Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 16-18)

64 4 0
                                    

Bestfriends Goals, Creepy Experiences (Part 16)

Noong gabing yun, iyak na lang nang iyak si Kristel. Di ko na alam gagawin ko nun, para akong natataranta sa pag-alo sa isang bata. Ilang oras pa kami nagstay don hanggang sa mahimasmasan si Kristel.

"Bakit ka umiyak? Anong nalaman mo?" tanong ko sa kanya.

"3 years ago, ang alam ng lahat ng tao rito, accident lang na nasunog ang resort na ito pero ang hindi nila alam, sinadyang ipasunog ito." pagsisimula ni Kristel.

Ikukwento ko na lang kung ano yung napag-usapan nila Kristel at noong lalaki na hindi pala staff dito, kundi ang may-ari mismo 3 years ago, si Ernesto.

Mula nang pagdating palang ni Kristel ramdam na ni Ernesto na nakakakita at nakakaramdam ito ng katulad nila. Habang nasa swing kami ni Kristel, nanlamig ang buong katawan niya dahil sa muli niyang nakita ang kalagayan ng resort habang nasusunog ito. Nakaupo lang daw si Kristel sa swing katabi ko pero kitang-kita nang dalawang mata niya ang nangyayari. Nagtatakbuhan ang mga tao dahil sa nasusunog ang building kung saan kami tumutuloy, palakas nang palakas ang apoy habang patuloy ang pagsigaw at pag-iyak ng mga tao, may mga bata na umiiyak at hindi alam ang gagawin habang ang mga matatanda naman ay walang magawa kundi ang umiyak at sumigaw ng saklolo.

Dumating daw si Ernesto, doon sinabi sa akin ni Kristel na nasa harapan daw namin ito at nakatingin sa amin. Kinausap ito ni Kristel. (Hindi ko po narinig ang nga sinabi ni Ernesto, bali kinwento lang sakin ni Kristel ang naging usapan nila) Tinanong ni Kristel kung bakit ganon ang nangyari sa resort. Sinagot naman siya ni Ernesto, yung boses daw ni Ernesto parang uhaw na uhaw, malat at parang paos sa kasisigaw pero narinig pa rin naman daw ni Kristel. Sinabi ni Ernesto, 5 years ago, ipinamana sa kanya ng Lolo niya ang resort na ito, sa loob nang dalawang taon, sobrang lumaki at napaganda ito ni Ernesto, katulong ang kanyang asawa. Lingid sa kaalaman nila noon, na masama ang loob ng kanyang kaisa-isang pinsan (dalawa daw na apo si Ernesto at yung isa si Jaime, dahil mas matino daw si Ernesto at kinakitaan ng kakayahan sa business, sa kanya ipinamana ang resort). Kaya naman sa puntong iyon, naging malaki ang galit ni Jaime kay Ernesto maging ang Ina at Ama ni Ernesto ay sumulsol din, na si Jaime dapat ang may-ari ng resort at hindi si Ernesto. Sa makatuwid, hindi naman ito pinatulan ni Ernesto dahil nagfocus siya sa pagpapaganda ng resort na naging successful naman, at dahil sa lubos na galit ni Jaime, ipinasunog niya ang buong resort. Nasa opisina daw si Ernesto nang mga panahong iyon (sa building din yon kung saan kami nagstay, 1st floor) at may inaasikaso na mga papel nang padabog namay bumukas ng pinto, si Jaime raw ay lasing na lasing na sinugod siya. Naglabas daw nang sama ng loob si Jaime, na dapat ay sa kanya ibinigay ng Lolo nila ang resort at hindi kay Ernesto. Dinepensahan naman daw ni Ernesto ang desisyon ng Lolo niya at sinabing sana ay maging masaya nalang si Jaime sa tagumpay ng kanyang pinsan. Nagsuntukan daw si Ernesto at Jaime. Hanggang sa dumating ang asawa ni Ernesto at inawat ang dalawa. Galit na galit daw si Jaime at sinabing hindi doon magtatapos ang tagumpay ni Ernesto.

Makalipas ang ilang araw, summer season daw yun kaya sobrang daming tao, punuan ang book ng resort, tanghaling tapat, maganda ang araw. Nasa opisina raw si Ernesto para na rin tumulong sa pag-aasikaso ng mga guest. Pumunta raw ito sa 2nd floor kung saan nandon ang mga stocks ng supply, meron din daw doong kitchen nung panahon na yun (ngayon kasi, rooms nalang yung nasa 2nd floor). Balak niya raw ipacheck ang supply sa 2nd floor, walang mautusan si Ernesto kaya sya ang pumunta. Marami raw ang tao sa hallway noon. Maya maya, pagdaan nya sa kitchen may naamoy syang amoy gasolina, gusto nya sanang icheck kasi baka yung stove o tanke. May mga tauhan naman daw don kaya pumunta na sya sa supplies para magcheck.

Bigla daw sya nakarinig ng putok ng baril, agad lumbas si Ernesto at pumunta sa log area, may mga nakatakip ang mukha at armadong mga lalaki ang hinohold up ang mga tauhan nya, kinukuha ang lahat ng pera sa cashier. Agad itong tumakbo para tumulong pero biglang may pumukpok sa ulo ni Ernesto, nawalan daw ito ng malay. Nagising nalang siya na nasa 3rd isang kwarto siya sa building ng resort din daw yun mismo. Nakatali daw sya sa isang upuan. Umuusok ang paligid at dinig nya ang sigawan ng mga tao mula sa labas, nagpapanic at nagtatakbuhan. Sumigaw daw sya para humingi ng tulong pero walang nakakarinig sa kanya sa sobrang ingay. Hanggang sa yung apoy ay kumalat na sa paligid, doon nya palang napagtanto na nasa kitchen sya, napatingin agad daw si Ernesto sa stove at tanke. Hanggang sa sumabog daw ito.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now