NoSleep Series : Sulat ng Naunang May-Ari ng Apartment (Parts 1-5)
Part 1
Lumipat ako kasama ng boyfriend ko na si Jamie sa isang Apartment. 5 years na kaming magkasama at na-isipan na naming umalis sa puder ng magulang namin. 24 na sya at 22 na ako.
Nagtatrabaho si Jamie sa isang 24 hour fast food restaurant at ako naman ay nagtetraining para maging isang ganap na guro at maliit lang ang sweldo habang ako ay nagtetraining palang.
Nung nakita namin ang advert tungkol sa bakanteng room ay agad agad na naming kinuha. 2 bedroom, balcony na tanaw ang siyudad at malapit ito sa convenience stores, kasama narin sa offer ang no deposit at no inspection.
Lumipat agad kami matapos makuha namin ang susi sa room. Nahirapan din kami sa paglipat ng gamit dahil narin nasa 7th floor ang room namin, room 42 kami. Mga gamit na di mapasok sa elevator ay kailangan idaan sa hagdan, buti nalang at nasa 7th floor kami kaya hindi mas natagalan ang mga taong tagalipat ng gamit.
Gabi narin ng matapos ang paglilipat ng gamit namin kaya ay nakatulog nalang kami sa mattress na inilagay namin sa sahig dahil di na namin na assemble ang bed at maytrabaho pa sa Jamie ng 4AM.
Pagkagising ko ay wala na si Jamie, ilang oras na siguro siyang naka-alis, habang nagkakape ako sa kusina ay binuksan ko ang mga cupboards at nakitang may mga iniwan palang mahahalagang gamit ang naunang mayari nito, extrang susi para sa room namin, mga susi sa bintana, batteries at yung sulat na naka tupi.
Ang sulat ay sulat kamay mismo ng naunang mayari ng room namin. "Para sa bagong mayari ng room 42".
"Para sa Bagong May-Ari,
Una sa lahat, welcome sa bago nyong tirahan kung saan 35 years ko ring tinirhan kasama ang asawa ko. Sa kasamaang palad ay namatay sya matapos ma-accidente sya dito. Napag desisyonan ng kapatid ko na ililipat nya ako sa bahay nila dahil narin sa matanda na ako at ako nalang ang nakatira rito.
Dahil narin matagal na akong nakatira dito at gusto kong ibahagi ang nalalaman ko sa bagong magaalaga nito kaya gusto kong malaman mo ang mga bagay patungkol dito sa apartment.
Kung gusto mong tumagal dito ay dapat malaman mo ang mga bagay na dapat mong sundin.
1. Hindi ka gugulohin ng Landlord dito, di sya bibisita sa room mo, di ka nya tatawagan or di sya makikiapag communicate sayo sa kahit anong paraan. Pero dapat kang magbayad sa saktong araw at kung may ipapaayos ka sa room nyo ay tawagan mo yung agent na nagparent sayo dito.
2. WAG NA WAG mo gamitin ang elevator sa mga pagitan ng oras na ito 1:11AM - 3:33AM. Isa ito sa mga importanteng bagay na kailangan mo malaman kung gusto mo mamuhay ng masaya dito.
3. Kung may madidinig kang mga tunog ng hayop galing sa room 48 ipagwalang bahala mo nalang ito. Doon nakatira si Mr. Prentice at mabuti syang tao, wag ka rin matakot mag greet sakanya, pero kahit anong mangyari wag mo puntahan ang room nya kung madidinig mo ang mga tunog na yun.
4. Kung may makita kang tao(window cleaner) sa balcony mo, hayaan mo lang ito. Aalis din sya kung papabayaan mo sya, wag na wag mo syang kausapin or offeran ng pagkain o pera.
5. Wag magiwan ng pagkain sa room mo. Itapon mo agad sa basurahan o ilagay sa ref ang tirang pagkain. Kung may alagang hayop ka man ay dapat mo linisin ang tirang pagkain nila matapos nila kumain. Ito ang rule 2 ay importante.
6. Wag makipag usap sa mga taong nagsasabi na taga room 65 to 72 sila. Itong mga room na ito ay nasunog noong 80's at lahat ng nakatira dito ay namatay sa sunog. Di na pinaayos ang room na iyon at wala ng tao dun. Pero may maririnig kang katok sa pinto mo at magpapakilala silang taga dun sila sa room nayun. Kung madidinig mo iyun ay ilock mo ang pinto, yan ang dahilan kaya may extrang dalawang lock ang pinto para di sila makapasok.
YOU ARE READING
Scary Stories (Unedited)
HorrorThe stories you're about to read are not mine. These are all from the Facebook fan page "Spookify". Note : These stories are not yet proofread (by yours truly) and only copy-paste directly from fan page to this account. Enjoy reading! Gamsahamnida...