil hindi ito nailagay sa ref. Gaano ba kasi kadaming karne ang nasa loob ng box na yun para maging ganung kalaki at kabigat? Isang buong baka?

Hawak ang gunting, nilapitan ko ang box habang nakatakip sa ilong ko. Hindi ko na siguro kakailanganin pa ng gunting na hawak ko para sirain ang box, soggy na ito dahil sa katas ng nabubulok na karne, susundutin na lang ng daliri para masira ito, pero hindi ko isusundot ang daliri ko sa meat juices na yun. Ang soggy na ilalim nito ang dahilan kung bakit kailangan kong mabuksan ang box na ito. Kapag kinaladkad ko kasi palabas ito ay paniguradong kakalat lang sa floor. Kailangan ko pang pulutin, ilagay sa garbage bag at itapon sa basurahan nang isa-isa. Prosesong ayaw kong mangyari.

Gamit ang gunting ay nahati ko ang tape sa ibabaw ng box. Akala ko ay wala ng ibabaho pa ang amoy nito, ngunit pagbukas ko ng box ay panibagong klase ng matinding baho pa ang sumalubong sa ilong ko. Parang kapag nagbukas ka ng nasusunog na oven, pero imbis na heat wave ang sumalubong sakin, wave ng pinaghalo-halong amoy ng ihi, poops, pawis at pagkabulok ang naamoy ko. Napasuka na ako sa sobrang baho talaga nito. Sa tingin ko diko na talaga kaya ang amoy na nagmumula sa box na yun. Diko ikakahiya na tumakbo ako palabas para lumanghap ng sariwang hangin, pero sa sandaling pag-stay ko sa garahe ay dumikit na sa damit ko ang mabahong amoy na yun.

Sinubukan ko na lahat para matanggal ang amoy sa nostrils ko, pero wala talaga. Hindi air freshners, hindi face mask, hindi 3x na pagligo at pagpapalit ng damit. Sa bawat segundo na nakabukas ang box na yun ay ang patuloy na pagpasok din ng amoy sa loob ng bahay ko. kailangan ko ng gawin ang dapat gawin.

Bumalik ako sa garahe, bukas pa rin ang box na para bang inaakit akong sumilip. Prepared ako, may sipit sa ilong ko, may hawak akong garbage bag sa isang kamay, pinakamatapang na panlinis sa kabilang kamay, at rubber gloves para maiwasan na dumampi sa skin ko ang kung ano man nasa loob. Pero, as it turns out, diko pala kailangan ang lahat ng ito.

Di ko na kailangan pang linisin at hawakan kung ano man ang laman nito, kailangan ko lang magsuffer gabi gabi sa isang bangungot. Alam niyo, meron naman talagang karne sa loob nito, kaya lang hindi karne ng baka o baboy. Mas malala pa pala dun. At ito ay ang kapitbahay ko. Patay na. Buo pa din naman pero patay na.

Tinawagan ko ang mga pulis, as usual ininterrogate nila ako. Mahirap naman talagang hindi pagsuspetyahan ang isang lalake na may bangkay sa garahe niya. Buti na lang narealize agad nil ana hindi talaga ako involved. May DNA ko man ang buong box na yun, may mabahong amoy man ang bahay ko, pero may isang matibay na ebidensya naman silang nakuha sa kamay mismo ng kapitbahay ko na nagpatunay na inosente ako: ang kanyang vlogging camera.

Isang beses lang nila pinakita sakin ang footage. Di ko sure kung pwede nila gawin yun, o naaawa lang talaga sila sakin. Anupaman, napanood ko yun.

Nakaupo ang kapitbahay ko sa isang box sa labas ng isang shipping facility, habang tumatawa at sinasabi sa mundo kung paano niyang ime-mail ang sarili niya sa ibat-ibang panig ng state. May dala siyang boteng ihian, pagkain, unan at flashlight. Yung kaibigan niya, na lagi kong nakikitang kasama niya gumawa ng mga stunts niya, ay sinara ang takip ng box at ipinadala na for shipment. Sa mga sumunod na oras o araw, di ko na sigurado, nagrecord ang kapitbahay ko ng konting progress. 'Sa tingin ko ay nasa truck na ko. nararamdaman kong gumagalaw','Nasa warehouse na siguro ako. Mainit dito. Marami pa rin akong pagkain!', mga ganung stuff. At sa huling entry niya, bumalentong ang box. Nabali ang leeg niya and that's it. Nagrecord ang camera hanggang sa napuno na ang memory or ma-dead batt na ang camera.

Meron isang bagay na hindi ko sinabi sa mga pulis pagkatapos nila ipakita sa akin ang video. May narinig ako sa footage na habambuhay nang tatatak sa isip ko. Pagkatapos bumalentong ng box na bumali ng leeg niya, narinig ko ang matinis na tunog ng AKING garage door.

-u/manen_lyset

-BLACKROSE (Translator)

-cREDDITs-

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now