Krayola ni Aubrey (Parts 1-5)

119 6 1
                                    

Krayola ni Aubrey (Parts 1-5)

Part 1

Alas kwatro ng hapon. Makulimlim ang kalangitan at dumadaplis ang malamig na simoy ng hangin sa baryo Manaog. Naglalaro ang mga bata ng iba't ibang laro. Makikita ang ilan na nililibang ang mga sarili sa pagpapalipad ng saranggola. Aliw na aliw naman ang ilang mga bata sa paglalaro ng mataya-taya. Ganito ang araw-aaw na pinagkakaabalahan ng mga musmos habang ang kanilang mga magulang ay nagtatrabaho ng pagsasaka sa bukid at pangingisda sa dagat. Lahat sila ay parehas ang takbo ng mga isip. Lahat sila maliban kay Aubrey.

Hindi nakikipaglaro si Aubrey sa kapwa niyang mga bata. Dahil dito, naging tampuhan siya ng tukso. Madalas siyang inaalaska na baliw sa kadahilanang madalas siyang makikitang nakikipag-usap sa kawalan. Ngunit, kung iisipin mo na baliw nga si Aubrey at napakamahiyain pa, ikaw ay nagkakamali. Nasa katinuan ang bata. Higit nga lang malawak ang kaniyang kaisipan at espasyo na kaniyang nilalaruan. Marunong din makipaglaro si Aubrey.

Alas syete ng gabi at oras na upang maghapunan ang pamilya. Inutusan si Aubrey ng kaniyang ina na si Marcela na bumili ng posporo na ipangsisindi nila sa gasera na tanging nagbibigay liwanag sa kanila pagsapit ng gabi. Wala silang sapat na pera upang makapagpakabit ng kuryente. Agad na sumunod sa utos ng ina si Aubrey. Habang naglalakad ay tinitingila ni Aubrey ang buwan at mga bituin na nagsisilbing liwanag sa kaniyang pagtahak sa daan. Iisang poste lamang ng ilaw ang nakatarak sa baryo upang pagsilbihan ang mga mamamayan dito. Narating niya na ang tindahan at agad binili ang posporo. Pauwi na si Aubrey sa kanilang tahanan ng makilala niya ang una niyang kalaro.

Sa kaniyang paglalakad ay may sumitsit sa kaniya. "Pst, Pst, laro".Nilingon ni Aubrey kung sino ang tumatawag sa kaniya ngunit wala siyang nakita. " Sino ka at bakit hindi ka lumabas". Kalmado lang siya ngunit kinakabahan na. Panandalian ay nagkaroon ng katahimikan. Hindi makabasag pinggan. Pinakikiramdaman ni Aubrey ang kaniyang paligid. Napakalamig. Anumang oras ay handa siyang tumakbo. Maya-maya pa ay muling may nagsalita. "Takbo, Aubrey, Ako ang taya". Biglang kumaripas ng takbo si Aubrey. Halos magkanda-dapa na siya sa pagtakbo. Huminto siya sa may ilaw ng poste kung saan higit ang liwanag. Hingal na hingal at maputla siya. Sa pagkakataon na ito ay nagpapasalamat siya na hindi siya inabutan ng kung sino man ang humahabol sa kaniya. Naging kalmado na ang kaniyang pakiramdam. Subalit, sa ilang saglit ay babalik ang takot.

Nakaramdamb siya ng init. Napakainit na pakiramdam. Tumatayo rin ang kaniyang balahibo sa hindi malaman na dahilan. Nilingon niya ang kaniyang paligid. Sa taas, kaliwa, kanan at baba. Nang tignan niya ang kaniyang likod ay nagkaroon siya ng pagkalito. Wala siyang anino. Tumingin siya sa harap niya ngunit wala rin siyang anino. Saglit lang ay biglang may humagip nang napakabilis sa kaniyang gilid na isang anino na parang nakikipagunahan sa kaniya sa pagtakbo. "Taya ka na, Aubrey."

Part 2

Katorse anyos na ngayon si Aubrey. Kasalukuyan siyang nag-aaral sa sekondaryang paaralan ng Manaog. Tulad ng dati, tahimik pa rin siya at hilig mapag-isa. Bakasyon ng mga mag-aaral ngayon. Si Aubrey, abala sa gawaing bahay. Tumutulong siya sa kaniyang ina sa paglilinis ng bahay bago pumunta sa bukid upang magtanim ng palay. Pagkatapos, dinadalhan niya naman ng pagkain ang kaniyang ama na nangingisda. Araw-araw itong gawain ng dalaga upang makatulong sa magulang. Araw ng linggo ay nagtungo sa bayan si Aubrey upang magsimba. Sa kapitolyo ng San Isidro siya nagtungo.

Maganda ang mensahe ipinapangaral ng pari sa araw na ito. "Dapat kayong sumunod sa inyong mga magulang. Ang pagsunod ay repleksyon ng pagiging magalang at mapagmahal". Sabi ni father Bryan. Pumapasok ang lahat ng salita sa puso at isipan ni Aubrey. Laking pasalamat niyang isa siyang mabuting anak. Natapos na ang seremonya ng pari at nagsilabasan na ang mga tao. Pinili ni Aubrey na manatili panandalian upang magdasal.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now