Part 1
Hi! Hindi ko na muna isheshare mga creepy experiences namin ni Kristel noon, ngayon kasi di na kami masyado nagkakasama kasi busy nga, sa room na lang kami nagkikita.
Kwento ko na lang sa inyo yung mga naging confession sa akin ng pinsan ko bago sya namatay. Mayroon akong pinsan, let's name him Marvin. Patay na sya ngayon pero ako ung pinagkakatiwalaan nya sa mga sekreto nya na sobrang nakakatakot at nakababahala (pagpasensyahan nyo po ang mga kasalanan nya, pinagbayaran nya yon sa kulungan bago sya namatay). Mula pagkabata kasama ko na si Marvin, mas bata lang sya saken ng isang taon. Ako nagpatuloy mag-aral hanggang ngayon tapos sya tumigil nung grade 7 palang sya at ang malala ay makalipas ang limang taon, naging drug addict sya, marijuana, shabu tapos nagnanakaw din sya, holdup, akyat bahay, snatch at marami pang uri ng pagnanakaw. (Hihimay himayin natin ang kwento ng pinsan ko)
Bata palang kami nakakakita na talaga siya ng ibat ibang uri ng elemento, engkantos at mga kaluluwa.
Una kong ikukwento ay noong 2010, grade 5 ako tapos grade 4 sya. Dahil mga bata pa kame, hilig namin ang magtagu-taguan ng gabi na. mga 7pm hanggang 10pm kami naglalaro pa rin eh. Siguro nasa alas otso na nun ng gabi. Nagtatagutaguan kami, takbuhan kami papunta sa bundok sa amin, don kasi maganda magtago puro damo, tapos magkasama kami ni Marvin na nagtatago sa damo tapos magkatabi kami nun. Tatawa tawa pa kami nun ng bigla nya akong sikuhin.
"Wag mo nga ko kalabitin!" sigaw nya saken.
Tumawa lang ako nun sabay sabi, "di kita kinakalabit jan baliw!" sabi ko naman, hindi ko talaga sya kinalabit, yung likod namin puro damo lang talaga kaya sinong kakalabit sa kanya.
"isang kalabit pa *roarzen* susuntukin na talaga kita!" binunggo nya pa ko nun ng braso nya.
Naiiyak na ko nun kasi bat nya ba ko pinagbibintangan eh hindi naman ako yung nangangalabit sa kanya. Kinakabahan na ren ako nun kasi baka isipin nya tinatakot ko sya pero hindi talaga.
"Hindi nga kita kinakalabit." depensa ko pa.
"Edi sino pala!?" sigaw nya.
"Ewan ko, katabi mo na nga ako eh, pano kita makakalabet?" tanong ko, mukhang naniwala naman sya nun kaya nanatili na lang kameng tahimik at nakatago.
"Tangina may kumalabit na naman saken!" siniksik nya na ko nun kahit sya takot na takot na ren hanggang sa may naramdaman ako na may kumalabet din saken.
Napatayo ako nun kaya ako ang nataya, naglabasan na kami tapos biglang bumulong sakin si Marvin.
"Insan alam ko na kung sino ang kumalabit saten kanina." bulong nya habang naglalakad kami.
"sino?"
"Yung mga duwende, kaya nila tayo kinakalabet kasi natatamaan ko kanina yung bahay nila. buti na lang hindi ko nadurog kasi grabe daw yung mga igaganti nila sa atin pag nagkataon." paliwag nya saken.
nagkauwian na kami nun tapos di na ko naging taya. Matapos yung gabing yun, don na nagsimula yung kamalasan na dumating sa buhay ni Marvin.
Sunod na nangyari, kinwento nya lang din to saken. Tungkol sa mama nya, lima kasi silang magkakapatid at magkakaiba ng tatay, may kano, may indian, may hapon at 2 pinoy at isa sya sa pinoy ang tatay, yung kapatid nya na lalaki rin kamukhang kamukha nya pero di sila kambal, ang pinagkaiba lang ay yung kilay nila, dugsong na dusgong kilay ng kapatid nya habang si Marvin ay manipis ang kilay. (pangatlo sya sa magkakapatid).
Yung mama nila Marvin ay kilalang pokpok (sorry sa term) sa barangay namen kase sa bar sya nagtatrabaho tapos may mga lalaki sya palagi kaya ibat iba tatay ng anak nya. Nahuli ang mama nila Marvin noong 2012 dahil sa drugs. Kaya nakulong. Hindi nya kilala ang tatay nila kaya sa lola namen sila tumira. Doon nagstart pagiging rebelde nya sa lolo't lola namen. At the age of 12 natuto na sya magyosi at mag-inom, natutunan nya ren magsinghot ng rugby pati na rin marijuana. Naging bully din sya sa school at palaging pinapatawag lolot lola namen sa school. Noong panahon na yon mayron syang binubully na kaklase nya, same school kame kaya nakikita ko sya minsan. Kilala ko ung binubully nya, pangalanan nating Jomar. Binubugbog nya raw si Jomar non kapag di sya binibigyan ng pero o ng baon. Sinaksak nya rin ng ballpen si Jomar non sa pisngi nung hindi sya pinakopya sa isang subject (kumalat to sa school namen noon) tapos pinatawag sya sa school, nakick out sya non kaya galet na galet sya sa nagreklamo na magulang ni Jomar. Gabing gabi daw non ay pumunta sya sa bahay nila Jomar at nagtangka syang nakawan ito. Nakanakaw daw sya ng cellphone na binenta nya naman para ipangsugal at ipangmarijuana. High na high daw sya non kaya sinunog nya yung bahay nila Jomar. Namatay si Jomar habang kritikal ang ama niya. Nung gabing yon may nakakita kay Marvin na naghagis ng bote na may gas at apoy sa bahay nila Jomar kaya hinabol sya ng mga tao, hindi naman nakita ang mukha nya non kasi tumalon sya sa sapa para magtago. nabagok daw ang ulo nya non tapos nahimatay sya, nagising nalang daw sya ay umaga na. Doon daw mas lumala yung mga nakikita nya, marami na syang nakita na mga kaluluwa. Nakita nya raw ang kaluluwa ni Jomar na lapnos ang balat at buong mukha habang umiiyak na palaging nakasunod sa kanya. Naririndi daw sya sa boses ni Jomar pero di nya pinapansen. Masama daw ang tingin sa kanya ni Jomar at pilit nya lang daw yun isinawalangbahala. Nagtransfer sya ng school pero hindi daw natigil ang bisyo nya lalo na ang pag akyat bahay at pagnanakaw. Meron daw syang naging nga kaibigan na masasabi nyang naging pamilya nya kumbaga frat. Anim silang myembro at lahat sila ay may sunog ng yosi sa likod ng tenga bilang tanda daw ng tropahan nila. 2013 nun grade 6 pa rin sya dahil pahinto hinto tapos nakikick out palage, meron silang malaking bahay na ninakawan, nakita sila ng isang katulong kaya naman sinaksak ito ng isa nyang kasama (pangalanan nating Joji), si Joji ang pinakamatanda sa kanila kaya matapang kasi madami na rin daw ang napatay nun. Mula noon, hindi na lang si Jomar ang nakikita nya maging yung katulong na pinatay ni Joji, ang kaibahan lang ay nakasampa sa likod ni Joji yung parang bulto o hubog ng katawan ng kaluluwa ng napatay ni Joji na katulong. Nakatitig lang daw yun kay Joji na parang walang laban. Takot na takot daw sya nun kasi kahet saan sya tumingen ay palagi syang nakakakita ng kaluluwa. Di daw sya non pinapatulog at halos mabaliw na sya. Kaya lagi daw syang nagmamarijuana para maging high at mawalan ng pakealam sa lahat.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...