My Adopted Daughter (Parts 4-7)

50 4 0
                                    


Part 4

I just want to clarify if ever may naguguluhan. Magkaiba po si Cora at yung childhood bestfriend ko. I consider Cora as my bestfriend din before dahil mabuti naman siyang kaibigan that time. So, bukod sa family ko, alam ng childhood bestfriend ko yung tungkol kay Celes. Since napakilala ko na si Cora, this is the continuation of My Adopted Daughter.–––––Tanghali nang bumaba si Celes habang umiiyak, mukhang nagising siya. Nilapitan ko siya agad at pinatahan. Pinaghanda ko si Flor ng pagkain para makakain na ng tanghalian ang anak ko. Nakayakap lang siya sakin habang walang tigil na umiiyak. Nang mafeel kong kalmado na siya, I took the chance to asked if what's wrong. Dahil nga nasasanay na ako sa kanya, na madalas ay gumigising siya tapos umiiyak alam kong galing siya sa masamang panaginip. "Tell me, anak. What's wrong?" Lumingon lingon siya sa bahay na parang may hinahanap, tapos humihibe na ulit siya. "Oh, don't cry na. What's wrong?" I asked her again. "I have a dream, there's a mad man daw and then he threw all the things inside this house. I don't know him, mommy. I can't saw his face. But I know he's angry po." Niyakap ko siya at pinapakalma, "It's okay. Don't mind it, huh." Pang-aalo ko sa kanya. Nang kinahapunan, dumating ang nanay ni Flor kasama ang bunso niyang kapatid. Pumupunta-punta talaga ang nanay niya para bisitahin si Flor, kilala rin kasi ng parents ko ang Lola niya. Nakiusap ang mama niya na kung pwede iwan lang saglit yung bunso niyang kapatid, bawal kasi dalhin sa public place ang mga bata. Matanda ng tatlong taon kay Celes ang kapatid niya, kaya hindi naman nagkakalayo ang edad ng dalawa. Nakaupo ako sa sofa, habang pinapanood ko sila na naglalaro sa ilalim ng hagdan. Doon kasi nakapwesto ang mga laruan ni Celes, mataas naman ang silong ng hagdan kaya safe naman kung tatayo sila. Naririnig ko yung usapan nila pero hindi ako nagpahalata na nakikinig ako. Sabi ng kapatid ni Flor, "Marami kang toys? Pareho tayo." Yung anak ko naman natutuwa kasi nga may kalaro siya, basta lahat ng laruan niya pinapakita niya sa kapatid ni Flor. Hanggang sa nagsalita naman siya, "Ikaw nagsira ng bed niyo? Nagplay ka ng apoy? My mommy told me bad yon." Halatang nagulat yung kapatid ni Flor sa tanong ng anak ko. "Your mommy is going to buy a new bed?" Maya maya lumapit si Celes sa kasambahay namin para siyang nanunumbong. "Ate, galit mommy mo? Nasira niya yung bed niyo, sinunog niya." Tumayo ako at kinuha ko si Celes, pinagsabihan ko siya na mali ang ginagawa niya. Nilibang ko naman yung kapatid ni Flor at nagpasensya ako sa kanya. Okay lang naman daw dahil totoo naman daw yung sinabi ni Celes, iyon daw kasi ang sabi ng nanay niya nang ibilin dito ang kapatid niya."Sinasadya mo ba na alamin yung ginawa niya, anak?" I asked Celes nang nakahiga na kami para matulog."No po. I saw it na lang when she hold my hand. Diba mommy sabi mo masama maglaro ng apoy?" Tumango ako, "Siya kasi nagplay nasunog yung bed nila.""Masama nga yon, anak. Pero sa susunod ha, kapag may humawak sayo o kaya naman hindi mo sinasadyang malaman ang tungkol sa isang tao, wag mo na lang sabihin. Diba secret natin yung powers mo?" Then she nodded.Nang hating gabing iyon bigla akong nagising nang dahil sa ingay, ingay na parang mga hinahagis na mga gamit. Ang unang pumasok sa isip ko, baka nalooban na kami. Naging sabay ang paglabas namin ni Flor mula sa kwarto. Bigla namang nawala ang malalakas na ingay na galing sa first floor. Pinabuksan ko kay Flor ang ilaw sa hagdan para tignan namin kung anong nangyayari. Pagkababa namin, nakita kong kalat ang mga gamit. Basag ang ilang figurines pati na rin ang mga vases ko. Naalala ko yung kwinento ni Celes tungkol sa panaginip niya. Hinalughog naman namin ang buong bahay pero wala naman kaming nakitang tao. Sarado at nakalock ang mga pinto, pinasilip ko rin kay Flor ang gate pero maging iyon ay nakalock rin. Hindi ako nagsasalita habang naglilinis kami ng mga kalat, iniisip ko kung paanong nagbagsakan at nabasag ang mga gamit ko kung lahat naman ng pinto ay nakalock. "Ano kaya ang nangyari, ate?" Alam kong natatakot si Flor nung oras na yon, hindi ko na lang ginatungan ang takot niya. Pinabalik ko na sa kanya ang mga ginamit naming panglinis. Nagulat ako nang biglang nagtatakbo palapit sa akin si Flor, nanginginig siya at namumutla. "Ano ba yon, Flor! Ako mamamatay sa nerbyos!" Tinuro-turo niya yung kusina, "Ate kasi may putik sa sahig!" Muntik na akong matawa dahil sa isip ko yun lang pala, pero umiiyak na siya tapos mahigpit yung kapit niya sa braso ko. "Wala yon kanina ate, nung sinilip ko yung pinto kanina walang putik don!" Naglakas loob akong tignan ang sinasabi ni Flor, pagpasok namin sa kusina gusto kong kurutin si Flor sa singit. Wala naman akong nakitang putik, sobrang linis ng sahig at maayos rin naman ang mga gamit. "Alam mo, naalingpungatan ka lang, Flor. Please lang, wag ka na dumagdag kay Celes. Baka mauna pa akong mabaliw kesa sa inyo." Talagang pinipilit ni Flor yung nakita niyang kalat na putik sa kusina. Hanggang sa pumanhik kami sa kwarto ay iyon pa rin ang sinasabi niya. Sa sobrang takot niya nga kinuha niya yung sofa bed sa kwarto niya at nakitulog sa kwarto namin. Naniniwala ako sa kanya, pero gusto kong alisin lahat sa isip ko. Hindi pwedeng ako pa ang manghihina, paano na lang kami? Pero parang hindi ko lubos maisip na kakayanin kong tumira ng matagal dito knowing na may iba pa kaming kasama. Tama na nga sakin yung laging kinakausap ni Celes, pero not that man na sinasabi ng anak ko. I know na panaginip lang niya lahat yon, pero ayokong kwestyunin ang kakayahan ng anak ko. Alam kong hindi lang yon basta panaginip lang.The next day, ipinatawag ko kay Flor yung albularyong ipinakilala niya sa akin. "Sabihin mo na hindi tungkol kay Celes ang sadya ko. Bilisan mo lang." Nakaupo kami mag-ina sa sala, kakaalis lang ni Flor kaya naiwan ang anak ko na mag-isang naglalaro sa tabi ko. Nagbbrowse lang ako sa social media, nang marinig ko na naman ang pagsasalita ni Celes. "Natakot si Ate Flor? Oh, right, she was the girl in my dream last time. Kawawa siya." Maya maya lang dumating na si Flor kasama si Mang Udoy, nakita kong nagkatinginan sila ni Celes pero agad rin naman na umiwas ang albularyo. Inalok ko siyang maupo at pina-exit ko muna yung dalawa. Ayokong marinig ni Celes ang paguusapan namin. Ayoko rin na isipin ni Mang Udoy na sinasamantala ko ang pagkakataon. Nagsimula na akong magkwento tungkol sa nangyari nung madaling araw, binanggit ko na rin na bago iyon ay nabanggit sakin ni Celes ang tungkol sa panaginip niya. "Tama siya. Akala niya tao ang lalaking iyon, pero hindi. Sa murang edad ng anak mo, hindi pa niya lubos na naiintindihan ang ibig sabihin ng mga nakikita niya sa panaginip niya. Sa tagal ko rito sa barangay na ito, dito na ako tumanda, Clara. Maaaring ang nakita niya sa panaginip niya ay ang lalaking anak ng may-ari nitong property na nabili niyo." Nanatili akong tahimik at nakinig sa albularyo, "Tulad ng sinabi ko nung una, hindi ko matutulungan ang anak mo sa kakayahang taglay niya. Iba-iba ng kapasidad ang bawat taong may kanya-kanyang kakayahan. Bata pa ang anak mo, marami pa siyang malalaman. Yakapin mo na lang kung anong mayroon sa kanya." Tumayo siya at nilapitan ako, nilahad niya sa ulo ko ang palad niya. Ilang segundo ay lumayo na siya sakin, "Maaari mong ibahin ang pwesto ng tulugan ng iyong anak. Pero hindi ako nakasisiguro na mababawasan ang mga panaginip niya." Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate, pero merong bumabagabag sa isip ko. Habang nagluluto si Flor ay hinihintay namin siyang matapos. Naalala ko ang sinabi ni Celes bago sila dumating. "Celes, ano yung sabi mo kanina about kay ate Flor? Kawawa siya?" "Kawawa siya sa panaginip ko mommy, kasi takot siya." Nakahinga ako ng maluwang. Akala ko kung ano na naman ang napanaginipan niya. Hindi pa rin kasi mawala sa isip ko ang sinabi ni Mang Udoy tungkol sa bahay na ito. Ang alam ko talaga, pribado ang property na ito. Alam kong may pamilyang pinanggalingan ito pero hindi naman nakarating sakin ang kwento tungkol sa lupain na to. I'm planning na magtanong-tanong sa mga residente dito kung anong kwento ng property na ito. Nacurious ako sa lalaking napanaginipan ni Celes. Tuesday morning, ito yung time na sobrang busy ko umagang-umaga pa lang. Nakapwesto ako sa table malapit sa sala, habang nandon naman sila Flor at Celes na naglalaro. I don't mind them as long as nahahagip pa rin ng mga mata ko ang anak ko. So here it goes, sumakit yung balakang ko dahil sa ilang oras kong pag-upo. Tumayo ako at lumabas ng bahay hindi naman totally lumabas ng gate, hanggang veranda lang. Mga ilang minuto pa lang ako na nasa labas, stretch stretch lang ganon. May matandang babae na biglang nagsalita mula sa labas ng gate. May dala siyang malaking plastic na puro mga dried foods ang laman. Sabi niya baka gusto ko raw bumili, fresh ang mga tuyo at danggit na dala niya. Natuwa naman agad ako kasi namiss ko nga ang danggit ng Cebu. Pinatuloy ko siya pero hanggang sa bakuran lang. Nagchichikahan kami kung magkano ang ganitong kilo ganito ganyan, magkano ang kalahating kilo ganyan. Balak ko kasing padalhan parents ko sa Manila pati iba kong friends. Tinawag ko si Flor para kunin ang wallet ko, hindi ko naman napansin na pati anak ko pala tumayo sa pinto at nakisilip. Pero hindi naman siya lumabas talaga. Naging abala ako sa pagtingin-tingin ng mga danggit at tuyo. Meron pang dried mango. Napatigil ako kasi hindi na umiimik yung matanda, so pagtingin ko sa kanya sa bahay na siya nakatingin. Napatingin na rin ako sa tinitignan niya, tsaka ko lang narealize na nasa pinto ang anak ko. Nakaupo siya habang naglalaro ng barbie doll. I was little bit uneasy nang marinig ko na siyang nagsasalita na naman mag-isa. Timing naman na dumating na si Flor, I was trying my best to act normal as I can. "Pumasok na kayo sa loob." Utos ko kay Flor. Hinarap ko na yung matanda para makapagbayad na ako, pero ramdam ko yung parang there was something off. Siguro dahil may tinatago lang ako kaya ganon nafeel ko. Pero gulat na lang ako nung nagtanong siya, "Anak mo?"Nginitian ko siya tapos inabot ko yung bayad ko, "Opo." Kinuha ko na agad yung mga binili ko pagkaabot niya sakin, binitbit naman din niya ang mga dala niya. Hinatid ko siya hanggang sa labas ng gate, nang ila-lock ko na yung gate narinig ko na naman na nagsalita siya."Hindi mo siya totoong anak, hindi ba?" Hindi agad ako nakasagot dahil sa gulat. Dinaan ko na lang sa alanganing ngiti. Hindi ko alam paano ako magsasalita. "Palagi mo siyang iingatan. Mapalad ka at may anak kang katulad niya, pero hindi madali na magkaroon ng ganyang klaseng anak na may taglay na kakaibang kakayahan. Sana ay mas mapalad siyang sayo siya napunta." Tumingin siya ulit sa bahay namin, walang ibang tumatakbo sa isip ko kundi ang anak ko. "Malalaman rin niya ang buong katotohanan na hindi ikaw ang totoo niyang ina, kaya kung ako sayo, sabihin mo na sa kanya hangga't kaya pa niyang maintindihan. Dahil sa oras na siya mismo ang makaalam, hihilingin niyang mas mabuting ibalik mo siya sa totoo niyang magulang." "Hindi pa huli ang lahat, kaunti pa lang ang nalalaman niya."Pagbalik ko sa loob ng bahay ay agad kong kinausap si Celes. Pinipilit kong maging malumanay para mas maintindihan niyang hindi normal ang nagsasalita siya ng mag-isa. Lalo na kung may ibang makakakita. Ayokong pag-isipan siya ng ibang tao na kung anong masasamang bagay."I understand you, anak. Naniniwala si mommy sayo at gusto kong maintindihan mong hindi normal na makita ka ng ibang tao, na nagsasalita ka ng mag-isa. From now on, if there is someone na hindi alam ang status mo...please, be careful. Act normal."She said sorry and I hugged her. Alam kong kahit siya ay nahihirapan, mas dobleng hirap kesa sa hirap na nararamdaman ko. Hindi ko naman masisisi ang anak ko kung para sa kanya ay normal ang ginagawa niya. "It's okay, I understand. Don't do that again, okay?"Hindi naman ako dinalaw ng antok nung kinagabihan. Hindi ko alam kung ano na nga ba ang nalalaman ni Celes. Lalo na nang maalala kong may mga panaginip siya tungkol sa totoo niyang ina.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now