The Devil was here
Ang sarap sa feeling's na habang maraming humahanga sayo, merong iilang nag dududa sa kokonting talentong meron ka. Maraming salamat sa mga patuloy na suporta, at sa mga panibagong bashers pwede din namang kayo ang mag send ng story nyo. Salamat labyu guys!! Simulan na natin ang kwento.
Mike's POV:Hindi na naging normal ang paniniwala ko sa mga bagay bagay simula ng huli naming assignment. Mahirap paniwalaan ngunit kaylangang tanggaping may mga nilalang tayong kasalamuha sa mundong ibabaw.Lumipas pa ang mga bwan, nandito na naman ang panibagong assignment para sa team ko. "Mate, eto malapit lapit lang pupuntahan natin." sabi sakin ni Dann. "Oo nga mate, buti na nga lang malapit. Mate? Naalala mo yung medalyon na binigay satin nung Habas? Nasayo pa ba? Di ako makatulog nung araw na nakuha natin yun. Pilit pumapasok sa isip ko yung mga pinatay ng habas." sabi ko kay Dann. "Mate, ako din. Halos araw araw sa panaginip ko yung mga napaslang ng Habas." sabi naman ni Dann. Habang nag kekwentuhan kami ni Dann sa opisina, kinuha at nilabas ko sa bag ang medalyon na binigay sa amin ng habas. Biglang pumasok sa isipan ko ang napaka raming bangkay, bata, matanda, lalake at babae. Natauhan lang muli ako ng yugyugin ako ni Dann. "Mate? Natutulala ka ata? Anong problema?" nag aalalang tanong sakin ni Dann. "wala yun mate, okay lang ako." sagot ko sa kanya.Lumipas pa ang mga araw. Oras na ng pag tungo namin sa lugar ng assignment namin.Maalinsangan ang panahon, malungkot ang paligid, ultimo himig na mga ibon ay wala kang maririnig. Ang pag ihip ng hangin ay tila pumapaso sa aking mga balat, dala na siguro ito ng init ng araw sa katanghalian. Hagulgol ng mga tao ang nag sisilbing himig ng ibon, mga hagulgol ng pag pipighati at kalungkutan, ang dapat ay sariwa at preskong hangin ay napalitan ng mabaho at nabubulok na amoy ng mga bangkay. Sa isang sulok ng lugar nakita ko ang isang batang halos puro putik ang katawan, umiiyak at nag hahanap ng magulang."ne? Wag ka ng umiyak. Nasaan ang magulang mo? Bakit puro putik ang katawan mo?" tanong ko sa batang babae."natutulog lang po ako sa sasakyan kasama si mama at papa. Pag gising ko po ganito na ang paligid, wala na ako sa tabi ni mama at papa." sagot sakin ng batang babae."Mate! Halika dito! Tingnan mo to! Grabe!" sigaw na pag tawag sakin ni Dann. Na nag palingon sakin sa kinaroroonan nya.Pag lingon ko sa batang babae, wala na ito. Kaya pinuntahan ko si Dann, sa pag aakalang natagpuan na yung bata ng kanyang mga magulang."grabe mate, napaka raming bangkay. Hindi tao ang gumawa nito sa kanila. Demonyo!" pagalit na sabi ni Dann. At isa isang inangat ang mga bangkay mula sa malalim ng hukay. At doon ko sya nakita, yung batang babaeng kausap ko kanina nina lang. Napailalim sya ng iba pang bangkay mula sa hukay, nakilala ko sya dahil sa soot nitong damit. Halos maluha ako sa galit at lungkot. Hindi maka tao ang ginawa sa mga biktima ng pinaka malaking massacre na naimbestigahan ko. Ang batang babae ay nakilala ng isa sa mga umiiyak na babae, "oh dyos ko! Ang pamangkin ko! Ang kapatid ko! Danna! Bakit sa inyo pa nangyari ito.!" hagulgol ng ginang. Nilapitan ko ito at tinanong kung sino sa mga bangkay ang kakilala nya. "yung batang naka dress na bulak lakin, at yung kapatid ko at asawa nya yung nakuha sa ibabaw ng pamangkin ko." sagot nya sakin.Napatingin ako sa buong paligid. Lahat ay nag luluksa sa mga nakikita nila, lahat ay may bahid ng galit at kalungkutan sa kanilang mga mukha. At sa di kalayuan ng lugar na yun, nakita ko ang batang kanina lang ay kausap ko. Kasama na nya ang kanyang mga magulang. Naka ngiti at kumakaway sakin tanda ng pag papa alam.Isang demonyo at hindi tao ang nasa likod ng karumaldumal na krimen na yun. Pumutol sa buhay ng napaka raming media, at mga pamilya nila. Isang dasal ang inalay ko sa batang babae at mga biktima bago ako matulog pag katapos ng araw na yun.End of POV.
The Candy Man
Hi guys! Panibagong kwento na naman ang hatid ko sa inyo. Salamat sa patuloy na pag suporta sakin at sa mga kwento ko. Labyu guys! Ano kaya feeling ng maka 5k reactions? Hahaha.Simulan na natin ang kwento.Mike's POV:Sa mga naka raang assignments na binigay saking grupo ay wala naman gaanong kakaiba. Natural na para sakin ang mga kaso ng murder, rape at kung ano ano pa. Nasasanay na ako sa lahat ng bagay, mulat na ang aking mga mata para makita na hindi lahat ng tao ay mapag kakatiwalaan, at mulat na ako sa katotohanan na ang demonyo ay kasama natin at nakikisalamuha sa mundong ibabaw. Mahirap paniwalaan ngunit kailangan nating dumating sa punto na tanggapin ang lahat ng katotohanan na sumasampal sating lahat.Dumating samin ang panibagong assignment, matagal na mula noong mapasaming dalawa ni Dann ang mga medalyon na binigay ng habas, ngunit di pa din namin alam kung para saan ito at kung paano ito makakatulong samin.Dumating kami sa lugar ng panibagong assignment, nadatnan namin ang mga magulang na halos nag wawala na sa pag iyak. Lungkot at pangungulila ang mararamdaman sa lugar, kasabay ng malakas na pag ulan ang syang pag patak ng bawat luha, kasabay ng malakas na hangin ang syang pag iyak ng bawat isa,ramdam ko ang sakit na nararamdaman ng bawat isa, marahil sa ito na ata ang pinaka maraming nawawalang bata na naimbestigahan ko.Dito ko nalaman ang dahilan ng mga pag kawala ng mga bata, isa sa mga magulang ang naka panayam namin."Hindi ko na sya nakita pa, yung malambing at bibo kong anak hindi ko makita, natatakot ako. Natatakot ako na baka matulad ang anak ko sa ibang bata na natatagpuan nalang na wala ng buhay. Hindi ko kakayanin na mawala sakin ang aking anak, di ko kakayaning mapahamak sya. Mahal na mahal ko sya." sabi samin ng isa sa mga magulang."ano po ba ang nangyari nung araw na nawala sya? Paano po ba sya nawala?" tanong ni Dann sa ginang."Araw ng linggo ng mag simba kami, bago pa man kami umalis ng bahay papunta sa simbahan ay kinukulit na nya ako sa pag bili ng candy na gustong gusto nya. Habang nasa misa kami ay nandun pa din ang pangungulit nya. Pag labas namin ng simbahan, ay may sinasabi sya sakin na di ko naman gaanong inintindi, nakikipag usap kasi ako nung oras na yun sa kaibigan ko. Hawak ko ang kamay nya, hinahatak nya ito para makawala sa pag kakahawak ko. Binitawan ko ito sa pag aakalang di ito lalayo sakin, lumipas ang ilang minuto. Hinanap ko na sya sa paligid ko, wala sya. Hindi ko na sya nakita, pinag tanong ko ma sya sa bawat maka salubong ko. Ngunit wala pa din. Lumuluha na ako nun, napaka sakit ng wala ka ng magawa at wala ka ng pag asang makita pa sya. Hanggang sa may natanong akong isang ale, nakita nya daw ang anak kong kasama ng isang matangkad na lalake. May dala itong napaka daming matamis. Noon ko lang naintindihan ang sinasabi sakin ng anak ko bago ko sya bitawan "mama! Tinatawag ako nung lalake, ang dami nyang candy. Pupuntahan ko sya mama" kaya lalong bumuhos ang luha ko. Tatlong araw na syang nawawala, nag aalala na ako." sagot ng ginang samin.Halos lahat ng tanungin naming magulang ay ganun ang sinasabi samin, lalaking madaming candy ang kumuha sa anak nila.Natapos ang araw na yun na mabigat ang loob ko, gustong gusto kong makita na ang mga batang nawawala.Kina umagahan, nagimbal ako sa isang text message na natanggap ko mula sa kapitan ng lugar. Kaya agad kaming kumilos para puntahan ang lugar na sinabi ng kapitan. Pag dating namin sa lugar ay malalakas na iyakan ang maririnig mo na bumabalot sa lugar, napaka daming tao na naka palibot na syang pinipigilang lumapit ng mga lokal na kapulisan. Lumapit kami sa kumpulan ng mga tao at pumasok sa police line. Nangilabot ako sa nakita ko, halo halong emosyon. Galit, lungkot, at panghihinayang. Sa likod ng makapal na talahiban ay matatagpuan ang bangkay ng isang batang babae. Walang saplot na palatandaan ng pang gagahasa, nakagapos na mga kamay, puro pasa sugat at paso ng sigarilyo, at isang lollipop sa tabi nito. Sa oras na yun ay sobra na ang galit na nararamdaman ko, di ko na kinaya kaya nag paalam muna ako kay Dann na mag papahinga muna. Kilala ako di Danm kaya hinayaan nalang muna nya ako at sila na lang muna ang naiwan sa lugar. Umuwi ako sa tinitigilan naming lugar, naupo ako sa kama ko. Kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko, kinuha ko ang gintong medalyon. At mistulang kinausap ito, "Ano ba talaga ang silbi mo??!! Tulungan mo ako!" sabi ko sa medlayon. Nababaliw na yata ako."Pag tawag mo lang naman ang inaantay ko kaibigan, alam kong kakailanganin mo ako. Alam kong darating ang oras na ito." at isang boses ang nanghaling mula sa likuran ko.Pag lingon ko sa likod, nandun sya. Ang Habas na nag bigay ng medalyon samin ni Dann."Ikaw? Paano mo ako matutulungan?" tanong ko sa Habas, "Hustisya ang kailangan mo hindi ba kaibigan? Kaya kong ibigay para sa mga biktima ang hustisya. Kaya kong gawing impyerno ang buhay ng may sala, at kaya kong kumuha ng buhay ng mga hindi karapatdapat mabuhay. Katulad mo akong suklam sa mga mapang lamang, at mang momolestya. Hindi ako naging demonyo dahil masama kong nilalang, hindi matanggap ng langit ang paraan ko sa pag hukom at pag kuha ng hustisya sa mga nararapat. Kung makikipag sundo ka sakin ay ibibigay ko sayo ang serbisyo ko." sabi ng habas sakin."anong kapalit ng serbisyo mo?" tanong ko sa kanya dala ng pagiging desperado ko sa hustisya."Ang kaluluwa mo kaibigan, magiging ako ang nasa katawang lupa mo, at magiging ikaw ang Habas." sagot nito sakin.At doon na ako nakipag sundo sa isang Demonyo sa pag nanais ng hustisya.Kina bukasan, nagulat ako sa isang balita hatid ni Dann. "Mate! May lalaking nakitang patay dun sa crime scene nung bata kanina lang umaga! Halos maputol ang ulo sa pag kaka hiwa ng leeg, putol ang maselang bahagi ng katasan nito at wakwak ang tyan. Eto picture oh" pinakita sakin ni Dann ang litrato at talaga namang kagimbal gimbal ang nakita ko. "Mate, di na natin kaso yan. Kahit dito din sa lugar nato yan nangyari." sabi ko sa kanya. "Mate, kaso pa din natin to. Nakita nung ale sa simbahan ang itsura at nakumpirma nyang ito yung lalakeng kumuha dun sa anaknng ginang." dugtong nito.Habang nag uusap kami ni Dann ay may bumulong sakin, "Pumunta kayo sa bahay sa gitna ng kakahuyan, nandun pa ang ibang bata."Niyaya ko si Dann mag lakad lakad papuntang kakahuyan malayo sa sentro ng bayan na yun, at dun na namin nakitang naka kulong ang mga nasa sampung bata. Agad naming tinawagan ang lokal na kapulisan para humingi ng tulong para matulungan na ang naiwan pang batang biktima.End of POV.
-Popoy Mr. Inventory
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...