Compiled Stories 7

70 4 0
                                    



Terrace


Actually hindi ito ang first time ko mag kwento kaya lang hindi kase napo-post yung mga creepy experience ko so sana this time na post na.

So way back April 2021 (last year) nag decide kami ng fam ko mag bakasyon sa Cavite sa lola ko. Malaki ang bahay ng lola ko and hanggang 2nd floor yun. Kung makikita niyo andaming pasikot sikot sa bahay na yun at halatang old house talaga (alam niyo naman sa Cavite e talagang matatanda na ang karamihan na bahay) so ayun nga yung bahay ng lola ko ay inuupahan lang nila at ang sabi raw ng mga kapit bahay nila ay ang dating nakatira daw don ay mga kulto ( medyo di ako naniwala pero pag nagkita niyo ung bahay ang panget ng awra talaga) AROUND 10pm, lahat kami ay nasa taas na mga tita, tito at mga pinsan ko nasa kanya kanya ng kwarto. May close cousin kase ako si Yuri kapag nag babakasyon ako doon mahilig kami na tuwing gabi nag pupuyat kami sa terrace. So sa terrace nakatambay lang kami naka-upo kami sa mono-block na upuan habang nag CCP at nakapatay na ilaw. Kami naman ay hindi matatakutin kaya okay lang sa amin patay ilaw.


So ayun na nga habang nag CCP ako hindi ko namalayan na iniwan ako mag isa ni Yuri sa terrace at bumaba muna saglit so ako normal lang pakiramdam ko kahit mag isa ako at patay ilaw. Ilang minuto ay hindi pa rin nakakabalik si Yuri so tinawag na ako ni mama para pumasok sa kwarto at pumasok naman ako. Nagtatawanan kami sa kwarto ng bigla pumasok sa kwarto si Yuri at tulala. Tinanong namin siya kung bakit at nag kwento siya sa amin na parang naiiyak siya. Base sa kwento niya ay umakyat daw siya at May nakita siyang babae na nakaupo sa terrace naka-itim at akala niya daw ako. Nung papalapit na siya sa terrace (hindi pa man siya totally nasa terrace) narinig niya daw ako na tumatawa sa kwarto kaya doon siya natauhan na nasa kwarto na ako at ibang babae ung nakita niya. Halos mag kanda iyak iyak yung pinsan ko sa nakita niya. Kaya ang ginawa namin ay nag stay na kami sa kwarto at natulog.


PS. Sana nagustuhan niyo. Marami pa akong kwento na creepy experience ng family ko at maging ako rin. Sana ma-post ni admin!! Thank you

-AkujiRin


Creepy virtual experience sa hospital's covid floor


Gabi ng July 28, 2021 ay isinugod namin sa emergency covid ng isa sa hospital sa QC si papa. Na-admit sya sa ICU noon dahil sa diabetes at covid. Ako ang naiwan bantay sa hospital ng isang linggo hanggang sa pinalitan ako ng kapatid ko sa ikalawang linggo ni papa sa hospital.Nangyari ito ng 2nd week ng August taong 2021. Nakalipat na si papa sa covid room pero ang dami parin bad news sa condition nya. Sa ikatlong linggo ay sobrang stress na yung kapatid ko sa pagbabantay dahil hindi komportable kumilos at nasa covid floor sila ng hospital, marahil shocked narin sa pinagdadaanan namin. Para maka-video call namin sya ay pumupwesto sya sa stairway. Buong stay nya ay puro reklamo na siya at gusto na nya umuwi kaso mahirap na makipagpalitan sa hospital nung week na yun kasi nag start na naman mag lockdown kaya wala sya magawa kundi magreklamo sa chats at videocall. Isang hapon, nainis nako sakanya kasi hindi nya inuunawa yung sitwasyon namin lahat kaya galit ko narin sya pinagsabihan sa VC namin. Nasa kalagitnaan ako ng pagtatalak ng may napansin akong lakaki na bahagyang nakangiti at naka-black Tshirt na akala ko daraan lang pero huminto sa likod ng kapatid ko. Hindi ko sya pinansin nung una at tumalak parin ako dahil naka earphone naman kapatid ko. Lalo syang ngumiti at halos idikit na nya mukha nya sa mukha ng kapatid ko (nakatayo sya sa likod ng kapatid ko, sana nai-imagine ninyo). Nung halos nakadikit na sya sa kapatid ko ay pagalit kong tinanong "sino ba yan nasa likuran mo?". Nagulat yung kapatid ko at sumagot, "ako lang mag-isa dito te!" tapos nag blurred yung camera nya at inend call nya na yung VC namin. Doon ko napagtanto na hindi buhay ang nakita ko dahil lahat ng tao sa hospital ay naka-mask at hindi papayag yung kapatid ko na dikitan sya ng ganun kalapit. Ang creepy nung naaalala ko ulit paano sya ngumiti ng sobra nung patuloy ko inaaway kapatid ko. Yung mother pala namin nun nasa tabi ko at wala daw sya nakita na lalaki sa buong videocall namin. Nagulat talaga kami lahat. Marahil diyablo yun na nilalapitan kapatid ko kasi sobrang down na sya sa hospital at inuudyukan nya yung kapatid ko na magalit din at negatibo ang isipin. Ipinakita rin siguro talaga sya sakin para marealize namin na wag pairalin ang galit para hindi nadadaig ng diyablo at mas kailanganin namin manalangin. Next experience ko po na ikukwento ay yung sa Red ribbon store.-Gooty

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now