Kupido o Kamatayan? - Book 1 (Parts 1-3)

70 2 0
                                    



Part 1 : Kuro-kuro

Hi! Sa totoo lang ngayon ko lang nalaman na may page na spookify. Well, hindi kasi ako mahilig mag-fb at mag-surfing ng kung ano ano lang diyan pero paminsan minsan binibisita ko ang fb ko pag trip ko lang. Hindi niyo aakalaing may tao pang nag-eexist na tulad ko, yung allergic sa social media sites/networks. Sociable naman po ako pero sa mga nakikita ko lang at hindi yung sa mga tao behind the computers.

February, 2015. My story goes this way, I am a college student at halos lagi akong tumatambay sa library pero hindi ako nagbabasa dun. Nagmamasid o nag oobserba lang ako ng mga tao. So ayun nga, pag nasa library ako, inoobserbahan ko yung mga tao sa loob ng library at mga tao sa labas. Sa pamamagitan ng malaking bintana ay matatanaw mo halos lahat ng dumadaan sa campus. Ganito ang ginagawa ko pag free time ko. Harap kasi ng library building sa labas ay malaking space na laging pinagtitipunan ng mga students, couples and teachers. May mga upuan kasi sa wide space na yun.So as I was saying, nakatingin ako sa labas ng bintana, when my eyes caught something, hindi pala, tao pala yun. Actually halos lagi ko siyang nakikita. Hindi siya student ng school kasi di siya naka-uniform. Hindi rin siya teacher kasi halos 4 years na ko dito sa university namin kaya tinitigan ko lang siya from the library's enormous window. Nagtataka kasi ako sa ginagawa niya, hindi kasi ""ata"" siya napapansin ng mga tao sa paligid niya. Kasi nakikita kong walang tumitingin sa kanya at dinadaan daanan lang. I mean sa tinagal tagal ko na syang nakikita, wala pa kong nakitang may kasama siya at wala siya laging kausap or any signs na taga-dito nga siya samin. ""Mr. Old soul"" ang naging tawag ko sa kanya kahit di kami magkakilala. Let me describe him. He's tall, medyo curly hair na di naman kahabaan, sakto lang sa mukha niya, tan, hindi payat at di mataba, tama lang kumbaga. He's wearing an old suit, parang formal kasi pero may pagka-leather yung tela (Ah, ewan, I'm not good in words, basta pang-oldies damit niya na di bagay sa physical look niya) at I guess nasa 20-24 lang siya. May ginagawa siyang kakaiba lagi. Everytime na makikita ko siya, may hawak siyang pula, itim at puting sinulid at pulang bola na maliit. One time kasi nakita ko siya sa malapitan, mga 3-5 steps away lang.Yung sinasabi kong ginagawa niya ay ganito, itatali niya yung pulang maliit na bola sa isa sa sinulid niya, nakailang paikot ikot din siya nun para matali ng maayos. Nung nakita ko siya ng malapitan, red yung ginamit niyang sinulid tapos parang binato niya sa lalaki yung sinulid na may bola. Pero nagulat ako kasi parang yoyo ang dating nun. Bumalik kasi sa kanya tapos parang may elasticity mov't. ganun. Basta feeling ko may pagka-goma yung sinulid. Nakita ko mismo na tinamaan yung lalaki pero hindi siya nasaktan o talagang di niya naramdaman? Hindi kasi siya lumingon eh, so I assume 'di niya talaga napansin na may tumamang bola sa balikat niya. Pagkatapos nun, inobserbahan ko yung lalaki na tinamaan, medyo nakalayo na yung lalaki nung makita kong nakabangga siya ng babae na tingin ko ka-edad niya din. Pero ang naka-caught ng attention ko ay ang paghawak ng babae sa balikat nung lalaki kung saan siya tinamaan ng bola, na-out of balance kasi yung babae. Nagalit nga yung babae eh tapos lumakad agad yung girl. Something came up into my mind. Si Mr. Old soul, may connection siya sa nangyari dun sa lalaki. You can't blame me kung ganito ako mag-isip kasi naman medyo weird si Mr. Old soul and besides I've never seen him before. Akala ko nga dati nagsstroll lang sa school kaso almost 2 weeks ko na siyang nakikita including today.The day after tomorrow I saw Mr. Old soul again, tumitingin tingin siya sa mga dumadaan. Feeling ko nga something is off, ramdam kong may hinihintay siya kaya I stayed a little longer sa upuan. Medyo sa side niya, mga 5-8 steps away lang. Hindi ko alam if alam ba niyang inoobserbahan ko siya. Kasi halos kada nandito siya sa school, nakikita ko siya. After a while may dumating na matandang babae, agad niyang tinali yung pulang bola sa itim na sinulid tapos ibinato sa matanda at as usual bumalik sa kanya na parang yoyo. After nun wala na. Hindi uli naramdaman nung tinamaan kaya umalis na ko. After ng class ko, mag-isa akong umuwi, hindi muna ako sumabay sa mga friends ko.On my way home, nakita kong may ambulansya so tumabi ako, sa road ako naglalakad. Malapit kasi sa hospital yung condo namin kaso traffic kaya di makausad yung ambulansiya. I'm silently praying that time na sana kayanin ng nadisgrasya kasi medyo malayo pa ang hospital, tapos ako naman patuloy lang sa paglalakad. Hanggang sa malapit na ko sa dadaanan kong hospital, timing din pagdating nung ambulansiya at bumukas yung back door. I was so sure na nanlamig ako nung makita ko yung matandang babae na duguan. Siya yun eh. Yung tinamaan ng itim na sinulid. I'm certain of that. Kinabahan ako kasi feeling ko tama ang hinala ko kay Mr. Old soul. Para siyang pinaghalong katauhan ni Kupido at Kamatayan.Ps. Hindi ko alam kung anong nangyari kay lola nun' kasi agad siyang pinasok sa hospital. Pero based sa pagkakakita ko maraming nawala na dugo sa kanya, halos maging pula na kasi yung suot niyang dirty white na damit. At si kuyang tinamaan ng pulang sinulid nakita ko after a week or weeks? Magkaholding hands na sila nung babaeng nabangga niya dati.PPS. Hanggang ngayon nakikita ko pa rin si Mr Old soul sa campus, pero hindi ko na masyadong sinusubaybayan ang galaw nun' busy na kasi ako. School works and stuff. Hindi ko alam kung malisyosa lang ba ako or what. Next time talaga lalapitan ko na yang si Mr. Old soul, nabobother ako eh, pero hindi ko maalis yung kaba ko kapag nakikita ko siya. Iba yung aura niya eh.PPPS. Mahaba ang kwento at alam kong di naman siya nakakatakot. Medyo na-weirduhan lang ako. Ako lang kasi ang nakakakita sa kanya. Saka ko na ikkwento kung paano ko nasabi yan. Tingin ko di naman siya ghost eh. Ugh. Basta, ang hirap i-explain. Thanks readers.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now