Part 1It's me again, Luna.
I used to love Sisig, iyong sisig na nakahain sa lamesa habang umuusok ang ibabaw nito dahil sa mainit-init pa. Iyong sisig na pipigaan mo lang ng kalamansi, naaamoy muna ang nagtatalong bango ng ulam at asim ng kalamansi. Iyong sisig na mapaparami ka ng kanin dahil sa maanghang nitong lasa. Ang sarap diba? Oh, kalma lang. Magkwe-kwento pa ako. Tsaka ka na mag-crave.
Sabi ko nga, I USED to love sisig. Specifically, Sisig ni Aling Grasya. Tuwing lunch break namin noong nag-aaral pa ako sa kolehiyo. Doon talaga kami kakain sa Sisigan ni Aling Grasya, ito'y nasa kabilang kalsada lang ng skwelahan namin. Pagpasok mo sa malaking public market dito sa lugar namin, makikita mo kaagad ang maliit na eskinita sa gilid ng entrance. May iba't-ibang paninda sa tuwing dadaan ka, mga nakasabit na bulaklak sa flower shop, mga tindahan ng delicacies, at sa dulo ay purenarya na kapag liliko ka sa gilid nito ay naroroon ang karenderya ni Aling Grasya. Parati kaming doon kumakain ng barkada ko doon kasi bukod sa nakakatipid at paborito namin ang Sisigan niya, may libre pang sabaw na nakakapag-pabusog talaga. Maraming dumadayo sa karenderya ni Aling Grasya, karamihan ay mga estudyante at trabahador lang din sa public market. Malaki kasi yung public market, parang dalawang sityo na.
Maliban sa mura ang Sisig na binibenta niya, eh may iba't-ibang uri siya ng Sisig.
Sisig na may raisens, dinikdik na sisig which is manok daw yung karne, sisilog pares, at iba pa. Yung paborito ko eh sisig na maanghang.
Kaya sikat na sikat yung Sisigan ni Aling Grasya, pag-suki ka panigurado may libre kang kanin.
One time, natapos kami sa baby thesis namin. Napag-isipan naming mag-lunch ng mga groupmates ko sa Sisigan ni Aling Grasya, hiwa-hiwalay kami ng grupo ng mga barkada ko kaya sila yung kasama ko nang araw na 'yon. Bale apat kami nun. Ako, si George, si Thea at si Banjo. Si Thea, rich kid. Maarte siya sa pagkain, napahiwalay siya sa mga social climber niyang barkada kaya sumama nalang siya samin para kumain doon sa karenderya. Puro daldal siya nung naglalakad kami sa kalsada, excited daw siya kasi di niya alam kung saan iyon at yun ang first time na narinig niya ang Sisigan.
"Ay, it's kinda unique. Dito pala daanan ng resto?" Sabi niya pa sakin, naunang naglakad sila Banjo at George. Wala naman akong problema dun sa dalawa, kasi sanay naman yun sa mga affordable na pagkain. Ito lang talagang si Thea, naiinis ako that time sa kanya.
Nang marating na namin ang karenderya ni Aling Grasya. As usual, sobrang busy na naman ng mga tindera at taga-luto pero bakas sa mukha nila na masaya sila sa trabaho nila. Describe ko lang 'yung karenderya, open space iyon at nakapalibot sa gilid ang maliit na lamesa, parang counter bar yung style pero de kahoy iyon. So yun, dahil sa open space ito nakikita namin ang ang mga tindera at taga-luto na labas-masok sa isang kwarto para mag-refill ng tinda nila, sa tantiya ko ay 'yun ang kitchen kung saan sila nagluluto. Nairita ako kay Thea nun kasi disappointed daw siya, akala niya pa naman daw ay cheap na resto. Pinipigilan ko lang sarili ko that time na hindi siya masapak, wala naman kasing nagpumilit sa kanyang sumama.
"Sisig pares nga po, dalawa." Sabi ni Banjo nang maka-upo na kami.
"Spicy sisig lang sakin, Ate Berna." Sabi ko dun sa tindirang kilala ko na, suki kasi ako eh.
Kinublit naman ako ni Thea nun at tinanong kong anong dapat niyang kainin. Nang sinabi kong Spicy Sisig nalang, nag-iba mukha niya na parang nandidiri.
"Yuck, I'm not fan kasi sa maanghang. Wait, hmm. That one! Sisig with raisins." Maarte niyang turo dun sa isang naka-display na sisig.
Inihanda na nga ni Ate Berna 'yung pagkain namin, nang malapag niya na sa harap namin isa-isa ang order namin kasama 'yung libreng sabaw, nagsimula na kaming kumain, katabi ko si Thea at nasa gilid niya naman si Banjo at George that time, naririnig ko pa 'yung pabulong na insulto ni Thea sa Sisig at kanin, inirapan ko nalang siya nang di niya nalalaman. Ang arte kasi, eh masarap naman 'yung Sisig. Kalaunan, tumahimik na rin si Thea at napapasarap na rin ang kain niya. Si Banjo at George naman nag-uusap lang tungkol sa online games habang kumakain, 'yung Dota yung pinag-uusapan nila.
Nasa kalagitnaan na ako ng climax ko sa paglamon nang biglang humiyaw si Thea "Omg!" di naman ganoon kalakas, sapat lang na marinig naming tatlo. Maingay kasi sa karenderya.
Tinignan ko 'yung tinititigan niya sa pagkain niya, nandidiri pa siya nun. May matigas na maitim sa Sisig, para rin siyang raisins pero makinis at matigas 'yun. Kinuha ko na pero nang tignan ko nang maigi, hugis kuko ito. Tinignan ko sa likod. At parang transparent iyon kasi nakikita ko ang reflection ng kulay sa harap pero hindi ganoon kaitim. Buong-buo 'yung kuko at parang kuko siya sa hintuturo. Di na natapos sa pagkain si Thea, naduduwal pa siya nung nauna na siyang umalis samin.
Alam niyang kuko iyon kasi mahilig sa manicures and pedicures itong si Thea, may salon nga sila eh. Pero napansin ko iyong isang cook nung naglakad papalayo si Thea, nakatitig ito sa kanya habang papalayo. Sobrang seryoso pa nun. Kinabukasan narinig ko nalang usapan ng mga barkada niya, nag-uusap ito tungkol doon sa nakita ni Thea. Absent si Thea that time kasi nilalagnat daw siya. Kinahaponan naman nang ihatid ko sa kanila ang naka-book bind na baby thesis namin, nalaman kong hindi siya absent dahil nilalagnat siya. Kung hindi, may minor injury daw siya. Pinapasok ako ng Papa niya sa loob, bumaba naman si Thea at nakita ko yung dalawang hintuturo niya sa magkabilang kamay niya, medyo namumula.
"Sorry ah, pumunta ka pa rito." Sabi niya sakin, tinanong ko siya kung anong nangyari sa kamay niya. Umupo kami sa sala nila at doon niya kwinento.
"Actually, hindi ako sure but as far as I remember. I woke up around 12 midnight. Bumaba ako to pee, but then there was someone sa likod ng bahay namin. I saw a figure of a man na nakadungaw sa pinto ng screen door, hindi kasi nakasara yung another door nun kaya nakita ko siya. The next thing I knew, umaga na at nasa loob na ako ng kwarto namin. Wala na 'yung dalawa kong kuko, para siyang tinuklap. Doon lang ako nakaramdam ng sakit, tuyong-tuyo pa 'yung dugo nun na nakapalibot sa nakatuklap na hintuturo, ginamot naman kaagad ni Papa. I really cried! Di ko na alam gagawin kung tutubo pa ba ito." Umiiyak si Thea nun kaya pinatahan ko nalang, I know I was kinda pissed off sa pagiging maarte niya pero may puso rin naman ako. Tinanong ko siya kung anong mukha nung taong 'yun, sabi niya'y nakasuot ito ng black hat at may surgical mask. Naka white sleeveless lang daw 'yun at medyo tabain. Di siya sigurado kung namamalik-mata lang ba siya at yun ang lalaking gumawa sa kanya nun, may nakita kasing scalpel sa CR nila at may bahid pa ito ng dugo. Scalpel daw iyon ng Papa niya kasi nga doctor ito. Kaya sa isip ng mga magulang niya, si Thea lang may gawa nun kasi raw may pagka-masokista daw siya. Nagla-laslas siya pag naghihiwalay siya sa mga naging jowa niya. Di rin kasi maalala ni Thea kung anong nangyari. After few days pumasok na si Thea. Tuyo na 'yung daliri niya, di ito naka-bandage kasi open wound ito. Nagpatingin na rin si Thea sa specialist, sabi daw ay baka tutubo pa raw iyong nasa kaliwang kuko kasi kaunti lang ang kukong natuklap, may natitira pa raw na nakakabit. Sa kabilang side, tanggal lahat. Naniwala na lang akong siya ang may gawa nun sa sarili niya.
Kumain kami ulit roon kasama mga barkada ko, kaso ay naulit na naman ang nangyari. Tatlo lang kami nun ng barkada kong doon kumain, the rest mga taga ibang university na. Inorder niya 'yung sisig pares. Nagulat nalang ako nang kinublit niya ako at takot na takot na nakatingin sa ulam niya, pagkakita naming tatlo. May isang nipple, medyo malaki pa ito at nangingitim. Kaya ko sinabing nipple kasi may puting buhok pa itong nakakapit, pero kinumbinsi nalang namin na baka sa baboy iyon kaya tinapon nalang namin sa gilid yung nakita namin at nagpatuloy kumain. Pagka-uwi ko, medyo sumasakit 'yung tiyan ko. Naparami kasi ako ng kain, pero ininom ko nalang iyon ng gamot para mawala. Noong sumunod na araw, pumunta ulit kami sa Sisigan ni Aling Grasya. Paliko pa lang kami nang makarinig kami ng sigawan ng tao. Pag-punta namin doon, nakita naming nagkukumpulan ang mga tao sa karenderya at may sigawan pa kaming naririnig.
"Sige! Subukan mong lumapit sa akin!" Narinig kong boses ng lalaki, di ko kasi makita dahil sa dami ng tao.
"Ipapa-pulis ko talaga kayo!" Sigaw pa ng isang lalaki.
Nakipag-siksikan ako para makita kung sino 'yung nag-aaway, sobrang pamilyar kasi nung boses nung isa na nag-sabi ipapa-pulis raw niya.
Di ako nagkakamali, si Banjo yun at katabi niya si George. Nakikipag-away sila sa cook na nakatitig ng masama noong isang araw kay Thea.
"Ayan! Ano 'yan ha?! Anong klaseng pagkain meron kayo?! Bakit may ganyan?!" Sigaw ni Banjo.
"Tignan niyo yan!" Sabi niya saming mga taong nakukumpulan, tinapon niya sa harap namin ang isang bowl ng sisig. Dahil sobrang lapit ko, nakita ko nalang ang sa harap namin na may isang maliit na tenga. Parang tenga ng bata, ang nakakakilabot pa ay may roon itong hikaw. Sobrang kagimbal-gimbal talaga ang nangyaring 'yun. Nakita ko nalang yung cook na lalaki na sobrang sama ng tingin kay Banjo, dumating yung mga tanod at pinaalis kami. Isang araw rin absent si Banjo at George that time. Block mates ko sila at medyo close kami, sabi ng iba kong kaklase nasa baranggay raw at naghuhusay pa sa eskandalo.
Kinabukasan wala pa rin si Banjo at George, ayon rin sa mga barkada ko sarado rin daw ang Sisigan ni Aling Grasya dahil sa nangyari kahapon. Nakauwi ako samin nang nagkasalamuha kami ni Mama sa gate, galing na naman siya sa mga chismosa naming kapit-bahay. Nakikichismis rin, tinanong ko siya kung anong meron. Sabi niya lang "Wag ka ng kumain don sa Sisigan ni Aling Grasya ah! Naku talagang papaluin kita!"
"Bakit ba, Ma?" Naiirita kong tanong ulit.
"Naku! Iyong mga anak ni Ponching at Sita bumili ron ng Sisig, nag-take out at pagdating sa bahay may iilang piraso ng maliliit na ngipin! Meron pang kuko." Todo sermon ang naabot ko kay Mama, sabi ko nalang baka gawa-gawa 'yun. Dumeretso nalang ako sa kwarto ko para matulog.
Sabado naman nung wala akong klase, kinontak ko sila Banjo at George para ipaalala lang na sa lunes na yung defense ng baby thesis namin. Una kong kinontak si Banjo pero hindi siya sumasagot, palaging out of reach yung number niya. Kinontak ko si Thea, sumagot naman siya kaya pinaalam ko sa kanya kaagad na dapat maghanda na para sa defense, huli kong kinontak si George. Sumagot siya ilang segundo ang lumipas.
Non-verbatim:
"Oy George! Sa lunes ah, maghanda ka na." Sabi ko pa nun, pero di siya sumasagot. Hininga lang ng taong nasa kabilang linya ang naririnig ko.
"Oy George?"
"Lu, natatakot ako." Medyo nagulohan pa ako nyan.
"Ha? Bakit?"
"Si Banjo, nawawala." Sabi niya sakin at nagsimula ng humagulgul.
"Ha? Anyare? Baka umuwi ng probinsya?" Taga leyte kasi si Banjo, nagbo-boarding house lang siya rito at siya lang mag-isa. Nandoon kasi ang pamilya niya.
"Hindi siya umuwi, tinanong ko na Kuya niya kung umuwi ba. Sabi hindi naman daw, pero naalala ko nung natapos na kami dun sa baranggay hall. Nag-text siya sakin, may sumusunod raw sa kanya. Sabi ko sa kanya baka chix lang yan na trip siya, ilang segundo nag text lang siya ng 'Joke lang tol'. Abswelto na kami dun sa baranggay hall, dumating lang 'yung may-ari na nanay nung kusinero. Sabi ay ayos lang daw, wala na raw kaming problema. Misunderstanding lang daw 'yun kasi wax raw iyon ng mannequin nila. May proof naman kaya okay na."
Sunod-sunod niyang sumbong sakin.
"Oh? Edi ayos na pala, baka nag-joy ride lang. Alam mo namang mahilig yun mag round trip sa central highway papuntang bukid." Sabi ko uli, yun kasi hilig ni Banjo. Lagi ganun yung profile niya sa facebook at mga posts sa instagram.
"Hindi ko na kasi siya ma-contact, pinuntahan ko sa boarding house. Walang tao, sabi ng land lady hindi pa raw umuuwi si Banjo simula nung gabing yun pero wala rin ang motor niya." Umiiyak na siya nang mga oras na 'to.
"Baka dumiretso lang talaga sa joy-ride niya." Sabi ko ulit.
"Kaso Lu, hindi 'Tol' ang tawag niya sakin kung hindi 'Hon' matagal na kami may relasyon, sekreto lang para hindi kami tuksohin ng mga block mates natin." Shit. Napahilamos ako sa mukha ko nang malaman ko 'yan, kasi sobrang astig at lalaki silang tignan kaya buong akala ko'y best friends lang silang dalawa. Wala akong nasabi sa kanya dahil sa rebelasyon niya, pinakinggan ko nalang ulit 'yung sasabihin niya.
"Isa pa Lu, ni-locate ko ang iphone niya. Huling nandoon ay sa address kung nasaan ang Sisigan."
Matapos naming makapag-usap, nadesisyon akong pumunta sa kanila. Natatakot kasi siyang lumabas, kinukutoban siyang may ginawang masama ang namamahala sa karenderyang 'yun kay Banjo at baka mapano rin siya.
Itutuloy ko nalang ulit, medyo mataas na kasi.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...