Impostor (Parts 1-3)

23 1 0
                                    


Part 1
Notice!: Bago ko po simulan ang kwento. Lilinawon ko lang po sa lahat ng mambabasa dito sa Spookify. HINDI ko po pag aari ang mga kwentong ibinahagi sa page na to. Inirecord ko lang po ito sa cellphone bawat taong nakakasalamuha ko. Bakit nila ako nakilala? Isa po akong sender dati sa page at ngayo'y todo effort na maibahagi ang kanilang kwento. TAGASULAT AT TAGA SEND lang po ako at hindi ako gumagawa nang anumang kwentong tumatakbo sa isipan ko. Ang bawat kwento na ibinahagi ko ay naka base na po ito sa may ari ng kwento kung totoo ba ito o hindi. Kung ang kwento'y hindi makatotohanan sa inyong opinion. Walang sapilitan. Salamat sa pag unawa.•Starting Voice Record•Unang-una sa lahat nais ko po ibahagi ang kwentong hindi maipaliwanag nang iilan, ngunit nag de'depende rin ito sa may mga karanasan. Tawagin nyo nalang ako sa pangalang Bruce. Nakatira sa sang probinsya sa Mindanao at kasalukuyang nag tatrabaho bilang barista dito sa Visayas. Ibinahagi ko po itong kwento ko sa sender na nakilala ko po sa page na to dahil alam ko na makikinig sya sakin kahit na sa mata't taenga ng ibang tao'y napaka imposible ito. Nagsimula ito noong dise-sais anyos palang ako. Tatlo kaming magkakapatid na parehas nag aaral sa isang pribadong eskwelahan. Medyo mahirap ang buhay dahil habal driver ang Tatay ko habang labandera ang Nanay ko. Nakatira kami sa medyo bundok at liblib na lugar kung saan distansya masyado ang mga kapitbahay. Mabuti na rin iyon dahil tahimik ang paligid at presko ang hangin. Linggo nun, 4PM umuwi si Tatay ng maaga galing sa pamamasada dahil isasama nya daw ako sa pangangahoy upang may pang saing at pang luto kami ng ulam mamayang gabi. Ako ang panganay kaya naman ako lagi ang isinasama ni Tatay sa pangangahoy. Itong si Tatay naman bago kami pupunta ng gubat nag dasal pa ito at pagkatapos nag pahid ng kaunting lana sa hintuturo nya at dinilaan ito gayundin ako. Proteksyon daw ito laban sa mga masasamang elemento sa gubat. "Jose? Wag kayong magpa gabi ah? Tsaka, ikaw naman Bruce wag kang masyadong lalayo sa Tatay mo ahh baka maligaw kayo sa gubat. Mahirap na baka kung ano mangyayari sa iyo anak." Tanging bilin naman ni Nanay sa amin kay Tatay bago umalis. Naglakad din kami ng ilang metro patungo sa gubat pagkatapos ay nagsimula nang mangahoy. Di kalayuan sa pinagkunan namin ng kahoy may natanaw akong napakalaking puno ng balete. Kakaiba ang itchura at mukhang tahimik masyado ang lugar na iyon. Ibinaling ko ang tingin ko at nag patuloy sa pangangahoy. Habang nangangahoy kami, ako naman ay pasimpleng kumakanta lang para hindi masyadong nakaka bagot. Makalipas ang ilang minuto nag pasya si Tatay na pumunta doon sa gilid ng punong Balete. "Bruce jan kalang muna ahh, putul-putulin mo tong mga naipon kong kahoy at pagkatapos pag tagkusin mo ha? Saglit lang ako dahil kukuha lang ako ng balat ng balete." Sabi ni itay sakin. "Opo sge tay, bilisan mo lang dahil malapit na mag dilim, inaantay na tayo ni Nanay sa bahay." Sagot ko kay Tatay. Nang matapos ko lahat ng ipinagawa ni Tatay ay umupo ako at nag hintay sa kanya. "Nasan na kaya si Tatay ba't ang tagal nun." Bulong ko sa sarili ko habang pasilip-silip ako sa mga damuhan at kakahuyan patungo sa punong Balete. Lumalamig na ang hangin, malapit nang mag dilim ang paligid kaya nag pasya ako na sumigaw at tawagin si Tatay. Sigaw ako ng sigaw ngunit wala akong narinig na maski isang sagot. Kaya naman sa inip ko pinuntahan ko sya. Nang maka rating ako doon naabutan ko si Tatay na naka tayo't naka talikod habang tinitingala ang punong balete. "Tay? Anong ginagawa mo jan tay? Malapit ng mag dilim nukaba tara na umalis na tayo dito." Ani ko sa kanya. "Ang gandang pagmasdan ang punong ito, diba iho?" Sabi nya sa akin habang naka talikod sya. "Dalian na natin tay nagugutom na ako." Sagot ko naman sa kanya. Pagkatapos nun ay humarap na si Tatay sakin at ngumiti. Ngunit nakakapanibago sakin ang ngiti nya at parang may nararamdaman akong hindi maganda. "Pasensya kana anak, tara na't pati ako'y nagugutom narin." Ani ni Tatay sakin at nag simula na kaming mag lakad. Pagkatapos ay pinulot namin ang mga kahoy na naipon namin. "Anak? Mauna kana, hindi ko na matandaan ang daan pauwi eh. Masyado nang matanda ang Tatay mo't makakalimutin na." Sabi ni itay sakin habang ako'y nagtataka dahil ilang taon na syang pabalik-balik dito sa gubat na to. Sa kalagitnaan ng aming paglalakad tinanong ko sya. "Tay? Akala ko po ba kukuha lang kayo ng balat ng balete. Bat nung maabutan ko kayo naka tunganga lang kayo at wala kayong bitbit na balat mula sa puno ng balete?" Sumagot naman sya agad ng "Nag bago ang isip ko tsaka, ngayon ko lang napagtanto na maganda palang pag masdan ang punong iyon." Ani nya sakin. "Grabi ka naman tay halos abutin tayo ng dilim. Kung hindi kita pinuntahan mag damag kang naka titig lang dun." Biro ko sa kanya. Hindi sya sumagot at nag patuloy kami sa pag lalakad. Nang makadaan kami sa harap ng bahay nila Mang Carding sumigaw naman si Mang Carding kay Tatay na "Oh Jose! Kayo pala yan. Ginabi kayo ah." Habang sumagot naman ako na "Si Tatay po kase eh ang tagal nya." Sagot ko habang si Tatay tinitigan lang nya si Mang Carding at hindi sumagot. Isa rin ito sa mga dahilan bakit ako nagtataka kay Tatay dahil noon mas nauuna pang bumati si Tatay sa mga kapitbahay at minsan nakikipag kwentuhan pa ito. Pag dating namin sa bahay nag saing agad at nag luto si Nanay. "Ginabi kayo Jose ah. Akala ko tuloy napano na kayo sa daan." Ani ni Nanay kay Tatay. Ngunit walang kibo si Tatay at deretchong pumasok sa loob ng kwarto at sinara ang pintuan. Tinanong ako ni Nanay kung anong nangyari kay Tatay. Sabi ko wala naman, naghanap lang kami ng kahoy at medyo natagalan. Ngunit hindi ko maalis sa isipan ko na kakaiba ang ikinikilos nya. Nang kumain kami ng hapunan tahimik lang sya. Tapos kapag tinatanong sya ni Nanay palagi lang syang tumatango at sumasagot ng "Oo siguro." Na dati-rati'y palaging nakangiti si Tatay at nag bibiro pa sa hapag kainan. Napansin ko na nawawala sa kaliwang kamay nya ang pilak na singsing na palaging sinusuot nya. Importante sa kanya yun, halos mabaliw pa nga sya nung minsay nawala ito sa kamay nya dahil nakalimutan nya lang pala sa CR. Alas dose ng hating gabi. Bigla akong nagising dahil nay narinig akong manok na parang hinuli. Pag labas ko sa kwarto dumeretcho agad ako sa sala namin. Nakakapag taka dahil naka bukas ang pintuan. Nang lumabas ako wala namang tao. Wala naman ding nagalaw na mga gamit namin sa sala kung sakaling may magnanakaw na nakapasok. Pagkatapos kong isinara ang pintuan may parang kung ano akong naririnig sa likod ng bahay. Kaya naman binuksan ko ulit ang pintuan ng dahan-dahan at nag punta sa likod ng bahay para tignan kung ano ang nangyayari. Pag silip ko nagulat ako dahil giniliitan ng leeg ni Tatay ang alagang manok nya na panabong. Pagkatapos ay itinapon ang ulo't sinipsip ang dugo nito na para bang nauuhaw. Nagdadalawang isip ako't natatakot na tawagin si Tatay. Maya-maya pa may naramandaman ako ng napakaginaw na hangin mula sa batok ko, na parang may tao sa likuran ko na sya ring ikinatakot ko. Pag lingon ko si Julius pala, kapatid kong lalake. "Kuya anong ginagawa mo dito sa labas?" Bulong nya sakin. "Eh ikaw bat nandito ka?" Sagot ko sa kanya. "Nakita kase kitang bumangon sa higaan at lumabas kaya sinundan kita." Sagot naman ni Julius sakin. Nang sinilip ko ulit kung nasaan si Tatay nagulat ako dahil nawala ito. Bigla kaming nakarinig ng boses ni itay mula sa loob ng bahay at tinawag kami na para bang galit na galit.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now