Old Black Book (Pagsalakay Ng Mga Mangkukulam)

293 18 1
                                    

Old Black Book (Pagsalakay Ng Mga Mangkukulam)

Mula noong matuto si lola Pacing na gumamit ng mga orasyon mula sa itim na libro ay naging takbuhan na siya ng mga taong may hindi maipaliwanag na karamdaman.

Hindi naman isang manggagamot si lola Pacing. Pero tuwing may mga tao na hindi kayang gamutin ng mga kilalang albularyo sa lugar nila ay si lola Pacing na ang huli nilang pinupuntahan.

Gamit ang antigong salamin ay inaalam ni lola Pacing ang pinagmumulan ng sumpang natanggap ng mga pasyente niya.

At kapag nalaman na niya kung sino ang may gawa nito ay umuusal siya ng mga orasyon upang ibalik ang sumpa sa sinomang nagbigay nito.

Dahil dito ay nagkaroon si lola Pacing ng mga kalabang mangkukulam at mambabarang.

Kadalasan ay nasasawi ang mga mangkukulam na nababalikan ng kanilang sariling sumpa dahil doble na ang lakas nito.

Ngunit may iilan na nakakaligtas dahil sa kanilang pambihirang lakas at kaalaman sa itim na mahika.

Hindi naman lahat ng humihingi ng tulong kay lola Pacing ay nagagamot pa. Yung iba daw kasi ay masyado ng malubha ang karamdaman bago dalhin sa kanya.

Gaya na lamang ng isang nabiktima ng barang. Namamaga na raw ang buong katawan ng isang lalaki at ang balat niya ay nabibiyak na. Hindi na niya kaya pang lumakad kaya't si lola Pacing na ang pumunta sa kanyang bahay ngunit huli na dahil ilang minuto lang matapos dumating si lola Pacing ay bigla na lang daw nagsisigaw ang lalake sa sobrang sakit.

Naglabasan daw ang napakaraming maliliit na itim na bubuyog mula sa bibig, ilong, tainga, at sa mga sugat nung lalaki. Matapos makalabas lahat ng bubuyog sa katawan niya ay agad siyang namatay.

Bukod sa mga mangkukulam at mambabarang ay mayroon ding mga aswang na nakalaban sina lola Pacing at lolo Mario noong kabataan at kalakasan pa nila.

Kung mayroong mga aswang na gumagala sa paligid ng kanilang baryo ay sumasama sila sa mga tanod lalo na kung may nabiktima na ang mga ito.

Madalas na si lolo Mario ang nakakasagupa ng mga aswang dahil siya lang ang nakakatapat sa lakas at bilis ng mga ito.

Kinatatakutan ng mga aswang ang buntot-pagi na palaging bitbit ni lolo Mario tuwing sasama siya sa mga tanod ng baryo sa gabi.

Ang buntot-pagi ang itinuturing na pinakamalakas na sandata laban sa mga aswang dahil ang sugat na sanhi nito ay hindi agad gumagaling at kadalasan ay nagdudulot ng kamatayan.

Dahil dito ay marami ding nakaaway na mga aswang si lolo Mario. Ang mga aswang kasi ay mapaghiganti lalo na kung napatay sa labanan ang kanilang kapamilya.

Kaya naman palaging may mga panangga ang paligid ng bahay nina lolo Mario at lola Pacing upang maging depensa sa anumang kampon ng dilim na nagnanais silang atakihin.

Lingid sa kaalaman nina lola Pacing ay mayroong mga mangkukulam na bumuo ng sarili nilang grupo upang maghiganti kay lola.

Sila yung mga mangkukulam na nakalaban ni lola ngunit nakaligtas kaya't nagdesisyon silang magsagawa ng isang malaking pag-atake.

Isang gabi habang mahimbing na natutulog sina lolo at lola kasama ang kanilang mga anak ay bigla silang nagising dahil tila niyayanig ang kanilang bahay.

Sumilip sila sa labas ng bintana at laking gulat nila noong makita nila ang isang maitim na usok na kung kumilos ay akala mo ipo-ipong pilit na sinisira ang barrier sa paligid ng kanilang tahanan.

"Sinasalakay tayo ng isang malakas na mahikang itim!" Wika ni lola Pacing.

Lumabas sina lolo at lola sa bakuran at doon nila nakitang napapaligiran na pala ng mga itim na ipo-ipo ang paligid ng bahay nila!

Scary Stories (Unedited)Where stories live. Discover now