Apo ng Kapitan (Parts 1 & 2)

140 3 0
                                    

Apo ng Kapitan (Parts 1 & 2)

Part 1

Hello again spookify! Salamat pala sa lahat ng nagbasa ng kwento ko na playmate at as promised e kwewkwento ko naman sa inyo yung nangyaring kababalaghan sa lugar namin na hanggang ngayon ay hindi pa nasasagot.

Bali yung lugar namin ay napaka payapa at pinamumuno'an ito ni Kapitan Rose. kilala ang pamilya nila bilang isang masiyahin at mapagbigay na angkan, matulongin din sila sa kapwa kaya naman nakakasundo nila lahat ng tao sa lugar namin, at medyo konektado sila ni papa ko dahil pamangkin ni kapitan rose si papa. Maayos naman ang lahat sa lugar namin bago magkasakit ang ikawalang bunsong apo ni Kapitan. Tatlo ang apo nya, si James, joji, at gail. Si joji ang nagkasakit dahil dinapuan ito ng dengue at hindi na nila na agapan pa dahil kalimitan lang ang nakakasurvive sa sakit na yon at medyo mahina rin ang resistensya ni joji kaya di nakalaban. Pumanaw si joji sa edad na 12 at labis itong ikina luksa ng pamilya nila kapitan. Labis na naapektuhan si kapitan sa nangyari sa kanyang apo at ito'y nagdulot upang atakihin siya sa puso kaya dinala nila ito sa ospital kasama nila si papa habang ako naman ay sinamahan ko sila james at gail na magbantay sa bahay dahil maya maya pa ay darating na ang katawan ni joji galing punerarya. nasa loob lang kami ng bahay nun nag uusap usap tungkol sa mga nangyayari kung bakit parang sunod2 nakamalasan ang nagaganap. Sa kalagitnaan ng pag-uusap namin nila james at gail may narinig akong agos ng tubig na nanggagaling sa cr. "Gail may iba pa bang tao dito maliban satin?" Tanong ko. "Wala naman ces, bakit?" Sagot nya. "Sigurado ka? Di mo naririnig yun? Baka may nag cr tignan mo nga" sabi ko. "Anong baka mag nag cr e tayo nga lang tao dito sa loob kasi sila uncle nasa labas nag aantay sa kabaonv ni joji. Ano ba kasi yang pinagsasasabi mo ces" sabi nito. "Sigurado kayo di nyo talaga naririnig yun? Parang may gumagamit sa banyo, dinig na dinig ko yung agos ng tubig" sabi ko. "Tignan mo nga gail e katokin mo muna baka nga may nag cr" sabi ni james. pinuntahan nga ni gail sa cr eh wala naman daw katao tao tsaka bukas lang daw yung pinto pero nakabukas yung gripo dahilan upang mapuno yung baldi kaya agos ng agos yung tubig. "Wala naman tao dun nakabukas pa nga yung pintuan pero nakabukas nga lang yung gripo, ikaw ba nagbukas nun ha james?" Tanong ni gail. "Hindi ah bat ko naman iiwanang nakabukas yan, takot nga ako mabatokan ni papa tas iiwan iwanan ko yan nakabukas" sabi nito. Natigil yung pag uusap namin ng dumating na ang kabaong ni joji at tumulong na rin kami sa paglilinis upang ma ipwesto na nga ang kabaong. Ilang araw ang lumipas normal naman ang takbo ng naging burol ni joji at naka uwi na rin si kapitan. Ibang iba na ang itsura nito at nangangayayat at palaging tulala at di na makausap. Nasa kwarto lang siya palagi, nakahiga at minsan pay mga luha na tumutulo sa kanyang pisngi pero parang wala na syang emosyon, sobrang blanko na siya kung titignan. Kaya tinanong ko si ate ann na mama nila gail kung napano ba talaga si kapitan rose. "Ate Ann, ba't bo ganyan na si lola? Di na makausap tas palagi ng tulala para bang wala ng kabuhay buhay, pero minsan nakikita ko siyang umiiyak pero nakahiga parin siya tas ganyan parin yung reaksyon sa mukha nya, blanko" sabi ko. "e iha sabi kasi ng doctor ng nandun kami nga ilang araw ay yung lola mo raw is brain dead na, di nga namin maintindihan ng uncle ben at papa mo kung pano nangyari to sa kanya, naaawa nga ako sa kalagayan ni mama sinabayan pa ng pagkawala ni joji" sagot nito. "Kawawa naman si lola di niya rin siguro matanggap yung pagkawala ni joji". pagkatapos naming mag-usap ni ate ann ay pumunta na agad ako sa salas kung san ibinurol si joji para na rin makatulong ako sa pag aasikaso sa mga bisita. Hatid ng pagkain dito hatid ng pagkain doon, yan ang palagi kong ginagawa sa loob ng isang linggo. Matapos ang isang linggong pagburol kay joji ay ililibing na ito. Tanghali nun ng maghanda na ang lahat dahil araw na ng libing ni joji. Inilabas na yung kabaong nya sa may terrace malapit sa salas dahil abala yung mga tao sa kakaligpit ng mga dadalhing gamit para sa libing. Bagong dating lang ako nun tas tinitignan ko lang sila habang katabi ko naman yung kabaong ni joji. Maya maya pa ay natapos na rin silang lahat at nagmano na rin ako kay uncle ben (anak ni kapitan rose na pinsan ni papa) at kay ate ann. Kasakasama ko sina gail at james nun ng papalakad na sana kami papunta sa sasakyan upang mauna na dahil sobrang init ng tawagin ako ni uncle ben. "Iha salamat pala sa tulong ninyo ng papa mo ha" sabi nito. "Ah wala po yun uncle, masaya din kaming nakatulong po kami sa inyo" pabalik na sana ako ng sasakyan nun ng nagsilabasan na yung mga taohan ng punerarya dahil bubuhatin na nila yung kabaong at isasakay na. Nasa mga limang ka tao nun ang magbubuhat, tinignan lang sila. binuhat na nila ang kabaong pero laking gulat nila ay tila parang wala itong laman. Kaya binaba nila ito ulit at binuksan ngunit pagkatingin nila ay wala itong laman kaya nag panic na silang lahat dahil baka napagtrippan ng mga lasing yung bangkay ni joji. Boy1" sir, wala pong laman yun kabaong ng anak nyo" bungad nito. "Ha! Anong wala? Diba dito nyo lang sa labas to nilagay?" Tanong ni uncle ben. Boy1" opo dito lang e sino naman po yung kukuha sa bangkay e bangkay na yun". Sobrang pagtataka ang pumalibot sa aming lahat nun kung pano at sino ang kumuha sa bangkay ni joji ng may biglang lumapit na matandang babae sa amin na ngayon ko pa lang nakita. "iha may hinahanap ba kayo?" Tanong nito. "Ah opo yung bangkay kasi ng pinsan ko nawawala e kanina nandyan lang naman yun sa kabaong tsaka wala po akong nakitang kumuha" sagot ko. "Kung di ako nagkakamali ay baka yung pinsan mo na nawawala yung nakasalubong ko sa may puno, dun sa may malaking puno ng mangga, nakasuot ng barong at animo'y parang may sinusundan o tumatawag sa kanya" sabi nito. "Po? Nakakakita rin po kayo?" Tanong ko. "oo at alam ko na nakikita mo rin sila kaya bilisan mo na dahil kapag tuloyan na siyang nakuha ng nakatira doon at hindi nyo na siya mababawi" sambit nito. "ali ano po bang dapat naming gawin, tulongan nyo naman po kami o". "O sya mag dala kayo ng mga puting kandila at asin, sa bawat dadaanan nyo ay mag saboy kayo ng asin pati na rin sa puno na yon ay palibutan nyo ng napakaraming asin, magdala rin kayo ng mga bagay na gumagawa ng ingay katulad nalng ng mga torotot at drums. Basta mag ingay kayo ng mag ingay wag kayong titigil dahil ayaw ng elemento na nakatira diyan sa puno ng ingay kayo mag ingay lang kayo ng mag ingay at magdala na rin kayo ng albularyo. May oras pa kayo hanggang hating gabi upang gawin ito dahil kapag umabot na ito sa hatinggabi na mismog pagpatak ng alas dose ay mahihirapan na kayong kunin siya" sabi nito. Kaya nagtatatakbo na ako ng mabilis at hinanap ko sila uncle ben pati na rin si papa upang sabihin ang aking nalalaman ng makarating ako sa kinaruruonan nila ng bigla akong nahilo at para bang nasusuka. Kinausap nila ako kung anong nangyari pero tila para ang nauutal na parang may pumipigil sakin magsalita at sa awa ng diyos ay nakapagsalita na rin ako ng maayos at sinabi ko sa kanila lahat ng nalaman ko at humagolgol na sa iyak si ate ann (mama nila joji,james at gail) "bilisan nyo! Isama nyo lahat ng mga tao lalo na ang mga kalalakihan at magdala kayo ng maraming asin at mga bagay na nakakagawa ng ingay at mag tipon2 tayo dito sa loob ng 30 minutos" utos ni uncle ben. Iyak lng ako ng iyak nun kasi parang nagblu blurry yung paningin ko tas pikit ako ng pikit hanggang sa pagdilat ko may nakita akong isang babae na nakatingin sakin mula sa kalayuan. Nakatayo lng siya sa daan kung san papunta yung may malaking puno ng mangga, nakatingin sya sakin at tila ba'y parang mapupunit ang kanyang labi sa kay laki ng kanyang ngiti na tila abot hanggang tenga. Umiyak na ako lalo nun kasi sobrang takot na ako, nakayuko habang umiiyak sa may terrace nun malapit sa salas at may napansin ako habang umiiyak ako. May mga taong lumalabaa galing sa loob ng bahay, napakaputi nila at may magagarbong bestida, mahahaba ang buhok ng mga babae at para kang masisilaw sa sobrang liwanag ng kanilang kasuotang puti. Napakadami nila na lumalabas galing bahay, parang nag slow mo yung paligid ko. Tinignan ko lang sila habang naglalakad palabas na parang di nila alam na nakikita ko sila pero laking gulat ko ng makalabas na sila lahat at patungo sila sa daanan kung saan nandun yung malaking puno ng mangga ay lahat sila lumingon sa akin na tila ba'y gusto nila akong isama. At dun ko napagtanto na baka nga siguro sila yung kumuha kay joji at kailangan may gawin ako upang mabawi nami ang pinsan ko at kailangan kong lakasan ang loob ko dahil alam ko na ang mga nilalang na yun ay may pakay sakin at kailangan kong mag ingat. Kahit ano pa man yung pakay na yun ay kailangan ko itong malaman at kung bakit ako.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now