Orasyon Version 2.0 (Parts 1-4)

130 3 0
                                    


Part 1

Hello spookify, Pangalawang story kuna po to sana ma post ulit, i hope magustuhan niyo ito guys. Dahil may nabasa ako tungkol sa orasyon gusto kudin e share itong sakin. Since di kupa na try yung sakin oo meron ako, merong akong 6 na orasyon pero di kupo na try. So kay tatay lang muna yung e kukwento ko, yung mga experience niya at yung mga kweninto din sakanya. Hindi ako masyado magaling sa pagsasalaysay sorry in advance kung may mga mali²,Ito na.

Kwento ito ni tatay ko nung sa bundok pa sila nakatira at sa panahon nato wala pa siyang alam sa mga orasyon. Nung nasa bukid padaw sila, nagkita kita at nag inuman yung lolo ni tatay na si Jon at yung  kakilala ng lolo niya na si lolo Ernesto,(di nila mga totoong pangalan), At nandun din yung mga iba pang kakilala nila. Dumayo para mag inuman.

Habang nag iinuman at medyo lasing na, si tatay nakikinig lang sa mga kwento ng mga lolo, usapan mga matatanda merong kababalaghan, Ligawan, at yun nga nasali sa usapan ang mga orasyon. Kumuha si lolo Ernesto ng papel at renulyo na parang sigarilyo, at pinasok sa bibig yung nerulyong papel. Syempre nagulat sila tatay, lolo Jon at ang iba pa nitong kainuman. Habang si lolo Ernesto parang may binubulong habang nasa bibig yung papel, then after ng pagbulong nilabas niya yung papel at naging pera ito. Kaya nagtawanan sila at namangha sila sa kainuman nila na si lolo Ernesto. Si tatay manghang mangha sa ginawa ni Lolo Ernesto, at sunod nitong ginawa ay nagpakuha ng panghuli ng isda. Nilagyan ng saging yung parang ginawang paen at hinagis sa labas ng bahay sa balkunahi (take note nasa bukid sila kaya walang dagat dun). Maya maya ay hinila na ito ni lolo Ernesto at may huli itong malaking isda. Kaya ang mga nakakita kasama na si tatay at lolo jon ay gulat na gulat kasi buhay pa yung isda. Naparang nasa tabi lang sila ng dagat(Hanip ang galawan ni lolo Ernesto ). At pinaluto ito sa asawa ni lolo jon. Manghang mangha sila sa mga nangyari, si tatay ko titig na titig sa nangyari. Hindi daw siya makapaniwala sa mga nasaksihan. At yung nga mga ilang minuto pulutan na nila yung isda na huli ni lolo Ernesto, at yung pera naging papel ulit. Kasunod na ginawa ni lolo Ernesto ay kumuha ulit ng papel nerulyo nanaman at bumulong ulit. This time naging sigarilyo na ito at parang di ito nauubos. Panong di nauubos? Isa lang yung papel pero halos lahat sila binigyan ng sigarilyo maliban nalang dun sa hindi nagsisigarilyo. Bumilib talaga yung mga kainuman ni lolo Ernesto dahil sa mga ginawa niya.

Maya maya ay dahil narin sa curiosity ng isa sa mga kainuman, nagtanong siya kung pano yung gawin or pano matutunan. Yung nga dahil hindi naman selfish si lolo Ernesto ay tinuro niya kung pano. Kaylangan mudaw mag "Tahas",  kung hindi niyo alam yung tahas ay papaliwanag ko sa inyo. Yun yung pupunta ka sa Cementeryo ng 9 na  Biyernes at 9 na Biyernes din sa Simbahan.  Pupunta ka dun bago mag 12 para maghanda ng 3 kandila, at bandang 11:30 pwede kana daw magsimula  sisindihan mo yung 3 kandila at ipapatong mudaw ito sa altar.  Bibigkasin mo ng 9 na beses kada isang orasyon na tinuro sayo, at dapat walang mali dahil pag nagkamali ka uulit kananaman sa simula. Example nagkamali ka sa pang 8 na bigkas mo ng orasyon, uulitin mo yun, magsisimula kananaman sa isa. At talagang magkakamali ka daw talaga sabi pa ni lolo Ernesto, kasi merong bubulong sayong kaluluwa. May kakalabit din, may maririnig karing boses ng kakilala mo. At dapat di mulang sila pansinin kasi yung daw yung pagsubok. Dapat kayanin mo na hindi lumingon at magfocus lang sa pagbigkas ng mga salita.
Para matapos mo lahat ng hindi pa nag 1:00am or bago maubos yung kandila. Kasi pag umabot na ng 1:00am ay wala nayung epekto at ganon din pag naubos  na ang kandila. At kapag natapos muna daw yung pagbigkas lahat ng orasyon mo  maglalakad kadaw ng diretso pauwi. Bawal kang lumingon pabalik kahit may tumawag pa sa pangalan mo na kilala mo kasi yung nga daw yung pagsubok.

May manggagaya sa mga kakilala mo at yun ang gagamitin para madistrack at pigilan ka sa ginagawa mo(imagine guys lagpas 12midnight na tapos may tatawag pa ng pangalan mo ano kaya feeling nun). Hindi kadaw lilingon at hindi ka makikipag usap kahit may kumausap sayo, hanggang makauwi ka sa bahay. Natakot sila sa sinabi ni Lolo Ernesto, dahil syempre sa Cementeryo at simbahan gagawin, may mga kaluluwa pa na magpaparamdam at ang malupit is 12midnight pa talaga mga zer(Ano kaya?). At natapos yung inuman nila lolo Ernesto at lolo Jon, umuwi na sila kasi mag gagabe na, Tumatak sa isip ni tatay yung mga narinig at nangyari nung araw nayun.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now