Daemon By My Side (Parts 1-3)

23 2 0
                                    


Part 1

WARNING! Mahaba po ito dahil sa detalyado ang pangyayari upang maiwasan ang mga tanong at pag dududa sa kwento.

NOTE! Dati po akong sender dito sa Spookify at nag palit ng Screen/Code name. Ang mga kwentong sinisend ko po dito ay galing po sa mga reader, relatives, kaibigan, at mga nakikilala. Layunin ko po na mag bigay sa inyo ng libang, aliw, ka mangha-mangha at di kapani-paniwalang storya. Lahat po tayo'y may kanya-kanyang storya sa buhay at ilan po dito ay marahil imposible, ngunit ito'y posible dahil hindi lahat ng buhay sa mundo ay alam at kilala natin ng lubos. Sana po ay pag tyagaan at wag nyo husgahan ang tauhan na mababasa sa kwento.

°Starting Voice Record °Tawagin nyo ako sa pangalang Miguel. Nakatira ako dati sa probinsya ng In*** ******* Oriental, Mindanao. Taong 2013, 1st year college pa ako noon at isa akong estudyanteng mataas ang pangarap sa sarili. Mahirap kase ang buhay noon. Tatay ko ay bus driver, Nanay ko naman naglalabada lang. Mahirap kami ngunit kahit ganun ay hindi naman ako nakaranas ng dalawang beses lang kumakain sa isang araw. Nagtitinda pa nga ako sa loob ng classroom ng yema't chicharon kahit college na. Di uso sakin ang salitang "Hiya" dahil unang-una sa lahat may dahilan ako kung bakit ginagawa ko to. Pangalawa ay dumidiskarte ako para may pang baon at pambayad sa mga kaunting bayarin sa skwelahan. Pangatlo, mas mabuting mag tinda keysa sa mag nakaw. Hindi naman kase ako kagaya ng iba na kahit hirap na hirap sa buhay umaasta pang may kaya kahit wala naman talaga. Ngunit dumating sa punto na, hindi na sasapat ang tinitinda ko. Naisipan kong mag hanap ng iba't-ibang sidelines. Pumasok ako bilang dishwasher sa isang karinderya, dispatcher, tinda ng c2, mani, itlog sigarilyo sa may bus terminal. Makaraan ang ilang araw na panininda ko sa bus terminal may nakilala akong mayamang lalake. May pumaradang magarang kotse sa gilid ng bus terminal at nag mamadali kaming puntahan ito para alokin ng mga paninda namin. Sa pagmamadali ko bigla akong nadapa at nalaglag ang mga paninda ko. Iba talaga pag pinoy, imbis na tulungan pinagtatawan. Kasalanan ko rin naman dahil ang tanga ko. Pinulot ko lahat ng paninda ko at pagkatapos ay tumayo ako at tumalikod para umupo ngunit tinawag ako ng kasamahan ko. "Miguel! Pinapapunta ka raw!" sigaw ng kasamahan ko. Ayoko sanang lumapit ngunit nakatingin sa akin yung lalaking nasa back seat ng sasakyan at mukhang inaantay ako. Nang maka lapit ako ay pinapasok ako sasakyan dala ang paninda ko. Nakakahiya dahil bukod sa amoy pawis ako, maalikabok ang damit ko at may galos pa sa tuhod. Nagmukha akong batang yagit sa harap ng isang mayaman. Binili nya lahat ng paninda ko kahit na ang ilan ay marumi na't hindi napapakinabangan. Inutusan ng lalaki yung driver nya na kunin lahat ng paninda ko at inilagay sa likod ng sasakyan. Tanong siya ng tanong sakin tungkol sa estado ng buhay ko, kung nag-aaral ba ako, taga saan ako, at kung ano pa. 

Habang nag uusap kami ay nagtungo kami sa mala palasyong bahay ng isang lalake. Pinapasok niya ako at pagkatapos ay tinawag niya ang isa sa katulong nya upang asikasuhin ako. Halos wala akong maisagot sa at tumatango lang ako sa bawat bilin niya sa akin. Nakapag tataka dahil hindi ko siya kilala ngunit napaka bait niya sakin. Iba talaga kapag papasok ka sa malaking bahay dahil halos ayaw mong umapak sa napaka kintab at ganda ng sahig at linis bawat sulok ng bahay. Sa loob ng isang pribadong silid ay pinapasok nya ako. Sa isang maliit mesa may nakalagay na masarap na pagkain. "Kumain ka muna dahil mukhang gutom ka." Sabi nung lalake. Ayoko sanang kainin dahil sa nakakahiya, ngunit mas nakakahiyang tangihan ang taong iyon dahil mukhang ayaw niyang tinatanggihan. Magkaharap kami at sa likod niya ay may nakatayong dalawang lalaki na naka tuxedo kabilang na ang driver niya. Nagkwentuhan kami habang kumakain ako hanggang sa inabot nya sakin kahon na naglalaman ng kalahating kilo ng shabu. Napatigil ako sa pagkain ko at pagkatapos ay nagtanong sa kanya kung para saan ito at kung bakit. Ibig niya akong gawing runner/pusher sa loob ng skwelahan dahil sa hindi halata at sa loob ng skwelahan ay tagapag tinda lang ako ng chicharon at yema. Hindi lang din sa skwelahan pati na sa terminal. "Binigyan kita ng opportunity na alam kong makakatulong ito sayo. Hindi ko hiniling na gamitin mo ito, ang gagawin mo lang ay ibenta ng hindi nahuhuli. At sayo ang kalahati ng bawat kilong mabebenta mo." Nagulat ako sa naging alok nya at pagkatapos ay umayaw ako. Mashadong delikado ang pinapagawa niya. Sa dinami-dami ng tao bakit ako ang napili niya na siya ring hindi ko maintindihan. Ngumiti lang siya, tumayo at tumalikod . Pagkatapos ay sinabi na "Bago ka umuwi, hinihiling ko na sana, mag bago ang isip mo. At kung ano ang nakita, narinig, at pinag-usapan natin ay sana nama'y hanggang dito lang. Mabait at matalino ka, sayang lang kung isang bala lang ang dahilan." ani nya sakin. Kinakabahan ako at pagkatapos ay nanginginig ang mga tuhod ko. Inihatid ako pauwi sakay ng kotse at pagkatapos ay may ipinasok na pera yung lalake sa bulsa ko. "Ser, wag na po, sapat na po yung binili nyo lahat ng paninda ko." ani ko sa kanya. "Tanggapin mo na, kaunting tulong yan." sabi ng lalake sa akin. Pag baba ko sa may highway ay nag tungo agad ako sa palengke. Bumili agad ako ng masasarap na ulam at isang sako ng bigas. Pagkarating ko sa bahay gulat nagulat si Nanay sakin dahil sa mga pinamili ko. Inabot ko pa sa kanya ang ilang pera at nag tira ako ng dalawang libo. Hindi ko na inisip kung ano at sino siya dahil mahalaga'y naka uwi ako ng ligtas. Lumipas ang ilang buwan ang swerte'y pinalitan ng malas. Biglaan ang pagkamatay ng Tatay ko dahil sa binangungot at hindi na ulit nagising. Sumunod naman na nagkasakit si inay dahil namaga ang likod nya dahil sa hindi niya pinupunasan ang pawis sa likod. Lubog sa utang dahil sa walang pambili ng gamot ni inay at wala na si Tatay. Pumasok ako sa skwelahan ng hindi nag aalmusal at uuwi ng walang hapunan. Isang araw, pumunta ako sa bus terminal. Hindi para maninda kundi para abangan yung mayamang lalake. Nagtanong-tanong ako sa mga kakilala ko kung sino at san sya matatagpuan. Siya pala si Mr. Mariano. Isang mayaman na negosyante at hindi rin halata na isa rin siyang druglord dahil sa mga negosyo nya. Pinuntahan ko ang bahay nila ng 8PM ng gabi habang umuulan at naglalakad sa daan ng mag-isa. Sa labas ng gate biglang may maliwanag na ilaw bumungad sa mukha ko at may sumisigaw na parang Security Guard sa loob. "Paki sabi po kay Ser Mariano nasa labas po ako, Miguel po pangalan ko." sagot ko sa security guard. Maya-maya pa ay pinapasok ako at nag-usap kami ni Mr. Mariano tunkol sa inalok nya sa akin nung nakaraang dalawang buwan. Dahil sa pangangailangan naging isang drug pusher ako. Hindi gaanong mabenta sa skwelahan dahil iilan lang ang gumagamit. Mas mabenta sa may terminal lalo na't hating gabi dahil maraming driver ng truck ang paparada, hihit-hit ng shabu para dilat lagi ang mata sa byahe. Nagkapera ako, nakabili ng laptop, naipagamot si Nanay, nabayaran ang lahat ng utang, nakapag bayad ng tuiton, nakalipat ng maayos at magandang tirahan, nakabili ng sariling motor. Gumanda nga ang buhay ko ngunit sa maling paraan. Pinangako ko sa sarili ko at kay inay na titigil ako kapag nakapag ipon pa ako. Ngunit ito lang pala ang maghahatid sakin papuntang impyerno. Nagsimula na ang kababalaghan sa buhay ko. Bukod sa dumarami ang pera, dumarami na rin ang pulis na nag maman-man sa akin. Kaya minabuti kong bumili ng mga kagamitang pang proteksyon gaya ng mga baril at pati tauhan. Hindi na ako ang naglalako, dahil nag silbing isa sa kanang-kamay na ako ni Mr. Mariano. Natuto na akong sumugal sa mga pasugalan, uminom, manigarilyo ngunit hindi ako gumagamit. Nagpasya na rin akong lumipat ng tirahan sa isang liblib na lugar sa kabilang baryo. Isang gabi, may raid na naganap sa bagong bahay ko. 6PM ng gabi, tinawagan ko lahat ng runner ko para mag deliver sa posto ng iba pang kasamahan. Lumabas ako ng bahay at tinawagn sila lahat. Nang maka punta sila sa bahay ay tila ba, naninibago ako sa kinikilos nila na para bang aligaga. Isa sa runner ko ay kahina-hinala ang kilos at siya lang ang laging naka sumbrero. Lumabas ako ng bahay at pagkatapos ay nag sindi ng yosi. Maya-maya pay may paparating na isa kong runner at sinabi na "Boss takas na bilis! May mga pulis na paparating!" ani nya sakin. Di kalayuan sa labas ng bahay may naaninag akong mga naka paradang sasakyan at biglang may lumabas na mga pulis. Na alarma ang lahat ng mga tao sa paligid at pati na ang mga runner ko sa loob ng bahay. Tumakbo ako sa kwarto at kinuha ko sa ilalim ng lamesa ang baril ko. Pagkatapos ay kinuha ang bag sa ilalim ng kama na may lamang pera. Habang nagmamadali ako biglang tinutukan ako ng baril ng isang runner na pinaghinalaan ko. "Bitawan mo yan Miguel at sumuko ka na." ani niya sakin. Nabaril ko agad ng hindi sinasadya at natamaan din niya ako kanang balikat. Nabitawan ko ang baril at pagkatapos ay dumaan ako sa bintana palabas ng bahay at pumasok sa kabilang bahay. Pag pasok ko deretcho ako sa likuran nila upang maka takas. Habang panay ang pag patak ng dugo ko sa bawat dinadaanan ko ay pilit ko paring tumakbo papalayo sa lugar na iyon. Nagtungo ako sa bahay ni Mr. Mariano na sugatan at halos di maka lakad. Humihingi ng tulong ngunit nakatayo lamang siya sa harap ko. Kinuha ng isa niyang body guard ang bag ko at pagkatapos ay sumunod na pinasan ako ng isa pang body guard niya papasok sa sasakyan. Walang kibo sakin si Mr. Mariano. Habang kaduda-duda rin ang galaw ng isang body guard si Dindo. Hindi ko gaanong kabisado ang daan na pinuntahan namin at alam kong hindi papuntang ospital iyon. Biglang pumreno ang sasakyan at pagkatapos ay bumaba ang driver na si Dindo. Pagkatapos ay binuksan ang pintuan at hinila ako palabas papuntang harapan ng sasakyan. Pilit kong tumayo kahit nahihirapan at sinabi na "Tulungan mo ako Dindo, dalhin mo ako sa ospital Dindo maawa ka." ani ko sa kanya. Ngunit bumunot siya ng baril at sinabi na "Pasensya na Miguel" at pagkatapos ay pinaputukan ako ng dalawang beses sa katawan. Para akong nabingi sa putok ng baril na narinig ko at dahan-dahan akong natumba. Tanging madilim na paligid, ilaw ng sasakyan, at walang emosyon na mukha ni Dindo ang nakikita ko habang dahan-dahan akong bumagsak. Namanhid ang buong katawan ko na para bang hindi ko naramdaman ang tama sa katawan ko. Naririnig ko ang boses ni inay at ni itay, tinatawag ang pangalan ko. Naririnig at nakikita ko ng dahan-dahan ko ang yapak ni Dindo paalis sa kinatatayuan nya, papasok sa sasakyan. Unti-unti ring lumalabo ang paningin ko. Parang nanaginip ako na nahuhulog at nilalamon ng lupa ang katawan ko mula sa hinihigaan ng patay kong katawan. Ngunit nakikita ko na kumakapit pa ang kaliwang kamay ko habang nararamdaman ko na nasusunog ang kalahati kong katawan. Isang nasusunog na syudad ang nakikita ko. Libo-libong boses ang naririnig ko, mga taong nagsisisi, umiiyak, sumisigaw, ingay ng latigo, nakakatakot na tawa, at babaeng sumisigaw ng tulong. Lahat ng iyon ay naririnig ay pumapasok sa taenga ko. Nararamdaman kirot sa kalahati ng katawan ko na parang sinusunog. May lumabas na mga insekto sa magkabilang taenga ko, ilong at daga na pilit lumalabas sa bibig ko na may kasamang itim na likido. Pumikit ako at pinagsisihan ang lahat, iniisip lahat ng maling nagawa. Hindi ko alam saan nangagaling ang lakas ko dahil kumakapit parin ang kaliwa kong kamay upang hindi mahulog sa lumalagablab at umaapoy na syudad. Biglang nag iba ang paligid. Kanina'y isang nag-aapoy na syudad, ngayo'y naging madilim na lugar at may mga lumulutang na sira-sirang bagay, mga putol at biyak na gusali sa paligid at lumulutang. Biglang may naririnig akong boses. "Bitawan mo na, wag kang mag aalala hindi ka pa doon ang bagsak mo." ani nang isang misteryosong boses. Nang lumingon ako kung saan naroroon ang boses ay nagulat ako dahil ang misteryosong boses na iyon ay isang demonyo, siya si Daemon.

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now